Mura, mabilis, at walang kuskos-balungos! Palawan Express Pera Padala is a fast, easy, convenient, and simple domestic money remittance service brought to you by Palawan Pawnshop. Learn more about us here today!
Always the Matatag, Maaasahan, and Mapagkakatiwalaan. With over 3,000 branches nationwide, Palawan Pawnshop accepts gold jewelry items with high appraisal and lowest interest rates at a fast and reliable service. Pawn now!
Palawan Express Pera Padala is continuously expanding its network through
partnership with reputable remittance companies worldwide to deliver fast and secure remittance payout to millions of Filipino beneficiaries in the country.
Palawan Express Pera Padala offers tailored partnerships to meet client’s strategic business objectives. We render corporate solutions to make sure client accounts are profitable and growing.
Palawan Express Pera Padala widens its network through accrediting reputable entities as Authorized Agents. This greatly helps our valued customers to quick and easy access to Palawan Express remittance services across the country.
Dahil simula na ng countdown to Christmas, pasko-mode na lahat ng Pinoy. Walang duda – walang katulad ang Pasko sa Pilipinas. Pagpasok pa lang ng Philippine ber months season, mararamdaman mo na ang Pasko. Panay na ang jingle bells sa radyo, may mga nagtitinda na ng parol, simula na ng sale sa malls, simula na ang pagpaplano ng reunion at parties, at kung anu-ano pa.
At dahil nga walang katulad ang Pasko sa Pilipinas, may mga unique reminders din. Mga paalala ito para maging handa, maiwasan ang hassle, at maging ganap ang pagiging merry ng inyong Christmas.
Here is your ultimate guide for the holiday season, Pinoy-style.
Iwasan ang last-minute shopping
Ibang level ang pagkahilig ng mga Pinoy sa kahit anong last minute. Filing ng tax, voter registration, Christmas shopping --- lahat yan, last-minute.
Kung ayaw mong makipagsiksikan sa malls, dapat ngayon pa lang may listahan ka na ng mga bibigyan ng regalo at kung ano ang binabalak mong bilhin para sa kanila. Isa-isahin mo na ang pamimili para rin ‘di masakit sa bulsa. Tip din ito para kay ninong at ninang para di pumila ng mahaba sa cashier at gift wrapping section. I-explore mo rin ang online shopping dahil bukod sa siksikan sa malls, sky high din ang pamasahe sa taxi at ride sharing service.
May ibibigat pa ang traffic
Kung akala mo wala na, wala na, wala na, the truth is meron pa, meron pa, meron pa. Normal na ang pagbigat ng daloy ng trapiko tuwing papalapit ang Pasko. Ang mga ilaw ng bumper-to-bumper na sasakyan sa EDSA, kala mo kumukutikutitap na Christmas Lights. Kaya naman, habang simula pa lang ng Ber months in the Philippines, alamin mo na ang mga alternatibong ruta. Mag-experiment ng dadaanan at baka maka-diskubre ka nang mas madaling paraan para marating ang opisina o bahay.
Not too late to DIY
Dahil nga sa siksikan sa malls at pagbigat ng traffic, baka pwede mo i-consider ang DIY na regalo. May time ka pa para matuto. Ilan sa halimbawa ang cookies at iba pang baked goodies, handmade soap or shampoo, accessories, lip tint and make-up, hand sanitizer, etc. Halos lahat ‘yan may tutorial video na available online. Makakatipid ka na, mas meaningful pa ang regalo. At malay mo, makahanap ka pa ng raket dahil dito.
Name it, mas mahal ‘yan pag Pasko
Ang halos lahat ng bagay nagmamahal kapag Pasko. Mataas kasi ang demand at alam na may spending power ang marami dahil sa bonuses. Kaya naman kung kaya, agahan mo na ang paggawa ng menu para sa Noche Buena. Magsimula na ring mamili at mag-stock sa pantry kasi matagal naman ang shelf life ng mga usual na hinahain tuwing Pasko.
Ready sa padala galore
Nasa sampung milyong Pinoy ang nagtatrabaho sa ibang bansa. Kung isa ka sa mga OFW families, dapat wais ka. Saan ba walang hassle? Saan ba mas makakamura? Saan ba secure ang padala?
Pagdating sa OFW pera padala, dapat ‘yung sigurado ka. Ang Palawan Express Pera Padala ay ang may pinakamurang remittance rate sa Pilipinas at walang hassle ang bawat transaksyon. Libu-libo na ang Palawan Express branches nationwide at marami ring international remittance centers sa iba’t ibang bansa kaya easy padala para sa mga OFWs abroad at easy naman ang pag-claim ng mga pamilya dito.
Ready, Set, Pila sa ATM
Isa sa mga dapat paghandaan tuwing papalapit ang Pasko ay ang pila sa mga bangko at ATM. Siyempre, nagdatingan ang mga bonus at padala kaya maya’t maya na mahaba ang pila sa ATM. Humanap ng off-peak na oras o ‘di kaya yung malalayo sa malls. Makakabuti rin kung pwede for electronic payment ang ATM card mo para ‘di na kailangan pa ng cash. Ask your bank about it.
Alerto all the time
Safety is always a priority. Tuwing Ber months season in the Philippines, dapat doblehin pa ang pagiging alerto at mapagmatiyag. Doble rin kasi ang effort ng mga kriminal at kawatan sa ganitong panahon. Huwag magdala ng malaking halaga ng cash kapag lalabas, huwag magsuot ng mga alahas, huwag mag-cellphone sa pampublikong transportasyon, ingatan lagi ang mga gamit, at alamin kung paano makahihingi ng tulong.
Planuhin na ang gala
Masaya ang buong paligid kapag magpapasko. Maraming bazaars, festivals, at kung anu-anong pakulo. Ngayon pa lang, mag-plano na para maiwasan ang hassle. Alamin kung saan at kailan ang mga bazaar, kailan bubuksan ang mga Christmas villages, kailan iilawan ang mga kahabaan ng Ayala, etc. Alamin ang mga oras na pinaka-convenient para sa buong pamilya.
Be Simbang Gabi-ready
Isa sa mga tradisyong Pinoy tuwing Pasko ay ang siyam na misa ng Simbang Gabi. Kung balak mong kumpletuhin ‘yan, mag-ipon na ng disiplina para magising ng madaling araw. Maghanap ka na rin ng karamay para mas ganahan ka. Isipin ang mga gustong ihiling. Mag-focus sa mga magagandang biyaya ng simbang gabi gaya ng malamig na simoy ng hangin, mainit na pandesal at tsokolate, masarap na bibingka at putobumbong, at siyempre ang biyaya ng Diyos.
Magbitbit ng coins
Kahit nasan ka sa Pilipinas, asahan mo na may mangangaroling. Nasa bahay ka man, kainan, o jeep, may mga bata na kakantahan ka ng mga Christmas carols. Minsan lang naman ang Pasko, kaya paghandaan mo na ng kaunting coins. Pwede rin siguro ang candies o pagkain. Kung ayaw mo magbigay, humingi ng patawad, pero huwag naman magtaray o uminit ang ulo.
Walang krisis sa ekonomiya o trahedya ang makakasira ng diwa ng Pasko sa Pilipinas. Pagpasok pa lang ng Ber months, merry na agad. Pero para mas sagad to the bones ang saya, dapat alamin kung paano maiiwasan ang iba’t-ibang hassle na kaakibat na ng kapaskuhan. At higit sa lahat, huwag kalimutan na pagbibigayan, pagmamahalan, at si Hesus nga ang sentro ng Pasko.