Postpaid vs Prepaid: Alin Ang Win-Win Sa’yo, Suki?

Blog

May 09, 2024

woman wearing a face mask and holding a smartphone

‘Di maipagkakaila na isang mobile nation ang Pilipinas sa dalas natin makipag-text, chat o manood ng kung anu-anong videos at laro meron online. Pero para gawin lahat ng ito, syempre, dapat palagi kang may load o kaya’y dapat may malapit na e-loading para palaging updated.

Hindi maiiwasan na magkaroon ng debate sa mga tao, lalo na sa barkada o sa pamilya ang usapan ng prepaid o postpaid mobile plans. Parang basketball lang yan, may mga fans ang bawat panig kung ano ang kanilang mas gusto. 

Bakit nga ba mahalaga ang pagpili sa tamang mobile load option na swak sa budget? Syempre, kailangan mo ng load na hindi lang sulit sa bulsa, kundi may dagdag na benepisyo rin. Kaya naman, alin nga ba ang mas sulit, prepaid o postpaid?

Ano ang Prepaid at Postpaid Plans?

Ang prepaid at postpaid ay dalawang uri ng mobile load plans na maaaring pagpilian ng isang Suki depende sa kanyang pangangailangan at lifestyle. Pero ano nga ba pinagkaiba ng dalawang ito? 

Ano ang Prepaid Plan?

Sa prepaid mobile plan, kailangan mong mag-load bago ka makagamit ng serbisyo. Ibig sabihin, kailangan mong magbayad nang maaga para sa iyong mga tawag, text, at data. Parang ang dating mo ay parating may baon na load, at kapag naubos, kailangan mong magpaload ulit.

Ano ang Postpaid Plan?

Sa postpaid plan naman, unang gagamitin ang serbisyo bago mo bayaran. Ibig sabihin, may binabayaran kang fixed na halaga kada buwan, depende sa iyong plano, at pagkatapos ng buwan, mayroon kang babayaran base sa iyong konsumo.

Ano Ang Mas Maganda? Prepaid at Postpaid Plans 

Between prepaid and postpaid plans, syempre mayroon itong kanya-kanyang kalamangan at kawalan na dapat isaalang-alang bago magdesisyon. Narito ang ilan sa mga ito: 

1. Flexibility sa plan at inclusions

Pagdating sa flexibility, may control ka sa iyong paggamit at gastusin sa prepaid plan. Ikaw ang nagdidikta kung magkano ang iyong gagastusin, dahil ikaw ang pipili kung magkano ang iyong ilo-load. 

Sa kabilang banda naman sa postpaid, minsan ay mayroong limitasyon sa iyong paggamit at may mga karagdagang bayarin kung lumampas ka sa iyong monthly allotment.

2. Validity ng promo o plan

Malaking benepisyo ang hindi pagkakaroon ng mahabang kontrata o buwanang bill sa prepaid, Madali ito gamitin at wala kang iniisip na monthly bills o kontrata. 

Sa postpaid naman, kailangan mong bayaran ang kontrata buwan-buwan kahit hindi mo madalas gamitin ang isang serbisyo.

3. Customization of plan

Mas ideal ang prepaid para sa mga paiba-iba ang promo na ginagamit, o di kaya’y may limitadong budget. Sa prepaid, ikaw ang nakakapagdesisyon kung magkano ang iyong gagastusin at kung anong serbisyo o promo ang kailangan mo. 

Sa postpaid, minsan ay limitado ang mga opsyoon mo dahil nakatali ka sa iyong plano. 

4. Budget at payment 

Walang panganib sa pag-overspend o sa mga hindi inaasahang singil sa prepaid. Ibig sabihin, kung ubos na ang iyong load, hindi ka makakapag-gastos nang higit sa iyong budget. 

Sa postpaid naman, kailangan mong bayaran ang iyong bill kahit na hindi mo nagagamit ang iyong buong allotment.

Mabilis at Madaling Prepaid Mobile Load sa Palawan

Sa Palawan Express, hindi mo na kailangang mag-alala sa pag-load ng iyong prepaid mobile. Mayroong mga branches at PalawanPay App na nagbibigay sa iyo ng mga pagpipilian para sa iyong loading needs. Hindi lang basta-loading, kundi isang karanasan na maaaring magdala ng kasiyahan at kaginhawaan sa iyong buhay mobile.

Binibigyan ng Palawan Express ang kanyang mga suki ng malawakang access at availability ng mga loading station sa buong bansa. Hindi mo na kailangan maghanap sa malayong lugar para lang magpaload. Saan man sa bansa, siguradong may Palawan branch na malapit sa iyo. 

Madali narin mag-reload kahit saan at kahit kailan, kahit na nasa liblib ka pa na lugar. Hindi mo na kailangang maghintay ng mahabang oras o maghanap ng loading station. Sa tulong ng Palawan, maaari kang magreload sa kahit anong oras at saan ka man.

Ang Palawan rin ay nag-aalok ng load denomination na swak sa iyong budget. Marami kang choices na pwede pagpiliian, kaya’t hindi ka mapipilitan na magpalod na mas malaki sa iyong kailangan o budget. 

At higit sa lahat, ipinapakita ng Palawan ang kanilang reliability at efficiency sa pamamagitan ng kanilang mga PPS-PEPP branches at PalawanPay. Walang-hassle ang pagloload sa Palawan, dahil sa kanilang mabilis at maayos na serbisyo.

E-load? I-Palawan mo na ‘yan!

Bilang bahagi ng kanilang pangako na maghatid ng magandang serbisyo, nagbibigay ang Palawan ng mga pagpipilian na nagbibigay ng kasiyahan at kaginhawaan sa kanilang mga customer. Narito ang ilan sa mga karanasang ito:

testimonial-from-palawan-pawnshop-customer-050924aPhoto courtesy of Palawan Pawnshop Facebook Page

Sa mga testimonial na ito, makikita ang kahalagahan at kaginhawaan na dala ng PPS-PEPP branches at PalawanPay sa mga customer ng Palawan.

Sa Palawan Pawnshop, makakahanap ka ng mga serbisyo na magbibigay sa iyo ng kasiyahan at kaginhawaan sa iyong mobile load needs. Huwag mag-atubiling magtanong at alamin ang mga pagpipilian sa Palawan Pawnshop para sa iyong prepaid mobile load. Sa pamamagitan ng tamang impormasyon at pagpapasya, makasisigurado ka na ang iyong mobile load ay sulit sa bawat sentimo.

Nawa'y maging gabay ito sa inyong mga desisyon at magbigay-liwanag sa pagpili ng tamang mobile load para sa inyong pangangailangan.

Mag-load na sa Palawan, kasiyahan at kaginhawaan sa bawat reloading!

Share: