Mura, mabilis, at walang kuskos-balungos! Palawan Express Pera Padala is a fast, easy, convenient, and simple domestic money remittance service brought to you by Palawan Pawnshop. Learn more about us here today!
Always the Matatag, Maaasahan, and Mapagkakatiwalaan. With over 3,000 branches nationwide, Palawan Pawnshop accepts gold jewelry items with high appraisal and lowest interest rates at a fast and reliable service. Pawn now!
Palawan Express Pera Padala is continuously expanding its network through
partnership with reputable remittance companies worldwide to deliver fast and secure remittance payout to millions of Filipino beneficiaries in the country.
Palawan Express Pera Padala offers tailored partnerships to meet client’s strategic business objectives. We render corporate solutions to make sure client accounts are profitable and growing.
Palawan Express Pera Padala widens its network through accrediting reputable entities as Authorized Agents. This greatly helps our valued customers to quick and easy access to Palawan Express remittance services across the country.
Kung may isang kasabihan na tried and tested na totoo, yan ang “health is wealth.” Kahit pa lumalangoy ka sa pera, walang saysay ‘yan kapag dinapuan ka ng malubhang sakit. Kaya dapat seryosohin na ang healthy living. Lalo pa’t tag-ulan season ngayon at uso na naman ang sipon, trangkaso, at kung ano pang sakit.
Ang Hulyo ay ang National Nutrition Month din at pinapaalala nito sa atin ang kahalagahan ng kalusugan. Naiintindihan ‘yan ng Palawan Pawnshop dahil kung may isang bagay na hindi pwedeng isangla at i-remit, yan ang walang kasing-halaga na kalusugan.
Kaya bago matapos ang buwan na ito, narito ang ilang tips for a healthier you.
1. Gulay para sa makulay na buhay
Ang palaging bilin sa mga bata: “Eat your vegetables.” Dapat lang na mag-lead as example, ‘di ba? Ang payo nga ng mga eksperto, go for five servings of veggies a day. In short, laging samahan ng gulay ang meals mo. Pwedeng ginisa, sinabawan, stir-fried, steamed, o fresh. Pag may gulay, mas makulay ang salu-salo. Make eating veggies fun. Huwag paulit-ulit para hindi boring.
2. No to take-out, yes to home cooking
You must never underestimate the importance of health, and trying to be healthy has a lot to do with changing your attitude towards food. Kung mahilig ka sa take-out, delivery, drive-thru, fast food, instant food, at mga unhealthy na food options, it’s time to make a switch. Mas mainam kung matututo na mag-prepare ng home-cooked meals. Hindi naman kailangang pang-chef agad ang level. Kahit na simulan lang sa simpleng tutorial videos sa internet o step-by-step instructions sa cookbook, okay na. Iba na rin kung alam mo kung paano na-prepare ang pagkain mo. Tipid na, mas healthy at hindi ka pa mababasa ng ulan!
3. Galaw galaw, araw-araw
Madaling sabihin, pero mahirap gawin. Such is the reality of exercise, ika nga ng ilan. Pero ang totoo, madaling sabihin at madali rin gawin. Hindi naman kailangan ng gym subscription o mga mamahaling gear at equipment. One of the easiest daily health tips is to spare at least 15 minutes of your time to exercise. 15 minutes lang, beshie! Mas mabilis pa ‘yun kaysa sa pag-stalk sa ex mo sa Facebook o sa panonood ng Instagram stories ng sikat na artista at mga friends mo.
Gawing fun ang exercise para ‘di ramdam ang pagod. Bakit hindi mag-Zumba o sumayaw sa jingle ng Palawan Pawnshop? Sundan ang exercise videos sa YouTube at isama ang buong pamilya para lahat fit and healthy. Kung umuulan, maglaan lang nang onting oras sa loob ng iyong bahay.
4. Walk the talk
Panay reklamo ka na sa iyong timbang o ‘di kaya’y laging mabigat ang pakiramdam. Pero heto ka, dalawang kanto na lang, naka-tricycle pa. Lakad lakad din paminsan. Pag may errands ka gaya ng pagpunta sa grocery at pagbayad ng bills, walk if you can. Kapag weekly ang pagpapadala o pagtanggap mo ng pera padala, maglakad papuntang Palawan Pawnshop branch dahil for sure may branch kami near you! A few hundred steps a day will surely make you feel better. Siguraduhin lang magdala ng payong para ready ka kung sakaling umulan.
5. Tulog is life
They say sleep is for the weak. Sige, sabihin mo ‘yan sa mga 30-something na isang dekada nang pagod sa kakatrabaho. Sleep is essential to health. Kapag puyat ka o kulang sa tulog, hindi ka ganun ka-productive o creative. Malamang lagi pang masama ang mood mo. Get enough hours of sleep every night so that you wake up refreshed and energized. Hindi cool ang laging puyat, okay? At isa pa, hindi ‘yan healthy.
6. Pili na mga suki!
Isa sa mga health tips na bagay ngayong tag-ulan at National Nutrition Month ay ang “Eat local.” Malamang nasanay ka na sa mga supermarket, pero may kakaibang nagagawa pa rin sa sarili ang pamimili sa palengke. Fresh na, mas mura pa. Don’t forget din your eco bags!
7. All together now
Mahirap magpaka-healthy kung ang kasama mo sa lunch araw-araw ay puro liempo, pork binagoongan, crispy pata, sisig, at kung anu-ano pang mataba at maalat na pagkain ang trip. Kung hindi ka madaling matukso, okay lang naman. Pero kung madali ka maimpluwensiyahan, baka mas magandang maghanap ng ibang ka-tropa sa lunch o mag-solo muna. Hindi naman makakasira ng friendship ‘yan, lalo na kung kaya mo silang maimpluwensyahan na mag-healthy eating. Start small like “heathy eating Mondays” or kung ano pa. The idea is to encourage more people to do it so that you are also more encouraged to continue eating heathy. Simulan mo sa pamilya mo and who knows, baka getting fit together would be your swak sa budget na family bonding activities.
8. Sign up and join the fun
Kung may pa-Zumba si Mayor, join ka. Kung may pauso sa gym after work ang officemates mo, sali ka. Kung may pa-fun run ang kumpanya mo, gaya ng Palawan Express Marathon last month, join ka na rin. Minsan, mas madaling abutin ang fitness goals mo kapag may exciting activities. Spice things up, ika nga!
9. Go away bisyo para nasa wisyo
Isa pa sa dapat mong simulan gawin ay ang pag-alis ng mga kagawian na nasa iyong “quit category.” Ano ang “quit category?” Ito yung mga bisyo o bad habits gaya ng pagyoyosi o pag-inom ng alak. Kung hindi kaya ng agad-agaran, paunti-unti mo itong alisin sa iyong nakagawian.
10. Check-up pa more!
Kailan ka huling nagpa-check up? Ikaw ba ‘yung tipong pumupunta lang sa doctor kapag may sakit na? Kaya bago matapos ang National Nutrition Month, gawing priority ang kalusugan sa pamamagitan ng isang general check-up. Bumisita kay doc at alamin ang estado ng iyong kalusugan para alam mo rin kung ano ang mga aspetong dapat mong bigyan ng pansin.
Basta desidido at disiplinado ka, walang imposible. Now is the best time to start eating and living healthy. Tama na ang excuses, dahil hindi kailanman pwedeng tawaran ang kalusugan.