No-hassle Pera Padala Steps Para Makapag-Bayad-utang

Blog

May 12, 2021

pera-padala-steps-og-image

Isang magandang katangian ng mga Pilipino ang pagkakaroon ng utang na loob. Ibig sabihin nito na sinusuklian ng mga Pinoy ang kagandahang loob na binabahagi sa kanila sa abot ng kanilang makakaya. Ngunit minsan nawawala na ang “loob” at ang natitira lamang ang utang. Sa halip na suklian ang iyong pagtulong, pati sukli tatangayin din!

Kaya Suki, upang maiwasan ang mga nakaka-shookt na eksena sa paningingil ng utang, alamin ang iba’t ibang paraan upang makapagpadala ng hulog ang iyong pinautang. Dahil sa tulong ng Palawan Express Pera Padala services, hindi na pwede idahilan ang maraming restriksyon dahil sa lockdown upang hindi makapagbayad

Ang Palawan Express Online Padala ay ang pinaka-pinagkakatiwalaan na serbisyong handog na Palawan Pawnshop para sa mga suki nitong pinoproblema kung paano ipaabot ang pera para sa mga taong malalayo sa kanila.

Kaya kung may utang kang gusto mo na agad bayaran pero di mo alam kung paano ipadadala, tingnan sa ibaba kung paano nga ba gamitin ang Pera Padala ng Palawan Pawnshop:

Palawan Express to other Palawan Express Remittance Centers

ipalawan-mo-na-banner-imagePhoto courtesy of Palawan Express Facebook Page

Miss mo na ba mag-travel Suki? Huwag mag-alala dahil pwede kang makarating sa Palawan nang di nagbabayad ng pamasahe gaya ni Sassa Gurl! Dahil nasaan ka man, masisigurado mong may Palawan Express outlet kang mapapupuntahan. Gamitin lamang ang branch locator na makikita sa Palawan Pawnshop webpage upang malaman ang pinakamalapit na branch sa lugar ninyo.

Napakadali lamang bayaran ang mga Mars at Pards na iyong pinagkakautangan. Sa tulong ng Palawan Express, pwede mong ipadala ang iyong bayad-utang sa pinakamalapit na Palawan branch sa taong pinagkakautangan mo. Doon ay pwede na nilang kunin nang mabilis at ligtas ang iyong pinadalang pera.

Paano magpadala ng pera:

Sundin lamang ang mga sumusunod pagpunta mo sa Palawan Pawnshop branch:

  1. Mag “good morning” sa maganda o poging (pwede ring both) Palawan Pawnshop associates sa branch na iyong pinuntahan;
  2. Punan ang mga impormasyon ang ibibigay sa’yo na Send Money Form. Laman nito ang impormasyon tungkol sayo at ng iyong padadalhan ng pera. Ito ang mga kailangan mong sagutan sa form na ito:
    • Pangalan ng magpapadala
    • Contact number ng magpapadala
    • Pangalan ng padadalhan
    • Contact number ng padadalhan
    • Purpose of transaction
    • Relasyon sa padadalhan
  3. Pirmahan at ibigay ang form kasama ang isang valid ID sa Associate. Tingnan sa Palawan Express website kung anong mga valid ID ang maaaring ipakita.
  4. Hintayin na tawagin ang iyong pangalan bago magbayad ng remittance.
  5. Tanggapin at pirmahan ang Send Money form na iaabot sayo.
  6. Hintayin na padalhan ka ng text ni Palawan na nagsasabing pwede nang kunin ang iyong pinadalang pera

Kaya ‘wag nang patagalin pa ang iyong di nababayarang utang, Suki! Pumunta na sa pinakamalapit na Palawan Express upang magbayad utang.

Palawan Express to Other Remittance Centers

Person-Counting-Cash-MoneyPhoto courtesy of Karolina Grabowska via Pexels

Sa madalang na pagkakataon na walang malapit na Palawan Pawnshop sa lugar ng iyong padadalhan, huwag mag-alala dahil pwede ka pa rin magpadala sa ibang remittance outlet.

Ang proseso rito ay kapareho lamang ng proseso sa pagpapadala sa itaas, Suki. Sundin lamang ang pera padala steps at sabihin sa Palawan Express agent kung saan kukunin ng tatanggap ng pera ang iyong ipadadala.

Ilan sa mga domestic partner remittance branches ng Palawan ay ang mga sumusunod:

  • Tambunting Pawnshop
  • SMJ Pawnshop
  • LCJ Pawnshop

Para naman sa international partners, nandyan ang Money Gram.

Para sa buong listahan ng partner remittance centers ng Palawan Pawnshop, tingnan ang listahan sa ibaba ng Palawan Express domestic and international partners list na ito.

Kaya Suki walang dahilan para di mo maipaabot sa iyong kumare ang hulog mong bayad-utang sa buwan na ito! Siguradong alam din ito ng iyong kumare kaya di ka pwedeng magtago at sabihin na walang malapit na Palawan Express sainyo. Dahil palaging hahanap ng paraan ang Palawan Pawnshop upang tulungan ka.

Palawan Express to Bank Account

Close-up-Photography-Two-Brown-CardsPhoto courtesy of Pixabay via Pexels

Kung sosyal si kumare at ayaw niyang mag-trip to Palawan, pwede mo rin ipadala ang iyong hulog direkta sa kaniyang bank account, Suki.

Tama ang iyong nabasa! Pwedeng-pwede mag-Pera Padala mula sa Palawan branch papunta sa bangko ng iyong kumare sa tulong ng Padala to Bank Account ng Palawan Pawnshop.

May 65 partner na bangko ang Palawan Express Pera Padala service kaya siguradong mapabibilis ang iyong transaction. I-check kung kasali ba ang bangko ng kumare sa Palawan Express List of Bank Partners page na ito.

Paano magpadala ng pera:

  1. Pumunta sa Palawan Pawnshop branch
  2. Punan ang kulay berde na Palawan to Bank Account Form na ibibigay sayo ng Palawan Pawnshop Agent.
  3. Siguraduhin na tama ang lahat ng iyong ilalagay na impormasyon gaya ng:
    • Account Name
    • Type of Account at;
    • Account Number
  4. Iabot ang halagang ipadadala at ang service fee.
  5. Abangan at itago nang maigi ang Bank Form na ibibigay sayo bilang patunay na matagapumpay ang transaksyon.

Huwag nang magpatumpik-tumpik pa, Suki! Gulatin si kumare ngayon araw sa pamamagitan ng pagpapadala ng iyong bayad sa kanya.

Online Pera Padala Remittance

Google-Pay-with-a-N26-credit-card-attachedPhoto courtesy of Mika Baumeister via Unsplash

Masisiguro mong safe ka Suki dahil hindi mo na kailangan lumabas upang magbayad ng utang sa iyong kumare na nasa malayong lugar. Dahil maaari ka nang mag Pera Padala gamit ang Palawan Express Online Padala service.

Napakadali lamang sundan ng mga hakbang sa paggamit ng Palawan Express Online Padala. Hindi mo na kailangan pang pumila ngayong tag-init gamit ang serbisyong ito.

Paano magpadala ng pera:

  1. Punan ang Sender Details form na matatagpuan sa website
  2. Punan ang Transaction Details at mamili ng Payment option
  3. Pumunta sa mobile application upang kumpletuhin ang iyong bayad
  4. Kumpirmahin ang bayad at punan ang natitirang detalye Pera Padala form
  5. Ilagay ang One Time Password (OTP) ng iyong transaksyon sa banko
  6. Itago ang transaction number na matatanggap sa iyong cellphone number

Maging techie Suki sa iyong mga online transaksyon gamit ang Palawan Express Online Padala. Kahit anong oras ay pwede ka nang magbayad ng iyong utang. Kaya paggising ni kumare sa umaga ay buo na agad ang kanyang araw dahil sa iyong pera padala sa kanya.

Pera ang dapat iniipon Suki, at hindi utang. Palayain ang iyong sarili sa mga iniisip sa pamamagitan ng pagbabayad ng utang sa iyong kumare. Lalo na sa hirap ng panahon ngayon, tama lamang na ibalik nang buo ang tulong na ipinaabot sayo ng iyong kapwa. Nang sa gayon ay tulungan ka nila muli sa susunod na pagkakataon, at para hindi ka na rin pag-chismisan nina Aling Marites sa kabilang bahay.

Share: