-
Services
-
Pera Padala
Mura, mabilis, at walang kuskos-balungos! Palawan Express Pera Padala is a fast, easy, convenient, and simple domestic money remittance service brought to you by Palawan Pawnshop. Learn more about us here today!
-
Pawning
Always the Matatag, Maaasahan, and Mapagkakatiwalaan. With over 3,000 branches nationwide, Palawan Pawnshop accepts gold jewelry items with high appraisal and lowest interest rates at a fast and reliable service. Pawn now!
-
International Remittance
Fast, Reliable, Affordable, and Hassle-free International Money Transfer.
-
-
Partner With Us
-
International Partner
Palawan Express Pera Padala is continuously expanding its network through partnership with reputable remittance companies worldwide to deliver fast and secure remittance payout to millions of Filipino beneficiaries in the country.
-
Corporate Client
Palawan Express Pera Padala offers tailored partnerships to meet client’s strategic business objectives. We render corporate solutions to make sure client accounts are profitable and growing.
-
Domestic Partner
Palawan Express Pera Padala widens its network through accrediting reputable entities as Authorized Agents. This greatly helps our valued customers to quick and easy access to Palawan Express remittance services across the country.
-
- Press Room
- Promos
- Advocacy
- FAQs
- About Us
- Careers
9 Holy Week Activities to Try Para Maging Productive
March 19, 2021
Ngayong 2020, ang Holy Week o Semana Santa ay magsisimula sa April 5, Palm Sunday, at magtatapos sa April 12, Easter Sunday. Para sa mga Kristiyano, bahagi na ng tradisyon na ang linggong ito ay natatanging panahon upang magnilay-nilay at alalahanin ang sakripisyong ginawa ni Hesus para sa lahat.
Ngunit dahil sa ipinatutupad na Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa maraming lugar upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 sa bansa, lalong higit na kinakailangang ilaan ang panahon na ito upang sama-samang magdasal ang bawat pamilya sa loob ng tahanan. Bagamat maraming mga pamilya na nakaugalian na ang mag-relax at magbakasyon tuwing Holy Week sa ibang bansa o sa probinsya, kinakailangan munang ipagpaliban ang mga bakasyon na ito upang manatili sa loob ng bahay. Ikaw, Suki, anu-anong holy week activities ang naiisipan mong gawin?
Tandaan, mahalaga ang bawat oras kaya dapat masulit mong mabuti ang lenten season na ito. Kung kailangan mo ng tulong sa pagpaplano ng holy week activities for you and your family, basahin mo lamang ito para maging productive pa rin ang Holy Week mo ngayong 2020.
1. Mag-family retreat sa loob ng bahay
Photo courtesy of Andrea Piacquadio via Pexels
Dahilan sa ECQ na patuloy pa ring ipinatutupad sa maraming mga lugar, hindi muna maaaring isagawa ang mga holy week traditions gaya ng Visita Iglesia o pagbisita sa pitong simbahan. Sa halip, makabubuting bumuo na lamang ng holy week activity gaya ng family retreat kung saan sama-sama kayong magdasal, mag-aral ng salita ng Diyos, umawit ng mga worship songs, at manood ng mga religious movies sa TV o sa internet.
Kung hindi ka naman Katoliko at iba ang paraan ng inyong pag-o-observe sa kamatayan ni Jesus, bakit hindi ka na lang humanap ng tahimik na lugar sa loob ng inyong tahanan upang mag-reflect o mag-meditate. Magandang paraan ito upang mawala ang mga alalahanin, maging positibo, at magkaroon ng malinaw na kaisipan. Samantalahin din ang pagkakataong ito para isipin kung anu-anong mga biyayang natanggap mo sa iyong buhay.
2. Makipagbayanihan online
Photo courtesy of Thomas Lefebvre via Unsplash
Dahil ipinapaalala sa atin ng Lenten season ang pagbibigay at pagsasakripisyo, bakit hindi mo tularan si Jesus, Suki? Maaari kang tumulong sa pamamagitan ng pakikiisa sa mga online fundraising campaigns para sa mga taong higit na apektado ng krisis na dulot ng COVID-19. Hindi naman mahalaga, Suki kung malaki o maliit na halaga ang iyong ibibigay na tulong kundi ang iyong pakikiisa at pagnanais na makatulong sa kapwa.
Bukod sa pagtulong sa pamamagitan ng online donations, maaari ka ring mag-organisa ng virtual o online holy week youth group activities kung saan maaari kang magturo ng mga skills online o magbigay ng mga payo o words of encouragement sa kanila lalo na sa ganitong panahon ng krisis. Magandang opportunity ito para mapagtibay ang inyong magandang relasyon at maaari ka pang magkaroon ng mga bagong mga kakilala at kaibigan. Maaaring nakakapagod ang pagsasagawa ng mga ganitong uri ng gawain pero tiyak namang may matamis kang ngiti sa iyong labi.
Kung ayaw mo munang maglaan ng oras sa internet ngayong Holy Week, Suki, no worries! Pwede ka pa rin namang mag-donate ng kahit gaano kaliit o kalaking halaga sa mga kaibigan o kapamilya mong nangangailangan ng tulong. Magpunta lamang sa mga bukas na remittance centers tulad ng Palawan Express Pera Padala para sa mura, mabilis, at walang kuskos-balungos na serbisyo.
3. Hasain ang talento mo sa kusina
Photo courtesy of Elly Fairytale via Pexels
Karaniwan na ang pag-a-abstain sa karne para sa mga Katoliko tuwing Semana Santa. Kaya naman, bakit hindi gawing isa sa mga holy week activities for the family ang pag-iimbento ng mga bagong recipes sa kusina gamit ang mga prutas, gulay, at isda? Malay mo, makabuo pa kayo ng family cook book!
At dahil bakasyon pa ang mga bata sa school, bakit hindi mo samantalahin ang panahon na ito para turuan ang iyong mga anak, kapatid, o pamangkin na magluto kahit ng simpleng mga putahe o desserts?
Siyempre, pagkatapos magluto, pagsaluhan kasama ng buong pamilya ang mga masasarap na niluto ninyo. Kung medyo naparami ang niluto niyo, bakit hindi mo ito i-share sa ilang kapitbahay sa inyong baranggay? Magandang paraan ito para makatulong at makagawa ng mabuti sa kanila.
4. Mag-general cleaning sa bahay
Bukod sa pagiging busy sa kusina, isa sa mga productive holy week activities na magagawa mo sa bahay, Suki ay mag-general cleaning. Linisin ang bawat sulok ng bahay ninyo at mag-declutter na rin ng mga gamit na hindi na ginagamit. Kapag nabawasan ang kalat sa bahay ninyo, magiging maluwag ang iyong pakiramdam at relaxed ka kahit pa nasa bahay ka lamang.
Kung sakaling marami kayong maipon na mga gamit na hindi na nagagamit, pwede niyo itong i-donate sa inyong baranggay para ipamahagi sa mga tao sa inyong komunidad.
5. Libutin ang loob ng bahay
Photo courtesy of Ostap Senyuk via Unsplash
Kadalasan, tuwing Holy Week, karamihan ng mga tao ay umaalis ng bahay upang magbakasyon at magpahinga. Ngunit dahil sa health crisis na dinaranas natin ngayon, makabubuting mamalagi na lamang sa loob ng bahay at samantalahin ang panahong ito para libutin ang loob ng inyong bahay. I-enjoy mong muli ang iyong kwarto o bisitahin ang mga bahagi ng bahay na hindi mo madalas puntahan. Para maging productive, i-check ang buong bahay upang makita ang mga sirang bahagi ng bahay o mga kagamitan na nangangailangan nang i-repair sa halip na itutok ang iyong atensyon sa cellphone o sa computer. Kailangan mo itong gawin, Suki, dahil matututunan mong muling i-appreciate ang mga bagay na mayroon ka at mapapanatili mo pang ligtas ang inyong tahanan.
6. Mag-detox at mag-exercise
Photo courtesy of Valeria Ushakova via Pexels
Isa rin sa mga holy week activity ideas na pwede mong subukan ay ang pag-de-detox at pag-e-exercise. Bukod sa pag-iwas sa karne, ang iba naman ay nag-fa-fasting kapag holy week. Bakit hindi gawing isang holy week activity ang paggawa ng detox drinks at pag-inom nito together with your family? Mag-home exercise na rin kayo nang magkakasama o kaya ay mag-zumba bilang family sa bahay. Sa pamamagitan nito, matutulungan niyo ang isa’t-isa na mas mapalakas ang inyong mga katawan at mapabuti ang inyong mga resistensya.
7. Basahin ang nakatambak mong mga libro
Photo courtesy of Emily Rudolph via Unsplash
Kung avid reader ka, Suki, pero lagi kang walang time na basahin noon ang mga librong binili mo, bakit hindi ka mag-reading marathon? Sa pamamagitan ng pagbabasa, nakakapunta ka sa mga lugar at panahon nang hindi namamasahe. Oras at atensyon lang ang kailangan mo. Kaya naman, bawasan na ang book pile mo sa bahay. Abutin ang mga libro mo sa bookshelf, magkulong sa iyong kwarto at hayaang dalhin ka ng librong binabasa mo sa lugar ng iyong imahinasyon.
8. Maging creative at artistic
Photo courtesy of Ray Piedra via Pexels
May mga hobbies ka bang hindi mo na nagagawa, Suki dahil lagi kang busy sa work o sa school? Well, dahil nasa bahay ka lang naman buong Holy Week , bakit hindi mo ulit gawin ang mga ito? Maganda ring holy week activities for youths ang mga bagay na makakatulong sa kanila na maging creative tulad ng painting o paggawa ng iba’t-ibang arts and crafts.
May gusto ka bang matutunang gawin, Suki? Kung meron, mag-search ka ng mga tutorials online at simulang pag-aralan ang mga ito. Sa tulong ng mga free online videos na ito, mahahasa mo ang mga abilities mo at pwede mo pang ma-discover ang mga hidden talents mo!
9. Mag-family date sa loob ng bahay
Photo courtesy of cottonbro via Pexels
Ngayong Holy Week, Suki, maglaan ng panahon para sa sarili mo at sa pamilya mo. Kalimutan mo lahat ng bad vibes sa buhay, stress sa paligid, o kawalan ng lovelife (kung hindi mo pa nahahanap ang “the one” mo). Sa halip, maging mapagpasalamat at appreciative sa kung anong meron ka at isa na rito ang iyong pamilya. Bakit hindi ka maghanda ng espesyal na home family dinner? Pwedeng-pwede mo itong gawin para sa family mo, Suki. Isa itong magandang paraan para pagsilbihan sila at pasayahin sila lalo na sa mga ganitong panahon. Hindi mahalaga kung bongga o simple ang gagawin ninyo, Suki. Ang mahalaga ay masaya kayo at magkakasama.
Napakarami mong pwedeng gawin para masulit ang paparating na Holy Week, Suki. Kaya sa halip na matulog buong linggo o maglaro ng online games, bakit hindi ka maging productive? Subukan kahit isa o lahat ng mga ideas na ito para ma-enjoy mo ng todo-todo pero safe ang Holy Week mo ngayong taon.
Related Article
-
Palawan Pawnshop Pet Insurance Para ProtekTODO si Bantay
Blog05 / 29 / 2024
-
Palawan Pawnshop: Your One-Stop Shop for Bills Payment Needs
Blog05 / 29 / 2024