Mga Taong Dapat Pasalamatan Ngayong Pasko

Blog

March 19, 2021

mga-taong-dapat-pasalamatan

Ilang araw na lang mga suki, pasko na naman! Halos lahat tayo nag-aabang sa pinakapaborito nating araw sa buong taon. Siyempre hindi mawawala ang Christmas Day national anthem sa Pilipinas, ang Christmas in our Hearts at All I Want for Christmas is You ni pareng Jose Maria Chan at Mareng Mariah Carey. Humanda na rin siyempre sa mga gastos at bilihin dahil siguradong magiging magastos ang mga susunod na araw dahil sa magkakasunod na shopping. 

Pero bago tayo tuluyang magpakahumaling sa Christmas day spirit at craze, huwag natin kalimutan ang tunay na halaga at diwa ng pagdiriwang ng pasko sa Pilipinas: ang magpasalamat sa mga tao at modern day heroes na tumulong at nagpasaya sa’tin sa simula pa lang ng taon.

Kung kailangan mo ng tulong para maalala ang mga taong kailangan mong sabihan ng ‘thank you!’ suki, basahin mo ang article na ito para wala kang makalimutan!

1. Magpasalamat sa pamilya’t kamag-anak

pasasalamat-pamilyaPhoto courtesy of AndisBilderwerkstatt via Pixabay

Suki, what is Christmas kung di mo makasasama ang iyong pamilya? Siyempre kung mayroon tayong dapat pasalamatan ngayong Christmas season, ‘yun dapat ang ating mga pamilya’t kamag-anak na laging naririyan sa ating paglaki.

Say ‘thank you’ at ‘I love you’ ngayong Pasko sa iyong mga magulang, kapatid, pinsan, at kay lolo’t lola dahil we became the person who we are because of them. Sabi nga nila, blood is thicker than water. 

2. Magpasalamat sa iyong barkada

magpasalamat-sa-barkadaPhoto Courtesy of Fancycrave1 via Pixabay

Ang mga kaibigan natin ang ating second family. Lagi silang nandyan para bigyan tayo ng advice sa love life natin, ipaalala ang worth natin as a person tuwing malungkot tayo, at higit sa lahat, sila ang pinaka-unang nagpapasaya sa’tin sa mga unli-kwentuhan sessions.

Say thank you ngayong Pasko saiyong BFF, Frenny, Frennemie, at Beshie para ipaalala sa kanila na mahalaga silang bahagi ng buhay natin. Ibahagi sa kanila ang Christmas spirit para maramdaman nila na sila ang pamilya natin outside our own homes.

3. Magpasalamat sa iyong kasambahay

magpasalamat-sa-kasambahayPhoto courtesy of PublicDomainPictures via Pixabay

Malaki ang utang na loob natin sa mga kasambahay na bukod sa nagpapanatili ng kalinisan ng ating mga bahay, tumutulong din minsan sa pagpapalaki ng mga bata kung busy sa work si mommy at daddy. Minsan kailangan pa nilang lisanin ang malayo nilang probinsya para lang makapagtrabaho. Kaya nga malaki ang pasasalamat nila sa Philippine’s most trusted kasambahay pera padala partner para masigurado nilang naipapapadala nang mabilis at ligtas ang ipon nila.

Ngayong Pasko, make them feel that they are truly part of the family sa pagsasabi ng thank you sa kanila. Iparamdam natin na lahat ng sakripisyo nila ay worth it dahil malaki silang bahagi ng ating buhay. 

4. Magpasalamat sa iyong mga guro

magpasalamat-sa-guroPhoto Courtesy of Mentatdgt via Pexels 

Speaking of families outside our homes, huwag din natin hayaang dumating at lumipas ang Christmas Day nang hindi nagpapasalamat sa mga guro, propesor, at mentor natin na tumayo bilang pangalawang magulang natin sa paaralan para maging handa tayo sa realidad ng buhay.

Say thank you ngayong Pasko sa mga naging guro natin sa pamamagitan ng pagbisita, pagsulat ng liham, o kahit simpleng pag-text o chat sa kanila bagaman pinahirapan tayo sa kani-kanilang mga subject noong nasa school pa tayo. Marami silang sinakripisyo para sa makamit natin ang tagumpay natin ngayon.

5. Magpasalamat sa iyong boss at mga ka-opisina

magpasalamat-sa-bossPhoto Courtesy of Blackmachinex via Pixabay 

Suki, bukod sa paborito mong linya ng Aegis na “ibigay mo na ang aming Christmas bonus,” tandaan na kailangan din na magsabi ng pasasalamat sa iyong boss sa ibinigay niyang opportunity para makaroon ka ng pagkakataon na mag-grow sa iyong trabaho. 

Sa parehong gana, don’t forget to say thank you din ngayong Pasko sa ating mga office mates na tumutulong sa’tin pagaanin ang ating workload sa araw-araw dahil sa mga masasayang pagkakataon at moments na pinagsamahan. 

6. Magpasalamat sa mga ate at kuya guards

magpasalamat-sa-guardsPhoto Courtesy of Cocoparisienne via Pixabay

Bakit naman natin makalilimutang ibahagi ang Christmas spirit sa mga ate’t kuya guards na parang mga parol ang liwanag ng ngiti tuwing makikita tayong pumapasok sa umaga. Ibalik natin ang kindness sa kanila at ibigay ang regalo ng pagpapasalamat ngayong Pasko para maramdaman nilang mahalaga ang ginagampanan nilang trabaho para panatilihing ligtas ang ating working space.

7. Magpasalamat sa mga manong drivers

magpasalamat-sa-manong-driversPhoto Courtesy of 2704056 via Pixabay

 

 

Hindi tayo makakarating sa’ting mga kaniya-kaniyang school o work, o kahit anumang destinasyon kung walang mga masisikap na manong drivers na nagtyatyagang batain ang mabigat na traffic para lang maihatid tayo nang ligtas. 

This Christmas, huwag mahiyang iparating ang pasasalamat sa mga manong drivers na tinitiis ang lahat ng problema sa ating lansangan para mairaos hindi lamang ang kanilang mga pamilya, kung hindi pati ang mga commuters at pasaherong kanilang natutulungan.

8. Magpasalamat sa mga financial aid centers

magpasalamat-sa-financial-aid-centersPhoto courtesy of span style="font-weight: 400;">NoSheep via Pixabay

Katulad ng nabanggit kanina, Christmas this December 2019 is fast approaching pero mas mabilis din maubos ang pera natin dahil sa dami ng gastos para pagkain, regalo, at iba’t ibang Christmas designs tulad ng Christmas trees.  Kaya nga suki, buti na lang nandyan ang Palawan Pawnshop Pera Padala na handang tumulong sa ’tin sakaling kailangan natin ng financial na tulong sa ating mga kakilala. Siyempre, kung na sa Palawan Express, huwag nating kalimutang magsabi ng thank you sa teller para sa kanilang tapat na serbisyo ngayon pasko. 

9. Magpasalamat sa mga janitors at janitress

magpasalamat-sa-mga-janitorsPhoto Courtesy of Verne Ho via Unsplash

Sila ang dahilan kung bakit nananatiling malinis ang kapaligiran natin kahit minsan nakalilimutan nating linisin ang mga sarili nating kalat. Madalas sila ang unang pumapasok ng office para masiguradong squeaky clean ang workspace natin, at sila rin ang huling umuuwi para masiguradong matiwasay ang lugar na papasukan natin kinaumagahan.

Say thank you ngayon Pasko sa mga janitors at janitress sa pamamagitan ng pagiging mas responsable sa ating mga kalat. Itapon ang mga basura sa tamang basurahan para matulungan natin sila sa kanilang trabaho. 

Pasko nanaman at kay tulin ng araw! Pero tandaan natin na kahit wala pang December, kailangang hindi lang natin ipinapakita ang Christmas spirit natin sa mga designs, kung hindi pati sa ’ting pakikipagkapwa-tao. Ibahagi at alalahanin ang tunay na diwa ng Pasko sa pamamagitan ng simpleng pagsasabi ng ‘thank you!’ o kaya ‘salamat!’ sa mga taong tumulong sa atin buong taon nang ‘di natin namamalayan.

Share: