Wais Shopper’s Guide to Shopping for Secondhand Items

Blog

March 19, 2021

wais-shoppers

sulit-shopperPhoto courtesy of Jacek Dylag via Unsplash

Saan aabot ang bente pesos mo, suki? Kung sa mall ka pupunta, baka sa pamasahe palang eh ubos na ‘yan; pero kung ukay-ukay o Palawan Pawnshop Bili-Sangla sale ang destinasyon mo, makakapag-uwi ka ng mas maraming gamit sa sulit na presyo!

Noon, nakakahiyang sabihin sa mga friendship na sa ukay-ukay mo lang nabili ung napakaganda mong secondhand clothes dahil baka ma-judge ka nila at asarin pa na nasa hukay na ang dating may-ari ng damit na ‘yan. Pero ngayon, in na in na ang pamimili ng secondhand items sa mga online at physical thrift stores. Meron ding mga tulad ng Palawan Pawnshop na binibenta ang mga na-remata na gold items, para may ibang makinabang sa ginto na isinangla ng mga tao.

Bakit ba mas maraming tao ang preferred mag-shopping ng pre-loved items? Kasi may benefits ito sa kalikasan, mga tao, at syempre, sa wallet mo. Narito ang benefits ng pamimili ng secondhand or pre-loved items:

1. Tumulong sa pagbabawas ng basura

Ang pamimili ba ng secondhand o ukay-ukay ay makakatulong sa kalikasan? Oo naman, suki! Kadalasan na kapag maganda ang quality ng isang gamit at naalagaan ito maigi ay hahaba ang buhay nito. Pero kapag hindi na kasya sa previous owner nito, mas makabubuti ang pagbebenta nito kaysa maging pandagdag ito sa mga basura natin sa landfill. Kaya ang pamimili ng secondhand items sa mga thrift shops ay makakatulong sa kalikasan dahil nababawasan ang basura, pati na rin ang mass production ng mga bagay na ito.

2. Makakuha ng rare and unique items

assorted-silver-colored-pocket-watchPhoto courtesy of Giallo via Pexels

‘Di tulad ng mga ‘For Sale’ na damit sa mall na marami kang pwedeng makapareho, sa mga ukay-ukay, makaka score ka ng unique at secondhand luxury vintage items na talagang must-have para sainyong OOTD!

Kadalasan ang mga makukuha mo pa sa ukay-ukay ay magaganda pa na quality and branded na damit o gamit. O ‘diba, nakatulong ka na sa environment, may one of a kind item ka pa!

3. Bumili at a cheaper price

Dahil second hand at used items na ang mga clothes, shoes, bags, at iba pang items sa ukay-ukay, habang lumalaki ang wardrobe selection mo, hindi naman pumapayat ang wallet mo dahil sa mura ang cost ng thrift haul mo pag pre-loved items ang pinamili mo.

Na-inspire ka ba na mamili sa ukay-ukay dahil sa mga benefits nito? Bago ka pumunta sa pinaka-malapit na ukay sainyo, basahin muna ang article na ito para malaman ang 13 tips para maging isang masayang adventure ang iyong shopping for affordable pre-loved items!

1. Magdala ng maliit na bag para sa personal belongings
2. Magpabarya na ng pera
3. Magsuot ng kumportableng damit at sapatos
4. Magbaon ng sariling tubig
5. Magdala ng alcohol at face mask
6. Alamin kung anong style ang gusto mo
7. Unahin ang mga may pinakamurang presyo
8. Maghanda ng pasensya at pag-iintindi
9. Collect, collect, then select
10. Suriin nang mabuti ang mga bibilin na damit
11. Channel your creativity
12. Tumawad hanggang maari
13. Kaibiganin ang mga saleslady

Para sa mas detalyadong impormasyon sa mga tips na ito, basahin mo lang mga shopper’s guide to pre-loved items na handog ng Palawan Pawnshop.

1. Magdala ng maliit na bag para sa personal belongings

plush-design-studio-iMjLgjFms7E-unsplash-minPhoto courtesy of Plush Design Studio via Unsplash

Para madali kang makapag halukay ng mga damit at clothes rack at boxes ng second hand items, dapat wala kang masyadong dala. Ilagay ang iyong personal belongings sa maliit na bag o fanny pack para walang hassle sa iyo. Para naman maging eco-friendly ang iyong thrift store shopping, magbaon ng eco bags para hindi ka na mag-uuwi pa ng (sandamakmak) na mga plastic sa inyong bahay.

2. Magpabarya na ng pera

Kung Php 1,000 ang budget mo para sa iyong pre-loved items shopping, huwag buong pera ang dalhin mo. Magbaon o kaya’y magpabarya ng tig-bente pesos, singkwenta, o kaya ay tig-isang daan para madali kang makapagbayad o agad itong masuklian sa cashier.

3. Magsuot ng kumportableng damit at sapatos

woman-selecting-beaded-jewelry-896018Photo courtesy of Laura Dewilde via Unsplash

Kapag nag-ukay-ukay ka, dapat ready kang makipag-siksikan at mapawisan. Magsuot ng kumportable na mga damit na madaling patungan kung sakaling mahaba ang pila sa fitting room, pwede mo lang ipatong sa damit mo ang mga pre-loved items na gusto mong isukat. Kung mamimili ka naman ng mga second hand shoes, magbaon ng medyas bago ito sukatin.

4. Magbaon ng sariling tubig

clear-disposable-bottle-on-black-surface-1000084-minPhoto courtesy of Steve Johnson via Pexels

Nakakapagod ang paghahanap ng mga second hand items sa ukay-ukay lalo na kung mainit. Para maiwasan ang dehydration at maging energized ka sa iyong secondhand items shopping spree, mahalaga ang pag-inom ng tubig, lalo na sa init ng panahon dito sa Pilipinas.

Pwede ka magdala ng sarili mong lalagyan ng tubig at lagyan ng mala-yelo na tubig, o kaya’y bumili muna ng bottled water sa tindahan o convenience store bago sumabak sa ukay.

5. Magdala ng alcohol at face mask

Hindi mo alam kung ano na ang mga pinagdaanan ng mga pre-loved items na iyong hinawakan at sinusukkat. Para manatiling malinis ang iyong mga kamay at braso, magbaon ka ng alcohol o hand sanitizer. Kung prone ka sa allergy, lalo na sa alikabok, magandang magbaon ng face mask para hindi ma-trigger ang allergies mo at mapurnada ang ukay-ukay adventures mo.

‘Wag ka mag-alala suki, hindi ito klase ng pag-iinarte. Isa lang itong preventive measure para hindi ka magka-allergic reaction.

6. Alamin kung anong style ang gusto mo

stylePhoto courtesy of Burgess Milner via Unsplash

Minsan nakaka-overwhelm ung feeling na pag-pasok mo sa isang ukay-ukay o second-hand sale ay parang lalamunin ka sa dami ng gamit nito. Para hindi ka malito, maganda na bago ka palang umalis ng bahay, alam mo na kung ano ang goal mong bilhin para yun na ang una mong tignan o hanapin na items. ‘Pag may vision o style ka na gusto ma-achieve ngayong 2020, mas makaka-save ka sa time ng paghahanap mo sa mga ukay-ukay.

7. Unahin ang mga may pinakamurang presyo

murang-presyoPhoto courtesy of Artem Beliaikin via Unsplash

Sa halip na tumingin sa mga rack ng new arrivals, tandaan na mas makakatipid ka kung titingin ka muna sa mga racks na may pinaka-murang presyo tulad ng mga 3 for 100 o kaya mga tig-20 o 50 php na gamit. Kadalasan na kahit pa napagpilian na iyon ng mga tao, may makikita ka pa ring unique at slightly used items na magandang idagdag sa wardrobe mo.

8. Maghanda ng pasensya at pag-iintindi

maghanda-pasensyaPhoto courtesy of Becca McHaffie via Unsplash

Nakakapagod ang pag-hahalukay sa ukay-ukay, suki. Pero tandaan, pag may tiyaga, may nilaga. Kung isa-isa mong titignan ang mga damit sa bawat rack sa ukay-ukay, for sure makakahanap ka ng one of a kind pre-loved item.

Kadalasan na, may makikita ka ring mga second hand designer items sa ukay-ukay na slightly used lang at binebenta sa napakamurang halaga; kaya tiyagain mo lang, suki. Syempre, para maging sure na maganda sayo ang bibilhin mo, sukatin mo lahat ng mga ito bago mo bilhin.

9. Collect, collect, then select

Dahil kadalasan nang unique ang mga items na for sale sa mga thrift stores, baka gustong makuha ng mga kapwa mo ukay-ukay shopper ung napili mong damit. Kung sakaling torn ka kung kukunin mo ba ang isang item na napili mo o hindi, wag mo itong i-let go agad, suki! Dahil ‘pag iniwan mo ito, malamang wala na siya dun sa lugar na pinag-iwanan mo at nakuha na ng iba. Para hindi ka magsisi, dapat collect ka lang ng collect. Kapag tapos ka nang mag collect, saka mo piliin yung mga second hand items na gusto mong bilhin. Kapag napili mo na ang mga items na talagang gusto mo, saka mo na ibalik yung ibang mga items na hindi mo na gustong bilhin.

10. Suriin nang mabuti ang mga bibilin na gamit

clothes-on-salePhoto courtesy of Artem Beliaikin via Pexels

Kapag nakapili ka na ng mga gusto mong items, huwag ka munang dumerecho agad sa cashier. I-check mo muna lahat ng pre-loved items na bibilhin mo kung ito ba ay may sira o mantsa. May nawawala ba itong butones? May butas ba ito? Sira ba ang zipper nito? Kung minimal lang naman ang damages at kaya mo itong solusyosnan sa bahay, then go buy it. Pero kung malaki ang damage, kahit gaano pa ito kaganda, mas makabubuting ibalik mo na lang ito sa rack para hindi masayang ang iyong pera.

Kung sa Palawan Pawnshop ka naman bibili, tignan mo muna lahat ng option na meron bago mo piliin ang ‘The One.’ Kung nagtataka kayo kung totoong ginto ba talaga ang mga binibenta, ‘wag kayo mag-lalala, suki! Tinignan at sinuri nang maagi ang mga pina-pawn na items sa Palawan Pawnshop. Only true gold lang sa Palawan Pawnshop, walang ja-fake!

11. Channel your creative side

Tandaan na pwedeng ipa-alter ang mga salvaged clothes na mabibili mo sa mga local thrift stores. Kaya naman, kung may makikita kang isang unique na item pero masyado itong maluwag sa iyo o di mo masyadong bet ung style pero love mo ung tela. Kapag napaharap sa ganitong dilemma, channel your creative side at i-imagine kung paano mo ito pwede i-redesign o i-alter para maging suitable sa fashion style mo.

Kung ginto o alahas naman ang usapan, kung tingin niyo ay may ikikinang pa ang iyong investment, subukan ang mga jewelry cleaning hacks namin para lumabas ang tunay na ganda ng iyong second-hand o pre-loved item.

12. Tumawad hanggang maari

Kung marami kang bibilhin sa isang thrift store, huwag kang mahihiyang humingi ng discount. Kung namamahalan ka naman sa isang item na gusto mo, subukan mo pa ring humingi ng tawad. Malay mo, pagbigyan ka ‘di ba? Walang mawawala kung hindi mo i-try!

13. Kaibiganin ang mga saleslady

photo-of-womenPhoto courtesy of Ike Iouie Natividad via Pexels

Pag namimili sa mga local thrift stores, maging friendly sa mga saleslady. Kapag naka-close mo sila, pwede mo silang pakisuyuan na i-text ka kung may new arrival sila o may sale sila sa mga preloved items na binebenta nila. Malaki rin ang chance na bigyan ka nila ng discount kapag naging kaibigan mo na sila.

Ang pamimili ng pre-loved items ay hindi lang makakatulong na makatipid ka, suki. Pwede ka ring makapag-invest! Halimbawa, ang pamimili ng second hand gold jewelries ay isang magandang investment dahil hindi ito naluluma at tumataas ang value nito.

gold-plated-accessoriesPhoto courtesy of Pixabay via Pexels

Para maka-score ng affordable pre-loved gold items, isa lang ang dapat mong puntahan: ang Palawan Pawnshop Bili-Sangla sale! Dito, makakahanap ka ng timeless gold jewelries na gusto mo at dahil sa friendly rates nito, for sure swak na swak ito sa budget mo! Extra sa ganda, extra gaan sa wallet!

Sa panahon ngayon, hindi lang brand new ang magpapaganda sa iyo. Kung sisipagan mo ang paghahanap ng mga murang slightly used pre-loved items, binibigyan mo ang mga items na ito ng second chance na pasayahin at pagandahin ang iyong buhay nang hindi nagsu-suffer ang wallet mo.

Share: