Your Suki Guide to Becoming a Palawan Express Padala Agent

Blog

June 14, 2021

trusted-pawning-remittance

May existing business ka ba tulad ng convenience store, pharmacy, internet shop, travel agency, bills payment center, money changer or pawnshop? Kailangan mo ba ng fresh ideas kung paano palalakihin ang kita ng iyong negosyo? Hindi mo kailangan ang malaking kapital para palaguin ang iyong business, Suki. Mag-apply bilang Palawan Express Pera Padala (PEPP) authorized agent!
Why Palawan Express?

Palawan Express is a leader in the pawning and money transfer business in the Philippines. Nagsimula ito bilang isang pawn broker sa Puerto Princesa, Palawan noong 1985. After more than 30 years, nag-expand ang financial services ng Palawan Express to local and international pera padala o remittance service, foreign exchange, bills payment, e-loading at personal accident insurance.

Sa kasalukuyan, may 3,300+ Palawan Express branches, 2,500+ Pera Padala outlets at 10,000+ Palawan Express authorized agents nationwide.

Sa Palawan Express, panatag kang reliable at respetado sa industriya ang iyong partner.

Why partner with Palawan Express?

young-ethnic-woman-checking-listPhoto courtesy Andrea Piacquadio via Pexels

Bukod sa household name na ang Palawan Express sa bawat tahanan sa Pilipinas, you also get to enjoy a lot of benefits bilang isang PEPP authorized agent.

  1. Dagdagan ang iyong service offering - Idagdag ang remittance sa iyong mga inaalok na serbisyo
  2. Pataasin ang foot traffic sa iyong negosyo - Sa dami ng nangangailangan ng remittance service, local man o international, dadami ang bibisita sa iyong negosyo. More people, more chances of selling!
  3. Cross-sell to your customers - Potential buyers ng iyong mga produkto ang mga Pera Padala customers.
  4. Save on marketing costs - Dahil household name ang Palawan Express, hindi mo na kailangang i-promote ang Pera Padala service. Kilalang-kilala ito ng mga Pinoy sa bansa at abroad.
  5. Reliable remittance processing system - Hindi ka mapapahiya sa serbisyong Palawan Express. Real-time ang pagpapadala ng pera sa alin mang panig ng Pilipinas.
  6. Competitive remittance fees - Gaano ka-affordable ang Pera Padala rates? Nagsisimula ang remittance fee sa ₱2.00 na meron na ring katumbas na Suki points. Magagamit ang Suki points bilang discounts sa pawn interests and remittance fees.
  7. Palakihin ang iyong kita - Nananatiling mataas ang demand for remittance services lalo na para sa mga OFW families. Dahil may siguradong kita ka sa bawat transaction ng Pera Padala customers, madadagdagan ng kita ng iyong negosyo.

How to Become Palawan Express Padala Agent?

Two-Women-Looking-At-Macbook-LaptopPhoto courtesy mentatdgt via Pexels

For now, applications for authorized agents ang inaalok ng Palawan Express at hindi franchise opportunities.

Palawan Express Agent Requirements

General qualification:

Ang aplikante ay dapat may rehistradong negosyo sa Northern Luzon, Central Luzon, Rizal Province o National Capital Region.

Documentary requirements:

  1. Letter of Intent addressed to:
    Ms. Rebecca F. Badayos
    Head, Remittance Partners Department
    Palawan Pawnshop - Palawan Express Pera Padala
  2. Copy of the Certificate of Registration from the Department of Trade and Industry (DTI) or from the Securities and Exchange Commission (SEC)
  3. Copy of Business Permit
  4. Copy of the BIR Form No. 2303 or Certificate of Registration
  5. Latest two (2) years Income Tax Return (ITR)
  6. Latest two (2) years Audited Financial Statement (AFS), if applicable
  7. Latest General Information Sheet (GIS), if applicable
  8. Company profile
  9. Complete address ng iyong negosyo with an actual photo of the establishment (front view at side view) at ang exact location nito sa Google Maps app
  10. Copy of two (2) government-issued valid IDs of the business owner or authorized representative.

Matapos kumpletuhin ang mga documentary requirements, sagutan ang Palawan Express Pera Padala (PEPP) Know-Your-Agent Form. Ang mga sumusunod ay ilan sa mga detalyeng kailangan mula sa’yo:

  1. Email address
  2. Info on the business such as the entity name, address, years of operation, type and nature of business
  3. Description of the proposed location of the Pera Padala outlet
  4. Salaysay kung paano mo pangangasiwaan ang iyong Pera Padala outlet
  5. Saan manggagaling ang iyong kapital sa pagpapatakbo ng iyong Pera Padala outlet?
  6. Mayroon ka bang existing partnership agreement sa ibang remittance companies? Kung oo, ilista ang mga ito.
  7. Three (3) personal references and their contact information
  8. Three (3) business references and their contact information

I-upload ang scanned copies ng mga documentary requirements sa last part ng PEPP form.

Pag-aaralan ng Palawan Express team ang iyong application sa loob ng ilang linggo. Konting patience lang, Suki!

Asahan ang kanilang mensahe kung may karagdagang impormasyon o dokumento na kailangan o kung pasado ang iyong application.

Why go into the business of remittance service?

City-With-High-Rise-Buildings-during-Night-TimePhoto courtesy Meo Fernando via Pexels

Bakit nga ba magandang business option ang pera padala?

Ayon sa ulat ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), nakapagtala ng US$ 2.89 billion in remittances ang bansa noong Marso 2022. Mas mataas ito nang 3.1% kumpara sa US$ 2.8 billion in remittances na naitala noong Marso 2021.

Mula US$8.45 bilyon noong 2021, nakapagtala ang Pilipinas ng US$8.65 bilyon in remittances sa unang tatlong buwan ng 2022. This represents a 2.3% increase.

Ang mas mataas na OFW remittances ay bunga ng pagbubukas ng mga ekonomiya sa gitna ng malawakang pagbaba ng COVID-19 cases worldwide. Mas madami na ring Pilipino ang nakakalabas ng bansa upang magtrabaho matapos ang mahigit na dalawang taong lockdown.

Ang USA ang naitalang may pinakamalaking bahagi sa overall remittances noong first quarter ng 2022 - 41.5% ng mga padala pera sa Pilipinas ay galing Estados Unidos. Sumusunod sa listahan ang Singapore, Saudi Arabia, Japan, the United Kingdom, the United Arab Emirates, Canada, Taiwan, Qatar at Malaysia.

Inaasahan ng BSP na tataas ang overall remittances ng bansa nang 4% sa taong 2022 matapos bahagyang bumaba ito noong 2021 dala ng pandemya.

Malaki ang potensiyal ng remittance service business, Suki! Bukod sa pera padala transactions mula abroad, madami rin ang nangangailangan ng serbisyo para sa local remittances. May mga pamilyang nagpapadala ng allowance sa kanilang mga anak na nag-aaral sa ibang siyudad, mga breadwinners na nagpapadala ng tulong pinansyal sa mga kamag-anak sa mga probinsya, at mga small businesses na gumagamit ng remittance services para sa pagtanggap ng bayad sa kanilang products and services.

‘Wag nang magpatumpik-tumpik, Suki! Maging partner ng Palawan Express. Maging PEPP authorized agent!

Para sa iyong karagdagang katanungan sa application process, you may send an email to domesticpartnersrem_pepp@yahoo.com.

Authorized-Agent

Share: