7 Nakaka-Panic Moments Kapag Naubusan Ka ng Cellphone Load

Blog

May 12, 2021

pps-wrong-send-huling-load

Para sa mga ordinaryong Pinoy, ang cellphone load ay isa sa mga importanteng bagay bukod sa pagkain at tubig. Minsan nang binansagan ang Pilipinas na text messaging capital of the world. Kaya sikat ang cellphone e-loading businesses sa bansa—mura at mabilis lang bumili ng load sa isang loading station.

Hanggang ngayon, kahit uso na ang Facebook at Twitter, milyun-milyong texts pa rin ang pinapadala sa bansa kada araw.

Naranasan mo na bang maubusan ng cellphone load kung kelan sobrang kailangan mong mag-text o tumawag? Kumusta ang feeling? 

Eto ang pitong nakakalokang eksena na akala mo meron kang load pero wala, wala, wala!

1. Nag-wrong send ka, pero huling load mo na pala 'yun.

na-wrong send gamit ang huling load
Photo courtesy of GIPHY

Wrong send ka kuno ng text kay crush pero pasimpleng nagpapapansin lang pala. Swabeng galawan 'yan! Kaso nagpanic ka, kaya gusto mong bumawi ng "sorry, wrong send!" Pero ubos na pala ang cellphone load mo. \'Yun lang! Sa presinto ka na lang magpaliwanag.

O aksidenteng kay kumpare mo napadala ang text mong "miz u na powhz" para kay mister—at 'yun na ang huling load mo. Mare, kailangan mo nang magpa-load agad bago pa mawasak ang inyong relasyon.

Eto ang isa pang masaklap na eksena: ka-text mo ang iyong katrabaho tungkol sa malupit n'yong boss. Sa dinami-rami ng contacts mo, kay boss mo pa talaga naipadala ang maaanghang mong texts. Lagot ka! Sugod na sa pinakamalapit na e-loading station bago ka masisante.

2. Makikipag-break na ang jowa mo sa text, pero wala kang pangreply o tawag.

walang pang-reply sa text
Photo courtesy of GIPHY

Wala na bang mas sasaklap sa breakup text mula sa iyong minamahal? Meron! 'Yung hindi ka makapag-reply dahil wala kang load. Nakaka-shookt, 'di ba? 'Yung hindi ka sigurado kung papansinin niya ang text o tawag mo, pero gusto mong magbaka-sakaling maisasalba mo pa ang inyong relasyon.

Kaya ito ang aming payo para sa mga mag-sweetheart: ugaliing bumili ng cellphone load para unli ang calls at texts ninyo. Nang sa gayon ay hindi humatong sa hiwalayan ang hindi ninyo pagkakaunawaan. Dahil ang susi sa matiwasay na relasyon ay walang putol na komunikasyon. And I thank you!

3. Naiwan mo ang sinasaing mo o plantsang nakasaksak sa bahay.

Habang bumabiyahe ka, bigla mong naalala: naiwan mo ang sinasaing mo! Naku, nakasaksak pa rin yata ang plantsa! 

Dali-dali mong nilabas ang cellphone mo para tawagan ang kasama mo sa bahay o ang kapitbahay para ipa-check. Pero iba ang sumagot: boses babae na ang sabi, wala ka nang load!

Kesa bumalik ka sa bahay (lalo na kung malayo ka na), hanap ka na lang ng pinakamalapit na e-loading station para mapanatag kang hindi mo dadatnang nasusunog ang bahay mo.

4. Pag-uwi mo, naka-lock ang bahay. Boom! Hindi mo pala dala ang susi!

Nag-text si misis: late silang makakauwi ng anak mo dahil binisita ang mga magulang niya. "Sakto," sabi mo sa sarili mo. "Makakapagpahinga ako sa bahay dahil maaga akong uuwi." 

Nang nakauwi ka na sa hapon, kinapa mo bulsa at bag mo—nawawala ang susi mo! Paano ka makakapasok at makakapagpahinga niyan? Kung kelan kailangan mong i-text ang asawa mo para pauwiin na sila, dun ka pa naubusan ng load.

Habang bukas pa ang cellphone e-loading station malapit sa 'yo, magpa-load ka na agad. 

5. May kausap ka para sa business o raket mo nang biglang naputol ang tawag.

Angry man gif
Photo courtesy of GIPHY

Ang saya mo kasi may umorder sa catering business mo, o may magandang raket na binigay sa'yo. Tumawag ka sa kliyente para sa mga detalye. Sa kalagitnaan ng tawag, naputol ang linya. Pag-check mo, ubos na pala ang cellphone load mo. 

Wrong timing! Nakaka-imbyerna! Bago pa magbago ang isip ng customer, \'wag ka nang mag-aksaya ng oras. Bumili ka na ng load agad para closed deal na at hindi ka mawalan ng kita.

6. Alalang-alala ka na dahil hindi pa umuuwi ang anak mo.

pag-aalala sa anak
Photo courtesy of GIPHY

Napuyat ka sa kakahintay sa anak mong college student. Umaga na, wala pa rin. Ni ha, ni ho, walang paramdam. Napa-praning ka na kasi lagi siyang nagte-text dati kapag gagabihin o uumagahin siya. Kung kelan kailangan mong tawagan siya para malaman kung nasaan na siya at ano'ng oras siya uuwi, dun ka pa walang load. 

Umuusok na ba ang tenga mo sa kunsumisyon? Tumataas na ang presyon sa sobrang pag-aalala? Go na sa isang e-loading station para matawagan mo na si bunso. Malay mo, wala rin pala siyang load kaya hindi ka niya makontak. Pasahan mo na rin siya ng load para ma-update ka niya.

7. Need mong i-text ang anak mo na napadala mo na ang pang-tuition niya.

napadala mo na ang tuition
Photo courtesy of Palawan Pawnshop - Palawan Express Pera Padala Facebook page

Ngayon na ang due date ng bayaran ng tuition ng anak mo. Dahil gipit ka, pumunta ka agad sa Palawan Pawnshop para isangla ang wedding ring mo at ipadala agad ang pera para maihabol sa anak mong kinakabahan kung makakapag-finals ba siya. 

Kailangang malaman agad ng anak mo kung nakapagpadala ka na ng pang-tuition niya. Kung wala kang load, eh ‘wag mag-panic Suki, dahil may sistema tayong nagpapadali ng proseso how you can track remittances – isang text lang mula sa Palawan Pawnshop, ma-u-update na si anak. Sa paraan ng text updates na ‘to malalaman ng anak mo kapag ready na for pickup ang pang-tuition ‘nya. Paalalahanan mo lamang magdala ng isa sa anumang mga type of IDs acepted sa ating mga branch para ma-claim ‘nya ang pera.

Pero syempre, dahil gusto mong makausap siya mismo para i-check kung natanggap ‘nya na, eh ayun na nga Suki, magpa-load ka na. Habang nasa Palawan Pawnshop ka na rin, bumili ka na ng load bago ka umalis. May E-loading station ang lahat ng Palawan Pawnshop branches kaya napaka-convenient magpa-load dito matapos mong magsangla, magpadala ng pera, o magbayad ng utility bills. Ito ang one-stop money services shop na talagang maaasahan mo sa oras ng matinding pangangailangan!

palawan pawnshop one stop money services

 

Share: