-
Services
-
Pera Padala
Mura, mabilis, at walang kuskos-balungos! Palawan Express Pera Padala is a fast, easy, convenient, and simple domestic money remittance service brought to you by Palawan Pawnshop. Learn more about us here today!
-
Pawning
Always the Matatag, Maaasahan, and Mapagkakatiwalaan. With over 3,000 branches nationwide, Palawan Pawnshop accepts gold jewelry items with high appraisal and lowest interest rates at a fast and reliable service. Pawn now!
-
International Remittance
Fast, Reliable, Affordable, and Hassle-free International Money Transfer.
-
-
Partner With Us
-
International Partner
Palawan Express Pera Padala is continuously expanding its network through partnership with reputable remittance companies worldwide to deliver fast and secure remittance payout to millions of Filipino beneficiaries in the country.
-
Corporate Client
Palawan Express Pera Padala offers tailored partnerships to meet client’s strategic business objectives. We render corporate solutions to make sure client accounts are profitable and growing.
-
Domestic Partner
Palawan Express Pera Padala widens its network through accrediting reputable entities as Authorized Agents. This greatly helps our valued customers to quick and easy access to Palawan Express remittance services across the country.
-
- Press Room
- Promos
- Advocacy
- FAQs
- About Us
- Careers
Christmas on a Budget: 12 Tipid Tips Para sa Masayang Pasko
November 24, 2020
‘Ber-months’ na naman Suki and you know what that means, Christmas is in the air! Pero dahil pandemic pa rin ngayon, syempre wala munang malalakihang Christmas party.
Nonetheless, hindi naman ibig sabihin eh hindi na kayo magse-celebrate as a family ng pasko at bagong taon. Bilang isang wais na Suki ng Palawan Pawnshop, for sure gusto mo ng mga tipid tips para nakapag-enjoy na kayo as a family, hindi ba nabutas ang bulsa ninyo.
Kung pagtitipid lang ang usapan, kami ang bahala sa’yo, dear Suki! Ito ang 12 solid tips na makakatulong sa iyo na mag-budget, mag-ipon, at magka-pera ngayong pasko! Oha, hindi lang saving tips for Christmas ang handog namin sa’yo Suki kundi tips rin para kumita ka pa ng extra.
1. Alamin kung magkano ang expenses mo last year
Photo courtesy of stevepb via Pixabay
Ang hindi lumingon sa pinanggalingan ay mauubusan ng pera sa kinabukasan. Sinabi ‘yan ng ating Pambasang Bayani – ay wait, hindi ba? Ah basta, ang point ay magandang tignan muna kung paano ka gumastos dati. Sa tulong nito, malalaman mo kung meron ka bang maling nagawa sa paggastos mo, at kung ano pa ang pwede mong gawin para mas makatipid sa pagdiriwang ng maligayang pasko at manigong bagong taon.
Pwede mong i-lista ang estimate ng presyo ng mga nagastos mo last year sa pagkain, regalo, decorations, at iba pang pinagkagastusan mo noong pasko. I-lista ito sa papel at gamitin ito sa pagpa-plano ng budget para sa Christmas party ngayong taon.
2. Maglaan ng tamang budget
Dahil may rough estimate ka na ng nakaraang gastusin at may idea ka naman na ng mga presyo ng mga bilihin sa grocery dahil sa iyong pamimili every month, magiging madali na sa’yo ang pagse-set ng tamang budget para sa paskong pinoy ‘nyo ngayong taon.
Isa pa, bagama’t nakakatempt na mag splurge sa Christmas celebrations this year, tandaan na hindi lang naman sa pasko umiikot ang buhay natin, Suki. Napakarami pa nating kailangang bayaran at pagkagastusan bukod pa sa holidays. Kaya isa sa mga wais tipid tips na dapat mong tandaan ay bahagi lamang ng iyong pera ang itabi mo as Christmas budget. Hindi dapat ibuhos ang lahat ng savings para sa mga regalo o handa.
Maging priority mo sana ang paglalaan ng pera para sa mga gastusin sa bahay at sa emergency fund mo bago ka magsimulang maghiwalay ng pera para sa pasko. Lalo na’t laganap pa rin ang pandemic hanggang ngayon, dapat na maging goal mo ang mai-save ang iyong 13th month pay imbis na ubusin agad ito nang di namamalayan.
3. Make a shopping at gift list
Para matiyak na hindi ka mag-o-over budget, gumawa ka ng listahan ng mga taong gusto mong bigyan ng regalo sa pasko, mga decorations na plano mong bilhin, at mga pagkain na plano mong ihanda para sa Noche Buena at Media Noche. Pwede mo ring i-lista ang mga palaro sa Christmas party ‘nyo nang sa gayon ay maisama mo sa budget ang mga props at prizes na kakailanganin.
Sa paggawa ng listahan, makikita mo kung praktikal ba ang naka-set mong plano para sa iyong Christmas expenses o kung kinakailangan mong mag cutback nang konti sa planned expenses at nang magkasya ang iyong naitabing pera.
4. Save early
Photo courtesy of Joslyn Pickens via Pexels
Of course, the best way to save up is to do it early. Sa ganitong paraan, hindi ka masyadong mape-pressure na magtabi agad ng sobrang laking pera para maabot ang iyong desired budget. Isa pa, the earlier you save, the more you save, Suki.
5. Mamili ng maaga
Photo courtesy of ccipeggy via Pexels
Kapag papalapit na ang pasko, hindi lang mga tao ang nagmamahalan, sumasabay pati mga bilihin. Kaya naman bilang isa sa mga tipid tips para sa pasko ay ang pamimili nang maaga. Kung posible Suki, bago pa dumating ang ber-months eh mamili ka na ng mga regalo, dekorasyon.
Matutuklasan mo na mas mura ng ilang piso o sentimo ang mga grocery at gift items sa mga panahon na ito. Kapag inipon mo ang papiso-piso mong natipid sa pamimili nang maaga, may maitatabi ka pang extra para sa ibang bagay na kailangan mong pagkagastusan.
6. Cook healthy
Photo courtesy of Ella Olsson via Pexels
Health is wealth, Suki. Bagama’t masarap kumain tuwing Christmas season, malaki pa rin ang matitipid natin kung hindi tayo magkakasakit. Kaya naman, isa sa mga tipid tips na pwede mong sundin ay ang pagluluto ng healthy food. Hindi naman ibig sabihin, eh, maging vegetarian na ang buong family.
Pwedeng maghanda kayo ng mga gulay sa pasko tulad ng pinakbet at chopsuey. Sa halip na magkarne, pwede mong i-substitute ang tokwa bilang protein sa iyong mga lutuin. Pwede mo rin itong gamiting healthy extenders sa paborito n’yong shanghai tuwing handaan.
Kapag sinunod mo itong payo’ng ito Suki, hindi ka lang makakatipid, mapapanatili mo pa ang iyong kalusugan.
7. Do-it-yourself Christmas decorations and gifts
Photo courtesy of Pavel Danilyuk via Pexels
Nitong quarantine period, narealize natin ang ating mga hidden talents at natuto rin tayo ng ilang life skills. Kaya naman ang isa pa sa mga tipid tips ngayong Pasko ay ang pag di-DIY o pagre-recycle ng mga Christmas gifts at decorations.
Maraming online tutorials ang pwede mong panuorin o sundin sa paggawa ng mga budget-friendly, paskong pinoy decorations. At kung magiging goal mo rin ang paggawa ng mga personalized na mga regalo, mas matutuwa ang pagbibigyan mo dahil hindi lang pera ang ginastos mo kundi pati pagod at oras mo.
Kung gusto mong pagkakitaan ang new-found hobby mo, pwede mo rin namang ibenta ‘yan online. Malay mo maging stable business mo na rin ‘yan in the future!
8. Buy a special gold gift sa Palawan Pawnshop Bili-Sangla
Photo courtesy of 4935210 via Pixabay
Syempre Suki may mga special someone tayo na deserve ng extra special gifts tulad ng gold jewelries. Kung gusto mong regaluhan ang iyong someone special ng 5 golden rings o iba pa nang hindi nabubutas ang bulsa mo, punta na sa Palawan Pawnshop at tingnan ang mga items on sale. Makakasigurado kang pawnable gold ang mga ito, of high quality, at one of a kind.
9. Abang abang ng sale
Photo courtesy of Polina Tankilevitch via Pexels
Kung may gusto ka pang bilhing regalo para sa sarili mo o sa mga mahal mo sa buhay ngayong pasko, maaari ka ring makatipid ‘pag abangers ka sa mga sale at discounts. Kadalasan na sunod-sunod ang mga Christmas at year-end sale tuwing ber-months kaya masayang mag-shopping sa panahon na ito.
Tiyakin lang Suki na huwag kang maakit masyado ng mga salitang ‘sale’ at ‘discount’ at iwasang mag-overspend. Bilhin lamang ang mga items na sinulat mo sa shopping list mo. Isa pa, maging matalino at mabusisi sa mga online sale na makikita mo. If it seems too good to be true, maging maingat para makaiwas ka sa mga holiday scam na naglipana, Suki!
Baka hindi lang ung ibabayad mo sa kanila ang mawala sayo, worse, baka makuha pa nila ang mga personal information mo at gamitin ito para mahack ang profile mo, pati online banking account mo.
Ngayong nakapaglista na tayo ng ilang mga tipid tips para maingatan ang Christmas budget, pag-usapan naman natin kung paano patabain ‘yang wallet mo with extra income, Suki!
10. Ibenta ang mga hindi na ginagamit na bagay sa bahay
Isa sa mga pinakamadaling paraan para kumita ngayon ay ang pagde-decluter at pagbebenta ng mga bagay that ‘don’t spark joy in your life’, Suki. Kaya hanapin na ang mga gamit sa bahay na mahigit isang taon niyo nang hindi ginagamit at naka-stock lang.
Ito na ang panahon para ipagamit na sila sa ibang tao. Sakto din ito Suki para hindi mapuno nang masyadong gamit ang bahay niyo sa papasok na pasko at bagong taon. Kumita ka na, nakapagbawas ka pa ng mga ‘di mo na kailangan, at nakatulong ka pa! O ‘di ba? Sobrang wais na tipid tip lang!
11. Maghanap ng raket
Kung kaya pa ng katawang-lupa mo na maghanap ng extra work, bakit hindi? Maraming freelance at home-based job openings ngayon tulad ng freelance writer, translator, encoder, o kaya naman ay Palawan Pawnshop agent.
Kung may full-time work ka na Suki, siguraduhin mong hindi masyadong stressful ang kukunin mong raket. Hindi naman din makakatulong ang maraming pera kung pagod na pagod ka na’t hindi na nakakapagpahinga. Tamang self-care din tayo dito, Suki!
12. Kapag gipit, sa Palawan Pawnshop kumapit
Kung sa kabila ng pagsisikap mo na sundin ang mga tipid tips na ito para sa pasko eh kailangan mo pa rin ng pandagdag sa budget mo, huwag kang mawalan ng pag-asa, Suki. Pwede mong subukang magsangla ng iyong gold items sa pinakamalapit na Palawan Pawnshop branch sa inyo. Dahil mababa ang interest rates dito, talagang wagi ka kapag dito ka nag-sangla ng ginto mo.
Sana’y makatulong ang 12 tipid tips na ito sa’yo Suki. Just remember, tungkol man sa pagmamahalan at pagbibigayan ang Pasko, hindi dapat laging mahal ang ibibigay. It’s the thought that counts. Maligayang pag-iipon at pagtitipid, Suki!
Related Article
-
Palawan Pawnshop Pet Insurance Para ProtekTODO si Bantay
Blog05 / 29 / 2024
-
Palawan Pawnshop: Your One-Stop Shop for Bills Payment Needs
Blog05 / 29 / 2024