15 Small Business Ideas na Patok na Negosyo Pang-Masa

Blog

September 21, 2023

Person taking a photo of a black shoe

Person-Holding-White-and-Blue-Business-PaperPhoto courtesy of Nappy via Pexels

Daig ng madiskarte ang masipag. Sa hirap ng buhay ngayon, kahit pa may full time work ka na o bagong negosyante, maganda parin kapag meron ka ring extra income para sa pambayad ng mga bills. Kailangan lang ng sipag at tiyaga para malaman kung ano ang mga patok na negosyo pang masa na pwede mong subukan.

Kung business-minded ka, isa sa mga tips sa pagsisimula ng negosyo ay ang maging maingat na paghahanap, pagkilatis, at pagpili ng small business ideas na maaari mong subukan. Syempre, ‘di mo naman gugustuhin na mamuhunan ng pera at pagod para lang malugi sa huli.

Maraming patok na negosyo pang masa sa bahay na pwede mong pagkaperahan lalo na kung may hobby o talento ka. Kung magaling ka sa drawing or painting, pwede kang mag-commission ng mga artworks. Kung mahilig at masarap kang magluto, subukan mo ang food business. Kung mahilig ka sa fashion, pwede kang magbenta ng damit o accessories.

Para sa mga naghahanap ng negosyong patok, ito ang mga magagandang negosyo na small scale business ideas na pwede ninyong subukan:

1. Online Selling

Isa sa mga negosyong patok na raket ngayong panahon ng pandemic ay ang pagbebenta online. Hindi mo kailangang gumastos nang malaki para masimulan ang iyong online business.

Computer, Internet, at product suppliers lang ang puhunan mo bilang isang home-based online seller. Kung may talento ka sa arts and crafts o kaya naman may mata para mga bagay na pwede mong i-resell, pwedeng-pwede ka magbukas ng sarili mong online store. Kayang-kaya ito kahit maliit lang ang puhunan. Kadalasan, kahit sa Instagram o Facebook Marketplace ka lang mag benta, marami ka nang maabot na taong maaaring tumangkilik sa mga binebenta mo.

Kailangan mo rin ng easy and affordable payment options tulad ng Palawan Express Pera Padala, kung saan pwedeng magpadala ng bayad sa mababang rate  ang customers na walang bank accounts—personal account o ayaw ma-hassle sa pagpila sa bangko.

At dahil may regular text updates, hindi mo kailangan problemahin how you can track your remittances – matatanggap mo diretso sa phone mo! Sa lagay ng pagtatanggap ng mga bayad mula sa mga buyers mo, ang Palawan Pawnshop ay may one-stop money services na makakatulong sa inyo at sa mga customers mo para makapag transact nang ligtas at maayos.

Para magkaroon ng mga customers, isa sa mga tips sa pagsimula ng online shop ay ang pag-post ng mga produkto mo sa mga social media sites tulad ng Facebook at Instagram.

2. Blogging

Iphone-Displaying-Social-Media-ApplicationPhoto courtesy of Pixabay via Pexels

You read that right, Suki. Hindi lang libangan o pampalipas oras ang blogging; isa rin itong negosyong patok sa Pilipinas. Pwede mo itong pagkakitaan through ad displays, sponsored posts, at affiliate marketing. Kung meron kang online business, pwede mo ring i-promote sa mga blog mo ang mga binebenta mong produkto.

Para simulang kumita ng extra sa iyong blog, kailangang meron kang computer o laptop, internet, at domain name para sa blog mo. Pag-isipan nang mabuti kung ano ang mga ibabahagi mo sa iyong blog na magiging interesting at helpful sa mga readers at followers mo.

Halimbawa, kung isa kang stay-at-home mom, pwede kang maging mommy blogger na nagbabahagi ng tips at experience bilang isang ina. Kung food and travel lover ka naman, maganda kung magpo-post ka ng blog o kaya’y vlog tungkol sa mga lugar na napuntahan mo na.

3. Sari-sari store

Grocery-StorePhoto courtesy of Pixabay via Pexels

Kung may sapat kang ipon at tingin mo ay kayang-kaya mong magpatakbo ng munting tindahan, profitable na negosyo ang sari-sari store. Kapag itinayo mo ito sa isang mataong lugar at sinabayan mo pa ng diskarte, pwede kang kumita kada araw ng Php3,000 hanggang Php20,000 tulad ng isang Sari-Sari Store owner na na kalaunan ay nakapagpatayo ng isang mas malaking grocery store at naging milyonarya.

Speaking of diskarte, may mga paraan para madagdagan ang panggastos sa pagpapatakbo ng iyong sari-sari store. Halimbawa, kung loyal customer ka ng Palawan Pawnshop, sulitin mo ang transactions mo with Suki card discounts.

4. Virtual Assistant

Ang Virtual Assistant Jobs ay isa sa mga in demand na freelance work sa panahon ngayon. Malawak ang sakop ng maaari mong gawin bilang virtual assistant. Ang maganda dito ay makakapagtrabaho ka online at hindi kinakailanganpa na lumabas ng bahay. Maaari mo rin ito gawing side job kung ikaw ay meron nang trabaho.

Hanggang ngayon ay in demand sa U.S. at Australian clients ang mga Pinoy na virtual assistants. Dahil sa tayo ay maaasahan, masipag, loyal, at mahusay sa English, marami ang gustong mag-hire ng virtual assistants sa Pilipinas.

Person-Using-Macbook-Pro-on-White-TablePhoto courtesy of Polina Zimmerman via Pexels

Bilang virtual assistant, maaari ka maging data encoder, sales, booking assistant, at marami pang iba. Ang iyong trabaho ay depende sa kinakailangan na assistant ng employer. Bisitahin ang mga online job finder kagaya ng Upwork upang maghanap ng iba’t ibang raket.

Isa sa mga patok na negosyo sa bahay ang pagiging virtual assistant lalo na kung gusto mo ng extra income nang hindi lumalabas ng bahay at kasama ang iyong pamilya. Nasa $3-$5 ang tipikal na kinikita ng isang Pinoy virtual assistant per hour (Php20,000 hanggang Php40,000 per month).

5. Food stall o business

Kung patok na negosyo lang din naman ang pinag-uusapan, syempre ‘di pwedeng mawala ang pagkain dahil mabenta ito at mura pa ang puhunan. Kung mahilig ka ding kumain at magaling kang magluto o mag-bake, maraming food business ideas ang pwede mong pasukin: catering for occassions, o mag-franchise ng food cart.

Kung simple lang ang gusto mo, pwede ka magsimula sa pagbebenta ng packed meals o ‘di kaya\'y magtayo ng ihawan o burger stand sa labas ng bahay mo. Kung may full-time work ka o ang mga kapamilya mo, pwede kang magsimula sa pagbebenta ng packed meals sa mga kasamahan mo sa trabaho.

Man-Standing-in-Front-of-Bowl-and-Looking-Towards-LeftPhoto courtesy of Clem Onojeghuo via Pexels

Kung gusto mo naman ng mas maramihan na order, maaari kang magbenta ng food trays sa mga parties. Dahil hindi pa pinapayagan ang mga social gatherings, marami ang nagcecelebrate ng kanilang birthday, anniversary, at iba pang events sa kanilang bahay.

Kapag unti-unti nang kumikita ang patok na negosyo mo, mapapalago mo na ito. Sumali sa mga food bazaar at expo para mas ma-expose mo ang business mo sa mga customers at magkaroon ng mas malawak na network para sa iyong business.

6. Financial advisor or insurance agent

Kung mahusay ka sa usapang pinansyal, may future ka bilang isang part-time o full-time financial advisor o insurance agent. Makikipag-usap ka sa mga posibleng kliyente na interesadong mag-avail ng insurance o mag-invest ng kanilang pera sa stocks.

Tutulungan mo silang pumili ng tamang produkto o option na bagay sa pangangailangan nila. Ang extra income mo ay manggagaling sa mga commissions sa mga nabenta mong financial products.

Crop-businessman-giving-contract-to-woman-to-signPhoto courtesy of Andrea Piacquadio via Pexels

Para simulan iyong patok na negosyo bilang financial advisor o insurance agent, mag-apply sa isang mapagkakatiwalaang insurance company na nagbibigay ng training. Requirement din na ipasa ang exam at iba pang requirements bago ka maging licensed financial advisor.

7. Photo booth business

Black-and-Silver-Film-Camera-on-Brown-Wooden-SurfacePhoto courtesy of Tirachard Kumtanom via Pexels

Bukod sa pagkain, ang isa pang favorite ng mga Pinoy ay pictures! Basta may makitang camera, pose agad! Kaya nga tuwing may party at event tulad ng kasal, mahaba ang pila sa mga photo booth, kaya isa ito sa mga patok na negosyo sa Pinas.

Magandang business idea ito for you Suki kung may photo editing skills ka o may mga kakilalang event planners o organizers na pwedeng i-refer ang business mo sa mga clients nila. A must din ang DLSR camera, light stand, laptop, printer, at props.

8. Prepaid Load Retailer

Retro-cellphone-with-buttons-placed-on-tablePhoto courtesy of Masood Aslami via Pexels

Kung hanap mo ay patok na negosyo na madadala mo kahit saan, prepaid loading business ang para sa’yo, Suki! Simple lang ang mga kailangan para masimulan ang small scale business na ito: cellphone at retailer SIM card. Dahil unli-data, call, and text is life para sa mga Pinoy, marami ang nangangailangan ng load para dito.

Kung may tindahan ka, maaari mo itong idagdag sa mga services sa tindahan mo para mas kumita ka pa. Kung wala naman, pwede kang kumita kapag sa iyo nagpa-load ang mga kapamilya, kaibigan, kapitbahay, katrabaho, at kaklase mo.

9. Pet Care Services

Marami ang pet owners dito sa Pilipinas. Syempre, ang mga pets lalo na ang mga aso at pusa ay nangangailangan ng grooming at boarding kung magbabakasyon ang kanilang mga owners. Kung isa kang pet lover, Suki, subukan ang pet care services.

Photo-of-Black-PuppyPhoto courtesy of Helena Lopes via Pexels

Pwede mong i-offer ang services tulad ng paglalakad sa mga aso, pagpapakain, grooming, o pagbabantay sa kanila kung magbabakasyon ang mga amo nila. Usually, nagsisimula sa Php150 per night ang bayad para sa pet boarding dito sa Pilipinas. Kung grooming naman ang gusto mo, pwede kang mag-aral ng basic dog and cat trimmings at mag-offer ng home services kung wala ka pang sariling pwesto.

10. Buy and Sell

Para makatipid, mahilig bumili ang mga Pinoy ng patingi-tingi. Kaya naman, kung patok na negosyo ang hanap mo, suki, subukan mo ang buy-and-sell business. Pumili ng mga items na papatok sa mga mamimili. Pagkatapos, bilhin ito ng whole sale at ibenta naman sa retail price para kumita ka.

Sale-Sign-In-A-Miniature-Shopping-Cart-And-Paper-BagPhoto courtesy of Karolina Grabowska via Pexels

Ang nakakatuwa sa buy-and-sell business ay marami kang choices kung anong pwede mong ibenta. Halimbawa, pagkain, damit, accessories, at iba pa basta alam mong papatok sa mga customers. Kung meron kang social media accounts—personal man o for online selling—pwede mo rin dun i-post ang mga items na binebenta mo.

11. Delivery Driver

Kung isa kang OFW at may naipundar ka nang sasakyan na hindi naman masyadong nagagamit, isa sa mga patok na negosyong pang OFW na pwedeng subukan ay ang pag-enroll ng iyong sasakyan sa Grab o motor sa Angkas, o iba pang transport o at courier service tulad ng Lalamove at GoGoXpress para mabyahe ito gamit ang app.

Photo-Of-Person-DrivingPhoto courtesy of Peter Fazekas via Pexels

Kung meron kang mapagkakatiwalaang kamag-anak na pwedeng maging driver, mas maigi dahil alam mong iingatan ang sasakyan mo. Kung ikaw naman ay may full time na trabaho pero may spare time naman, pwedeng ikaw rin ang maging driver para sayo na ang 100% ng kita mo.

12. Online Tutoring Jobs

Confident-elegant-lady-in-eyeglasses-hosting-webinarPhoto courtesy of Karolina Grabowska via Pexels

Dahil puro online classes lang ang meron ngayong panahon ng pandemic, marami rin ang naghahanap ng mga online teachers o tutors na magtuturo sa mga estudyante. Kung ikaw ay may passion sa pagtuturo o mahilig sa mga bata, maaari mong sanayin pa ang iyong skills sa pamamagitan ng online tutoring. Maaari itong full-time o part-time depende sa kailangan ng employer. Pwede mo rin itong magiging racket kapag ikaw ay retiree na.

13. Freelance Writing

Crop-woman-writing-down-notes-in-diaryPhoto courtesy of Karolina Grabowska via Pexels

Kung ikaw naman ay mahilig sa pagsusulat, perfect ang freelance writing para sa’yo. Maganda itong practice kung gusto mong maging professional writer pagka-graduate o di naman kaya ay gawin itong permanent part-time work. Maraming topic ang pwede mong isulat depende sa hinahanap ng employer.

14. Graphic Designer

Talent mo ba ang pag-eedit ng iba’t ibang posters para sa school requirements? Maaari mo itong subukan bilang raket ngayong summer kung saan ay kikita ka pa ng extra money. Maraming kumpanya ang naghahanap ng freelance graphic designers dahil sa dami ng demands nito. Bilang graphic desiner, maaari kang gumawa ng designs ng logos, magazine, posters, packaging, at iba pa.

A-Person-using-Black-and-Silver-LaptopPhoto courtesy of Meruyert Gonullu via Pexels

Ang summer vacation ay hindi lamang panahon para makapagbakasyon kundi para rin kumita ng extra money. Maging wais kung papaano nyo magagamit ang inyong skills para kumita ng pera.

15. Palawan Express Authorized Agent

Man-Working-With-Documents-On-TablePhoto courtesy of RODNAE Productions via Pexels

Kung meron ka nang patok na negosyo tulad ng internet shop, grocery, o pharmacy at naghahanap ka pa ng extra income para sa business mo, pwede kang mag-apply bilang Palawan Express Pera Padala authorized agent. Bukod sa dagdag na kita, dadami rin ang loyal customers mo dahil partner mo ang pawnshop na pinagkakatiwalaan ng bayad for over 30 years.

Hindi mahirap magsimula bilang Palawan Express Padala authorized agent! Dahil sa tulong ng website natin, natutulungan kang sagutin ang mga pangkaraniwang tinatanong ng mga kliyente katulad ng ‘how to send money’, pati na rin ang ‘how to receive money’!

Pag dating naman sa paniniguro na mahanap ng mga tao ang bago mong Pera Padala business, matutulungan ka rin ng partner mong pawnshop! Siyempre naman ‘pag nagsimula ka bilang agent, isasama sa listahan ng mga contact number of the branches ang lahat ng detalye ng iyong bagong negosyo!

Madali nang magkaroon ng business dahil sa internet at social media at hindi mo na kailangan ang malaking capital para mapatakbo ng successful ang iyong negosyo. Anumang patok na negosyo ang papasukin mo Suki, magtatagumpay ka basta meron kang diskarte, sipag, at tiyaga. Kaya ano pa ang hinihintay mo? Maging authorized agent ka na para sa Palawan Express Padala!

Share: