5 Easy & Common Ways to Send Money Online in the Philippines

Blog

January 11, 2022

send-money-online-philippines-og-image

Sa dami ng paraan para mag pera padala sa mga tao ngayon, the struggle is real para makapili ng the most convenient way possible. Bukod dito, hanap din ng mga wais na Suki tulad mo ang ligtas, mabilis, at maaasahan na money transfers services para sa mga local at international transfers.

Dahil sa Palawan Express online padala, basta dala mo ang phone mo, may data or WiFi ka, at may laman ang account o online wallet mo, makakapagpadala ka ng pera nang hindi na pumupunta sa bangko o money transfer branches.

Saan ka man magpapadala ng pera, sa 'Pinas man o sa ibang bansa, at ano man ang dahilan mo para magpadala, ang the best money transfer service ay base sa pangangailangan mo na pwedeng mag iba-iba.

Kaya naman, sa article na ito, ipapaliwanag sayo ang ilang mga convenient ways to send money online in the Philippines and abroad.

5 Convenient Ways To Send Money Online In The Philippines

1. Bank-to-Bank Transfers

Buildings-With-Glass-Windows-1Photo courtesy of Expect Best via Pexels

Tulad ng pangalan nito, ang bank-to-bank transfer ay nag-aallow na makapag send money online o physically mula sa isang bank account patungo sa isa pang bank account. Kadalasan na, kung within your area ang papadalhan mo ng pera at kapareho mo ito ng bangko, libre ang transfer fee.

Pero kung magkaiba kayo ng bank o nasa mas malayong branch ang papadalhan mo, asahan mo na kailangan mong magbayad ng transfer fee, gagawin mo man ito sa bangko o online.

Para makapag-send ka ng pera sa bank-to-bank transfer, kailangan mo ang account number at account name ng padadalhan mo. Maganda rin kung alam mo kung saang branch ang kaniyang bangko.

2. Wire Transfers

Magkahawig lang ang wire transfers at bank-to-bank transfers lalo na’t electronic transactions ang mga ito. Ang pinagkaiba, ang wire transfer ay hindi lang bank-to-bank. Ino-offer din ito ng non-bank institutions kaya kung wala kang bank account, makakapagpadala ka pa rin ng pera na diretso na sa bank account ng receiver mo. Kadalasan na, 1-2 days ang dapat mong hintayin para ma-transfer ang perang pinadala mo.

Isa pa, may separate charge ang bank o institution na pinadalhan ng pera at ang receiving bank o institution na padadalhan. Sila ay kumukuha din ng percentage sa halaga ng perang trinansfer mo.

3. Prepaid Debit Cards

Person-Shopping-Online-1Photo courtesy of cottonbro via Pexels

Hindi lamang debit at credit card ang ino-offer ng mga bangko, maaari karing mag-apply ng prepaid debit card. Ang karamihan ng mga prepaid debit card ay walang minimum balance at madali lang ang requirements para magkaroon nito. Kadalasan na isang government ID lang ang kailangan para mag-apply sa card na ito. The best ito para sa mga tao na hindi pa qualified na magkaroon ng credit card o debit card.

Kadalasan na may credit score kang dapat abutin para maging qualified na maging credit or debit card holder. Minsan, may iba pang requirements na hinihiling ang mga bangko bago ka ma-issuehan ng debit card tulad ng proof of employment.

Ang prepaid debit card ay perfect para sa mga taong:

  • Ayaw ma-hassle sa pag-open ng bank account;
  • Mga taong gusto lang gumastos sa kung ano ang laman ng prepaid card para hindi sila matukso sa mga buy now, pay later option; at
  • Mga taong gusto ng lower risk yamang hindi naka-link ang prepaid debit card sa bank account. Mawala o manakaw man ito, tiyak kang hindi mababawasan ang ibang savings mo maliban sa perang naka-load dito.

Pwede kang mag online transfer kung meron kang existing account sa bangko kung saan affiliated ang prepaid debit card mo o maaari kang magtungo sa mga cash accept machines para magpadala ng pera kung wala kang means para mag-send money online.

4. Digital Wallet Transfers

Man-Holding-Smartphone-and-a-Credit-Card-1Photo courtesy of Tima Miroshnichenko via Pexels

Bukod sa mga card at bank, sumikat na rin ang mga digital wallets. Ginagamit ang mga wallets na ito para mag-ipon ng pera, magload, o bumili at magbayad online ng mga bills. Madali lang magpadala ng pera sa mga digital wallets. Pwede mo itong gawin kung meron ka ring digital wallet o pwede kang pumunta sa mga over the counter stores at establishments para magdeposit ng pera online. Kadalasan na, may charge din ang pagpapadala ng pera sa mga digital wallet na ito.

5. Palawan Express Online

Kung noon nakakapag padala lang ng pera through Palawan Express Pera Padala kapag personal na pupunta sa Palawan Express, ngayon, there’s no need na bumiyahe at pumila makapag padala lang ng pera sa mga mahal mo sa buhay sa Pilipinas.

Inihahandog namin ang Palawan Express Online Pera Padala. Dito, makakapagpadala ka na ng pera online kahit nasaan ka pa. Sa service na ito, pwede kang mag-2 transaction kada araw. Ang minimum amount na pwede mong ipadala online ay PhP 1,000 at PhP 5,000 naman ang maximum.

To transfer money online through Palawan Express Online Pera Padala, ito lang ang ilan sa mga basic steps na kailangan mong gawin:

  1. Magtungo sa Palawan Express website;
  2. I-click ang Online Padala sa upper right hand section ng website;
  3. Sagutan ang mga forms;
  4. I-confirm ang payment option;
  5. Ilagay ang OTP; at
  6. I-save ang transaction number.

Oh diba, it’s as easy as A,B,C.

7 Reasons Why You Should Choose Palawan Express

Kung loyal Suki ka ng Palawan Express, ito ang ilang mga dahilan kung bakit hindi ka nagkamali sa pagtitiwala sa Palawan Express sa pagpapadala ng pera sa ‘Pinas.

1. Ikaw ang priority ng Palawan Express

Kapakanan ng customers ang iniisip ng Palawan Express kaya naman may access ka man sa internet o wala, makakapag padala ka ng pera sa Pilipinas online or on-site. Kung online ang chosen way mo to transfer money, kailangan mo lang pumunta sa website ng Palawan Express para makumpleto ang domestic money transfer transaction mo.

2. Maraming branches ang Palawan Express sa Pilipinas

Kung on-site ka naman magpapadala ng pera, wala pa ring problema dahil nasa mahigit 3,100 branches nationwide ang Palawan Express sa buong Pilipinas. Kaya kahit nasaang sulok ka man ng Pilipinas nakatira, tiyak na may branch ng Palawan Express sa inyo kahit na nasa probinsya ka pa.

Para malaman ang pinakamalapit na branch ng Palawan Express sa iyo, di mo na kailangang mag-walkathon sa neighborhood niyo, Suki. Pwede kang pumunta online at gamitin ang branch finder ng Palawan Express.

Of course, magbebenefit din dito ang receiver mo dahil kahit saan ay pwede nila matanggap ang perang pinadala mo through Palawan Express.

3. Palakaibigan at maaasahan ang staff ng Palawan Express

Customer-friendly ang staff ng Palawan Express. Bukod sa mabilis ang kanilang serbisyo, willing silang tulungan ka kung sakaling magkaroon ng problema sa proseso mo ng pagpapadala ng pera.

Kung on-site money transfer ang option na pipiliin mo, makakaasa ka na anumang branch ng Palawan Express ang bisitahin mo ay secured dahil laging may mga gwardiyangmagbabantay sa inyo.

4. No problem kung international money ang cash on hand mo

Kung isa kang OFW at kailangan mong mag send money on-site, hindi rin problema dahil nag-o-offer ang Palawan Express ng currency exchange.

Kaya naman, dollar man o kahit anong foreign exchange pa ang cash on hand mo, pwedeng-pwede mo itong papalitan bago ka magpadala para Philippines currency ang matanggap ng receiver mo.

Mataas ang palitan ng pera sa Palawan Express kumpara sa iba, kaya talagang you get your money’s worth Suki kapag dito ka magpapapalit at magpapadala ng pera.

5. Madaling intindihin ang steps ng pagpapadala ng pera online sa palawan express

Simple lang ang steps sa pagpapadala ng pera online sa Palawan Express. Basta meron kang tamang information ng papadalhan mo ng pera, easy lang pag-send ng money online sa Palawan Express Online. May tagalog how-to guide rin na nagpapaliwanag ng bawat steps sa pagpapadala ng pera online.

6. Dual confirmation sa pamamagitan ng text ang makukuha ninyo

Whether you're sending or receiving money through Palawan Express, makakatanggap ka ng confirmation text kung successful na ang money transfer. Kaya panatag kang naipadala o nataggap na ang pera. Isa pa, mabilis din ang transfer ng Palawan Express. Kadalasan na, sa loob lang ng isang oras ay matatanggap na ang perang pinadala.

7. Sulit sa bulsa ang money transfer rate

Very minimal ang money transfer fee ng Palawan Express Pera Padala. Pwede mong makita agad ang fee bracket kapag nilagay mo na ang amount na ipapadala mo sa Palawan Express Online Pera Padala.

Fee Brackets

Amount Fee
PhP 1,000 PhP 30
PhP 1,001- PhP 1,500 PhP 45
PhP 1,501- PhP 2,000 PhP 60
PhP 2,001- PhP 2,500 PhP 75
PhP 2,501- PhP 3,000 PhP 90
PhP 3,001- PhP 3,500 PhP 95
PhP 3,501- PhP 4,500 PhP 115
PhP 4,001- PhP 5,000 PhP 125

 

Ang good news pa, walang kailangang bayaran ang receiver mo kapag kukunin na niya ang pera sa Palawan Express.

Mag-pera padala na sa Palawan Express!

Kung magpapadala ka ng pera saan man sa Pilipinas, Palawan Express ang pinaka flexible money transfer service na available dahil meron itong on-site send money services at Palawan Express Online Padala.

Kung send money online to the Philippines ang gusto mo, wala nang app ang kailangan pang idownload. Punta ka lang sa website ng Palawan Express at makakapagpadala ka na ng pera while sitting pretty sa loob ng bahay or while on vacation.

Talagang sulit at always worth it ang pagiging Suki mo ng Palawan Express!

Share: