8 Reasons to Love Palawan Express Pera Padala

Blog

May 12, 2021

2 pesos

Mura. Mabilis. Walang kuskos-balungos. Diyan kilala ang Palawan Pawnshop - Palawan Express Pera Padala bilang partner ng mga Pinoy sa money remittance. Pero ano ba talaga ang ibig sabihin nito? Truelaloo ba ito o charot lang?

Pinag-iisipan mo ba kung sulit ba ang magpadala ng pera sa Palawan Express? Maging segurista! Mainam na pakinggan kung ano ang masasabi ng mga bago at matagal nang customers ng Palawan para sure ka sa papasukin mo.

'Wag na tayong magpaligoy-ligoy pa. Mga suki ng Palawan Express Pera Padala, pasoook!

1. Lowest remittance rate at 2 pesos

Pera Padala Rates in Metro Manila and North Luzon

Pera Padala Rates in Metro Manila and North Luzon

Pera Padala Ratesin Visayas - Mindanao, South Luzon, Masbate, Romblon and Palawan

Pera Padala rates table

"Dito na ako nagpapadala ng pera sa Palawan Pawnshop dahil mura at mabilis ang serbisyo." - Father Efren Alberto ng Baclaran

"Maraming salamat at may Palawan Pawnshop na rito. Hindi na ako magbabayad ng mahal at malapit na ito sa aming kampo." - Vincent Galido ng Camp Capinpin

Kung sa ibang remittance centers ay uuwi kang parang na-holdap at luhaan dahil sa mahal na service fees, ibang-iba ang experience kapag sa Palawan Express ka nagpadala ng pera.

Sa lowest remittance rate na dalawang piso, regular kang makakapag-remit ng pera sa iyong loved ones at may matitira ka pang pambayad sa iba mo pang gastusin. Kaya dito nagpapadala ang mga kasambahay sa kanilang pamilya sa probinsya tuwing sahod, pati mga magulang na nagpapadala sa kanilang mga anak tuwing bayaran ng tuition.

2. More savings with Suki card discounts and rebates

"Natutuwa ako na may Suki card. Malaki ang natitipid ko gamit ang card na ito dahil sa nakukuha kong discount sa malalaki kong pera padala everyday." - Eduardo Castillo

Mura na nga ang remittance rate, mas makakamura ka pa dahil sa instant discounts tuwing nagpapadala ng pera basta meron kang Suki card. Pwede ka ring maka-ipon ng Suki points na magagamit mong pambayad sa mga remittance fees ng mga susunod mong padala.

Kung meron kang online business at regular na tumatanggap ng bayad from your customers through Palawan Express, malaki rin ang matitipid mo when receiving remittances using your Suki card. Bukod sa wala ka nang babayarang service fee, makakakuha ka pa ng rebates tuwing magke-claim ng pera sa Palawan Express.

3. Sobrang bilis ng pera padala transactions

"Dito ako pinapadalhan ng nanay ko ng allowance galing Bohol. Suki na ako at ang nanay ko rito. Kasi kapag sa iba ako kumukuha, nale-late ako. Dito sobrang bilis." - Ruffa Mae Calderon

"Sobrang bilis mag-process ng Palawan Express ng remittance tuwing magpapadala o kukuha man ng pera. Kahit holiday, may pasok sila kaya hindi kami nahihirapan." - Joel Ortega

Sa Palawan Express Pera Padala, hindi ka mag-aalalang baka hindi umabot sa due date ang pambayad sa tuition, kuryente, renta, at iba pa. Hindi mauubos ang oras mo kakahintay kung pwede nang ma-claim ang pinadala ni Inay dahil ilang minuto lang ang processing ng money remittance.

4. Mabilis na transaksyon, iwas rayuma!

"Dito na ko sa Palawan Express nagpapadala dahil dito ay walang pila at madaling kunin ang perang ipinapadala ko sa probinsya." - Leonila Cobillas

Sino ba naman ang gustong maghintay ng forever sa pila? Sa Palawan Express, hindi aabot sa EDSA ang pila dahil mabilis na natatapos ang kada transaksyon. Pagdating mo sa isang branch, maaasikaso ka agad at matatapos din ang processing ng money remittance mo agad-agad. Makakabalik ka agad sa bahay o opisina para sa iba mo pang importanteng gagawin.

5. Isang valid ID lang ang required for claiming money

"Madali silang mag-release ng pera. Wala sila masyadong hinihinging ebidensya. Isa lamang pong ID." - Florida Cantiga

"Iba kasi ang Palawan Pawnshop - Palawan Express Pera Padala. Hindi katulad ng ibang pawnshop na ang dami pang hinahanap lalo na kung talagang emergency na." - Clariz Jiongco

Ang serbisyong walang kuskos-balungos, may konsiderasyon sa mga customer. Walang kaek-ekan at hindi mo kailangang magpabalik-balik para magpasa ng kung anu-anong dokumento. Hindi ka naman pwedeng humirit ng "Nay, pwedeng next month ka na lang magkasakit?" o "Mga anak, fasting muna tayo ngayon ha. ‘Di ko pa makuha ang padala ng tatay ninyo."

Kung naghahanap ka ng mga types of IDs accepted sa pag-claim ng pera sa Palawan Express, ang pinaka mainam na sagot ay marami. Maari mong dalhin ang mga sumusunod na valid IDs na ito para mag-claim:

  1. Passport issued by local and foreign government
  2. Driver’s License
  3. Postal ID (New)
  4. Government Office and GOCC ID
  5. Person with Dissability (PWD) ID Card
  6. Government Service Insurance System (GSIS) E-Card
  7. Social Security System (SSS) Card
  8. Unified Multi-Purpose Identification (UMID) Card
  9. Voter's ID 10. Senior Citizen ID1. School ID
  10. Philhealth Insurance Card
  11. Company ID
  12. Tax Identification Number (TIN)

Tandaan: isang valid ID lang ang kailangan mong iprisinta, at makukuha mo na agad ang perang kailangan mo para sa emergency.

6. Text notifications para no worries sa nagpadala at tatanggap ng pera

"Sa Palawan Pawnshop, nakasisigurado kaming matatanggap ang aming pera padala dahil sa kanilang text notification." - Mae Ann Niebla and Jean Villarosa

Isa pang magandang bagay sa pagpapadala through Palawan Express ay hindi mo na kailangang tawagan ang branch kung paano i-track ang remittances mo. Makakaasa ang mga customer ng Palawan Express na makakatanggap sila agad ng text kapag:

  • naipadala na ang pera
  • ready na ito for pick-up
  • at natanggap na ito ng pinadalhan

Hindi na kailangang bumalik sa branch para mag-follow up. Napaka convenient, ‘di ba?

7. Friendly, helpful, and honest ang associates kaya stress-free ang transactions

"Kung ikaw ay regular customer, para kang pamilya na malayo ka pa ay open arms na silang naghihintay sa iyo." - Rene Baroa

"Very accommodating ang mga employee na nakakausap ko every transaction I have." - MC Mortel Dianco Manzano

"Dahil suki ako ng Palawan dito, naging kaibigan ko na rin \'yung guard nila. Then always naka-smile din sila kaya very good para sakin ang Palawan Express! Sa kanila ako nagtitiwala \'pag nagpapadala ng pera sa Southern Leyte." - Ilyn Derano ng Baclaran

"I\'m so happy na may honest pa palang mga tao ngayon. Pinabalik po nila ako sa Palawan Pawnshop Malakas branch. Tinawagan po nila ako. I don\'t know the purpose of informing me, ‘di ko rin naman malalaman po eh. Pwede naman nila isikreto at sa kanila na yung Php 200. Pero I\'m super thankful po." - Njord Icon Gumana

Hindi sapat na mura at mabilis lang ang serbisyo ng isang money transfer company. Dapat happy to serve din! \'Yung feeling VIP ka as a customer kahit ano ang estado mo sa buhay. Ganyan ang difference ng service ng Palawan Express associates kumpara sa iba.

8. Madaling puntahan saan ka man sa Pinas

"Very accessible na ang mga branch ng Palawan Pawnshop. Madali na kaming makapagpadala o kumuha ng aming remittances." - Oscar Cala

"Madali nang puntahan ang branch ng Palawan Pawnshop dahil malapit lang ito sa aming bahay. Marami na rin ang branches nito dito sa aming lugar. Dito na rin talaga ang puntahan ko dahil mura ang kanilang pera padala na mayroon pang discount dahil Suki cardholder ako." - Edovigies Arañez

Sa dami ng branches at Pera Padala authorized agents ng Palawan Express, hindi mo na kailangang tumawid ng ilog o sumabit sa bus para makapagpadala ng pera sa iyong loved ones. Madaling puntahan ang pinakamalapit na branch sa iyo.

At bukod sa pera padala at sangla, may iba ka pang money services na pwedeng asikasuhin sa isang Palawan branch. Pagkakuha mo ng pera, bayad ng bills, magpa-load ng cellphone, o magpadala sa iyong bank account agad-agad!

Gets mo na kung bakit tinatangkilik ng mga wais na Pinoy ang Palawan Express Pera Padala for their money transfer needs? Need mo pa ba ng ebidensya? Experience mo na ang serbisyong mura, mabilis, at walang kuskos-balungos sa Palawan Express!

Share: