Palawan Pawnshop Pet Insurance Para ProtekTODO si Bantay

Blog

May 29, 2024

women-in-pajamas-holding-polaroid-pictures-052824

May alaga ka bang aso o kaya naman ay pusa? Isa sa mga biyaya sa buhay ang pagkakaroon ng mapagmahal na alaga na siyang naging katuwang natin sa buhay. Sila ang ating bestfriend na handang makinig sa ating mga hinaing at nagbibigay ng walang kapantay na kaligayahan. 

Sa bawat lambing na ibinibigay natin ay lumalalim din ang ating pag-aalala sa kanilang kalusugan at kaligtasan. Paano natin sila poprotektahan sa mga di inaasahang pangyayari? Tuklasin sa artikulong ito ang kahalagahan ng pet insurance, ang mga benepisyo nito, at kung bakit ang Palawan Pawnshop ProtekTODO Pet Insurance ay maaari mong maging kaagapay sa pagprotekta ng mga mahal mong alaga.

Paano pumili ng tamang pet insurance

Mahalagang kumuha ng pet insurance upang masigurong protektado ang iyong alaga sa mga di inaasahang vet bills o medical care na kailangan ng mga alaga mo lalong lalo na sa kanilang senior age. 

Lubos na mahalaga rin ang pagpili ng pet insurance na swak sa bulsa at pangangailangan ng alaga mo. Lalong-lalo na’t marami ang available na pet insurance sa market ngayon.

Ang pagkuha ng pet insurance ay hindi lamang makakatulong sa pagsiguro ng kalagayan ng alaga mo kundi makakatulong din sa pag-protekta ng savings mo. Depende sa policy na kukunin mo, maaring ma-cover ang routine care at hospitalization expenses ng mahal mong alaga.

Ito ang mga factor na karaniwang tinitignan sa pagsusuri ng pet insurance coverage: pet needs, coverage, and cost:

1. Pet needs

Tingnan kung ano ang breed at age considerations ng insurer at alamin kung pasok sa ini-ooffer na pet insurance ang alaga mo upang masigurong swak ito sa pangangailangan ng alaga mo.

2. Insurance Coverage

Marami ang types of insurance na available sa market. Depende sa inyong budget, maaari kang kumuha ng accident and illness coverage, o accident-only coverage, o mas comprehensive na policy.

3. Insurance Cost at Payment Methods

Alamin ang mga charges sa pet insurance policy at kung gaano kadalas binabayaran ito. Maaring monthly o annual ang payment ng pet insurance policy.

4. Ease of Availing Service

Tiyakin kung paano ang pag-process ng claims. Mabilis ba ito at walang kuskos balungos? Kung gayon ay iyon ang ideal na insurance para sa alaga mo.

5. Insurance Validity

Pagtuunan din ng pansin ang validity ng pet insurance coverage at siguradong protektado ang iyong alaga palagi. 

Ang tamang konsiderasyon sa mga factor na ito ang susi sa pagpili ng swak na pet insurance para sa pinakamamahal mong mga alaga. 

Palawan Pawnshop Pet Insurance vs Others Pet Insurance in the Philippines

Suki, tama na ang pag-aalala sa kung saan makakahanap ng the best insurance para sa alaga mo! Narito ang mga benepisyong maihahandog ng Palawan Pawnshop Pet Insurance kahambing ng iba pang pet insurance sa bansa. 

Tingnan ang table na ito para mapaghambing ang pet insurance ng Palawan Pawnshop sa ibang pet insurance plans na available sa market ngayon.

 

Palawan Pawnshop

Cebuana Lhuillier

Cocogen 

Insurance Coverage

Accidental Death



Permanent Disablement or Dismemberment Due to Accident


Medical Reimbursement (Accident & Common Diseases)

Burial Benefit for Accidental Death


Lost (90 Days or Over)

Medical Reimbursement


Burial Assistance



Death Coverage



Medical Reimbursement


Burial Expense Reimbursement


Lost Pet Advertising and Reward

Daily Hospitalization


Lost Pet Passport

Insurance Benefits

₱5,000-P 25,000 

₱5,000-10,000 (Basic Plan)

₱500- P 20,000

(Pack A Plan)

Insurance 

Cost

₱2,064-P 4,064 (annual premium)

₱1,000

(annual premium for the basic plan)

As quoted

Maraming risks ang nako-cover ng pet insurance na para sa pets at pati narin sa pet owners din. Ang ProtekTODO Pet Insurance ng Palawan Pawnshop ay nagbibigay proteksyon sa death, disability, at medical expenses ng pet owner kapag mayroong nangyaring di inaasahan kaugnay sa kanilang pets. 

Ang coverage ay para sa pet owners edad 18 hanggang 60 anyos at makakatanggap ng mula ₱10,000 - ₱100,000 na benepisyo.

Hindi ka rin mahihirapan sa pag-file ng claims sapagkat mahigit na 3,000+ branches na ang Palawan Pawnshop sa buong bansa. Punta lang sa nearest branch sa inyo, mag-fill up ng Notice of Claim within 30 days from the date of incident kalakip ang mga required documents. Wag mabahala kapag merong lacking documents dahil hanggang 60 days from the date of incident ang maximum period ang maibibigay sa iyo to comply.

Paano kumuha ng Pet Insurance sa Palawan Pawnshop

But wait, there’s more! Tandaan ang eligibility requirements na ito para makasigurong fit sa iyo ang pet insurance mo.

Ang ProtekTODO Pet Insurance ng Palawan ay para dogs at cats, documented o undocumented man. Maaaring ma-enroll mo ang iyong pet sa plan na ito mula sa edad na 3 months hanggang 10 years old at nagva-vary ang annual premium na babayaran depende sa edad at documentation status ng alaga mo.

Excited nang mag-enroll? Avail of the Palawan Pet Insurance through these easy steps!

  1. Accomplish and sign the Palawan ProtekTODO Enrollment Form.
  2. Pay the premium amount for a selected insurance policy. Ipresenta ang Suki Card para makakuha ng 5% discount.
  3. Sign and receive the Confirmation of Cover (COC).

Para naman sa renewal ng policy, may dagdag discount ka din na 10% para sa kahit anong ProtekTODO policy. O, di ba! Kapag mabilis at maasahan na ka-Partner sa pagprotekta ng alaga ang hanap mo, tiyak na matutulungan ka ng Palawan Pawnshop.

Para ProtekTODO si bantay? I-Palawan na ‘yan!

Ang pag-aalaga sa pets ay isang responsibilidad. Bigyan natin ng sapat na pansin at pag-aalaga ang ating mga kasangga sa buhay sa tulong ng pagkuha ng pet insurance. Mahalaga ito upang di kana mag-atubiling magbigay ng sapat na medical attention kapag mayroong di inaasahang pangyayari or karamdaman na kanilang mararanasan.

Kaya’t ano pang hinihintay mo, Suki? Punta na sa nearest branch ng Palawan Pawnshop sa inyo at mag-inquire hinggil sa ProtekTODO Pet Insurance ng Palawan para sa kalusugan at seguridad ng mga furbabies mo. 

Share: