5 Steps Para Malaman Kung Ja-Fake Ang Iyong Alahas

Blog

June 14, 2021

5 Easy Steps Para Malaman Kug Ja-Fake Ang Iyong Alahas

Sa panahon ngayon, mahirap nang malaman kung totoo ba o hindi ang mga bagay-bagay sa ating paligid dahil nagkalat na ang manloloko. ‘Yung akala mo real na, pero niloloko ka lang pala- ginto na, naging bato pa.  

Kung nakalimutang kunin ng nang-ghost sayo ang ang mga alahas niya, don’t worry dahil puwede kang gumanti at ipagpalit ang mga ito sa beshie mong si Palawan Pawnshop Palawan Express mong sure na ‘di ka iiwan. Pero suki, bago ka pumunta sa pinakamalapit na branch ng Palawan Express Pawnshop, make sure mo muna na ang mga alahas na ipagpapalit mo ay di ja-fake katulad ng mga pangako ng ex mo. 

Maraming easy to-do gold genuity tests kang puwedeng gawin para malaman kung pak na pak or peyk na peyk ang iyong ginto bago mo isangla sa pawning services. Para sa mga mars at pards na gusto munang malaman kung genuine ang kanilang isaisangla, sunding ang mga tests na ito:

1. Stamp Test

wedding-rings-3611277_1280Photo courtesy of Qimono via Pixabay 

Gaya ng relationships ngayon, ang ginto ay madaling dayain. Pero may mga paraan na puwede mong gawin para malaman kung totoo ba o hindi ang iyong ginto. 

Hinahaluan ng ibang materyales tulad ng nickel, copper, at silver ang ginto. Malambot ang gold tulad ng maraming tao kaya kailangan itong dagdagan ng mga metal ito na upang tumigas. Minsan nga lang, lubos na mas mataas ang porsyento ng mga alloy na ito kumpara sa gold kaya bumabagsak ang ibang alahas sa gold genuity tests. Kinakailangan na 41.7% o 10 karats ng iyong alahas ay gawa sa ginto para maisangla ito. Ang ibig sabihin nito, kahit gawa sa totoong ginto ang alahas mo, pero mas nangingibabaw ang alloy content nito, hindi pa rin ito ituturing na authentic gold. 

Karaniwang inilalagay ng manufacturers ang stamp o tatak kung ilang porsyento ang ginto sa mga alahas. Nasa likod ito ng mga singsing at nasa labas naman ng barya at bulloin. Mahirap ito maaninag kung mata lang ang gagamitin kaya makatutulong ang magnifying glass para dito. 

Ang sumusunod ay tsart na nagsasaad kung ilang karats ang bahagdan ng gold sa iyong alahas:

Number of Carrats

% of Gold Purity

9k

37.5

10k

41.7

12k

50.00

14k

58.3

18k

75.0

22k

91.7

24k

99.9

Mayroon ding mga letrang katabi ang bilang ng karat. Ang mga ito ay EPNS (Electroplated Nickel Silver) , EPBM ( Electroplated Britannia Meta), GE (Gold Electroplate), at HGE (  Heavy Gold Electroplate). Ja-fake na ginto ang may markang EPNS at EPBM, samantalang tinuturing namang tunay ito kung aabot ng 41.7% o 10k ang gintong nakapaloob dito. Tumutukoy ang mga marking na ito para malaman ng buyer kung ilang porsyento ang gawa sa alahas, at kung anong uri ng metal ang ginamit na plating para sa alahas.

Kung nakapasa ang ang gold mo sa test na ito, i-check mo na ang package na puwede mo kunin sa Palawan Pawnshop dito. Kung walang stamp ng manufacturer, puwedeng puwede mong ipa-check sa Palawan Pawnshop branch dahil maaaring locally made ito.

2. Magnet Test

wallet-2972568_1280Photo Courtesy of Pithonius via Pixabay 

Hindi dumidikit ang ginto sa magnet. Choosy ito di katulad ng beshie mo. Kung gagawin ang magnet test na ito, siguraduhing gagamit ng heavy-duty magnet. Mabibili ang mga ito sa home-depot sa mga mall. 

Tandaan na kahit na authentic ang ginto ay maaari pa ring dumikit ang iyong alahas lalo na kung yari sa metal ang clasp o chain nito. Tingnan nang mabuti kung ginto o ang bahaging metal ang dumikit.

3. Float Test

glass-1975235_1280Photo Courtesy of Nicolaticola via Pixabay

Mabigat ang ginto kumpara sa ibang materyal dahil sa density nito. Para gawin ang gold floating test na ito, kumuha ng isang pitsel at punuan ito ng tubig. Ihulog ang alahas dito at tingnan kung bubulusok agad ito sa ilalim ng pitsel. Tunay itong ginto kung mas mabilis pa sayong mafa-fall pailalim ng tubig. 

Mabagal ang bagsak ng gintong peke dahil may mga metal itong component. Tinatablan kasi ng water density and mababang density ng alahas na ja-fake kaya mabagal ito lumubog. Okay itong gawin pagkatapos ng magnet test para masiguradong original ang ginto. 

4. Color Test

jewelry-611867_1280Photo Courtesy of JamesDeMerds via Pixabay

Suki, huwag din magpapasilaw sa kinang na ginto. Dahil kadalasan kung ano pa ang sobrang kinang na alahas, iyon pa ang ja-fake. Kilatisin nang husto ang kinang ng ginto at ikompara ito sa presyo nang iyong bilhin. Malaki ang tsansa na ja-fake ang gold na lahas mo kung sobrang kinang nito at sobrang baba ng halaga. Ang pinakamakinang kasi na ginto ay ang 24 karats na laging sinusubukang gayahin ng mga gold plating. Kaya nga suki, mahirap magtiwala sa goodlooking lang, lalo na kapag dating sa mga alahas. Chances are, lolokohin ka lang niyan.

5. Streak test

terracotta-tiles-941741_1280Photo Courtesy of Tammcd via Pixabay

Resistant dapat ang ginto kung makaskas man ito sa magaspang na bagay tulad ng ceramic tile na ‘di pa papalitadahan (unglazed ceramic tile). Ito yung mga ceramic tile na kulay grey pa lamang at di pa nalalagyan ng madulas na bahagi.  

Suki, para malaman kung tunay ba o ja-fake ang  gintong alahas mo gamit ang test na ito, ikaskas lang nang marahan ang bagay na gusto testingin sa unglazed ceramic tile at kilatisin kung anong kulay ng streak o mantsa na maiiwan.

Kung kulay grey ang maiiwan na mantsa, peke ang iyong alahas. Tunay naman itong ginto kung makinang na kulay ginto ang maiiwan sa tile.

Kung sigurado ka na suki na legit ang iyong gintong alahas, ano pa ang  hinihintay mo suki? Pumunta na sa pinakamalapit na Palawan Pawnshop Branch – alaming ang contact number for the closest branch gamit ang branch and agent finder.

Share: