-
Services
-
Pera Padala
Mura, mabilis, at walang kuskos-balungos! Palawan Express Pera Padala is a fast, easy, convenient, and simple domestic money remittance service brought to you by Palawan Pawnshop. Learn more about us here today!
-
Pawning
Always the Matatag, Maaasahan, and Mapagkakatiwalaan. With over 3,000 branches nationwide, Palawan Pawnshop accepts gold jewelry items with high appraisal and lowest interest rates at a fast and reliable service. Pawn now!
-
International Remittance
Fast, Reliable, Affordable, and Hassle-free International Money Transfer.
-
-
Partner With Us
-
International Partner
Palawan Express Pera Padala is continuously expanding its network through partnership with reputable remittance companies worldwide to deliver fast and secure remittance payout to millions of Filipino beneficiaries in the country.
-
Corporate Client
Palawan Express Pera Padala offers tailored partnerships to meet client’s strategic business objectives. We render corporate solutions to make sure client accounts are profitable and growing.
-
Domestic Partner
Palawan Express Pera Padala widens its network through accrediting reputable entities as Authorized Agents. This greatly helps our valued customers to quick and easy access to Palawan Express remittance services across the country.
-
- Press Room
- Promos
- Advocacy
- FAQs
- About Us
- Careers
Huling Hirit sa Tag-Init: Last-Minute Travel Destinations
May 12, 2021
Patapos na ang summer. Ano na nangyari sa mga plano ng pamilya at barkada? Drawing lang ba? Huwag mag-alala dahil may panahon pa naman para sa last-minute getaway. May ilang linggo pa para i-push ang mga vacation ideas na siguro ilang summer mo na ring pina-plano.
Sarado man ang Boracay, marami pa ring travel destinations in the Philippines that you shouldn’t miss. Halika, libutin natin ang Pilipinas para ma-inspire ka pa lalo na gawing reality ang drawing na bakasyon ng friends and family.
Bumawi sa Banaue
Feeling mo ba super stressed at pagod ka na sa araw-araw na buhay? Makakabawi ka kapag sinama mo sa travel list mo ang Banaue sa Ifugao province. Siguradong mamamangha ka sa ganda ng Banaue Rice Terraces na pwede mong makita mula sa isang viewpoint, a la Thanos. Kung hindi ka kuntento sa pictures lang, pwede kang maglakad sa Batad Rice Terraces na isang UNESCO World Heritage Site. Para mas may thrill, mag-hike ka na for an hour para mas ma-appreciate mo ang ganda nito.
Mula sa Batad Village, pwede kang dumiretso sa Tappiya Falls kung saan pwede kang mag-tampisaw. Para sa kumpletong experience, eat like an Ifugao rin at manood ng kanilang cultural show.
Sagarin ang saya sa Sagada
Hindi naman lahat ng pumupunta sa Sagada ay broken hearted, gaya ng pelikulang nagpasikat dito. Ang iba gusto lang ng adventure at malamig na weather.
Isa ang Sagada sa mga sumisikat na travel destinations in the Philippines dahil na rin sa daming pwedeng gawin dito. Pwede kang mag-spelunking sa Sumaguing Cave, trek to Echo Valley, lapitan ang mga hanging coffins, mag-hiking sa Mt. Ampacao, mag-emote sa ganda ng Kapay-aw Rice Terraces o sa sea of clouds sa Kiltepan.
Puntahan ang Palawan
Summer destination ba kamo? Hindi pwedeng mawala dyan ang Palawan. Noong nagsabog yata ang Diyos ng biyaya ng kalikasan, sa Palawan lahat napunta.
Napakaraming Palawan destinations na pwedeng puntahan para sulit ang pamasahe mo. Simulan natin sa Puerto Princesa na siyang entry point sa Underground River. Kung medyo gusto mo lang mag-relax sa mga isla, punta na sa Coron o El Nido, and dalawang pinakasikat na travel destinations sa Palawan. Pambihira kasi ang linaw ng tubig, pino ang buhangin, at ganda ng corals dito. Nandyan din ang “Long Beach” sa San Vicente na kilalang longest white beach sa bansa.
Dito rin sa Palawan matatagpuan ang mala-African safari na Calauit Safari Park. Makakakita ka rito ng giraffes, antelopes, at zebras.
Kung kulangin ka man sa budget, no problem! Sapagkat, maaari kang mag-withdraw sa POS terminals ng pinakamalapit na Palawan Pawnshop. Mura na at siguradong wala pang kuskos-balungos.
Swim with turtles sa Apo Island
How about swimming with sea turtles for your last-minute getaway? For sure, winner ‘yan. Kilala ang Apo Island sa Dumaguete na sagana sa coral gardens, marine life, at sea turtles na makikita mo just about everywhere sa isla. Kung gusto mo ng ultimate under the sea adventure, for sure mamamangha ka sa ganda ng Apo Island.
Tayo na sa Antipolo
Mapapakanta ka sa tinatagong ganda ng Antipolo. Bonus din ang lokasyon nito dahil malapit lang kung galing kang Metro Manila.
Una na dyan siyempre ang natural water park na Hinulugang Taktak, ang famous water falls ng Antipolo na ni-renovate na at nilagyan ng view deck, gazebos, at swimming pools. Pwede rin maging close with nature sa Mount Purro Nature Reserve at mag-relax sa mga bahay kubo at kumain ng mga fresh na putahe. Sumisikat na rin ang Luljetta’s hanging Gardens and Spa kung saan pwedeng i-enjoy ang mga health and wellness services for the body and soul.
Gumala sa Bataan
Huwag din kalimutang dumaan sa Our Lady of Peace and Good Voyage to say a prayer at sa Pinto Art Museum para mga amazing na obra at sa Instagrammable place na rin.
Isa pa sa mga malalapit lang na travel destination mula sa Metro Manila ay ang Bataan. Alam mo na sigurong hitik sa kasaysayan ang lugar na ito, pero alam mo bang beach dito? Gaya na lang ng Playa La Caleta , Caragman Cove at Biga Cove. Nandyan din ang Dunsulan Falls, Sisiman Bay for sunset watching, Tortugas Bay Park for bird watching, at Pawikan Conservation Center for close encounters with sea turtle species. Maaari ring mag-day tour sa Las Casas Filipinas de Acuzar.. Siyempre pa, huwag na rin palampasin ang Mt. Samat for a touch of history.
Ibigin ang Camiguin
Napanood n’yo ba ang viral video ng local tourism office ng Camiguin? Kumpara sa ibang lugar sa Pilipinas, medyo underrated nga ang Camiguin, pero gaya ng video, siguradong there are “No Words” to describe how the natural beauty of this province will affect you.
“Island Born of Fire” kung tawagin ang Camiguin dahil dito matatagpuan ang pinakamaraming bulkan for every square kilometer in the whole world. Pero don’t worry, hindi lang bulkan ang atraksyon sa Camiguin. May mga waterfalls, cold at hot springs, at napakagandang sandbar. Siyempre pa, wag mong palampasin ang world-famous na Sunken Cemetery, pati na ang mga well-preserved na mga simbahan at ancestral homes.
Island life sa Cebu
Isa ang Cebu City sa mga pinaka-busy at pinaka-traffic na siyudad sa bansa. Pero kung ayaw mong ma-hassle at gusto munang umiwas sa city life, maraming travel destinations sa Cebu na hindi mo aakalaing nasa iisang probinsya ka lang.
Nandyan ang napakagandang white beach ng Malapascua kung saan pwede ka mag-diving, shark watching, at wake boarding. Pwede ring mag-island hopping, snorkeling, kite surfing, at camping sa Camotes Island. Ang Sugar Beach naman sa sikat na Bantayan Island will surely take your breath away dahil sa linaw ng tubig.
At dahil nasa Cebu ka na rin lang naman, wag aalis nang hindi kumakain ng lechon!
Small but incredible Guimaras
Isa sa smallest islands in the Philippines ang Guimaras, pero hindi mo siya dapat ma-miss na isama sa vacation ideas mo. Pwede kang mag-island hopping sa mga beach dito. Ang Alubihod beach ang pinakasikat sa isla na bukod sa white sand at crystal clear waters ay may mga naggagandahang rock formations din. Dito rin sa Guimaras makikita ang pinakaunang wind farm sa Visayas na pwede mo ring bisitahin and don’t forget that the sweetest mangoes can be found here. Bumisita sa mango farm at kumain ng mango pizza.
Panalo sa Lake Sebu
Hindi mo siguro aakalain na pwedeng travel destination ang South Cotabato. Pero alam mo ba na sa bayan nito na Lake Sebu makikita ang mga pinaka-majestic na waterfalls, lakes, rivers and springs? Ang Lake Sebu, na home to the indigenous T’boli and Ubo tribes, ay nagsisimula nang makilala bilang tourist destination. Isa ito sa mga pinakamagandang lugar para ma-experience ang nature at adventure.
May life-hack din kami para sa'yo, Suki! Tandaan na ang mga lugar na 'to ay medyo may kalayuan sa bayan o kaya naman kadalasan ay walang ATM na pwedeng pag-withdrawhan ng pera. Ang solusyon 'pag kinapos sa budget? Magpadala ng pera with Palawan Express Pera Padala, siyempre! Dahil marami tayong branch na nakakalat sa buong bansa, hinding hindi ka mag-aalala patungkol sa per kahit saan ka man mapadpad. Madalian lang din ang pag-aral how you can send and receive money dito. At isa pang magandang bagay? Madali lang din i-track ang remittances mo dahil you get realtime updates through text.
O, sampu pa lang ‘yan. Sa dami ng magagandang lugar sa Pilipinas, hindi ka talaga mauubusan ng mga magagandang travel destinations. Kaya ano man ang trip mo, ihabol mo na ‘yang last-minute summer getaway for the whole barkada and family.
Related Article
-
Palawan Pawnshop Pet Insurance Para ProtekTODO si Bantay
Blog05 / 29 / 2024
-
Palawan Pawnshop: Your One-Stop Shop for Bills Payment Needs
Blog05 / 29 / 2024