-
Services
-
Pera Padala
Mura, mabilis, at walang kuskos-balungos! Palawan Express Pera Padala is a fast, easy, convenient, and simple domestic money remittance service brought to you by Palawan Pawnshop. Learn more about us here today!
-
Pawning
Always the Matatag, Maaasahan, and Mapagkakatiwalaan. With over 3,000 branches nationwide, Palawan Pawnshop accepts gold jewelry items with high appraisal and lowest interest rates at a fast and reliable service. Pawn now!
-
International Remittance
Fast, Reliable, Affordable, and Hassle-free International Money Transfer.
-
-
Partner With Us
-
International Partner
Palawan Express Pera Padala is continuously expanding its network through partnership with reputable remittance companies worldwide to deliver fast and secure remittance payout to millions of Filipino beneficiaries in the country.
-
Corporate Client
Palawan Express Pera Padala offers tailored partnerships to meet client’s strategic business objectives. We render corporate solutions to make sure client accounts are profitable and growing.
-
Domestic Partner
Palawan Express Pera Padala widens its network through accrediting reputable entities as Authorized Agents. This greatly helps our valued customers to quick and easy access to Palawan Express remittance services across the country.
-
- Press Room
- Promos
- Advocacy
- FAQs
- About Us
- Careers
Pamilyang ProtekTODO sa Tulong ng Palawan Pawnshop Insurance
May 11, 2021
Napaka-unpredictable talaga ng buhay, Suki. Hindi natin alam kung ano ang mangyayari sa atin sa hinaharap. At minsan pa nga, kahit ano pang pag-iingat natin sa buhay, talagang hindi maiiwasan na may mangyayaring hindi maganda na para bang kusa tayong nilapitan ng mga pangyayaring ito.
Magugulat na lang na ikaw o isa sa mga mahal natin sa buhay ay nagkaroon ng malubhang karamdaman, na-aksidente, o kaya’y naapektuhan ng mga sakuna. Dagdag isipin pa sa mga pangyayaring ito ay ang kawalan ng trabaho o ari-arian dahil sa aksidente o sakuna, o kaya ay patong patong na gastusin. Kaya naman, maganda nang habang maaga pa ay magkaroon tayo ng nakahandang accident insurance.
Teka, sandali, insurance ba kamo? Hindi ba’t mahal ‘yon? Hindi ba pang-mayaman lang yan? Naiintindihan namin ang iyong mga daing, Suki! Dahil ang proteksyon ay hindi kailangang mabigat sa bulsa bilang karapatan ng lahat ang ma-access ito. Kaya 'wag kang mag-alala, dahil sagot ka ng ProtekTODO personal accident insurance dito sa Palawan Pawnshop. Sa abot-kayang halaga, siguradong protektado ka at ang iyong pamilya sa kahit anong sakuna.
Kaya ngayong taon, idagdag na ang accident insurance sa iyong wais financial goals. I-todo na ang pagproprotekta sa sarili mo at sa pamilya mo! Basahin ang mga sumusunod na benepisyo na makukuha mo sa Palawan Pawnshop insurance.
Photo courtesy of Olga Kononenko via Unsplash
1. Tulong para sa pagkamatay dahil sa katandaan o malubhang karamdaman
Sa panahon ngayon, hindi na multo o aswang ang kinatatakutan. Mas kinatatakutan ng lahat ay ang magkaroon ng COVID. Sino ba namang hindi matatakot dito? Isa itong pandemya na higit 3 million na tao ang pinatay sa buong mundo. Patuloy din ang pagtaas ng mga active cases dito sa Pinas, na ngayon ay lagpas 1 million na. At mukhang hindi pa ito basta basta matatapos agad, dahil sa mga naglalabasang COVID variants galing sa iba’t ibang bansa.
Mahirap magkaroon ng COVID, at mahirap din mawalan ng mahal sa buhay dahil dito. Maliban sa emotional na sakit na dala nito, masakit din sa bulsa ang magiging gastos nito. Maraming important lessons na tinuro ng coronavirus outbreak, isa na dito ang pagiging matipid at pagtatabi ng pera sa mas mga importanteng bagay tulad ng savings account o personal accident insurance. Sa Palawan Pawnshop Insurance, makakakuha ka ng halos ₱5,000 sa ilalim ng kanilang Natural Death or Death Due to Sickness benefit.
Photo courtesy of John Middelkoop via Unsplash
2. Tulong para sa nagkaroon ng kapansanan o nawalan ng kahit na anong bahagi ng katawan dahil sa aksidente
Ayon sa PAG-ASA, ang Pilipinas ay madalas makaranas ng mga bagyo dahil sa lokasyon nito. Kaya naman karaniwan sa bansa natin ang makaranas ng ulan, pag-baha, at malalakas na hangin na nagdudulot ng aksidente at pagkasira ng hanapbuhay. Kamakailan lang, nabalita na may mga naaksidente pagkatapos malaglagan ng puno o gamit dahil sa bagyong Bising.
Sa mga ganitong sakuna, madalas talagang may hindi tayo inaasahang pangyayari na magdudulot ng kapansanan sa kahit anong bahagi ng katawan. Maaaring dahil nalaglagan ka ng gamit kaya hindi na magamit ang braso, o kaya naman nadaganan ng pader ang paa kaya hindi na makalakad.
Mabuti na lang na uso ang modern bayanihan sa panahon ngayon, ngunit iba na rin ang may personal accident insurance upang hindi maghintay o umasa sa tulong ng iba. Sa ProtekTODO insurance, hanggang ₱30,000 ang pwede mong ma-claim sa kanilang Permanent Disablement or Dismemberment Due to Accident benefit, kung sakaling maging apektado kayo ng mga aksidente dahil sa mga ganitong sakuna.
Photo courtesy of Diana Polekhina via Unsplash
3. Tulong para sa nagkaroon ng kapansanan o nawalan ng kahit na anong bahagi ng katawan dahil sa aksidente sa motorsiklo
Usong-uso ang motorsiklo sa Pinas. Marami nga naman kasi etong benepisyo, Suki. Swak ito para sa mga financially conscious ngayong pandemya, dahil mas mura ang maintenance nito at hindi na kinakailangang marami ang sasama pagpunta sa palengke. Mas madali ka ring makakapunta sa pupuntahan mo kung nagmamadali ka. Kaya mo kasing sumingit sa kung saan saan, lalo na kung traffic.
Yun nga lang, dahil diyan, common na rin tuloy sa Pinas ang mga aksidente dahil sa motorsiklo. Noong 2020, naitala ng MMDA ang 10,226 na riders, 1,464 na pasahero, at 1,078 na pedestrian na puro mga nasugatan o nasaktan dahil sa mga motorsiklo. Maaaring nabangga sila sa isang bagay tulad ng poste o puno, nabangga mismo ng kapwa motorsiklo o sa taong tumatawid.
At dahil dyan, hindi maiiwasang may maapektuhan na mga bahagi ng katawan. Buti na lamang, hindi ka na mastrestress pagpapa-ospital. Dahil sa ProtekTODO accident insurance, kasama yan sa kanilang Permanent Disablement or Dismemberment Due to Motorcycle Accident benefit na umaabot sa halagang ₱10,000 ang pwede mong ma-claim.
Photo courtesy of Matt Chesin via Unsplash
4. Tulong para sa nasawi dahil sa aksidente sa motorsiklo
Minsan, hindi lang sakit sa katawan ang inaabot pag naaksidente dahil sa motorsiklo. Minsan, maaaring maging dahilan ito ng pagkasawi ng mga nakasakay dito. Nang nakaraang 2020, naulat ng MMDA na 198 na riders, 17 na pasahero, at 21 na pedestrian ang namatay dahil sa mga aksidente sa motorsiklo. Pagkabangga sa mga bagay tulad ng poste, puno, o iba pang sasakyan ang pinakamadalas na sanhi ng kamatayan sa mga aksidenteng ito.
Maliban sa kawalan ng buhay, may dala ding gastos ang mga aksidente na ganito. Pagpapaayos ng burol o libing, pagpapaayos ng nasirang bagay, lalo na kung ito ay mga private property, at pagpapagamot sa nadamay sa aksidente ay maaaring ilan sa mga iisiping bayarin. Sa ProtekTODO personal accident insurance, mababawasan ang iyong isipin sa gastusin dahil covered ito ng kanilang Loss of Life Due to Motorcycle Accident coverage, kung saan makakakuha ka ng halos ₱5,000.
Photo courtesy of Maxim Hopman via Unsplash
5. Tulong para sa nasawi dahil sa krimen
Hindi natin maitatanggi na sa ating mundo, mayroon talagang masasamang loob. Hindi na ito mawawala, may pandemya man o wala. Noong panahon ng community quarantines simula March-December 2020, naitala ng PNP ang 27,442 na krimen. Mababa man ito sa nakaraang taon, ngunit ayon kay Carlos Conde, Human Rights Watch (HRW) Asia Division senior researcher, maaaring dahil din ito sa limitadong paraan o paglabas para makapag-report ng mga krimen. Lalong lalo na ang mga mabibigat na krimen tulad ng domestic violence, child abuse, at iba pang krimen laban sa karapatang pantao.
Kahit ano mang pag-iingat, kung mayroong masasamang loob na hindi maganda ang balak at nagtatagumpay sila, mayroon taong masasawi. Kalakip nito ay ang mga gastusin upang makamit ang hustisya sa taong namatay, pati na ang tulong pinansyal sa naiwang pamilya. Kaya naman sa ProtekTODO accident insurance, dagdag tulong ang makiki-claim na ₱30,000 ng pamilya ng nasawi, dahil covered ito ng kanilang Accidental Death or Loss of Life including Unprovoked Murder and Assault benefit.
Photo courtesy of Daniel Tausis via Unsplash
6. Tulong para sa nasunugan
Napakalaki ng pinsala na dala ng sunog. Maliban sa maraming maaaring masaktan o masawi dahil dito, halos walang ititirang ari-arian ang mga taong nakaranas nito. Wala ng babalikang bahay ang iba, at ang mga pinagpaguran na gamit sa bahay ay wala na din. Nitong Marso 2021 lang, halos 200 na pamilya ang nawalan ng tirahan sa Malate, Manila dahil sa isang malaking sunog. Natupok nito ang hindi bababa sa 80 na tirahan, ayon sa Bureau of Fire Protection.
Kaya ang kahit sino mang nasunugan, kakailanganin talaga ang kahit anong tulong na maibibigay sa kanila. Mapapagkain man ito, mga damit, o pera, malaki na ang maitutulong sa kanila. At para unti-unti ring makabangon ulit sa buhay, magandang may naitatabing halaga sa accident insurance. Sa halagang ₱5,000 ng Fire Assistance coverage ng Palawan Pawnshop Insurance, maaari na uling magkaroon ng pag-asa pagkatapos ng problema sa buhay na ito.
Photo courtesy of Roman Kraft via Unsplash
7. Tulong para sa biglaang pagpapalibing
Suki, alam mo bang mahal na nga mabuhay, mahal ding mamatay? Umaabot sa ₱8,000 ang starting price ng funeral service cost sa Pilipinas. Wala pa diyan ang pagpapalibing at pagaasikaso ng mga papeles sa pagkamatay ng iyong kamag-anak. Kaya kung walang ipon o nakatabing pera para dito, mapapakamot na lang ang maiiwan nating mahal sa buhay kung saan kukuha ng panggastos.
Kahit pa paalis ka na ng mundo, siguraduhin pa ring panatag ang iyong maiiwang pamilya. Magandang kumuha ng accident insurance bago pa man dumating ang panahong ito, para hindi din maging mabigat ang dala nito sa iyong mga maiiwang mahal sa buhay. Sa pamamagitan ng ProtekTODO accident insurance, mayroon kang ₱10,000 na nakahanda dahil sa kanilang Accidental Burial benefit, sakali mang mangyari ito sa iyo o sa pamilya mo.
Photo courtesy of MD Duran via Unsplash
8. Tulong sa Edukasyon Dahil sa Biglaang Pagkamatay ng Kamag-anak
Halos lahat ng estudyante ay nasa online learning na ngayon, bagamat mayroon paring modules na hindi kailangan na buong linggo ay nakatutok sa gadgets ang mga mag-aaral. Pero syempre, magkano ba ang isang cellphone o tablet ngayon? Isa pang kailangan isipin ay ang Internet connection. Magkano ang kailangan para sa mobile data o kaya sa Internet plan? Talaga namang mahal ang mga gamit sa pag-aaral, nasa malaking public o maliit na private school man.
Malaki ang magiging epekto sa mga maiiwang anak o kaya kapatid pag biglang nasawi ang kanilang magulang o kaya naman ang tumatayong ama o ina para sa kanila. Hindi lang emotional na impact ang dala nito, kundi pinansyal din dahil maaaring mga menor de edad pa sila at wala pang kakayanang magtrabaho para sa sarili nila. Kaya upang tuloy ang edukasyon ng maiiwang mag-aaral sa pamilya, mainam ang may nakahandang ProtekTODO accident insurance para sa kanila. Maaaring makakuha sila ng halagang ₱2,500 sa Educational Assistance to Accidental Death benefit, na maaaring makatulong sa pagbili ng kanilang mga kailangan sa pag-aaral.
Common talaga ang mga hindi magagandang pangyayari sa buhay natin, Suki. Parte na ito ng buhay, at hindi natin ito makokontrol kahit ano pang ingat natin. Kaya nga napakahalaga ding sulitin ang oras na mayroon tayo, at kumuha ng dagdag proteksyon hindi lamang para sa sarili natin kundi para sa mga mahal natin sa buhay. Ang ProtekTODO personal accident insurance ay isa sa abot-kaya at magandang proteksyon na maibibigay mo sayo at sa mga minamahal mo.
At kung nais mo pang malaman kung ano ano ang mga plans at benefits ng ProtekTODO insurance, huwag magdalawang isip magbasa ng karagdagang impormasyon dito lang sa Palawan Pawnshop blog.
Related Article
-
Palawan Pawnshop Pet Insurance Para ProtekTODO si Bantay
Blog05 / 29 / 2024
-
Palawan Pawnshop: Your One-Stop Shop for Bills Payment Needs
Blog05 / 29 / 2024