-
Services
-
Pera Padala
Mura, mabilis, at walang kuskos-balungos! Palawan Express Pera Padala is a fast, easy, convenient, and simple domestic money remittance service brought to you by Palawan Pawnshop. Learn more about us here today!
-
Pawning
Always the Matatag, Maaasahan, and Mapagkakatiwalaan. With over 3,000 branches nationwide, Palawan Pawnshop accepts gold jewelry items with high appraisal and lowest interest rates at a fast and reliable service. Pawn now!
-
International Remittance
Fast, Reliable, Affordable, and Hassle-free International Money Transfer.
-
-
Partner With Us
-
International Partner
Palawan Express Pera Padala is continuously expanding its network through partnership with reputable remittance companies worldwide to deliver fast and secure remittance payout to millions of Filipino beneficiaries in the country.
-
Corporate Client
Palawan Express Pera Padala offers tailored partnerships to meet client’s strategic business objectives. We render corporate solutions to make sure client accounts are profitable and growing.
-
Domestic Partner
Palawan Express Pera Padala widens its network through accrediting reputable entities as Authorized Agents. This greatly helps our valued customers to quick and easy access to Palawan Express remittance services across the country.
-
- Press Room
- Promos
- Advocacy
- FAQs
- About Us
- Careers
14 Travel Destinations Na Perfect Para Sa Soul-Searching Singles
April 22, 2021
Valentine’s na naman, Suki—nag-iisa ka ba? Na-friendzone? May kinakalimutan o baka naman kinalimutan? Kung ano man ang single experience mo ngayong taon, huwag hayaang humadlang ito sa pag-celebrate mo ng araw ng mga puso—o kung para sa inyo—single awareness day. Hindi porket single, malungkot na!
Ang magandang gawin habang single ay i-maximize ang learning experience at namnamin ang self-love ngayong Valentine’s. Marami kang matututunan tungkol sa sarili mo habang wala kang jowa. Isang paraang makakatulong sa self-reflection mo ay ang pag-travel.
Narito ang ilang single-friendly travel destinations na pwede mong puntahan kahit nag-iisa!
Local Destinations:
Saan ka man pumunta para sa ‘find yourself’ escapade mo, tandaan na maaasahan ang Palawan Pawnshop sa mga tulong pinansyal. Siyempre maglalakbay ka na lang din para hanapin ang iyong sarili, tiyak lulubusin mo ang pagkakataon para i-experience lahat ng mayroon para i-experience. ‘Pag na-short sa cash, mag-SOS sa mga kaibigan o kapamilya upang magpadala ng pera sa Palawan Express Pera Padala. Madaling madali lang how to receive money, kaya’t maaaring tumakbo agad sa branch closest to your location. Tandaan lang na mag bitbit ng is sa mga types of ID accepted sa ating mga branch na laganap sa buong Pilipinas!
Baler, Aurora
Photo courtesy of Abigail Lynn via Unsplash
Magandang magmuni-muni sa Baler, Aurora. Hindi tulad ng surfing spots na La Union at Siargao, hindi gaanong crowded dito. Perfect para sa solo traveler na naghahanap ng peace and quiet. Parte ng self-growth at love ang pag-aaral ng mga bagong skill at pag-immerse sa local culture. Pwede kang mag-aral mag-surf o kumain ng mga local delicacies!
Tanay, Rizal
Isang magandang city getaway ang Rizal, specifically sa Tanay. Dalawang oras lang mula sa Maynila ang Tanay, pero makakatagpo ka na ng maraming spots para maka-experience ng nature. Puwede kang mag-hiking o camping sa mga bundok doon; hindi mahirap ang trek dito kumpara sa ibang hiking trails na perfect sa nagsisimula pa lang at nag-iisa. Abangan ang sunrise at sunset sa taas ng bundok, napapaligiran ng mga puno at fresh air.
Kalibo, Aklan
Photo courtesy of icon0.com via Pexels
Habang nagsisiksikan ang mga magjowa sa Boracay, pwede kang mag-relax sa Bakhawan Eco-Park, Kalibo. Isa ‘tong mangrove restoration eco-trail kung saan puno ng matatangkad at masisiglang mangrove trees. Dito, hiwalay sa ingay at init ng beach, matututo ka tungkol sa nature at makakapag-reflect in peace.
Biri Island, Samar
Another paradise para sa single ang Biri Island sa Samar, Eastern Visayas. Hindi masyadong kilala ang lugar na ito gaya ng El Nido o Siargao kaya hindi masyadong crowded, kaya naman talagang single-friendly vacation destination ito. Pwede kang kumuha ng mga litrato ng naglalakihan at nagagandahang mga rock formation, o ‘di kaya nama’y mag-free diving sa malinis nitong dagat.
Nasugbu, Batangas
Photo courtesy of Jakob Owens via Unsplash
Isa pang paraiso para sa mga solo traveler ang Nasugbu sa Batangas. Dito, marami kang pagpipiliang beach at isla na puwedeng puntahan. Mayroong mga water sports activities na puwedeng mapag-aralan tulad ng snorkeling at cliff-diving, perfect para sa naghahanap ng peace and quiet na may kaunting thrill. Sikat din ang masarap na putahe, fresh mula sa dalampasigan.
Laoag, Ilocos Norte
Para maiwasang makakita ng sandamakmak na naka-holding hands sa Vigan, puwede kang bumisita sa Laoag, Ilocos Norte ngayong Valentine’s day. Bisitahin ang mga historical museum doon at matuto mula sa kasaysakay ng Ilocos. Para sa mga naghahanap naman ng excitement diyan, puwede n’yong i-try makipagsapalaran sa sand boarding sa La Paz Sand Dunes.
Bali, Indonesia
Photo courtesy of VisionPic. net via Pexels
Para sa mga gusto naman ng out of the country na trip, isa sa magagandang travel destinations para sa mga single ang Bali, Indonesia. Nakakatakot mag-travel mag-isa sa kakaibang lugar, pero marami kang makikitang magagandang lugar dito. Marami rin silang beach at nature park kung saan puwede kang magmuni-muni at mag-spiritual journey.
Sorsogon, Bicol
Photo courtesy of Red Brick via Pexels
Isa pang perfect getaway mula sa city bustle ang Sorsogon. Doon ay makakahinga ka ng maaliwalas na hangin sa dami ng nature park at eco-trail na puwedeng puntahan. Pwede ka ring maki-swimming kasama ang mga whale shark at mag-dive kasama ang mga manta ray.
Quezon Province
Para sa mga may gusto ng religious solo traveler experience, pwede kang bumisita sa Quezon Province, kung saan maraming matatandang simbahan. Pwede kang mag-reflect hindi lang tungkol sa love life pero pati na rin sa lahat ng aspeto ng buhay. Isa itong kakaibang Valentine’s day trip para sa’yo, suki!
Bontoc, Abra
Kilala ang Abra sa malinamnam nilang kape. Ngayong Single Awareness Day, lasapin ang init ng sikat na Bontoc coffee habang pinagmamasdan ang malawak na Banaue Rice Terraces, o kaya nama’y magtampisaw sa Chico River. Huwag din kalimutang tikman ang lokal na delicacies nila doon tulad ng pinikpikan para makumpleto ang experience!
Mindoro Province
Photo courtesy of Pixabay via Pexels
Subukan ang ganda at aliwalas sa Mindoro, kung saan maraming beach na puwedeng bisitahin. Puwede kang mag-sun bathing sa Puerto Galera at makipagkilala sa mga kapwa-single na naroon, o kaya nama’y bigyan ng massage ang iyong mga paa sa paglalakad-lakad sa Pebble Beach. Kung forest vibes ang hinahanap mo, pwedeng bumisita sa Tamaraw Waterfalls at Apo Reef Natural Park.
Romblon Province
Iwasan ang dagsa ng mga tao sa Coron o Palawan at bumisita instead sa Romblon, na mayroon ding magagandang beach at island. Pwede kang mag-island hopping o mag-relax lang sa dalampasigan na ‘di hamak na mas maluwag kaysa sa mga kapitbahay na tourist destination. Puwede mo ring bisitahin ang sea turtle sanctuary at mag-snorkeling malapit dito. Puwede ring mag-cliff diving o kaya nama’y bisitahin ang mga historic rock formation ng mga island.
International Destinations:
Kyoto, Japan
Photo courtesy of MillionaireMob.com via Pexels
Isa sa pinakapatok na puntahan sa Japan ang Kyoto. Liban pa sa historical sites dito tulad ng Kyoto Imperial Palace, marami ring nature reserves and pwedeng dalawin tulad ng Arashiyama Bamboo Forest at ang Philosopher’s Path. Makipagkaibigan ka sa mga lokal at alamin ang kultura nila.
Hawaii, USA
Photo courtesy of Peter Vanosdall via Unsplash
Kung sawa ka na sa mga beach dito sa Pilipinas, puwede mong i-try ang mga dalampasigan ng Hawaii at doon ay mag-feeling Moana ka. Malawak ang mga beach dito at palaging mayroong mga party na puwedeng daluhan at doon ay makakilala ng mga bagong friends. Maraming watersports na puwedeng subukan at bagong pagkain na puwedeng tikman—malilimutan mong single ka sa dami ng puwedeng ma-meet at ma-experience sa foreign land na ito.
Ayan, Suki. Marami ka nang choices ng travel destinations ngayong Single Awareness Day. Huwag kalimutang mag-ingat at magsabi sa mga kapamilya o kaibigan kung saan ka pupunta. Mag research din ng wais travel tips tungkol sa mga lugar na pipiliing puntahan para siguradong walang aberyang mararanasan.
Isa pa, hindi mo naman ‘to kailangang puntahan mag-isa. Kung mayroon kang mga single friends na gusto ring mag-soul searching, bakit hindi gawing barkada trip ang Valentine’s day travel niyo? Mas marami, mas masaya! Ang mahalaga, ma-enjoy n’yo ang pagiging single at magkaroon ng self-growth through travel. Malay mo, sa susunod na trip, may kasama ka nang jowa! Baka nga sa travel mo na ito makita ang The One!
Related Article
-
Palawan Pawnshop Pet Insurance Para ProtekTODO si Bantay
Blog05 / 29 / 2024
-
Palawan Pawnshop: Your One-Stop Shop for Bills Payment Needs
Blog05 / 29 / 2024