Mura, mabilis, at walang kuskos-balungos! Palawan Express Pera Padala is a fast, easy, convenient, and simple domestic money remittance service brought to you by Palawan Pawnshop. Learn more about us here today!
Always the Matatag, Maaasahan, and Mapagkakatiwalaan. With over 3,000 branches nationwide, Palawan Pawnshop accepts gold jewelry items with high appraisal and lowest interest rates at a fast and reliable service. Pawn now!
Palawan Express Pera Padala is continuously expanding its network through
partnership with reputable remittance companies worldwide to deliver fast and secure remittance payout to millions of Filipino beneficiaries in the country.
Palawan Express Pera Padala offers tailored partnerships to meet client’s strategic business objectives. We render corporate solutions to make sure client accounts are profitable and growing.
Palawan Express Pera Padala widens its network through accrediting reputable entities as Authorized Agents. This greatly helps our valued customers to quick and easy access to Palawan Express remittance services across the country.
Malamang ngayon pa lang nagpa-plano ka ng kumpletuhin ang Simbang Gabi. Totoo na ‘to! This is the year! Weh, ‘di nga? Baka drawing na naman ‘yan ha.
Hindi simpleng panata ang siyam na araw na Simbang Gabi. Kailangan mo nang tamang motivation para bumangon sa mahimbing na pagtulog kung kailan malamig pa naman na ang simoy ng hangin. Kailangan mong maligo at mag-ayos habang tila hinihila ka ng iyong malambot na kama.
Ang Simbang Gabi ay tradisyon ng mga Katoliko kung saan siyam na misa sa madaling araw ang idinaraos. Hindi kumpleto ang Pinoy Christmas kapag wala nito. Pinaniniwalaan na kapag nakumpleto mo ito, matutupad ang iyong kahilingan. Kaya naman, marami ang sumusubok na makumpleto ang Simbang Gabi challenge. ‘Yun nga lang, marami ang puro simula lang pero di natatapos.
Huwag mag-alala dahil maraming paraan on how to complete Simbang Gabi. Konting push lang ‘yan!
Early to bed, early to rise
Timeout na muna sa Primetime Teleserye at Koreanovela na pumupuyat sa’yo. Para hindi mahirapan na gumising ng madaling araw, matulog ka nang maaga. Mas maigi kung ‘di mo lang ito gagawin kung kailan kinabukasan ay Simbang Gabi na. Bigyan mo nang sapat na panahon ang sarili mo para masanay sa earlier bedtime.
Tandaan na hindi natatapos sa paggising ang challenge. You need to stay awake for the whole mass kaya dapat sapat ang oras ng tulog mo. Iwasan ang mga habits na nagpapahirap sa’yo matulog gaya ng pag-inom ng kape sa hapon, sobrang panonood ng drama sa gabi, pagkain nang marami atbp.
Humanap ng kakampi
Ang lahat ng bagay mas madali kapag may kasama ka. In short, damay damay na ‘to! One of the best ways on how to achieve your goal is by having someone who will help motivate you. Iyon bang tipong pwede mong maging alarm na gigising sa ulirat mo o sasabunutan ka kapag medyo tutulog-tulog ka na sa simbahan. Kapag may karamay, mas madali ang buhay.
Bawal ang kumakalam ang sikmura
Huwag balewalain ang pagkain nang kahit konti bago umalis ng bahay. Kahit pa kape at pandesal lang, ang mahalaga ay may laman ang tyan mo. Mahirap kasi mag-focus kapag gutom. Wala rin kasing sense ang paggising mo nang maaga para makinig sa misa kung kumakalam ang sikmura mo.
Mag-unat-unat ng katawan
Sa paggising sa madaling araw, huwag kang parang zombie na pumapasok sa shower. Hangga’t maaari, mag-stretching ka para magising ang kalamnan mo. Konting unat dito, konting unat doon. Kapag mas gising ka na, hindi ka na mahihila ng kama mo para matulog uli dahil feeling mo ay ready ka na to face the day.
Think positive!
Kung ang una mong maiisip sa pagtunog ng alarm mo ay: “Next year na lang.” O ‘di kaya naman ay “bawi na lang ako.” Naku, wala talagang mangyayari sa’yo niyan. Ang pagkakaroon ng tamang mindset ay isa sa mga paraan on how to achieve a goal successfully kaya dapat think positive lagi. Huwag mo pangunahan ng dahilan o palusot ang pagpunta sa misa. Dapat mangibabaw ang kagustuhan mo na makumpleto ang Simbang Gabi bilang ito ang panata mo at nakakatulong sa kaluluwa mo.
Maghanap ng motibasyon
Oo maaaring mag-isip ka ng mga bagay na makakadagdag sa excitement mo. Pwedeng yung bibingka at putubombong, mainit na tsokolate, pandesal, Christmas songs na kinakanta sa pagtatapos ng misa, malamig na simoy ng hangin, makita ang mga kaibigan mo o kaya naman ‘yung makasalubong mo si crush. Basta ang mahalaga, motivated at inspired ka sa pag-kumpleto ng Simbang Gabi.
Pero syempre, may mas gaganda pa ba sa motibasyon na hatid sa’yo ng Banal na Misa kung saan makapagpapasalamat ka sa mga biyayang natamo mo? Christ is coming, and that’s the most important and all you need to stay motivated.
Bawal ang late
Bahagi na ng Pinoy Christmas ang Simbang Gabi kaya asahan mo na jam-packed ang simbahan. Gusto mo ba tumayo ng isang oras? Mas maigi kung maaga ka para makapili ng upuan at maging komportable bago pa man magsimula ang misa. At least, nakakapag-munimuni ka muna at hindi ‘yung lagi kang parang naghahabol.
Okay lang pumorma, but always dress appropriately
Malamig na ang panahon kaya muling ilalabas sa baul ang mga jacket, sweaters, hoodies at scarves. Panahon na ng pormahan! Okay lang naman na pumorma pero huwag kalimutan na sa sagradong lugar ka pupunta. Cover up and dress appropriately. Huwag mag-shorts at tsinelas. Konting effort naman! Mahirap na buong misa kang nangangatog sa ngalan ng japorms. Ikaw rin, baka mahamugan ka d’yan.
Pay attention sa misa
Isang paraan para ma-survive ang Simbang Gabi this 2018 ay maging participative sa misa. Kapag nagtanong ang pari, sumagot ka. Kapag kumakanta, dapat feel na feel mo. Kapag “peace be with you,” lumingon ka naman at ngumiti. Huwag kang tatamad-tamad dahil baka tamarin din sa’yo ang grasya. Kapag may energy ka, pati mga katabi mahahawa rin.
Magdasal nang taimtim
Iba ang nagagawa sa kaluluwa at perspektibo ng dasal. Nakakagaan ng loob at nakakaginhawa ng pakiramdam. Kapag taimtim ang pagdarasal, hindi lang siyam na gabing pagsisimba ang masu-survive mo, kundi ang bawat araw ng iyong buhay. Kapag bumubulong ka ng dasal sa misa, mas nasa tamang focus ang utak at puso mo.
Kung balak mong sumabak sa Simbang Gabi challenge, remember to do it for the right reasons. Maliban sa mga hiling at petisyon, huwag kalimutan na magpasalamat. Sa huling araw ng Simbang Gabi, ibang kasiyahan ang mararamdaman mo. Habang binubuksan ang balikbayan box na padala ng mga mahal mo sa buhay na OFWs, mapapasambit ka na lang ng pasasalamat sa lahat ng biyayang patuloy na tinatanggap ng iyong pamilya.