-
Services
-
Pera Padala
Mura, mabilis, at walang kuskos-balungos! Palawan Express Pera Padala is a fast, easy, convenient, and simple domestic money remittance service brought to you by Palawan Pawnshop. Learn more about us here today!
-
Pawning
Always the Matatag, Maaasahan, and Mapagkakatiwalaan. With over 3,000 branches nationwide, Palawan Pawnshop accepts gold jewelry items with high appraisal and lowest interest rates at a fast and reliable service. Pawn now!
-
International Remittance
Fast, Reliable, Affordable, and Hassle-free International Money Transfer.
-
-
Partner With Us
-
International Partner
Palawan Express Pera Padala is continuously expanding its network through partnership with reputable remittance companies worldwide to deliver fast and secure remittance payout to millions of Filipino beneficiaries in the country.
-
Corporate Client
Palawan Express Pera Padala offers tailored partnerships to meet client’s strategic business objectives. We render corporate solutions to make sure client accounts are profitable and growing.
-
Domestic Partner
Palawan Express Pera Padala widens its network through accrediting reputable entities as Authorized Agents. This greatly helps our valued customers to quick and easy access to Palawan Express remittance services across the country.
-
- Press Room
- Promos
- Advocacy
- FAQs
- About Us
- Careers
Suki Reminders Para Maging ProtekTODO sa Aksidente at Kalamidad
October 12, 2020
Minsan, iniisip natin imortal tayo. Sa dinami-dami ba naman kasi ng tao sa mundo, bakit naman ikaw pa ang maaaksidente? O ‘di kaya naman, sa dinami-dami nang pwedeng bahain o masunugan, bakit naman ikaw ang mamalasin? Kaya naman mahirap ibenta sa Pilipinas ang mga life, medical, o accident insurance. Ugali na rin kasi natin na mag-focus muna sa ngayon, tsaka na ang future. Ang madalas na lusot? We will cross that bridge when we get there. Bukod doon, marami din kasing kailangang papeles para dito kaya madalas ito ay napapasabukas na lang o kaya naman nalilimutan.
Ngayong panahon ng tag-ulan, pinapaalala sa atin na walang sinuman ang ligtas sa national disasters. In short, pinapaalala na walang sinuman ang imortal. Hindi ka excused kapag si Mother Earth na ang nagalit. Bukod pa sa disasters, nandyan din ang mga aksidente lalo na sa kalsada. Hindi sapat na maingat ka dahil baka ang kasabay o kasalubong mo naman ay barubal.
Ang laban mo lang ay paghahanda. Naiintindihan ng Palawan Pawnshop ang hirap na magkaroon ng emergency tapos hindi mo alam kung saan huhugot ng pera. Kaya tutulungan namin kayong maging handa.
Proteksyon laban sa aksidente
Wala kang special powers para masabi kung kailan ka maaksidente at kung paano o kung saan. Ang sigurado lang, matindi ang kaakibat na inconvenience nito. Ang sagot d’yan ay isang accident insurance plan na hindi intimidating o nakakalula, kung hindi abot-kaya at pang-masa.
Ang Palawan Pawnshop ay mayroong accident insurance policies para siguradong protekTODO ka. Ang una sa mga ProtekTODO insurance policy ay Sulit Solo na halagang bente pesos lang. Correct, malayo pa ang maaabot ng bente pesos mo. Sa halagang ‘yan, apat na buwan ka nang protekTODO. Sakaling mabiktima ng assault o ma-imbalido, may Php 10,000 ka, at Php 5,000 naman kapag naaksidente dahil sa pagmo-motor.
Sa Premium Solo naman, singkwenta pesos lang, insured ka na sa loob ng isang taon. Pasok din dito ang pagkamatay dahil sa sakit at pati educational assistance ng maiiwanang beneficiary.
Proteksyon for the whole family
Don’t you wish na sana buong pamilya mo ang may proteksyon? Pero ang bigat sa bulsa kung tig-iisa kayo ng insurance policy ‘di ba? Sa Palawan Pawnshop, hindi lang pang-solo, pang-pamilya pa ang insurance!
Mayroong Premium Pamilya policy na halagang P100 lang para sa isang taon. Bukod sa principal, pwedeng isama ang asawa, magulang, anak, at mga kapatid. Covered nito ang death due to murder or assault, natural causes, or motorcycle accident. Kasama na rin ang fire assistance, burial assistance, at permanent disablement. Pumunta lamang sa pinakamalapit na Palawan Pawnshop branch para mag-apply.
Sunog! Panlaban kontra sunog
Isa pa sa mga aksidente na wala ka talagang kalaban-laban ay sunog. Ang sabi nga, ‘di bale nang manakawan, huwag lang masunugan.’ Sa sunog nga naman kasi, lahat ng ipinundar mo magiging abo. Ang ProtekTODO insurance policy mo, maaari na ring ituring na fire insurance.
Bukod pa dito, makakatulong din kung iiwasan ang sunog sa pamamagitan ng pagsunod sa mga fire prevention tips. Kabilang na rito ang pag-check sa mga wiring sa bahay, pag-iwas sa overloading, at paniniguro na walang maiiwan na nakasinding kandila, gasera, o kalan.
Isa lamang ang pag-a-avail ng insurance sa mga paraan ng paghahanda para sa mga hindi inaasahang mga aksidente. Upang malaman ang mga detalye patungkol sa pag-secure ng Palawan Pawnshop ProtekTODO insurance, alamin lamang what is the contact number of the branch closest to you at magtanong sa ating mga agent. Alamin ang iba pang mga paraan upang makapag-handa para sa mga aksidente o kalamidad sa mga susunod na tips dito.
Magplano para protektado
Ano ang gagawin mo kung sakaling bumaha o lumindol? Alam mo dapat kung saan ang pinakamalapit na evacuation center sa inyong lugar, o pati ang mga emergency exit kung nasa building ka. Mag-plano kung paano mako-contact ang mga mahal mo sa buhay lalo na kung may mga anak kang nag-aaral na maaaring abutan ng kalamidad habang nasa eskwela. Bukod d’yan, siyempre, praktisin din ang mga safety precautions gaya ng “duck, cover, and hold” kapag may lindol.
Ayusin ang emergency / survival kit
Paulit-ulit itong sinasabi pero marami pa ring kabahayan ang walang survival kit. Ang payo ng mga eksperto, dapat meron kang 72-hour kit na naglalaman ng pagkain, tubig, damit, first aid supplies, gamot, flashlight, fully-charged cellphone, pito, at de-bateryang radyo para sa balita.
Praktisin ang emergency skills
Paano kung may masugatan o mapilayan habang may kalamidad? Mahalaga na may basic knowledge ka sa first aid at CPR. Kabilang din sa emergency skills ang tamang paggamit ng fire extinguisher, pagpatay sa main switch, tamang pagtatali ng lubid, at iba pa.
Mga importanteng papel at numero
Dapat nakalagay sa plastic envelope ang mga mahahalagang papel gaya ng birth certificate, marriage certificate, passport, titulo ng bahay, at kung anu-ano pa. Bukod sa magagamit for identification purposes, siguradong sakit sa ulo ang muling pag-request ng mga ito.
Alamin din o ilista ang mga mahahalagang numero gaya ng emergency numbers. Ilan dito ang number ng pulisya, ospital, ambulansya, barangay, etc. Isama na rin ang mga account number sa bangko para sakaling manghihiram ng pera sa kamag-anak, agad kang may maibibigay na account details. Kabilang sa money services ng Palawan Pawnshop ang pera padala, padala to bank account, at ATM withdrawal services bilang alternatibo sa mga bangko.
Tamang safety gear
Mahalaga ang proper gear bilang proteksyon sa kalamidad man o aksidente. Ayon sa latest available data mula sa Philippine Statistics Office, nasa 10,012 ang namatay dahil sa road crashes noong 2015. Tumaas din ng 69% ang motorcycle-related injuries sa buong bansa. Mababawasan ito sa simpleng paggamit ng tamang gear at pagsunod sa batas.
Pagdating naman sa mga kalamidad, ang tamang protection gear kapag bumabagyo o lumulusong sa baha ay mahalaga rin para makaiwas sa sakit at injuries.
Call a friend
Malaking bahagi ng pag-cope sa kalamidad o aksidente yung meron kang malalapitan. Kung sa mga ID nga may mga pinapalistang emergency contact, dapat ikaw rin may automatic na tatawagan. Maaari silang mag-abot ng tulong-pinansyal sa pamamagitan ng pera padala o international remittance kung nasa abroad. Sa oras ng kagipitan, maaasahan din ang Palawan Pawnshop dahil sa sangla service nito na may napakababang interest.
Makibalita at makialam
Importante ang impormasyon sa panahon ng kalamidad. Iba na rin kasi kung alam mo kung ano ang pinaghahandaan mo. Alam mo dapat kung ano ang nag-aabang sayo para maiwasan ang mag-panic at para na rin makapaghanda nang husto. Manood ng balita, makibalita sa barangay, at makipagtulungan sa komunidad.
Tandaan na hindi choosy ang aksidente o ang kalamidad. Wala yang pinipili! At dahil ito ay mga kaganapan na hindi mo kontrolado, mainam na lagi kang handa.
Related Article
-
Palawan Pawnshop Pet Insurance Para ProtekTODO si Bantay
Blog05 / 29 / 2024
-
Palawan Pawnshop: Your One-Stop Shop for Bills Payment Needs
Blog05 / 29 / 2024