Mura, mabilis, at walang kuskos-balungos! Palawan Express Pera Padala is a fast, easy, convenient, and simple domestic money remittance service brought to you by Palawan Pawnshop. Learn more about us here today!
Always the Matatag, Maaasahan, and Mapagkakatiwalaan. With over 3,000 branches nationwide, Palawan Pawnshop accepts gold jewelry items with high appraisal and lowest interest rates at a fast and reliable service. Pawn now!
Palawan Express Pera Padala is continuously expanding its network through
partnership with reputable remittance companies worldwide to deliver fast and secure remittance payout to millions of Filipino beneficiaries in the country.
Palawan Express Pera Padala offers tailored partnerships to meet client’s strategic business objectives. We render corporate solutions to make sure client accounts are profitable and growing.
Palawan Express Pera Padala widens its network through accrediting reputable entities as Authorized Agents. This greatly helps our valued customers to quick and easy access to Palawan Express remittance services across the country.
Sa buwan ng Marso itinakda ang Fire Prevention Month dito sa Pilipinas dahil dito ang pinakamaraming natatalang sunog sa buong taon. Kaya naman pinapaalalahanan ang lahat na mag-ingat sa sunog at gumawa ng mga hakbang para maiwasang masunog ang bahay at mga ari-arian.
Dahil dito, handog ng Palawan Pawnshop ang ilang fire prevention safety tips na makakatulong sa inyo para makaiwas sa sakuna:
Siguraduhing ang mga gagamitin na saksakan at wire sa bahay ay hindi mababa ang kalidad. Maraming mumurahing mga kagamitan gaya ng wire at saksakan ang hindi dumadaan sa tamang proseso ng paggawa, kaya naman madaling masira, at nagdadala pa ng panganib.
Dumadaan sa product safety ang mga electrical appliances at iba pang mga kagamitan sa bahay para masigurong mababa ang tyansang magdulot ang mga ito ng sunog.
Isa sa mga madalas nating naririnig na sanhi ng sunog ay faulty electrical wiring. Kaya naman kailangan suriin ang mga wiring natin sa bahay kung may sira ba ang mga ito. Kung kaya pang ayusin, dapat ay agad na kumpunihin ang mga ito. Palitan naman ang mga wiring na talagang hindi na maaayos.
Sa pagkumpuni ng mga wiring, siguraduhing gumamit ng tamang kagamitan. Hindi dapat gumagamit ng masking tape o scotch tape sa mga wire dahil hindi ginawa ang mga ito para sa wire. Electrical tape lamang ang gamitin. Makakabuti din na magpatulong na lang sa mga electrician para masigurong tama ang pagkukumpuni na gagawin.
Ang pag-overload ng mga saksakan ay maaaring mangyari kapag sobrang daming appliances ang nakasaksak na hindi na kayang suportahan ang dumadaloy na kuryente. Madalas nangyayari ang overload kapag gumagamit ng octopus connection, at ang sabay-sabay na paggamit ng mga appliances na malakas sa kuryente.
Tanggalin sa saksakan ang mga appliances na hindi ginagamit.
Ang susunod na fire prevention safety tip ay ang pagtanggal sa pagkakasaksak ang mga appliances at kagamitan na hindi naman ginagamit. Kahit pa kasi nakapatay ang mga ito, patuloy parin ito kumukonsumo ng kuryente. Nakatipid ka na sa kuryente, naiwasan mo pa ang sunog. Gawin ito bago matulog, at kapag aalis ng bahay. Maaari ring patayin ang kuryente sa main switch ng bahay kapag walang maiiwan dito.
Kapag tayo ay nagluluto, huwag nating hahayaang maiwan na nakabukas ang mga ito. Hindi lang ang pagkain ang maaaring masunog kundi pati na rin ang bahay kapag naiwan ang mga niluluto nang walang bantay.
Iwasan ding mag-iwan ng mga flammable na bagay malapit sa kalan dahil maaari itong magliyab kapag hinangin ang apoy ng kalan.
Kapag natapos naman magluto, ugaliing patayin ang gas at kalan. Kapag nag-leak ang gas sa ating mga kalan, o kaya naman ay pinaglaruan ng mga bata, isang kislap nito ay madali nang maging sanhi ng sunog.
Ugaliin ding i-check ang mga tangke ng gasul kung mayroon ba itong leak. Isang simpleng paraan kung paano ito gawin ay ang panggamit ng tubig na may halong sabon. Gamit ang spray o sponge, basain ang tangke gamit ng tube na may sabon at tubig. Tignan kung may parte ng tangke na magkakaron ng mga bubbles. Kapag mayroon ay agad na palitan ang mga ito.
Ang mga appliances sa bahay ay dapat na pinagpapahinga, lalo na ang mga electric fan at aircon. Kapag summer, tuloy tuloy ang paggamit sa mga ito kaya naman sobrang nag-iinit ang mga makina at nagiging sanhi ng sunog.
Bigyan ng sapat na oras ng pahinga ang mga appliances upang ang mga ito ay lumamig, at para na din hindi madaling masira. Tandaan na dapat tanggalin ang mga ito sa pagkakasaksak.
Madalas din nating marinig sa balita ang mga bata ang pinagsimulan ng sunog dahil sa naglaro ito ng posporo o lighter. Kaya naman sigurahing maitabi ang mga ito sa mga lugar na hindi nila maaabot o mabubuksan. Turuan din sila na hindi dapat paglaruan ng mga ito dahil maaari itong pagsimulan ng sunog.
Kapag nag-brownout o kaya naman ay gumamit ng kandila sa iba pang bagay, siguraduhing hindi ito iiwan nang nakasindi kapag matutulog na. Maaari kasing pagsimulan ng sunog kapag ito ay aksidenteng natumba o nasagi. Isa ito sa mga madalas na sanhi ng sunog.
Magandang alternatibo sa kandila ang flashlight o emergency light para hindi na kailangan pang magsindi, at maiwasan na rin ang panganib ng sunog.
Ang panghuling fire prevention safety tip ay siguraduhing may fire extinguisher sa bahay para kapag nagsimula ang sunog ay agad itong maapula at hindi na lumaki pa. Mainam din kung may smoke detector para malaman agad kapag may sunog sa loob ng bahay, at para mai-report ito agad bago pa lumawak.
Kapag hindi naapula ang maliit pang sunog ay agad na itawag sa bumbero upang maaksyunan agad. Huwag nang hintayin pang lumaki ang sunog bago tumawag ng tulong.
Ang mga nabanggit na safety tips ay hindi lamang para sa Fire Prevention Month 2019 kundi para sa buong taon. Isang malaking trahedya ang maidudulot ng sunog kaya naman ay dapat nating gawin ang lahat maiwasan ito.
Mabuti ring magkaroon ng Swak na Insurance para ProtekTODO ka ngayong Fire Prevention Month. Sa halagang Php100 para sa Premium Pamilya ProtekTODO, magkakaroon ka na ng insurance para sa inyong pamilya na mayroon pang kasamang Fire Assistance na halagang PHP5,000.
Upang alamin kung ano ang Swak na Swak na Insurance para sa’yo Suki, tawagan lang ang contact number of the branch closest to you na makikita sa ating branch finder.
Pero tandaan, mas mabuti pa din kung maiiwasan ang sunog, kaya naman ating sundin ang mga Fire Prevention Safety Tips na ito.