7 Pawnshop Moments na Mapapa-OMG ka sa Gulat

Blog

June 14, 2021

7-OMG-Moments

Pawnshop Moments na Mapapa-OMG ka sa Gulat

Photo courtesy of GIPHY

Naranasan mo na bang ma-inlab nang sobra pero kalaunan, lagi kang nasasaktan? Yung akala mong forever bae, 'yun pala iiwan kang nalulum-bae. Yung tipong may "qiqil mo c acquoeh" moments ka sa pagsisisi sa mali mong desisyon.

Walang pinagkaiba ang pagpili ng pag-ibig sa pagpili ng tamang pawnshop para sa iyong pangangailangan. Dapat ay mabusisi at matalino ka dahil ang iyong pera at collateral na gold jewelry ang nakataya rito.

Sa dami ng sanglaan dito sa Pinas, aakalain mong pare-pareho lang sila. Pero ang totoo, nagkakatalo ang mga ito sa interest rates at kalidad ng pawning services. Kapag mali ang pinili mo, ikaw ang talo. Kaya importanteng alamin mo ang lahat ng bagay tungkol sa pawnshop na balak mong tangkilikin.

Eto ang pitong signs na natagpuan mo na ang iyong perfect bae, este, pawnshop:

1. Mataas ang tanggap at low interest ang sangla mo

Mataas ang tanggap at low interest ang sangla mo

1.Mataas ang tanggap at low interest ang sangla mo

Photo courtesy of GIPHY

Alam mo yung feeling na muntik ka nang tumili at pumalakpak dahil para kang naka-jackpot sa iyong sangla? Sa sobrang baba ng interest para sa tamang halaga ng iyong gold jewelry, ang laki tuloy ng natitipid mo? Kung "oo" ang sagot mo, eh 'di ikaw na ang happy customer!

Kung hindi pa, 'wag mag-alala. Makakatagpo ka rin ng isang pawnshop na may lowest interest at highest appraisal sa sangla in the Philippines. Bukod diyan, mas magiging sulit pa ang sangla mo kung meron kang iba't-ibang pagpipiliang interest package depende sa budget mo at kailan mo kayang tubusin ang iyong alahas.

2. Ang mababa nang interest ng iyong sangla, pwede pa palang bumaba

Video courtesy of Palawan Pawnshop via Youtube

Mura na nga ang sangla, may discount pa? Weh, 'di nga? 

Hindi 'yan joke! Katulad ng ibang businesses, may pawnshops na nag-aalok ng loyalty rewards programs na may diskuwento para sa customers nito. Halimbawa, kapag gumamit ka ng Suki card sa Palawan Pawnshop (na mabibili sa halagang Php 50 lang), may bawas agad sa babayaran mong interest at pawn renewal fee. Kaya sangla pa more, Suki card discounts pa more!

3. Nung nalaman mong may malapit na branch sa inyo

Nung nalaman mong may malapit na branch sa inyo

Photo courtesy of GIPHY

Yehey! Hindi ka na magkaka-almoranas sa matagal na pagkakaupo sa byahe para lang makarating sa sanglaan. Ang perfect na pawnshop ay ang pinakamadaling lapitan sa oras ng pangangailangan, lalo na kung ikaw ay nasa malayong lugar sa Pinas kung saan walang bangko o ATM. Maaasahan mo itong bukas mula Lunes hanggang Linggo kahit holidays, kaya hindi made-delay ang mga bagay na kailangan mong bayaran.

Bonus points na rin ‘pag ginagawa ring accessible ng pawnshop na ito ang pag-alam kung what is the contact number of the branch closest to you, Suki.

4. Mabilis pa sa alas kwatro ang transaction mo

Video courtesy of Palawan Pawnshop via Youtube

Sino ba naman ang gustong pumila nang matagal? Kahit matiisin at matiyaga ang mga Pinoy, mapapa-beast mode ka kung 57 years ka nang naka-tengga sa pila at nagugutom ka na. Kung hindi ikaw, baka 'yung aleng buntis sa unahan mo—na mukhang manganganak na nang 'di oras sa sobrang tagal ng paghihintay sa pila.

Kapag nagsasangla ka, dapat nakakatipid ka rin sa oras mo. Ang oras na nasayang ay hindi na maibabalik pa. Kaya pumili ng pawnshop na kilala sa mabilis at systematic na transactions nito. 'Yung hindi ka paghihintayin ng forever.

5. Bet na bet mo ang services at pakikitungo ng staff ng pawnshop

Video courtesy of Palawan Pawnshop via Youtube

Ano ang sanglaan na masayang balik-balikan? Eto yung tipong gusto mong i-group hug ang guard at clerks pagkatapos ng transaction mo sa pawnshop dahil friendly sila at very good ang kanilang customer service. 'Yung pakiramdam mo, itinatrato ka nilang parang mamahaling alahas na pinahahalagahan at iniingatan, 'di gaya ng ex mong walang paki sa 'yo. Aww!

Mainam kung ang pawnshop ay may money remittance services din. Malaking tulong ito lalo na kapag may emergency sa pamilya. Pagkasangla mo, pwede mong ipadala agad ang pera doon na rin mismo. 

6. 'Yung may natatanggap kang text reminders ng iyong sangla

Video courtesy of Palawan Pawnshop via Youtube

Kalimutan mo na ang ex mong nang-iwan sa 'yo, 'wag lang ang due date ng iyong sangla. Kapag hindi mo 'yun natubos o ni-renew agad, baka magka-penalty ka o maremata ang alahas mong may sentimental value. 

Kaya mo nga sinangla ang gold jewelry mo sa halip na ibenta dahil ayaw mong mawalay ito sa 'yo, 'di ba?

Eh paano kung busy o makakalimutin ka lang talaga? Kailangan mo ng text notification mula sa pawnshop na magpapaalala sa 'yo na mag-eexpire na ang iyong sangla. Kung wala ka pang perang pang-tubos, pwede mo naman itong i-renew.

7. Nasa iisang pawnshop lang pala lahat ng hinahanap mo

Nasa iisang pawnshop lang pala lahat ng hinahanap mo

Photo courtesy of GIPHY

Nakaka-kilig 'yung moment na na-realize mong ang lahat ng katangiang hinahanap mo ay nasa iisang tao. Ganun din ang feels kapag natagpuan mo na ang pawnshop na para sa iyo. 'Yung hindi mo basta-basta aalisan dahil kaya nitong ibigay lahat ng financial services na kailangan mo bukod sa sangla. Pera padala? Check. Bills payment? Check. E-loading station? Check. Money changer? Check. 

Sa isang one-stop shop na pawnshop, marami kang magagawa sa maikling panahon. Lalabas ka sa sanglaan na feeling wagi sa halip na sawi. 

Oh 'di ba? Mas madaling makakita ng perfect na pawnshop kaysa humanap ng trulab. 

Uwian na—may nanalo na, mga bes! Palong-palo ang pitong moments ng Palawan Pawnshop na perfect para sa 'yo (ulitin nang pitumpu't-pitong beses). Matatag ito dahil mahigit 30 taon nang nagse-serbisyo sa mga Pilipino. Maaasahan din ito na bigyan ka ng de-kalidad na serbisyo sa presyo at interest na abot kaya mo. At mapagkakatiwalaan mo ito na pahahalagahan ka at ang iyong sanglang alahas.

At masasabi mo sa iyong sarili: "Eto na 'yun. Siya na ang forever ko!" 'Wag ka nangmagpatumpik-tumpik pa kung nahanap mo na ang perfect na pawnshop para sa 'yo.

Video courtesy of Palawan Pawnshop via Youtube

Share: