Sino ang Santa Claus ng Buhay Mo? Paskong Pinoy 2019

Blog

April 22, 2021

santa-claus-ng-buhay-mo

Mga Suki! Kumusta ang mga Christmas party? Nakakain, nakakanta, at nakatawa ka ba nang madami? Kahit saan ka man sa mundo, wish ng Palawan Pawnshop na masaya at maligaya ang naging Pasko niyo, Suki! 

Ngayong Pasko, hinangad ng Palawan Pawnshop na magdala ng tuwa at saya sa lahat ng Pilipino. Kaya naman Oktubre hanggang Disyembre, naghanda kami ng 4 surpresa para sa aming mga wais at tapat na Suki—tulad mo!

Tara na’t alamin kung ano mga inihanda namin sainyo para sa huling pasabog ngayong taon!

Sino ang Santa Claus ng buhay mo?

Habang nagbabalik-tanaw kami sa mga nakaraang taon ng 2019, natutuwa kaming isipin na dahil sa mga munting serbisyo namin ay nakakapagbigay kami ng saya, ginhawa, at pagmamahal sa mga pamilya o kaya sa mga mahal niyo sa buhay.

Kaya ngayong Pasko, nag-feature kami ng mga kwentong nakaka-antig ng puso. Mula sa comments section ng aming Facebook page, at sa mga nakaka-kwentuhan namin sa mga Palawan Pawnshop branches nationwide ay nakabuo kami ng tatlong kwento na sumasagot sa tanong: sino ang Santa Claus ng Buhay mo?

Ang Liwanag ng Pasko

ang-liwanag-ng-pasko

Kahit ano man mangyari—mag-away o mag-bati, magkatampuhan o kaya’y magkasagutan, family is family. Sila ang mga taong kasama mo kahit ano man ang mangyari. Pero paano kung nilalamat na ang relasyon ninyo? Huli na ba lahat para ayusin?

Ang unang Christmas video na inilabas ng Palawan Pawnshop ay “Liwanag.” Ang storya ay tungkol sa pamilya ni Tatay Badong, pagkatapos sumakabilang ng kanyang asawa at ina ng kanilang dalawang anak na si Kevin at Buboy.

Hindi madali ang mawala ng minamahal sa buhay. Kaya hindi madali ang pagtanggap nang bunsong anak na si Buboy ang pagkawala ng kanyang ina. Bilang siya ang pinakamalapit sa ina, malaki ang naging pagbabago ni Buboy. Sumasagot na siya nang pabalang sa kanyang tatay at kapatid, madalas na siya sa labas kasama ang kanyang barkada, at hindi na rin siya tumutulong sa negosyo nilang pamilya; lalo na’t Pasko at ang produkto nilang Parol ay patok at mabenta sa panahong iyon.

Patuloy pa rin ang walang respeto na pagtrato ni Buboy sa kanyang pamilya hanggang isang araw, matapos mabugbog ng mga tambay sa kanto, ay umuwi si Buboy sa walang laman na bahay—naabutan lang niya ay isang basag na baso.

Asan na si Tatay Badong at Kevin? Bakit nabasag ang baso? Para malaman lahat ng tanong, panoorin niyo na lang ang buong video ng ‘Liwanag’! Sigurado kaming hinding-hindi kayo magsisi.

Ang Munting Sorpresa kay Nanay

ang-munting-sorpresa-kay-nanay

Ang pangalawang video na inilabas namin para sa Pasko ay pinamagatan naming “Biyaya”. Itong Palawan Pawnshop Christmas video ay handog namin para sa mga Suki naming OFW. Madalas kaming makabasa ng comments sa Facebook o kaya’y makarinig ng kwento sa aming mga teller tungkol sa mga kwentong OFW ninyo kaya naman ay sinigurado namin na marinig at malaman ng lahat ang mga pinagdadaraanan niyo abroad. Handa na ba ang mga tisyu ninyo, Suki?

Nagsimula ang kwento kay Nita, isang long-time domestic helper sa United Arab Emirates (UAE). Sa totoo lang, hindi maman niya pinili magtrabaho abroad. Pero dahil sa malaking pangangailan, napagdesisyunan niyang umalis at subukan ang buhay OFW.

Hindi madali ang buhay ni Nita, araw-gabi ay nagtatrabaho lang siya para may malaking maipadala sa pamilya niya sa Pilipinas. Sa kanyang asawa na si Remar at sa kanyang dalawang anak na si Miki at Nina, humuhugot ng lakas at inspirasyon ni Nita. 

Salamat sa Internet at social media, madalas makausap ni Nita ang kanyang pamilya. Pero mga ilang buwan na ang lumilipas, may nararamdamang kakaiba si Nita. Hindi na kasing sigla ang mga mag-ama sa pagsagot sa kanyang tawag. Panay shopping ang kanyang mga anak, at puro inom naman ang kanyang asawa. Malakas ang kutob ni Nita, ramdam na ramdam niyang may sikreto na tinatago ang kanyang mag-ama.

Ano kaya iyon? Naku, panoorin mo na lang kasi sa aming Facebook page o Youtube account! Sure ako maiiyak ka, kaya ihanda mo na ang tisyu, Suki!

Ang Magic ni Lola

ang-magic-ni-lola

Ang pangatlo at huling video ng Palawan Pawnshop ay pinamagatan namin Regalo. Ang kwento ng Regalo video ay tungkol sa isang lola at ang sikreto ng kanyang pinakamasarap at pinakasikat na puto bumbong. Isang araw habang wala ang magulang ni JJ, sinamahan niya ang kanyang Lola sa paggawa ng puto bumbong.

Kalagitnaan ng paggawa, tinanong ni JJ kung ano ba ang sikreto ni Lola sa kanyang puto bumbong. Natuwa na lang si Lola at ikinwento sa kanyang apo ang sikreto at magic ng puto bumbong ni Lola. Gusto mo malaman ang magic? You have to see and watch for yourself, Suki!

Hango sa totoong-buhay ang kwento na ito, Suki! Napuna ng isang teller namin na araw-araw pumupunta si Nanay sa Palawan Pawnshop para sa pera padala. Nagbigay advice ang mga staff at tinanong siya kung bakit hindi na lang niya ipunin ang pera at magpadala na katumbas sa isang buong linggo. Ang sagot ni nanay ay “Hindi pwede.” Kung hindi siya magpapadala araw-araw ay walang pangkain ang kanyang anak na nag-aaral. 

Iba talaga ang pagmamahal ng isang ina sa kanyang anak. Isang malaking saludo sa lahat ng nanay, tatay at mga magulang na walang sawa na nagsasakripisyo sa para kanilang anak.

At diyan nagtatapos ang tatlong kwento na handog ng Palawan Pawnshop ngayong 2019. Kaya kayo naman ang tatanungin namin: Sino ang ang Santa Claus mo, Suki? Share mo naman sa Palawan Pawnshop - Palawan Express Facebook page at malay niyo, ang kwento niyo ang susunod na gagawan namin ng video.

Palawan Express Santa 2019

Wait, there are more surprises waiting for you, Suki! 

Lalong magiging kagalak-galak ang iyong Pasko dahil maaari kang makatanggap ng bonggang pa-premyo! Muling nagbabalik at maghahandog ng saya si Palawan Express Santa! Ipaalam mo lang sa amin kung bakit mo deserve maging isa sa aming 34 winners ng appliances, gadgets, at iba pa. Ganoon lang kasimple, Suki. Sali na!

Sino ang pwede sumali sa Palawan Express Santa?

The contest is open to all Filipino citizens, legally or by birth, 18 years old and above, residing within the Philippine territory. Contest period is from December 1 to December 25, 2019.

Paano sumali? Ito ang 3 easy steps!

1. I-access ang Palawan Express Santa App, i-fill-out ang mga kailangang detalye pati ang iyong sagot sa aming Palawan Express Santa question na “Ano ang gusto ninyo matanggap sa aming pool of prizes at bakit ikaw ang karapat-dapat manalo?” Huwag kalimutang ilagay ang hashtag na #ILovePalawanExpressSanta sa iyong sagot! 

2. I-check ang iyong e-mail kung nakatangaap ka ng aming email confirmation para sa iyong entry at ‘wag kalimutang ipa-vote ang iyong entry para more chances of winning!

3. Bisitahin ang aming Palawan Express Santa Tracker dito: https://www.palawanpawnshop.com/palawan-express-santa/  para malaman sino ang winner of the day at kung ano ang prize for the day. Easy lang no, Suki?

Malay niyo, kayo na ang susunod na mananalo nitong mga premyo:

  • 5 LED TV
  • 5 Refrigerators
  • 5 Washing Machines with Dryers
  • 5 Oppo A7 phones
  • 5 Oven Ranges
  • 5 Karaoke Sets
  • 4 Gift Baskets

Kaya go na, Suki! Push your luck sa aming Palawan Express Santa 2019!

Salamat sa isa nanamang taon na pagsuporta niyo sa amin, Suki!

Share: