Gold Pawning vs Selling: Make the Most of Your Gold, Suki!

Blog

June 14, 2021

3-Reasons-Why-You-Should-Pawn-Your-Gold-at-Palawan-Pawnshop

Dahil Ber months na naman, alam na this, Suki, madami-dami tayong pagkakagastusan. Sa dami ng mga babayarin, baka iniisip mo kung dapat mo bang isangla o ibenta ang iyong precious gold jewelry para ‘di na kailangang umasa sa 5-6 or kumuha ng bank loans. Kung torn ka kung pawning or selling ba ang wais choice mo, no need to worry, Suki. Pag nabasa mo ang article na ito hanggang dulo, makakagawa ka na ng wais choice na swak sa kalagayan mo.

I-pawn o i-sell mo man ang iyong ginto, may kailangan kang i-give up para sa financial gain na hinahangad mo. Sa unang tingin parang pareho lang naman silang dalawa, pero take a closer look Suki at makikita mo na may different advantages ang pawning at selling.

Pawning

Ang pagsasangla o pawning ay isang uri ng collateral loan na kung saan ang pera na ipapahiram sa’yo ay naka depende sa quality ng gold jewelry na isasangla mo.

Sa isang pag-aaral, nakita na mas maraming Pinoy ang pumupunta sa mga pawnshop kaysa sa mga bangko lalo na’t nai-regulate na ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang mga pawnshops sa bansa. ‘Di kataka-taka na sa dami ng advantage ng pawning, maraming Pinoy ang umaasa dito lalo na kapag napapaharap sila sa emergency at petsa de peligro. 

Advantages of Pawning

1. Get your cash, agad agad

get-your-cash-agad-agadPhoto courtesy of Sharon McCutcheon via Unsplash

‘Di na kailangan ng mabusisi at matagal na proseso para lang makapag-pawn ka ng item mo, Suki. In just six easy steps, makukuha mo na agad ang cash na kailangan mo sa Palawan Pawnshop kapag sinangla mo ang gold jewelry mo. Ang maganda pa dito, pag ginamit mo ang pawning calculator ng Palawan Pawnshop, madedetermine mo na kung anong package ang swak sa pangangailangan mo depende kung gaano katagal mo matutubos ang iyong alahas. Oh, diba, no sweat Suki!

2. Ikaw pa rin ang owner ng alahas

ikaw-parin-owner-ng-alahasPhoto courtesy of Kumar Saurabh via Pexels

Kung may sentimental value para sa’yo ang isang gold jewelry dahil minana mo pa ito sa mga ninuno mo pero need mo ng emergency cash, swak na swak sa’yo Suki ang option na pawning. Assured ka na iyong-iyo pa rin ang inyong gold jewelry at makukuha mo pa rin ito for as long as mabayaran mo ang principal at ini-redeem amount ng sinangla mo sa petsa na napagkasunduan niyo ng pawnshop. Kapag naredeem mo na ang ginto mong alahas at magka-money emergency ka ulit, pwedeng-pwede mo ulit itong gamitin para makakuha ng secured loan sa pawnshop.

Kapag isinangla mo ang iyong gold jewelry sa pawnshop, malalaman mo kung ano ang monetary quality ng iyong alahas o kung ja-fake ba ang iyong jewelry. O diba, nagkapera ka na, may natutunan ka pa, Suki!

3. ‘Di ka mababaon sa utang

di-mababaon-sa-utangPhoto courtesy of Artem Beliaikin via Pexels

Worse comes to worst, kung hindi mo talaga kayang mababayaran panwshop loan mo at interest nito sa pawnshop dahil gipit ka talaga, no need to worry, Suki, dahil hindi ka nila kukulitin para magbayad ka. Kapalit ng ‘di mo nabayarang loan ay ang sinangla mong gintong alahas. At least, makakatulog ka ng mahimbing sa pagkakaalam na hindi ka baon sa utang at na walang sinuman ang mangungungulit sa’yo para magbayad ng utang. Isa pang good news, pag nagkagipitan ulit, pwede kang bumalik sa pawnshop para magsangla ulit kung need mo ng emergency cash.

Kung swak sa taste mo ang mga advantages na ito ng pawning, punta ka na sa pinakamalapit na branch ng Palawan Pawnshop at pumili ng swak at sulit na customer choice package para sa'yo. Isangla ang iyong gold jewelry items at makukuha mo na ang cash na need mo! Pero para lang sure ka, read on Suki para naman malaman mo ang advantages of selling your gold jewelry items/s.

Selling

Dahil ang mga gold jewelry items are getting pricier, hindi rin naman masama kung ibebenta mo ang iyong gold watch at iba pang gold accessories para magkapera, Suki. Dahil sa timeless value ng gold, it is no wonder na magandang investment ang gold jewelry. Dahil sa maituturing itong isang liquid asset, isa itong investment na madaling ibenta compared sa mga stock investment na pwedeng meron ka. Para malaman kung gold selling ba ang solusyon sa iyong money problems, alamin ang advantages ng pagbebenta ng iyong gintong alahas.

Advantages of Selling

1. Nagbawas ka na, nagka-pera ka pa

Kung marami kang gold jewelries, baka gusto mo ring mag-declutter lalo na ang mga gold accessories na hindi mo naman ganun ka-favorite. Ang solusyon? Ibenta na yan, Suki! Sa ganoong paraan, nakapag declutter ka na, kumita ka pa ng pera na pwedeng pandagdag sa budget mo ngayong Ber months lalo na’t maraming parties at celebrations ang paparating!Malay mo, matulungan mo pa ang iba na mahanap ang perfect gold jewelry na perfect para sa lahat ng okasyon o para sa kanilang mahal sa buhay.

2. Wala kang loan na dapat bayaran

walang-load-dapat-bayaranPhoto courtesy of Susan Sewert via Pixabay

Isa pang perk ng pagbebenta ng iyong gintong alahas ay wala kang loan at interest na dapat bayaran. Wala kang dapat pag-ipunan na fee para maredeem ang iyong gold jewelry sa pawnshop kaya wala kang magiging alalahanin o sakit ng ulo. Iyong-iyo ang full payment ng nabenta mong gold jewelry sa same day na maibenta mo ito at wala kang kahati dun, Suki!

3.  Pwede kang kumita ng mas malaki

kumita-ng-mas-malakiPhoto of Pixabay via Pexels

Para maka-score ka ng malaking pera kapag ibebenta ang iyong gintong alahas, maganda na ibenta ito kapag nakita mong mataas ang presyuhan nito sa merkado. Dahil ibebenta mo ang alahas mo at hindi ito isasangla, you can name your own price, Suki. Syempre depende sa mapag-uusapan niyo ng potential buyer mo at kung hihingi siya ng discount sa binebenta mo, pwede mong i-adjust ang price mo sa minimum price na talagang kailangan mo. Isa pa, hindi hassle magbenta ng ginto. Pwede mo itong ibenta sa iyong friends, o kahit online pa nga! No sweat talaga, Suki!

Kung bet mo ang advantages of selling your gold jewelry, Suki, tiyaking sure buyer ang ka-deal mo para maging tunay na wagi ka sa iyong ginto! Pwede rin namang pumunta ka ng Palawan Pawnshop at isangla dun ang iyong gold jewelry tapos wag mo nang tubusin kung gusto mong considered sold na iyon.

Gold Pawning vs Selling man ng iyong precious gold jewelries, sa Palawan Pawnshop ka dapat dumerecho, Suki! Dahil dito professional, patas, at tama mag-appraise ang hahawak sa iyong gintong mga alahas! Kapag sa Palawan Pawnshop, wala kang talo Suki! Syempre, para maging certified wais suki, kumuha na ng iyong Palawan Suki Card para makakuha ka ng discount at iba pang exciting perks kapag nag-avail ka ng services nila. Halimbawa, kung magsasangla ka ng gintong alahas at isa kang Suki Card holder, makaka-avail ka ng 5% discount sa interest ng sangla mo. Amazing, diba!

Para alamin ang mga detalye patungkol man sa pagsangla ng ginto o kaya patungkol sa Palawan Suki Card, remittance, at iba pang serbisyo, maaaring tawagan ang contact number of the branch nearest you bago pumunta sa mismong branch!

Waging-wagi ka, Suki, sa iyong mga gintong jewelry as long as isasangla o ibebenta mo ito sa highest appraisal pawnshop in the Philippines: Palawan Pawnshop! Dito, matutulungan kang magkaroon ng pera sa oras ng pangangailangan nang hindi ka pinapahirapan o pinapaasa! Kaya kung ginto nalang ang meron ka at kailangang-kailangan mo ng pera, pumunta ka na sa Palawan Pawnshop!

Share: