Mura, mabilis, at walang kuskos-balungos! Palawan Express Pera Padala is a fast, easy, convenient, and simple domestic money remittance service brought to you by Palawan Pawnshop. Learn more about us here today!
Always the Matatag, Maaasahan, and Mapagkakatiwalaan. With over 3,000 branches nationwide, Palawan Pawnshop accepts gold jewelry items with high appraisal and lowest interest rates at a fast and reliable service. Pawn now!
Palawan Express Pera Padala is continuously expanding its network through
partnership with reputable remittance companies worldwide to deliver fast and secure remittance payout to millions of Filipino beneficiaries in the country.
Palawan Express Pera Padala offers tailored partnerships to meet client’s strategic business objectives. We render corporate solutions to make sure client accounts are profitable and growing.
Palawan Express Pera Padala widens its network through accrediting reputable entities as Authorized Agents. This greatly helps our valued customers to quick and easy access to Palawan Express remittance services across the country.
Sa hinaba-haba man ng bakasyon, sa pasukan pa rin ang tuloy. Balik-eskwela na nga ang milyun-milyong estudyante ngayong buwan. Kung ikaw ay magulang, ang ibig sabihin niyan: gastos na naman. Pero huwag naman maging “nega” dahil bawat araw na pinapasok ng mga estudyante sa eskwela, papalapit naman sila ng papalapit sa mga pangarap nila.
Kaya naman kung ikaw ay estudyante, lalo na kung kolehiyo na malaki na ang gastusin, may mga tipid tips para makatulong sa magulang. At bilang college student ka na, maigi rin na matuto ka nang maging financially responsible para pagpasok mo sa trabaho, mabilis kang makakaipon.
Ready na ba kayo? May mga tips na simple, meron din namang medyo extreme, pero for sure na kayang-kaya ito ng mga maabilidad na estudyanteng pinoy.
Repeat and Recycle
Para sa college students, wala nang pagandahan ng notebooks. Ang importante may sinusulatan. Kaya naman kung may mga pahina pa sa luma mong notebook na walang sulat, i-recycle mo na ‘yan. Tahiin mo na lang sa gilid at maging creative. Maraming D.I.Y videos na makikita sa internet para ang mga lumang bagay, mapakinabangan pa.
Hindi na rin uso ang bagong sapatos o bag sa college. Baka tapakan pa ‘yan ng mga kaklase mo o kaya ay kantyawan ka pa. Kaya naman kung pwede pa naman yung ginamit mo noong nakaraang taon, repeat na lang.
Baon is cool
Simpleng baon lang naman gaya ng sandwich o prutas para kapag inaya ka ng mga kaklase at talagang wala kang budget, pwede mong idahilan na may baon ka na kasi. Kung inaabot ka ng lunch sa eskwela, pwede ring kanin at kung ano ang ulam n’yo sa bahay. Nakatipid ka na, siguradong healthy pa dahil mismong sa bahay n’yo niluto.
Tubig is life
Narinig mo na ba ang TRAIN law? Alam mo ba na tinarget ng batas na ‘yan ang mga sugary drinks gaya ng softdrinks? Kaya naman ang dating 7 pesos na softdrinks, nasa 11 or 12 pesos kung ibenta sa mga tindahan ngayon. At malamang, bitin ka pa. Kaya naman, magbaon na lang ng tubig at mag-refill sa mga drinking fountain sa campus. Mura na, good for the body pa.
Goodbye, bisyo!
Isa pa sa mga tumaas ang presyo dahil sa TRAIN law ay mga bisyo gaya ng alak at sigarilyo. Madalas kang makakita ng college students na nagyo-yosi sa labas ng campus, pero hindi ibig-sabihin na gagaya ka na. Bukod sa mahal, mapapasama pa ang kalusugan mo. Tandaan mo na may mga natapos ng pag-aaral na hindi nag-bisyo, kaya hindi ‘yan yugto ng buhay na kailangan mong pagdaanan. At isa pa, hindi cool ‘yan ha.
Manong, estudyante po
Discount kung discount! Isa sa tipid tips for students na kailangan mong seryosohin ay ang mga government discounts para sa mga estudyante gaya ng pamasahe. Marami ring establishments na nagpapatupad ng discount for students kaya make sure na wag kalimutan ‘yan. Mamili doon sa mga tindahan na nagbibigay ng discount. The piso you will save will go a long way.
Be wise sa unli
Okay lang na walang notebook, basta may load. Ganyan na nga yata ang panahon ngayon. Kasama na ang load ng cellphone sa mga tinuturing na necessities. Kung gayon, maging wais pagdating sa mga e-load packages. Nakakatipid ka ba talaga sa pakinse-kinse? At naseserbisyuhan ka ba nito nang maayos? Aralin ang iba’t-ibang promos at packages para siguradong sulit ang bawat load mo.
At kung kailangan mo talagang magpaload, maaari kang pumunta sa nearest Palawan Pawnshop branch sapagkat no extra charges for all networks pag nagpaload ka rito.
Classmate, may I borrow?
Maraming readings ang college students. Minsan, nauubos ang allowance sa photocopy lang. Baka mas makakabuti pa na bumili na lang ng second hand na libro sa mga estudyante na mas senior sa’yo. Minsan, may bonus pang notes ‘yun.
Kung gagamitin naman ang libro para sa iilang chapters o lessons lang, maghiraman at mag-share na lang with classmates. Lalo na kung magkapit-bahay kayo o magkalapit lang ng dorm.
Loyalty cards galore
Halos lahat ng establishments may mga pakulo na loyalty cards --- mall, grocery, drug store, etc. Kunin mo lang ‘yan at alamin kung paano mo magagamit. Kung may magulang kang OFW o kung pinapadalhan ka ng allowance gamit ang Palawan Express Pera Padala, make sure na may Suki card ka para sa discounts, rebates, at iba pang perks. Kapag naglaon, makikita mo na malaking bagay rin pala ang mga naiipon mong points.
Mag-start ng savings
Mas inspired kang magtipid kapag nakikita mong may naiipon ka. Madali lang magbukas ng savings account sa mga bangko ngayon kaya habang maaga, mag-maintain ka na nito. Ang maiipon mo weekly mula sa allowance mo, ideposit agad bago pa magastos. Ang RCBC MyWallet Card, ATM na, remittance at suki card pa ng Palawan Pawnshop.
Bukod sa allowance, pwede mong simulan na palakihin ang savings mo sa pagbebenta online ng mga bagay na di mo na kailangan gaya ng mga libro at iba pang reference books.
Raket pa more
Ngayon pa lang, simulan mo nang rumaket. Maraming trabaho d’yan na pwede para sa mga estudyante na bukod sa extra income ay makakatulong pa para makakuha ka ng related work experience. Kung may Wi-Fi sa bahay, huwag puro koreanovela o online games. Subukan mo na maging virtual assistant o online tutor. Basta pasok sa schedule mo, pwedeng pwede ‘yan. Pwede ka rin maging freelance writer o graphic artist. At kung mahilig sa social media, pwede mong subukan ang work from home na social media assistant.
BONUS TIP: Para sa mga tumatanggap pa ng allowance galing sa magulang through remittance centers, makakatipid ka sa remittance fees bilang tayo sa Palawan Express Pera Padala ang may pinakamababang remittance charges! More more tipid, ‘di ba? Para alamin how you can receive money gamit ang Palawan Express Padala, madaling mahahanap ang impormasyon tungkol dito sa ating website.
Kayang-kaya ano? Likas na madiskarte ang mga estudyanteng Pinoy kaya ang mga tipid tips gaya nito, sisiw lang sa kanila. Ang mahalaga ay nasa goals mo na maging financially responsible at mature para hindi panay ang gastos at nakakaipon para sa mga mahahalagang bagay.