-
Services
-
Pera Padala
Mura, mabilis, at walang kuskos-balungos! Palawan Express Pera Padala is a fast, easy, convenient, and simple domestic money remittance service brought to you by Palawan Pawnshop. Learn more about us here today!
-
Pawning
Always the Matatag, Maaasahan, and Mapagkakatiwalaan. With over 3,000 branches nationwide, Palawan Pawnshop accepts gold jewelry items with high appraisal and lowest interest rates at a fast and reliable service. Pawn now!
-
International Remittance
Fast, Reliable, Affordable, and Hassle-free International Money Transfer.
-
-
Partner With Us
-
International Partner
Palawan Express Pera Padala is continuously expanding its network through partnership with reputable remittance companies worldwide to deliver fast and secure remittance payout to millions of Filipino beneficiaries in the country.
-
Corporate Client
Palawan Express Pera Padala offers tailored partnerships to meet client’s strategic business objectives. We render corporate solutions to make sure client accounts are profitable and growing.
-
Domestic Partner
Palawan Express Pera Padala widens its network through accrediting reputable entities as Authorized Agents. This greatly helps our valued customers to quick and easy access to Palawan Express remittance services across the country.
-
- Press Room
- Promos
- Advocacy
- FAQs
- About Us
- Careers
Mga Paraan Para Maging Modernong Bayani sa Simpleng Gawain
March 19, 2021
National holiday sa August 26, suki. Anong plano mong gawin? Bago mo ikwento sa amin ang itinerary na nabuo mo, naisip mo ba kung bakit holiday sa araw na ‘yun?
Tuwing ika-apat na Lunes ng Agosto, ipinagdiriwang nation ang National Heroes’ Day Dati, ang National Heroes’ Day ay ipinagdiriwang tuwing November 30 kasabay ng birthday ni Andres Bonifacio. Inilipat ito ng August bilang tribute sa iba pang kilala o di man kilalang mga tao na nagsakripisyo ng kanilang buhay para sa ating bansa. Komento ni former Senator Manny Villar Jr. sa isang artikulo, “Heroism is both time-bound and timeless… heroism is also enduring. Its’ impact goes beyond its time. Its’ legacy is felt by future generations.” Oo, malawak ang saklaw ng salitang heroism o kabayanihan; at malawak din ang epekto nito lalo na sa mga tao.
Ano ba para sa iyo ang isang bayani? Paano ba masusukat ang pagkabayani? Kailangan bang magkaroon ng malaking ambag ang isang tao sa bansa o mamatay pa nga para rito para lang maituturing na bayani? Malamang ang sagot mo ay “hindi” at tama ka, suki. Naalala mo ba ung huling beses na hassle na hassle at kailangang-kailangan mo ng tulong?
Halimbawa, malakas ang ulan pero kailangan mong magpadala ng pera sa mahal mo sa buhay sa probinsiya pero wala kang payong. Tapos may isang tao na nagsabi sayo na willing siyang magpa-gamit ng payong niya para makatulong ka pa sa iba, mangahulugan iyon na pwedeng mabasa siya ng ulan o ma-delay siya sa lakad niya. Kahit simple o maliit na bagay lang ang nagawa niya, for sure, siya ang bayani mo noong panahong iyon.
Ikaw din, suki, pwedeng-pwede kang maging bayani sa sarili mong paraan! Ito ang ilang tips na pwede mong gawin para maging bayani:
1. I-respeto ang kapaligiran
Photo courtesy of Binyamin Mellish via Pexels
Ang isa sa pinaka simpleng paraan para maging bayani at makatulong sa mundo ay ang pangangalaga sa kalikasan. Magagawa mo ito kung itatapon mo sa tamang basurahan ang mga basura mo. Makakatulong din ang pagre-recycle para hindi na dumami pa ang mga basurang ipinoproduce natin sa araw-araw.
Pwede mo ring i-adapt ang zero-waste lifestyle. Ang isang paraan para masimulan ang lifestyle na ito ay ang paggamit ng reusable metal straws sa halip na gumamit ng plastic straws na isang gamitan lang ay tinatapon na. Pwede ka ring mag-volunteer sa mga clean-up drive sa barangay niyo o sa mga tree-planting activities na inaadvocate ng iba’t ibang organizations sa Pilipinas. Kung ikaw naman ay may travel goals saan man sa bansa o sa mundo, maging bayani sa pagiging isang responsableng traveler.
Kahit simpleng mga adjustments lang sa buhay mo, pwede kang maging bayani dahil natutulungan mong mapanatili ang kagandahan ng kalikasan na pwede pang ma-enjoy ng susunod na henerasyon.
2. Pagmalasakit sa mga hayop
Photo courtesy of Anoir Chafik via Unsplash
Familiar ka ba sa advocacy na “Adopt, Don’t Shop”? Malamang ay narinig mo na yan sa mga animal groups o celebrities tulad ni Heart Evangelista na isa sa mga promoter ng campaign na ito. Sa isang article tungkol sa pet ownership, shinare ni Heart ang isa sa mga goal niya ay ang pagtatayo ng isang animal shelter sa Sorsogon.
Hindi mo naman kailangang tapatan ang goal ni Heart para maging isang bayani. Pwede kang maging bayani kung magpapakita ka ng malasakit sa mga hayop. Kahit anumang alaga ang meron ka sa inyong bahay, alagaan silang mabuti at ‘wag silang abusuhin. Maging responsible pet owner sa pamamagitan ng pagpapa-spay o neuter sa iyong mga alaga para hindi na sila dumami pa lalo na kung wala ka namang planong maging breeder.
3. Maglaan ng oras sa animal shelter
Kung wala ka namang pet pero nagpaplano kang mag-alaga, sa halip na bumili ng future alaga mo sa mga pet shop, pwede kang tumingin sa mga online posts at animal shelters na nagpapa-adopt ng mga aso at pusa. Tandaan, ang kakayahan ng hayop na mahalin ang amo niya ay hindi nakadepende kung may lahi siya. Kahit aspin o puspin pa ang maging pet mo, kung aalagaan at mamahalin mo sila maigi, mamahalin ka nila ng higit pa pabalik; at para sa kanila, ikaw ang number one hero!
Kung allergic ka naman sa mga animals o talagang di ka isang animal lover, pwede ka pa rin namang maging isang bayani. Maraming mga pet sanctuary sa Pilipinas ang nagliligtas ng mga asong nanganganib na euthanize dahil hindi sila naadopt mula sa dog and cat pound. Hindi biro ang mga gastusin ng mga pet sanctuary na ito, kaya naman kung may extra kang cash, pwede kang magdonate sa mga organizations na ito para mailaan nila ang mga pangangailangan ng mga hayop na nirerescue nila.
4. Tumulong sa kapwa
Photo courtesy of Rodolfo Quirós via Pexels
Kung acts of heroism lang ang pag-uusapan, syempre ang pangunahin diyan ay ang pagtulong sa kapwa. Maraming paraan para tulungan ang iyong kapuwa, kilala mo man siya o hindi. Magsimula ka sa maliliit at simpleng gestures tulad ng pagtapik sa likod, pag-ngiti, o pagsasabi ng “very good” o “thank you” sa iyong kapamilya, kaibigan, o isang taong nakasabay sa byaheng ma-traffic. Hindi mo kailangang gumasta para gawin ang mga gestures na ito. Ang kailangan mo lang ay magkusa. Minsan, di mo lang alam, na ang simpleng pag-ngiti sa iba ang kinakailangan nila ng pampasigla lalo na kung lumong-lumo na sila sa problema. Kung may nakita kang tao na nahihirapan o nabibigatan sa bitbit niya, bakit hindi mo subukang tulungan siya?
Sobra ba ang sukli na naibigay sa’yo? Kung gagawin mong habit ang pagiging tapat kahit sa mga maliliit na bagay, hindi ka mahihirapan na maging tapat sa mga malalaking bagay. Halimbawa kung makakita ka ng wallet na naglalaman ng malaking halaga ng pera o may nakita kang naiwan na cellphone o gadget sa kung saan man, mauudyukan kang isauli o isurrender ito sa may-ari o sa mga kinauukulan
5. Mag-volunteer sa Home for the Aged
Photo courtesy of Matthias Zomer via Pexels
May mga government at non-government agencies na nangangalaga para sa mga may-edad na. Bakit di mo subukang mag-volunteer sa mga home for the aged at i-share ang talento mo para mapasaya sina lolo at lola kahit sa sandali lang? Kung volunteering lang din naman ang hilig mo, baka pwede kang magpalista sa inyong baranggay bilang isang emergecy responder sa panahon ng sakuna, tulad ng pagiging volunteer firefighter.
Kung wala ka namang time dahil busy ka sa work, pwede ka rin namang mag donate sa mga agencies at organizations para matulungan sila financially sa kanilang mga gastusin sa araw-araw. Oo Bes, ang pagiging bukas palad ay isang paraan para maging hero ka sa sarili mong paraan.
Maging isang bayani sa loob ng pamilya sa pagiging isang responsableng miyembro nito. Gawin ang iyong mga atas sa loob ng tahanan ng maluwag sa loob at di nagdadabog. Pag ginawa mo ito, walang mapapabigatan sa loob ng bahay kaka-gawa ng mga gawaing bahay at lahat kayo magiging masaya. Isa pa, maipaparamdam mo sa pamilya mo na mahalaga sila para sa iyo kung tutulong ka rin financially lalo na kung may trabaho ka.
Photo courtesy of Tim Marshall via Unsplash
Ang mga bayani ay mabuting ehemplo na dapat tularan ng lahat. Kung magpapakita ka ng kabutihan sa iba, magsisimula ito ng “domino effect” kung saan ang natulungan mo ay tutulong din sa iba. Kapag ang lahat ay nagpakita ng simple acts of heroism araw-araw, tiyak na magiging bayani tayong lahat, at magiging maganda at masaya ang buhay natin.
Sa katotohanan niyan Suki, ikaw din naman ay maituturing na hero. Eh sa araw-araw pag sakripisyo mo ba naman para makapag padal ng pera sa mga mahal mo sa buhay, ano pa bang maitatawag mo don kung ‘di hero, ‘di ba? Sa pag-aako mo pa lamang ng problema na how to send money sa pamilya mo, karapat-dapat ka na sa saludo, Suki.
Maraming uri ng modern day heroes ang ating pinapahalagahan ngayong National Heroes’ Day. Hindi man nila isinasakripisyo ang buhay nila para sa kasarinlan ng bansa, pero walang pag-iimbot nilang inilalaan ang kanilang lakas at oras para makatulong sa iba kaya bayani pa rin sila. Ika nga ni Dr. Jose Rizal sa kaniyang liham sa mga kadalagahan sa Malolos, Bulakan: “Ang unang kabanalan ay ang pagsunod sa matuwid, anuman ang mangyari”.
Hindi kailangan ng big acts of courage para maging bayani. Pwedeng pwedeng maging bayani ang kahit sino kung pipiliin nating gawin kung ano ang matuwid, tama, at kapakipakinabang sa kapuwa at bansa. Happy National Heroe’s Day, suki!
Related Article
-
Palawan Pawnshop Pet Insurance Para ProtekTODO si Bantay
Blog05 / 29 / 2024
-
Palawan Pawnshop: Your One-Stop Shop for Bills Payment Needs
Blog05 / 29 / 2024