-
Services
-
Pera Padala
Mura, mabilis, at walang kuskos-balungos! Palawan Express Pera Padala is a fast, easy, convenient, and simple domestic money remittance service brought to you by Palawan Pawnshop. Learn more about us here today!
-
Pawning
Always the Matatag, Maaasahan, and Mapagkakatiwalaan. With over 3,000 branches nationwide, Palawan Pawnshop accepts gold jewelry items with high appraisal and lowest interest rates at a fast and reliable service. Pawn now!
-
International Remittance
Fast, Reliable, Affordable, and Hassle-free International Money Transfer.
-
-
Partner With Us
-
International Partner
Palawan Express Pera Padala is continuously expanding its network through partnership with reputable remittance companies worldwide to deliver fast and secure remittance payout to millions of Filipino beneficiaries in the country.
-
Corporate Client
Palawan Express Pera Padala offers tailored partnerships to meet client’s strategic business objectives. We render corporate solutions to make sure client accounts are profitable and growing.
-
Domestic Partner
Palawan Express Pera Padala widens its network through accrediting reputable entities as Authorized Agents. This greatly helps our valued customers to quick and easy access to Palawan Express remittance services across the country.
-
- Press Room
- Promos
- Advocacy
- FAQs
- About Us
- Careers
Huwag Mashokot Sa Bills: Have No Fear Sa Bayarin With These Tips
March 19, 2021
May mga petsa sa bawat buwan na sadyang nakakatakot. Hindi naman Friday the 13th pero parang natatakot ka sa mga darating na araw. Kinakabahan ka, ‘di mapakali, at parang pinagpapawisan. Ang multong bumabagabag sa’yo: bills, bills, bills at ang numero unong kinatatakutan mo: due date.
Kahit pa pasok naman sa sahod mo ang lahat ng bayarin, monthly struggle pa rin ang how to budget money for bills payment. Minsan pakiramdam mo, dumadaplis na lang sa palad mo ang sahod mo dahil sa mga buwanang bayarin. Kahit kasi anong budget, madalas ka pa rin gipitin. But, wait. You probably just need to learn how to prepare for your bills and due dates more efficiently. Baka kailangan mong baguhin ang diskarte.
Don’t worry dahil sagot ka namin. Huwag padaig sa mga bayarin na ‘yan. Sila ang dapat mashokot sa wais na gaya mo.
Oplan Bantay Budget
Siguro may budget ka, pero sinusunod mo ba? Kapag sinabi mo halimbawa na isang libong piso lang ang budget mo sa grocery sa loob ng isang linggo, sinusunod mo ba?
Ganito kasi ‘yan momshies! Sa pagba-budget ng sweldo, tandaan na meron kang non-negotiables. In short, ito yung mga kailangan mo para mabuhay. Ang dapat una sa priority list mo ay renta o mortgage ng bahay at utility bills payment gaya ng kuryente at tubig. Hindi naman nagbabago ang due date ng mga ‘yan kaya dapat nahahanda mo agad. Iwasan na ma-late sa pagbabayad para makaiwas sa penalty. Merong Palawan Express bills payment service near you para walang hassle ang pagbabayad. It really is the best way to pay bills each month.
Liban sa prioritizing bills sa budget, siyempre dapat na ring unahin ang pagpapadala ng pera sa mga kapamilya. Mapa-bills, o pagpapadala, may branch tayo na maaaring tawagan o mapuntahan para makatulong dito. Alamin ang contact number of the branch nearest sa’yo suki gamit lamang ang ating branch finder.
Keep a Checklist
Speaking of budget, dapat detalyado ito at realistic. Hangga’t maaari, dapat may pasobra rin nang kaunti at hindi ‘yung sobrang sagad.
Ugaliin na Ilista ang pumapasok at lumalabas na pera kahit gaano pa kaliit. Kahit ang pamasahe sa jeep, ilista rin. Sa ganitong paraan, makikita mo kung saan ka napapagastos nang sobra at paano ito i-adjust. Kung napansin mo na napadalas ang gala mo last month, baka dapat bawasan mo ito ngayon.
Say No to Utang
Hindi naman masama ang lahat ng utang, pero kadalasan kapag hindi ito na-manage nang maayos, ilulubog ka talaga nito. There is no better way on how to prepare for your bills efficiently than by not having debt. Ang utang kasi, nag-iinterest kaya mas matagal itong hindi mabayaran, mas lumalaki kaya ang ending, pati ang iba mong bills, nako-kompromiso.
Kung ‘di ka marunong gumamit ng credit card, huwag mo na subukan. Kung may malaki kang unpaid balance, subukan mo humingi ng amnesty, interest rate reduction, o transfer balance to another card. Basta hangga’t hindi mo pa natatapos bayaran, huwag kang swipe nang swipe.
Unahin na bayaran ang mga utang at iwasan mangutang. Tandaan na kapag ang isang bagay hindi mo afford i-cash, hindi mo ‘yan afford. Period.
Diskarte sa pagpasok sa opisina
Ano ang mode of transportation mo para makapasok sa opisina? Sariling kotse? Kompyutin mo kung magkano ang nagagastos mo sa pagkakaroon ng sariling sasakyan. Magkano ang amortization, gas, maintenance, at parking? Totoong komportable ang may sariling sasakyan pero tantyahin mo rin kung praktikal ito. Baka mas praktikal kung lumipat ka na lang ng bahay na mas malapit sa trabaho at ibenta na lang ang sasakyan. Kung posible kang mag-bike to work, mas maigi rin para sa kalusugan mo at kay Mother Earth.
Kung ayaw mo naman sa public transportation, maghanap ng pwedeng isama para sa carpooling. At least, may ka-share ka sa gasolina. Siguruhin din na nasa kondisyon ang sasakyan para ‘di matakaw sa gas at sa maintenance.
Baon is cool
Sino nagsabing baduy ang mag-baon ng pagkain sa opisina? Maraming benefits ang pagbabaon ng home-cooked meals. Healthy na, mura pa.
Maraming online tutorials para ma-prepare ang baon for an entire week para naman ‘di ka ma-hassle. Minsan kasi, nauuna pang iniisip na nakakapagod kaysa subukan. Iwasan mo rin ang take-out at delivery dahil malaki ang patong sa fast food at higit sa lahat ay hindi healthy. Kapag namimili sa grocery, huwag ka na masyado brand conscious. Maraming generic na mura at magandang kalidad.
Be creative sa pagtitipid
One of the most effective ways on how to save money ay maging on-time sa lahat ng payables mo ay ang pagtitipid kung saan ka pwede magtipid. Maliban sa pagkain at transportation, bawasan mo ang gastos sa iba pang bagay. Halimbawa ay gym subscription? Ginagamit mo ba? Huwag ka na kaya IFlix? Kailangan mo ba ng Wi-Fi sa bahay? Kwentahin din kung mas praktikal ang prepaid kaysa sa postpaid plan mo sa telepono considering ang trabaho at lifestyle mo. Maging creative sa pagtitipid ng kuryente. Bawasan din ang grooming expenses at tanggalin na ang mga bisyo.
Sale nga, kailangan mo ba?
Sa isang viral na Youtube video, may payo si Senator Chiz Escudero sa mga millennials: Anything that’s on sale, if you don’t need it, it’s expensive.
Gets mo? Kahit pa buy one take two ‘yan, kapag hindi mo naman kailangan, mahal pa rin ‘yan. Halimbawa, ang dating Php5,000 na rubber shoes ay Php3,000 na lang. Marami ka pang ibang rubber shoes pero natukso ka. Hindi ka nakatipid ng Php2,000, kundi napagastos ka ng Php3,000. Kaya tandaan na one way on how to prepare for your bills is by not prioritizing wants over needs.
Save for rainy days
Isa sa mga dahilan kung bakit nangungutang at nasisira ang diskarte sa pera ay dahil sa mga emergency at biglaan na gastos. Halimabawa na lang kapag may nagkasakit o naaksidente. Importante na paglaanan ang medical at life insurance. May mga abot-kaya niyan gaya ng Palawan Pawnshop’s other services na ProtekTODO insurance. Siguruhin din na nagtatabi ka for savings, ideally 20% of your salary. Magbukas ng savings account at ugaliin na laging mag-deposito kahit gaano kaliit. Ang importante ay ma-form mo ang habit ng saving. Pwede rin mag-deposito sa iyong bangko via Palawan Pawnshop.
More raket, more fun
Kapag pakiramdam mo lagi ka na lang gipit, mag-isip ng iba pang pagkakakitaan. Maraming raket o part-time jobs d’yan na pwede mo pasukin. Pwedeng magbenta ng packed meals, e-loading business, franchise ng food cart, magbenta ng baked goodies, rumaket sa mga events, freelance writing, online tutor, virtual assistant, at kung anu-ano pa. Discover your passion and make money out of it.
Huwag magpatalo sa mga bills na ‘yan. Basta marunong ka mag-manage ng pera, easy lang ‘yan lalo na sa diskarteng Pinoy. In no time, no fear ka na sa mga bayarin.
Related Article
-
Palawan Pawnshop Pet Insurance Para ProtekTODO si Bantay
Blog05 / 29 / 2024
-
Palawan Pawnshop: Your One-Stop Shop for Bills Payment Needs
Blog05 / 29 / 2024