Bakit Palawan Pawnshop ang Dabest Partner Sa Sangla at Pera Padala

Blog

May 04, 2021

Hindi biro ang magpaaral ngayon. Lahat na lang nagmamahal—tuition, libro, uniform, school supplies, pamasahe, pagkain, at marami pang ibang gastos sa eskwela.

Nakakaloka na ba ang mga bayarin sa school? ‘Wag ka nang ma-stress sa mga gastusin dahil may partner ka sa sangla at money remittance—Palawan Pawnshop: serbisyong mura, mabilis, walang kuskos-balungos.

Importanteng matugunan ang lahat ng kailangan ng mga anak mo para sa edukasyon nila. Syempre, mas madaling makahanap ng magandang trabaho si Junior kung graduate siya ng college. Dahil responsable kang breadwinner ng pamilya, hindi mo pababayaang mahinto na lang nang basta-basta ang kanyang pag-aaral.

Dama ng Palawan ang matinding pangangailangan ng pamilyang Pilipino na mabigyan ng magandang kinabukasan ang mga kabataan through a college diploma. Kaya pinadadali nito para sa mga magulang na magsangla, magpadala, at tumanggap ng perang panggastos sa pag-aaral.

Alamin dito kung bakit the best ang pawning at money remittance services ng Palawan Pawnshop in the Philippines.

1. Magpapadala ng pera now na? Go na sa pawnshop na laging present!

Kapag kailangan mong magsangla o money transfer para may panggastos ang anak mo sa school, ‘di ba mas convenient kung may malapit na pawnshop sa inyo? Yung tipong hindi ka na babyahe nang malayo o maiipit sa trapik para lang makarating sa isang sanglaan.

“Meron bang Palawan Pawnshop dito sa amin?” Sa dami ng Palawan branches nationwide (mahigit 2,000 and counting!), siguradong may malapit na pawnshop na matatakbuhan sa oras ng pangangailangan.

Meron ding over 2,000 Palawan Express Pera Padala agents and local and international remittance partners tulad ng SM, LBC, Xoom, Moneygram, and iRemit.

Kaya hindi ka mag-aalalang made-delay ang panggastos sa school ng mga anak mo.

2. Due date na ng tuition? Bayaran mo na agad 'yan!

Urgent ang kahit anong expenses para sa eskwela—mapa-tuition, school project, mga libro, o anumang school fees. Kailangan mo ng money remittance service na singbilis ni Super Speed na binigyan ng magical powers ni Pacmom. ‘Yung hindi ka pinaghihintay ng forever para makuha ang perang kailangan mo.

Dahil mabilis at walang kuskos-balungos ang serbisyo ng Palawan Express Pera Padala, agad mong mapapadala o matatanggap ang pambayad ng tuition. Ilang minuto lang after ma-process ang money transfer, ready to claim na ang pera mo. Aabot ka na sa deadline, wala pang penalty. Dagdag gastos na naman 'yon!

3. Sa oras ng pangangailangan, may Express Pera Padala kang maaasahan

Dahil kailangan mo ng pandagdag sa tuition ng panganay mo sa college, humingi ka ng tulong sa relatives ninyo sa probinsya. Laking pasalamat mo na handa silang tumulong kapag short ka sa cash. At syempre, ayaw mong maabala sila kapag pinadalhan ka nila ng pera. Unfair naman kung matagal ang transaction nila at mataas pa ang remittance charge, ‘di ba?

Sa Palawan Express Pera Padala, walang hassle at mura ang Pera Padala rates. Kaya hindi mag-aatubiling magpadala sa ‘yo ng pera ang mga kamag-anak mo sa probinsya dahil hindi ito masakit sa bulsa at hindi rin maaaksaya ang oras nila.

Tiwala ka ring mapapadala at matatanggap nang safe and secure ang perang pinaghirapan ng iyong pamilya. Sinisiguro ng Palawan Express na ang recipient o yung name na nalakagay sa send money form lang ang makakatanggap ng money remittance. Hindi ka mag-aalala na mapupunta sa mga scammer o mapagsamantalang tao ang pang-tuition ng anak mo.

4. Kulang ang pambaon kay bunso? Mababang interest at high appraisal ang piliin mo

Feeling lugi ka kung masyadong mataas ang binabayaran mong interes sa sangla. Masisira ang budget mo, gaya ng pambaon at iba pang gastos sa school ng mga anak mo.

Palawan Pawnshop ang may pinakamababang interest at mataas na appraisal sa sangla sa Pinas. Kung tutubusin mo within 11 days ang sinangla mong kuwintas, 1% lang ang babayaran mong interest! Matutulungan ka pa ng Palawan na mailipat sa kanila ang mga sangla mo. Winner ka talaga rito!

5. Text reminders para iwas remata

Minsan, sa sobrang busy at dami mong iniisip, nakakalimutan mo ang status ng sangla mo. Hindi mo namamalayang malapit na palang maremata ang alahas mo sa pawnshop. Sayang naman lalo kung may sentimental value ‘yun, gaya ng wedding ring o kaya ay pamana ng mga kanunu-nunuan mo.

Naranasan mo na bang mapadalhan ng reminder ng pawnshop na malapit nang maremata ang sing-sing mo? Sa Palawan, hindi ka kakabahang baka mawala ang alahas mo nang hindi mo nalalaman.

Napakahelpful ang automatic text ng Palawan Pawnshop. Kung may sinangla kang jewelry sa pawnshop na ito, makakatanggap ka ng text reminder para mai-renew at hindi maremata ang sangla mo. Bawas alalahanin, bawas stress!

6. Dagdag savings para sa mga Suki

Alam mo bang mas makakatipid ka sa mga transaction mo sa Palawan gamit ang Suki Card? May instant 5% discount sa bawat money remittance fee at interest sa sangla mo. May rebates ka pa!

Mura lang din mag-avail ng Suki Card sa abot-kayang halaga na Php 50. Hindi ito nag-eexpire kaya sangla pa more, discount pa more!

7. Palagay ang loob mo sa friendly staff ng pawnshop

Happy ang maraming customers ng Palawan Pawnshop dahil napaka-friendly at accommodating ng mga empleyadong tumutulong sa kanila. Mga ilang minuto mo lang silang makikita at makakausap kapag nagsasangla o nagpapadala ka ng pera. Pero pinararamdam nila sa ‘yo na VIP ka at masaya silang tulungan ka.

Kaya kung big deal sa ‘yo ang customer service, piliin ang pawn shop kung saan pamilya ang turing ng mga tao sa ‘yo. Sa Palawan Pawnshop lang ‘yan!

Sa panahon ng kagipitan—lalo na tuwing pasukan at bayaran ng tuition—may partner kang maaasahan, malalapitan, at mapagkakatiwalaan: Palawan Pawnshop. Go na sa pinakamalapit na branch para ma-experience mo ang mura, mabilis, at walang kuskos-balungos na serbisyo!

Share: