Palawan Pawnshop, Kaakibat Mo sa Mas Pinadaling Bills Payment

Blog

April 13, 2023

Palawan-Pawnshop-Kaakibat-Mo-sa-Mas-Pinadaling-Bills-Payment

Mga Suki, alam niyo ba na nagbubukas na ng mga option ang Palawan Pawnshop para sa ating bills payment? Alam natin na mahirap i-budget ang pera, ngunit mas mahirap i-budget ang oras sa pang-araw-araw.

Mabilis na rin ang takbo ng panahon natin ngayon, Suki. Marami nang opisina ang nagbukas ng option na magbayad online. Kaya hindi ka na lang limitado sa pagpila sa mga tanggapan o bayad centers. Pwede ka na ring magpadala ng pera gamit lamang ang iyong smartphone!

Mas pinadali na ang bills payment natin ngayon, ngunit kaya pa nating mapabilis ang prosesong iyan. Siyempre, waley hasul kasama ang Palawan Pawnshop!

Anu-ano ang mga paraan upang magbayad ng bills? Alin dito ang pinakamadali?

Siyempre, maraming paraan upang magbayad ng bills sa Pilipinas. Natural din sa mga ito ang mataas na lebel ng seguridad upang maiwasan ang pandaraya. Ilan lamang sa mga paraan na pwede mong subukan ay:

  • Bank transfer/online banking
  • Mga apps ng utilities
  • Pagbayad onsite sa mga mall, opisina, o bayad center
  • Online payment

1. Bank transfer/online banking

Upgrade na ang mga bangko ngayong taon. Pwedeng pumunta mismo sa mga bangko o gamitin lamang ang mga apps nila mula sa iyong bahay! May dagdag na charges din ang mga bangko, kaya alamin mo rin kung magkano ang ipapatong nila bago ka magbayad ng bills.

Isa rin sa mga problema sa bangko ay ang mahahabang pila. Hindi lang din bills payment ang serbisyong inaasikaso ng mga bangko. Kadalasan, marami rin silang proseso sa likod kaya natatagalan ang pag-aasikaso sa mga hinaing ng kanilang customer.

2. Magbayad mismo sa tanggapan o apps ng utilities

Nagbubukas ng tanggapan ang utilities tulad ng MERALCO at mga provider ng tubig upang makapagbayad ang mga customer nila. Sa ayaw at sa gusto natin, maraming nakapila sa mga opisinang ito na nagrereklamo sa serbisyong natatanggap nila. Mahaba na nga ang pila, mabagal pa ang serbisyo dahil kung anu-ano ang nangyayari sa loob.

Para sagutin ang mahabang pila, may mga apps na rin ang mga utilities at mga internet service provider (ISP) upang i-check ang kalagayan ng kanilang serbisyo. Mayroon na ring payment system sa loob ng mga app na ito, ngunit iilan lang ang nagbibigay ng ganitong option.

Parehas namang walang patong sa babayaran, pero parang mas madali pang sa iba na lang magbayad?

3. Pagbayad onsite sa mga mall, opisina, o bayad center

Nakikipag-partner na rin ang mga utilities sa mga bayad center upang maiwasan ang mahabang pila sa kanilang mga opisina. Maraming mga bayad center sa loob ng mall, o di nama’y nakapwesto sa mga kilalang lugar sa buong Pilipinas.

Siyempre, hindi mawawala diyan ang serbisyong hatid ng Palawan Express, Suki! Makaksisiguro ka sa serbisyong halos 30 taon nang kasama ng Pilipino sa araw-araw. Maasahan mo na makakarating sa paroroonan ang perang ibabayad mo.

Kilala rin ang Palawan sa walay hasul na serbisyo. Walang pila, at mababait pa ang staff ng Palawan Pawnshop! Kaya gusto ka naming gawing parte ng pamilyang ito, Suki.

4. Online payment

Isa sa mga sumikat noong pandemic ang online payment gamit ang mga app at mga online wallet. Isa na rito ay ang PalawanPay App. May forever din dito, dahil lagi mo nang kasama ang PalawanPay sa iyong pagbayad.

Sundin lamang ang prosesong ito para sulitin ang serbisyong PalawanPay:

  • I-download ang PalawanPay App sa inyong smartphone
  • Buksan ang PalawanPay App, at piliin ang Bills Payment option
  • Hanapin ang iyong biller sa App. Maari mong makita ang kumpletong listahan ng mga biller dito.
  • Piliin ang biller sa listahan
  • Ilagay ang account number, account name, at iba pang mga detalye na hinihingi. Siguraduhin na tama ang mga impormasyong na ilalagay
  • I-click ang confirm kung siguradong tama ang mga impormasyon na inilagay. Ilagay ang MPIN bago i-send.
  • Hintayin ang confirmation

Mabilis lang, Suki! At pwede mong gawin sa bahay o sa trabaho sa loob lamang ng ilang minuto. Walang pila, at tiyak na walang hassle! Ngunit may mga charges at bayarin na pwedeng ipatong sa iyong bills payment. Tingnan ang iba’t ibang mga transaction fees dito.

Ano ang mga kailangan ko upang makapagbayad sa mga bayad center?

Madali lang ang bills payment sa Palawan Pawnshop, Suki! At sa higit 3,000 branches ng Palawan sa buong bansa, tiyak na makakahanap ka ng branch na ka-partner mo!

Sundin mo lamang ang simpleng proseso ng Palawan Pawnshop para sa mas mabilis na transaksyon:

  • Pumunta sa pinakamalapit na Palawan Pawnshop branch sa inyong lugar
  • Iprisenta ang iyong Statement of Account (SOA) sa empleyado ng Palawan Pawnshop
  • Siguraduhin na tama ang iyong iprinisentang billing month, account number, meter number, at amount due.
  • At kung nakasiguro ka na tama ang lahat na nabangit sa taas, ay puwede mo nang bayaran ang amount due at ang mga karampatang service fee.
  • Hintayin lamang ang ibibigay sayo na Palawan Express form na proof of transaction na ikaw ay nagbayad kasama ng statement of account.

O’ diba? Simple at walang kuskos balungos ang pagpapadala kasama ang Palawan. Huwag mong kakalimutan ang Statement of Account bago magbayad, Suki! Ito ang patunay mo at ng biller sa halagang ibabayad mo.

Bills payment? i-Palawan mo na ‘yan!

Hindi kailangang mahirap ang bills payment mo, Suki. Madali lang yan sa Palawan Express. Tandaan: makakahanap ka ng kaakibat mo sa higit 3,000 na branch ng ating pamilya. Ibig sabihin niyan, hindi mahaba ang pila habang ika’y naghihintay. At sa bilis ng serbisyo ng Palawan, online man o offline, ay makakabalik ka kaagad sa pag-relax sa bahay.

Mas relax ka rin, dahil sa secure at maaasahang serbisyo ng Palawan. Kaya sa bills payment - online man o offline - i-Palawan mo ‘yan!

Share: