Simple at Puno-ng-Pagmamahal na Mother’s Day Gifts Para Kay Nanay

Blog

May 07, 2021

mothers-day-gift-idea-ft-img

Ano ang naiisip natin tuwing sasapit ang Mayo?

Bilang mga Pilipino, marami tayong pinagdiriwang na okasyon tuwing buwan na ito. Nandyan ang Flores de Mayo at Santacruzan. Tuwing Mayo rin ay sama-sama ang mga pamilya na pumupunta sa beach at mga resort upang sulitin ang bakasyon ng mga bata at makontra ang init ng summer.

Ngunit isa sa mga importanteng selebrasyon tuwing Mayo ay ang araw ng mga Ina o Mother’s Day. Ito ang araw kung saan ginugunita ng pamilyang pilipino ang sakripisyo at pagmamahal ng mga Mama, Nanay, at Inay sa kanilang pamilya.

Ang mga Ina ay itinuturing na “Ilaw ng tahanan” na siyang gumagabay sa mga anak upang lumaki sila bilang mabubuting indibidwal. At dahil malaking bagay ang araw ng mga Ina sa kultura ng pamilyang pilipino, talagang deserve na deserve nila Mama, Nanay, Mommy, ang unang linggo ng Mayo upang ipagdiriwang natin ang kanilang pagiging Ina.

Ang mga Nanay rin ay nagsisilbing glue o pandikit ng pamilya dahil sa kanyang pagmamahal, pag-aaruga at suporta sa buong pamilya. Kaya nararapat lang na may isang buong araw na dedicated para sa pagdiriwang ng kanyang role sa buhay natin.

Ang mga pinoy ay may kanya-kanyang diskarte upang ipakita ang kanilang pagmamahal sa kanilang mga Nanay. Mula sa parties at family outings, ang goal ng bawat isa ay mabigyan ng araw ng relaxation si Nanay.

Ngunit dahil sa COVID-19 pandemic, naging limitado ang mga pwedeng gawin. Hindi muna maaaring lumabas upang mag-celebrate at nagkaroon na rin ng limitasyon sa budget.

Pero 'wag nang mag-alala pa! Dahil narito ang mga ilang Mother’s day gifts na pwedeng ibigay kay Nanay na tiyak na swak sa iyong budget!

1. Magluto ng paborito niyang ulam

may-simple-gift-mothers-day-1Photo courtesy of Ivan Torres via Unsplash

Dahil si Nanay ang madalas magluto para sa pamilya. Ngayong Mother’s day, ibahin ang ihip ng hangin at kayo naman ang magluto ng inyong salo-salo para sa araw ng mga Ina. Alamin ang recipe ng kanyang paboritong pagkain at ito ang ihain sa inyong tanghalian o hapunan. Hindi marunong magluto? Okay lang ‘yan! Practice makes perfect. Tandaan, it’s always the thought that counts.

2. Mag-bake ng sariling cake

may-simple-gift-mothers-day-2Photo courtesy of Felipe Vieira via Unsplash

Uso ngayon ang magregalo ng cake, pero hindi mo kailangang gumastos ng malaki para dito. Pwede kang gumawa ng sarili mong cake sa bahay! Maaari kang bumili ng easy-bake cake boxes sa grocery para inyong lutuin sa Mother’s day. Hindi naman kailangang maging bongga ang cake para kay Nanay. Ang importante ay maibuhos ang pagmamahal sa iyong mga lulutuin.

2. Gawin ang lahat ng gawaing-bahay

may-simple-gift-mothers-day-3Photo courtesy of Anton via Unplash

Ngayong Mother’s day, ‘wag nating hayaang mapagod si Nanay. Isa sa magandang regalo na pwede ninyong ibigay sa kanya ay gawin ang mga gawaing bahay tulad ng paglilinis, paglalaba, pagluluto at iba pang mga household chores. Ang simpleng pagtulong ay ma-appreciate nang husto ni nanay. Wala ka pang gagastusin!

4. Gumawa ng tula para kay Nanay

may-simple-gift-mothers-day-4Photo courtesy of Aaron Burden via Unsplash

Kung nais mo naman i-express ang iyong pagmamahal at pasasalamat kay Nanay, at mahilig kang magsulat, maaari kang gumawa ng sariling tula para sa Mother’s day. Dito mo maipapakita ang iyong talento sa pag express ng iyong mga nararamdaman para kay Nanay. Siguradong mata-touch siya sa iyong handog.

5. Bigyan sila ng succulent planters

may-simple-gift-mothers-day-5Photo courtesy of Matthias Cooper via Unsplash

Kung mayroon kang budget na pwede i-stretch para sa Mother’s day, at mahilig si Mama sa halaman, maaari kayong bumili ng succulent plants para sa kanya. Ang succulent plants ay maliliit lamang kaya pwedeng-pwede itago para i-surprise si Mama. Low maintenance rin ang mga succulent plants kaya hindi mahihirapang mag-alaga si nanay. I-support natin ang plantita dreams ni nanay!

6. DIY floral embroidery

may-simple-gift-mothers-day-6Photo courtesy of Hata Embroidery via Unsplash

Kung mahilig si mama sa burloloy at pagtatahi, maaari mong subukan ang gumawa ng flower embroidery para sa kanya. Isa itong metikulosong proseso at kailangan nito nang mahabang pasensya at tiyaga. Ngunit maganda ang kalalabasan nito at siguradong magugustuhan ni Mama at tiyan na matutuwa siya sa iyong efforts.

7. Gumawa ng DIY card

may-simple-gift-mothers-day-7Photo courtesy of Ranurte via Unsplash

Kung hindi naman magaling sa pagtatahi, marami pang ways upang i-express ang iyong pagmamahal in your own way. Isang paraan dito ay ang paggawa ng sariling greeting card para sa Mother’s day. Sa pamamagitan ng DIY card, maaari kang gumamit ng favorite pictures ninyo ni Nanay upang maging magandang remembrance para sa kanya. Maaari ka ring magsulat ng maikling letter para sa Mother’s day. Tiyak na matutuwa si Nanay sa iyong personalized gift.

8. Panoorin nang buong family ang kanyang favorite movie

may-simple-gift-mothers-day-8Photo courtesy of GR stocks via Unsplash

Kung simpleng selebrasyon lang ang habol ni Nanay, hindi rin problema yun! Pwede kang mag-setup ng simpleng event sa inyong sala. Ilabas ang mga unan at magluto ng microwave popcorn at sama-sama ninyong panoorin ang mga paboritong movies ni Nanay. Maaari ka ring maghanda ng ilang feel-good movies para panoorin upang maiwasan ang stress ni Nanay.

9. Painted mason jar

may-simple-gift-mothers-day-9Photo courtesy of Olia Gozha via Unsplash

Kung oozing naman ang creativity mo at nais magbigay ng regalong magagamit ni Nanay sa bahay o trabaho, maaari kang kumuha ng luma (o bagong) mason jar at pinturahan ito ayon sa paboritong kulay o concept ng iyong Ina. Ang mason jar ay maaaring gamiting pang-inom, lalagyan ng kagamitan sa kusina, opisina o salas, at maaari rin itong gawing halamanan. Maraming pwedeng paggamitan ang mason jar, at mas matutuwa si Nanay kung ginawa mo ito ng gamit ang iyong creativity.

Kahit ngayong COVID-19 pandemic, marami pa ring paraan ang pwede mong gawin upang i-celebrate ang Mother’s day ngayong taon. Lagi nating tatandaan na hindi naman laging magarbong selebrasyon at regalo ang gusto ni Nanay. Ang importante sa bawat ilaw ng tahanan ay manatiling buo, malusog, at masaya ang buong pamilya ngayon, at sa mga susunod na panahon.

Sa pamamagitan ng simpleng selebrasyon o salu-salo, iparamdam natin ang ating pagmamahal kay Nanay. Huwag natin kalimutan na siya ay i-galang at i-respeto dahil iyon ang pinakamagandang regalo na maihahandog natin sa kanya.

Naghahanap ka pa ba ng ibang tipid tips para sa buong pamilya? Puntahan na ang Palawan Pawnshop blogs!

Share: