7 Relatable Na Eksena Tuwing Graduation Season

Blog

March 19, 2021

graduatee-with-family-celebrate

March na—graduation season na naman! Isa ka ba (o ang iyong anak) sa mga magmamartsa ngayong taon?

For sure, marami sa inyo ang makaka-relate sa mga madalas na eksena bago at tuwing graduation day. May mga nakakatuwa, madrama, nakaka-senti, o nakakakabang mga ganap. One of the most memorable moments of your life, walang duda.

Sino sa inyo ang nakaka-experience ng relatable situations na ito tuwing graduation season? Itaas ang kamay!

1. Nakaka-LSS na graduation songs

Ang daming memorable na eksena sa mga graduation practice. Pero ang pinakatatatak sa \'yo after ng graduation day? Yung tunog ng graduation march na paulit-ulit na pinatutugtog sa rehearsals, pati ang graduation song ng batch ninyo.

And\'yan din ang mga usual songs na pinapatugtog sa dulo ng graduation rites, gaya ng "High School Life" (oh my high school life, ev’ry memory kay ganda) ni Sharon Cuneta at "Farewell" (to you my friend, we\'ll see each other again).

Nakaka-LSS \'no? Kahit tapos na ang graduation season, paulit-ulit silang mag-o-autoplay sa isip mo. Then babalik ang mga masasayang alaala ng iyong high school o college years. Mami-miss mo \'yan!

2. Tila walang katapusang bayaran bago ang Araw ng Pagtatapos

Graduation fee, renta para sa toga, clearance fee, at iba pang bayarin—parang huling hirit \'yan sa iyong buhay estudyante.

Para naman sa parents ng graduating students, ito ang panahon para kumayod lalo sa raket o trabaho. Siyempre, ayaw mong mapurnada ang pagmartsa ni bunso dahil hindi mabayaran ang graduation fees on time.

Malaki ang matitipid mo sa pera at oras kapag sa Palawan Express Pera Padala ka magpapadala ng pambayad sa graduation ng iyong anak. Matatanggap din niya ito agad—at isang valid ID lang ang kailangan para ma-claim ang iyong pera padala.

3. Alam ng buong barangay na ga-graduate na si panganay

Graduation group hug

Photo courtesy of GIPHY

"Uy, balita ko ga-graduate ka na. Congrats! Makikikain ako sa handaan ah!"

Magugulat ka na lang na may babati sa \'yong kapit-bahay na makakasalubong mo sa daan. Sa sobrang proud sa \'yo ng parents at mga kapatid mo, naipamalita na nila sa buong angkan at barangay ang nalalapit mong pagtatapos sa school.

Lalo kung panganay ka, mas matindi ang excitement level dahil ikaw ang unang ga-graduate sa pamilya.

Nakakatuwang marami ang happy sa pinakaimportanteng okasyon na ito sa buhay mo. Baka nga pumunta pa sila sa mismong graduation rites mo at sumali sa group pictures!

Of course, hindi papakabog ang parents sa mismong graduation day. "Graduating na ang anak ko ng engineering! Cum laude pa!" Para kang may bitbit na cheering squad sa school. Papalakpak sila ng masigabo at sisigaw pa ng "Anak ko yan!"

4. Yung mas excited at emotional ang parents

 

Photo courtesy of GIPHY

Ilang araw na lang, ga-graduate na si bunso. Pero ikaw ang mas excited at emotional bilang magulang. Aww, ganun talaga ang feeling kapag natupad na sa wakas ang pangarap mo para sa iyong pinakamamahal na anak. Sulit na sulit lahat ng isinakripisyo mo para lang sa pag-aaral niya. ‘Di bale nang hindi ka nakapagtapos, basta ang anak mo, merong college diploma.

Baka sa sobrang excitement mo kakabili ng susuotin para sa okasyon, makalimutan mong bumili ng graduation gift. Kapos na sa oras? Magandang ideya yung something na masusuot ni anak sa graduation rites, gaya ng damit, sapatos, o accessories. Speaking of accessories, makakamura ka sa pawned jewelry (singsing, kuwintas, bracelet, etc.) ng Palawan Pawnshop.

Magbaon ka rin ng panyo sa graduation day para sa Best Actress moments mo. Sayang ang make-up kung mukha kang hulas sa pictures!

5. Yung feeling na hindi mo na makikita ang crush mo #SaklapBes

adam-devine-cry

Photo courtesy of GIPHY

Yung moment na na-realize mong hindi mo na masisilayan si crush sa classroom araw-araw.  Ouch! Ilang taon kang nag-invest ng feelings sa isang tao, matatapos nang ganun-ganun na lang? Nasaan ang hustisya?!

Kung pwede lang sanang estudyante ka na lang forever, ano? Pero wait, mas masakit \'yun!

Kakayanin mo ‘yan, bes. ‘Di bale, pwede mo pa rin namang i-follow si crush sa Facebook at Instagram. Kung malakas ang loob mo, magpapansin ka na rin. Malay mo, mapansin ka nga. O magiging katrabaho mo siya someday. Malay mo. #TiwalaLang

6. Sinusulit ang mga huling araw sa school with the BFFs

Siyempre, mami-miss mo rin ang friendships mo sa school. Maraming taon din ang inyong pinagsamahan. Hindi naman talaga kayo magkakawalay pero magkakaroon na kayo ng kanya-kanyang buhay after the graduation season.

Things will never be the same, mga bes. Kaya sulitin ang remaining days with your besties sa school! Go for group selfies, group hugs, bonding sessions, at kung anu-ano pa!

7. Yung proud at happy ka dahil finally, ga-graduate ka na!

james-reid-otwol

Photo courtesy of tenor

This is it! Eto na yung moment na pinakahihintay mo. Sa wakas, nagbunga na lahat ng hirap, pagod, puyat, at dasal mo. Makakapagmartsa ka na at tatanggapin ang diplomang simbolo ng iyong pagtatapos. Summa ka pa! Sumasampung taon sa school. Pero at least you made it! Kaya achieve na achieve!

Parang kailan lang yung first day mo sa school. Ngayon, malapit na ang araw ng pagtatapos. Pero siyempre, hindi sa graduation day nagtatapos ang lahat. Ika nga nila, it\'s just the beginning.

Kung graduating college student ka, nasimulan mo na bang maghanap ng trabaho? Dapat as early as now, namimigay ka na ng resume mo sa iba\'t-ibang kumpanya. Para higher chances of getting hired as a fresh graduate, lalo na kung ikaw ang aasahang breadwinner ng pamilya mo.

Masaya, excited, malungkot, kinakabahan—halo-halong feels ang mararamdaman mo. But don\'t forget to enjoy the moment! Nagtagumpay ka bilang estudyante, at deserve na deserve mong maging happy for this blessing.

Mula sa amin sa Palawan Pawnshop, saludo kaming sa lahat ng graduates and parents of Batch 2018! Congratulations!

Share: