-
Services
-
Pera Padala
Mura, mabilis, at walang kuskos-balungos! Palawan Express Pera Padala is a fast, easy, convenient, and simple domestic money remittance service brought to you by Palawan Pawnshop. Learn more about us here today!
-
Pawning
Always the Matatag, Maaasahan, and Mapagkakatiwalaan. With over 3,000 branches nationwide, Palawan Pawnshop accepts gold jewelry items with high appraisal and lowest interest rates at a fast and reliable service. Pawn now!
-
International Remittance
Fast, Reliable, Affordable, and Hassle-free International Money Transfer.
-
-
Partner With Us
-
International Partner
Palawan Express Pera Padala is continuously expanding its network through partnership with reputable remittance companies worldwide to deliver fast and secure remittance payout to millions of Filipino beneficiaries in the country.
-
Corporate Client
Palawan Express Pera Padala offers tailored partnerships to meet client’s strategic business objectives. We render corporate solutions to make sure client accounts are profitable and growing.
-
Domestic Partner
Palawan Express Pera Padala widens its network through accrediting reputable entities as Authorized Agents. This greatly helps our valued customers to quick and easy access to Palawan Express remittance services across the country.
-
- Press Room
- Promos
- Advocacy
- FAQs
- About Us
- Careers
10 Unique Na Bagay Na Magpapakumpleto Ng Paskong Pinoy Mo
March 19, 2021
Photo by freestocks.org on Unsplash
Mga suki, nalalapit na ang pasko! Pero sa totoo lang, nagsimula na ang Paskong Pinoy nang pumatak ang unang araw ng Setyembre.
Isa lang iyan sa kakaibang mga tradisyon ng Pinoy tuwing pasko. Worldwide kaya ang pagiging sikat ng mga Pilipino dahil sa haba ng pagse-celebrate natin ng pasko! Sorry sa mga artista diyan, pero 4-month long celebration ang birthday ni Papa Jesus dito sa’min.
Kung merong hindi sakop ng Filipino Time, ‘yun ay ang paghahanda para sa Christmas. Ang lahi natin, palaging excited sa mga ilaw, handaan, at reunion ng pamilya—kaya naman sa sobrang importante sa’tin ng pasko, 4 na buong buwan ang nakalaan para sa paghahanda para dito.
Anu-ano nga ba ang nagpapakumpleto ng Paskong Pinoy? Narito ang top 10 Paskong Pinoy Essentials para sa masayang Christmas season!
1. Pangmalakasang Family Reunion
Photo by Lisa Fotios from Pexels
May tatalo pa ba sa family reunion ng Pinoy tuwing Pasko? Syempre, palakihan ng party ‘yan. Pagandahan ng venue, pasarapan ng handa, pagalingan sa Christmas party games. Pero sa totoo lang, kahit naman simpleng pansit at softdrinks sa bahay ni Tito at Tita, solb na.
Mas nagiging espesyal pa ang mga reunion kapag nakakauwi ang mga OFW na paminsan lang makasama ang mga pamilya nila. Baon ang maraming kwento mula abroad, sabik na sabik ang ating mga bagong bayani na makapiling ang kanilang mga kaanak, may pasalubong man o wala.
Hindi nga sapat ang isang gabi para dito, ang iba, araw talaga ang nilalaan para sa pagkikita ng magkakamag-anak. Hindi sapat ang ilang oras para sa unli na tawa, yakap, at kuwentuhan.
2. Pagmano at paghingi ng Aguinaldo
Kung mayroon pang isang unli sa mga reunion, ‘yon ay ang mga pagmamano sa mga lolo at lola, tito at tita. At kung swertehin, may kasunod ‘yong Aguinaldo mula sa kanila. Pera man o laruan para sa mga bata, kahit anong maliit na matatanggap ay pinasasalamatan.
Pero kung isa ka nang tito o tita, ninong o ninang, baka kailanganin mong magtipid-tipid na. Mangangawit ka sa kakapamano, pero magsisisi din ang bulsa mo kung hindi mo paghandaan ang mga reunion.
3. Monito-Monita
Photo by Porapak Apichodilok from Pexels
Liban pa sa paghingi ng Aguinaldo, andiyan din ang Pinoy version ng Secret Santa, kung saan nagbubunutan ang mag-anak o magkakaibigan para sa pagbibigayan ng mga Christmas gift sa Pasko.
4. Pagdalo sa Simbang Gabi
Photo by Shelagh Murphy from Pexels
Isa pang pinasasalamatan tuwing Christmas season ay ang taong nagdaan, at ang mga taong nakasama natin dito. Isang paraan para magpasalamat ay ang pagsisimba, bilang parte na rin ng selebrasyon ng birthday ni Papa Jesus.
Hindi man madali kumpletuhin ang siyam na araw ng Simbang Gabi, lalo na sa pagiging hectic ng eskwela’t trabaho, pero sinisikap talaga ng mga Pinoy ang pagtapos nito nang buo. Sabi pa nga ng matatanda, puwede kang magwish matapos mong mapuntahan ang lahat ng siyam na simbang gabi.
Kung totoo man ‘yon o hindi, ang importante ay ang oras na inilaan natin para magpasalamat hindi lang para sa mga blessing na natanggap, pero puwedeng pati na rin sa mga problemang nakuha natin nitong nagdaang taon, at kung paano natin ito nalampasan at napagtagumpayan.
5. Pagme-meryenda matapos ang Simbang Gabi
Photo by Irina Anastasiu from Pexels
Syempre, hindi kumpleto ang Christmas tradition ng simbang gabi kung walang tsibog pagtapos ng misa. At ang paboritong meryenda ng Pinoy paglabas ng simbahan ay ang puto bumbong at bibingka.
Mainit-init at malinamnam, perpek para sa lamig ng gabi at mga walang kayakap ngayong holiday season.
At kung hindi lang tuwing simbang gabi mo gustong makakain ng puto bumbong at bibingka, subukan mong dayuhin ang ilan sa pinakamasasarap na simbang gabi meryenda sa bansa.
6. Pamamasko
September pa lang, dinig mo na ang Ang pasko ay sumapit, tayo na at mangagsiawit sa labas ng bahay mo. Mayroon pang mga remix version ang mga kanta ng mga bata, o kahit ng matatandang game pa rin mamasko. Mayroong mga naka-costume, may choreography, at may instrument accompaniment.
Lumalabas talaga ang creativity ng mga Pinoy sa pamamasko, pati na rin sa pagpapatawad. Hindi naman porket ramdam na sa mga lansangan ang pasko, ay feel na rin ng mga budget ng mga tao. Sorry, iho, try again in 4 months.
7. Pagandahan ng Parol
Photo by Marta Branco from Pexels
Isa pang Christmas tradition ng mga Pinoy ang pabonggahan ng parol. Mas malaki, mas maliwanag, mas maganda! Hindi nga rin mawawala ang parol contest sa mga barangay at paaralan.
Pasko na talaga pag nakikita mo nang nagkukumpulan ang magkakapitbahay, may dala-dalang mga crepe paper, kahoy, plastik na bote, at glue gun--- handa sumabak sa gera ng mga barangay, kung saan ang armas ay mga parol.
Nariyan din ang mga DIY parol ng mga bata para isabit sa eskwela. Kanya-kanyang hingi ng tulong sa ate o kuya, o kaya naman kanya-kanyang hingi ng pera sa nanay at tatay para bumili na lang kaysa gumawa.
Marami na ring ibang gimik sa mga parol; may mga umiilaw at tumutunog. Pero magaganda rin ang mga recycled na parol, gawa sa mga materyales na nakukuha sa basura o lumang gamit sa bahay.
Dahil sa totoo lang, hindi naman kailangan bongga talaga ang parol; kung ang bet mo ay ‘yong tipong kita na sa Mars ang liwanag, o ‘yong keychain lang, okay pa rin naman.
Ang mahalaga, maipakita ang creativity ng bawat isa sa pagdiriwang ng pasko. Hindi naman judge si Papa Jesus ng parol contest; lahat ‘yan pare-parehas maniningning sa paningin niya.
8. Pagtsibog sa Noche Buena
Photo by Kaboompics.com via Pexels
Syempre, hindi mawawala ang Noche Buena sa listahan. Isa pa naman sa pinakahihintay ng mga Pinoy ang handaan tuwing Pasko.
Star ng pasko ang hamon ni Lola, o kaya naman ang fruit salad ni Tita. Walang tatalo sa salo-salo ng pamilya tuwing Pasko. Kahit ang pinaka-karaniwang putahe, nag-iiba ang lasa sa ilalim ng mga Christmas light at sa piling ng mga kaanak. Mas malaman ang kwentuhan, mas maaliwalas ang mga ilaw.
9. Pagkain ng Quezo de Bola
Photo by Pixabay via Pexels
At ang pinaka-bida sa Noche Buena, ang kinasasabikang Quezo de Bola, na sa pagdating ng pasko ay pinipilahan at pinag-aagawan sa mga bilihan. Hindi kumpleto ang handaan kung hindi ito nakagitna sa mesa, katabi ng matingkad na ham at spaghetti, o ‘di kaya naman ang espesyal na putahe ng angkan.
10. Pagdaos ng Panunuluyan
At ang huling tampok na Christmas tradition ng Paskong Pinoy ay ang ‘Panunuluyan,’ ang pagsasadula ng paglalakbay ni Mama Mary at St. Joseph noong naghahanap sila ng matutuluyan sa panganganak kay baby Jesus.
Kadalasan, ginagawa ‘to sa huling simbang gabi, sa gabi ng Noche Buena. Ito ang highlight ng Misa de Gallo, o misa sa hatinggabi. Dinadagsa ‘to ng mga mga Pinoy para panoorin ang pagri-reenact ng pagkapanganak ni Papa Jesus, at ang pagsapit ng unang pasko.
Simbolo rin ‘yon ng pagiging matatag ng pamilya sa harap ng kahirapan, na best quality din naman talaga ng mga Pinoy.
Kaya naman sobrang sabik na sabik ang Pinoy sa kapaskuhan; nakaka-relate ang mga Pilipino sa sakripisyo ng magulang para sa anak, sa katatagan ng pamilya. Dahil may handa, ilaw, o Aguinaldo man o wala, basta kumpleto ang pamilya, kumpleto ang pasko.
Related Article
-
Palawan Pawnshop Pet Insurance Para ProtekTODO si Bantay
Blog05 / 29 / 2024
-
Palawan Pawnshop: Your One-Stop Shop for Bills Payment Needs
Blog05 / 29 / 2024