Paunlarin ang Pera Padala Galing Abroad

Blog

March 19, 2021

paunlarin-abroad-pera-padala

paliparanPhoto courtesy of chuttersnap via Unsplash

Mahirap magtrabaho, pero mas mahirap magtrabaho kapag daan-daan o libu-libong kilometro ang namamagitan sa iyo at sa mga mahal mo sa buhay. Kung may kapamilya ka na OFW, malamang na lagi kang sabik na makasama sa Pilipinas ang mga mahal mo abroad. Kung isa ka naman na OFW, malamang hindi mo alintana ang hirap at lumbay maitaguyod lang ang pamilya. Ika nga, “pera padala is life.”

Dahil mahalagang matanggap ng pamilya mo ang pinaghirapan mong pera, gamitin ang pera padala ng Palawan Pawnshop—ang mura, mabilis, at walang kuskos-balungos na serbisyong money remittance sa Pilipinas! Panatag kang magpadala ng pera from abroad at hindi pa mahihirapan ang kapamilya mo na matanggap ito sa dami ng branches sa iba’t ibang parte ng bansa!

Ngayong natanggap mo na ang remittance ng iyong kapamilyang OFW, huwag kalimutang magtabi ng pera para mag-invest. Ang pera, kahit kaunti, kung alam mong paunlarin, malayo ang mararating. Ayon sa column ni Sen. Manny Villar sa Tempo, ang pag-iipon ng pera at pag-iinvest nito ay tulong para sa ating mga OFW at mga manggagawa sa Pilipinas. Ito ay para hindi na nila kailanganin pa na magtrabaho abroad o mangibang-bansa para kumita ng pera at itaguyod ang pamilya. Kaya naman, maging wais na suki ng Palawan Pawnshop at subukan ang simple investments na ito:

Pooled Investments: Mutual Funds & Unit Investment Trust Fund (UITF)

pooled-investmentPhoto courtesy of rawpixel.com via Pexels

For as low as PhP5000.00 pwede ka nang mag-invest sa mga mutual funds o UITF. Ang mutual funds at UITFs ay pooled funds. Ibig sabihin, ang pera ng mga mag-iinvest dito ay pinagsasama-sama at iniinvest at inaasikaso ng mga investment professionals. Ang mutual fund ay ino-offer ng mga investment companies tulad ng: ALFM Mutual Funds, First Metro Asset Management Inc. (FAMI), Philequity Management, Inc. (PEMI), at COL Financial. Kapag naman nag-invest ka sa mutual funds, bumibili ka ng shares ng isang fund.

Ang UITF naman ay ino-offer ng mga bangko. Kapag pinili mo ang UITF, bumibili ka ng units ng fund. Alamin ang mga bangko sa Pilipinas na nag-ooffer ng UITF. Para sa higit pang kasagutan sa iyong mga katanungan tungkol sa UITF, mag-search ka lang online, suki!

2. Stocks

stocksPhoto courtesy of Negative Space via Pexels

Kung bibili ka ng stocks, ibig sabihin magiging shareholder ka ng isang kumpanya. Galingan at busisiin sa pag-research bago mag-invest sa stocks dahil diskarte mo ang susi para lumago ang pera mo. Kung lagi kang updated sa social media, mas dapat na updated ka sa lagay ng pera mo at sa performance ng kumpanya na binilhan mo ng stocks.

‘Pag may konting extra pa sa perang pinadala, idagdag ito sa stocks mo para lumago pa ito suki! Ang ilan sa mga blue-chip stocks o mga malalaking korporasyon at well-established na mga kumpaniya na pwede kang mag-invest ng stocks tulad ng Ayala Corp., Aboitiz Power Corp., Jollibee Foods Corp., SM Investments Corp., TEL PLDT, at Universal Robina Corp.

3. Bonds

bondsPhoto courtesy of rawpixel.com via Pexels

Ang bonds ay isa sa mga pinaka-safe investments na kaya mong gawin, suki. Ideal ito para sa mga OFW na may savings o time deposit accounts sa mga bangko pero naghahanap pa ng ibang paraan para makapag-ipon. Ito ay isang debt investment na kung saan ang borrower (bond issuer) ay magbabayad sa lender (bond holder) ng specific amount ng pera sa fixed maturity plans na napagkasunduan. Pwede kang mag invest ng bonds sa mga bangkong tulad ng Security Bank, BDO, at Metrobank. Pag-aralang maigi kung anong bangko ang nag-ooffer ng terms and conditions na swak sayo!

4. Real Estate

real-estatePhoto courtesy of Luis Quintero via Pexels

Mahalaga ang pagkakaroon ng sarili mong bahay at lupa. Kung medyo malaki ang ipon ng pamilya sa mga perang pinadala galing abroad, isang magandang investment kung bibili kayo ng real estate property tulad ng condo unit o bahay at lupa. Para kumita ang real estate investment mo, tiyakin na mapapa-renta mo monthly o kaya ay ma-ibenta mo ito sa mas mataas na presyo kapag tumaas ang price value nito.

5. Insurance

insurancePhoto courtesy of rawpixel.com via Pexels

Sakaling magkaroon ng di-inaasahang pangyayari sa pamilya, kapag merong insurance, protektado ang pamilya. Hindi na sasakit ang ulo nila mama at papa, at hindi rin magagalaw ang savings niyo.

May mga insurance rin na kapag hindi nagamit ay lumalago over time at pwede mong i-withdraw kung kakailanganin ng extra cash. Mag-research at magtanong sa mga professional o consultants na may kinalaman sa ibang insurance options na pwede kang mag-invest. ‘Wag nang magpapaniwala sa mga nagsasabing hindi mo kailangan ng insurance. Ang totoo, isa ito sa mga magagandang investments na pwedeng puntahan ng pera padala galing abroad para lumago pa ito!

6. Business

businessPhoto courtesy of Fancycrave.com via Pexels

Syempre, ang isa sa pinaka-ideal investment ay ang pagtatayo ng sarili niyong business. Kapag may sarili kang business, ikaw ang sarili mong boss, suki! Pwede kang mag-franchise, magtayo ng online shop, mag-buy and sell, at kung ano-ano pang small business ideas ang maisip mong gawin

Mag-research maigi at pumili ng business na kikita; hindi naman mahalaga kung malaki agad ang kita, basta dapat kahit papano, kumikita ka. Sa sipag at tiyaga mo, lalaki din ang negosyong naisip mo!

Kahit nagtatrabaho ka pa sa bansang umuulan ng niyebe, wala pa ring makakapantay sa makasama mo ang mga mahal mo sa buhay. Hindi ka forever na malakas, at maaaring magkaroon ng mga ‘di inaasahang pangyayari kaya tiyakin na may maayos na pinupuntahan ang perang pinapadala mo sa Pilipinas at siguraduhin na bukod pa sa mga perang iyon ay may sarilling ipon ang mga OFW. Kung ready ka, worry free ang pagreretire mo from working abroad!

Subukan ang investment options na ito para mapalago ang pera padala galing abroad. Laging mag-research at mag-ingat sa mga scam na laganap sa ngayon. Syempre, makakatulong din ang bawat miyembro ng pamilya kung gagawin nila ang bahagi nila kahit na medyo struggle is real pa para makapag-ipon at makapag-tipid.

Tandaan, mas malaki talaga ang kita kung sa abroad ka nagtatrabaho, pero kung hindi mo ito i-ingatan, i-ipunin, o ii-invest, pwede itong maglaho nang parang bula. Maging matalino at palaging wais sa pera; mag-invest na, suki!

Share: