-
Services
-
Pera Padala
Mura, mabilis, at walang kuskos-balungos! Palawan Express Pera Padala is a fast, easy, convenient, and simple domestic money remittance service brought to you by Palawan Pawnshop. Learn more about us here today!
-
Pawning
Always the Matatag, Maaasahan, and Mapagkakatiwalaan. With over 3,000 branches nationwide, Palawan Pawnshop accepts gold jewelry items with high appraisal and lowest interest rates at a fast and reliable service. Pawn now!
-
International Remittance
Fast, Reliable, Affordable, and Hassle-free International Money Transfer.
-
-
Partner With Us
-
International Partner
Palawan Express Pera Padala is continuously expanding its network through partnership with reputable remittance companies worldwide to deliver fast and secure remittance payout to millions of Filipino beneficiaries in the country.
-
Corporate Client
Palawan Express Pera Padala offers tailored partnerships to meet client’s strategic business objectives. We render corporate solutions to make sure client accounts are profitable and growing.
-
Domestic Partner
Palawan Express Pera Padala widens its network through accrediting reputable entities as Authorized Agents. This greatly helps our valued customers to quick and easy access to Palawan Express remittance services across the country.
-
- Press Room
- Promos
- Advocacy
- FAQs
- About Us
- Careers
Iwasan ang Last-Minute: Plan Your Family Reunion As Early As Now
March 19, 2021
Hindi kumpleto ang Pasko ng pamilyang Pilipino kung walang family reunion. Matic na ‘yan, ika nga. May pa-games, pa-Lechon, at pa-tshirt. Minsan may tarpaulin pa. Ganyan ang Pinoy mag-reunion --- all out.
Nagsimula na ang countdown sa Pasko. May plano na ba kayo? Exciting ang pagpaplano pero siyempre medyo hassle din. Isipin mo na lang: ilang pamilya ‘yan, ilang ideya at ilang suggestions ang kailangan magkasundo. Minsan nga, may mga away pa at ang ending, hindi na lang tinutuloy.
Busy na kasi sa panahong ito kaya the earlier the planning, the better. There is no one way of how to plan a family reunion dahil bawat pamilya naman ay iba. Pero may tips o checklist ka na pwedeng sundan kung ikaw ang in-charge sa taong ito para magkaroon ng sistema at alam mo saan mag-uumpisa.
Narito ang ilang tips on planning a family reunion para siguradong lahat mag-eenjoy.
Hatian ng Budget
Ito marahil ‘yung isa sa pinakamahirap kaya dapat unahin na. Aminin n’yo, dito nagkakatalo madalas. Sa simula pa lang, alam dapat kung paano ang hatian sa budget. Unless meron kayong isang galanteng kamag-anak na willing sagutin lahat, dapat may maayos kayong plano sa budget. Magkano? Paano ang hatian? Pwede bang pot luck na lang para makatipid?
Hindi naman kailangang pantay ang kontribusyon. Hindi rin naman ito patas dahil may mga pamilya na mas angat sa iba. Kumbaga, ang P5,000 sa ibang pamilya, barya lang; pero sa iba, napakalaking bagay. Kung may kusa, mas mainam; pero kung wala, pag-usapan nang maayos.
Kadalasan din na takbuhan sa mga ganitong okasyon ang mga kamag-anak na OFWs. Makauwi man o hindi, gusto rin nilang maging bahagi ng family reunion. Mabuti na lang at marami nang pera padala outlets sa Pilipinas. Ang Palawan Express Pera Padala, may international remittance partners sa iba’t-ibang bansa at marami ring Palawan Express branches sa buong bansa. Mababa rin ang minimum remittance rate kaya hassle-free na magpadala ng pera, hindi ka pa feeling na-holdap dahil sa laki nang singil sa pagpapadala.
Mula sa mapagkakasunduang budget, mapaplano na ang venue, pagkain, program, at kung anu-ano pa.
Damay-damay na ‘to!
Huwag solohin. Kaya nga pamilya ‘di ba? Dahil magkaka-pamilya naman kayo, pamilyar naman siguro kayo sa talents ng isa’t-isa. Merong tiyahin na magaling sa kusina, merong pinsan na magaling mag-host o mag-organize, merong pinsan na sobrang sinop, merong bigtime na maraming koneksyon, etc.
I-delegate ang trabaho. Bumuo ng mga important committees—food, venue, program and games, giveaways, at entertainment. Sa panahon ngayon, mas madali nang maging organized dahil may mga online chat na para lahat updated. Isali dito ang committee leaders at kahit isang representative bawat pamilya.
It’s a date!
Busy season ang Pasko at bawat isa may kanya-kanyang lakad. Kaya dapat maaga pa lang, mapagkasunduan na ang date para ma-block off na rin ng mga kapamilya. Maaaring i-consider na ganapin ito nang mas maaga gaya ng last week of November or first week of December o kaya naman after Christmas na lang sa January. Nakasalalay kasi ang tagumpay ng family reunion sa attendees kaya dapat humanap ng petsa na pasok sa schedule ng lahat.
Walang dehado sa venue
Gaya na rin ng date, dapat convenient din sa lahat ang venue. Kumuha ng lugar na nasa gitna, madaling marating, at may access sa public transportation. Tandaan din na habang papalapit ang Pasko, patindi nang patindi ang traffic kaya humanap ng venue na hindi notoryus sa traffic. Iwasan na kung maaari ang Makati at Ortigas at mga venue na malapit sa malls. Tignan din ang posibilidad na baka may isang pwedeng mag-volunteer ng kanyang tahanan. Hikayatin din ang mga kapamilya na mag-carpool para tipid na, bonding pa.
Sa usapin ng date at venue, maaaring mag-survey kung saan ang pinaka-bet ng nakararami. Just make sure na lahat ng pamilya ay well-represented.
A Family Affair
Syempre kapag family reunion, dapat may family members. Pero dapat malinaw kung aling pamilya. Iyon lang bang immediate or hanggang second or third level na mga kadugo. The bigger the group siyempre, the bigger requirements.
You should take into consideration the fact that you may not be able to accommodate the entire clan. Kung hindi, wag na ipilit. Dapat realistic ang plano. Dapat din i-consider na hindi naman kasi lahat talaga magkakakilala. Pero on another hand, magandang oportunidad ito para magkakilala ang mga magkakamag-anak.
We’re having a party!
Importante ang guest list at imbitasyon sa family reunion. Mas madali na nga ngayon dahil pwede na ang e-invite. Maging very sensitive pagdating dito, dahil baka may ma-miss at magtampo. Ang pagpapadala ng imbitasyon ay mahalagang simbolismo dahil pinapakita nito na talagang pinagplanuhan at hangad mo ang pagdalo ng bawat isa.
Kabog na tema
Isa mga paraan para maging mas exciting ang family reunion ay kapag merong tema. Kahit pa simpleng color coding lang para sa bawat pamilya, okay na. Maaari rin na tignan ang tema na may koneksyon sa roots o history ng pamilya. Halimbawa, kung tubong Ilocos ang pamilya, pwede itong gawing tema ng pagkain at disenyo, pati na musika.
Busog sa chibog
Hindi pwedeng mawala sa bawat how to plan a family reunion checklist ang pagkain. Siyempre, lahat looking forward d’yan. Sa pagplano ng menu, siguruhin na balanse ito. Kumbaga, there’s something for everyone pati sa mga bata. Maging aware din sa mga bawal na pagkain lalo kapag may mga matatanda. Planuhin din ang alcohol consumption. Mahirap kasi na ang family reunion, mauwi sa lasingan.
Winner na paandar
Magplano para sa simula pa lang, start with a bang na. Dapat may pakulo at paandar na ikakataas ng excitement level ng mga bisita. Halimbawa, pwedeng overly-energetic na welcoming committee o welcome number. Pwede rin magpaskil ng blank family tree na susulatan ng bawat dumating. Maaari rin na mag-throwback kayo sa pamamagitan ng video presentation ng mga old family pictures para may nostalgia at feel at home lahat. Pwede rin na sa simula pa lang, may paandar nang freebies kahit simple lang.
Fun and games
Dapat ma-sustain ang momentum sa kabuuan ng programa. Hangga’t maaari dapat involved ang lahat, Halimbawa, pwedeng magpasikat ang bawat pamilya kung game naman sila. Maaari rin na piling perfomances na lang mula sa mga mahilig sumayaw o kumanta. Gawing simple pero masaya ang games. Huwag ‘yung kumplikado sundan. Kung may extra, pwede pa ‘yang pa-raffle. Simpleng gift certificates lang, okay na. Siguruhin din na may pabaon sa pagtatapos ng programa gaya ng tokens at give-aways.
Pagkatapos ng celebration, make sure to keep in touch. Keep everyone engaged with pictures of the event, for example. At higit sa lahat, dapat enjoy lang. Iyon bang masaya at chill lang. Ang mahalaga ay ramdam ng lahat kung gaano sila ka-blessed dahil sa pamilya.
Related Article
-
Palawan Pawnshop Pet Insurance Para ProtekTODO si Bantay
Blog05 / 29 / 2024
-
Palawan Pawnshop: Your One-Stop Shop for Bills Payment Needs
Blog05 / 29 / 2024