-
Services
-
Pera Padala
Mura, mabilis, at walang kuskos-balungos! Palawan Express Pera Padala is a fast, easy, convenient, and simple domestic money remittance service brought to you by Palawan Pawnshop. Learn more about us here today!
-
Pawning
Always the Matatag, Maaasahan, and Mapagkakatiwalaan. With over 3,000 branches nationwide, Palawan Pawnshop accepts gold jewelry items with high appraisal and lowest interest rates at a fast and reliable service. Pawn now!
-
International Remittance
Fast, Reliable, Affordable, and Hassle-free International Money Transfer.
-
-
Partner With Us
-
International Partner
Palawan Express Pera Padala is continuously expanding its network through partnership with reputable remittance companies worldwide to deliver fast and secure remittance payout to millions of Filipino beneficiaries in the country.
-
Corporate Client
Palawan Express Pera Padala offers tailored partnerships to meet client’s strategic business objectives. We render corporate solutions to make sure client accounts are profitable and growing.
-
Domestic Partner
Palawan Express Pera Padala widens its network through accrediting reputable entities as Authorized Agents. This greatly helps our valued customers to quick and easy access to Palawan Express remittance services across the country.
-
- Press Room
- Promos
- Advocacy
- FAQs
- About Us
- Careers
Beat the Heat: Suki Wais Tips Ngayong Tag-Init
March 19, 2021
Kung feel na feel mo na ang mainit na panahon at ang mainit na singaw ng katawan mo ngayong summer Suki, hindi ka nag-iisa. At kung kasabay ng init ng panahon eh umiinit din ang ulo mo, don’t worry Suki, normal ‘yan according to science. Kadalasan na maraming tao ang umiinit ang ulo tuwing tag-init dahil sa taas ng temperature saan man sila pumunta. Syempre, gusto ng Palawan Pawnshop na maging cool ka this summer. Kaya naman, ito ang 10 wais beat the heat tips para maging cool ang summer mo!
1. Mag-sunblock ka
Photo courtesy of Retha Furguson via Pexels
Kung diamonds are a girl’s best friend, tuwing summer, sunblock ang bestfriend mo, Suki. Kahit hindi sa beach ang punta niyong pamilya para sa inyong family summer activities, kung lalabas kayo ng bahay, sikaping mag-apply ng sunblock para maingatan ang balat niyo sa matinding sikat ng araw.
Kahit pa medyo malagkit sa balat ang mga sunblock lotions, meron namang sunblock gels at sprays na available sa mga supermarket. Ang mahalaga, hindi ka lang maging cool this summer, kundi ligtas din ang balat mo.
2. Mag-apply ng cooling gel
Photo courtesy of Rosina-Sch via Pixabay
Bukod sa sunblocks, mahalaga rin ang cooling gels to be cooler and beat the summer heat. Mabilis na naiibsan ng cooling gels tulad ng gawa sa aloe vera ang init na nararamdaman ng balat mo para you can stay cool kahit na init na init ka na. Tumutulong din ito para maibsan ang ano mang discomfort na nararanasan mo dahil sa summer heat tulad ng redness, pamamantal, o pangangati pa nga.
3. Magsuot ng kumportableng damit
Photo courtesy of Free-Photos via Pixabay
This summer, ilabas ang mga cotton at linen na damit mo Suki at ito muna ang mga isuot mo ikaw man ay nasa house lang o kahit pa nasa labas. Presko ang mga telang ito at hindi mainit sa balat kaya naman hindi ka mabilis na pagpapawisan kapag ito ang sinuot mo. Mas maganda rin kung light colored clothes ang gagamitin mo para hindi lang presko ang pakiramdam mo, kundi fresh ka ring tingnan. Kung breathable clothing ang isusuot mo, you can stay cool this summer kahit walang aircon.
Huwag ring kalimutang magsuot ng sunglasses at sumbrero kapag nasa labas ka, pati ang payong. Makakatulong ito hindi lang para makumpleto ang summer look mo, kundi para maingatan din ang eyes at face mo.
4. Regular na uminom ng tubig
Photo courtesy of PhotoMIX-Company via Pixabay
Dahil mas maraming fluids kang ipinapawis tuwing summer, kailangan mong ma-replenish iyon sa pamamagitan ng regular water intake para manatili kang hydrated. Isa pa, water boosts your energy kaya kung fully loaded man ang schedule mo sa loob ng bahay at sa work, makakatulong ang regular na pag-inom ng tubig para magawa mo ang mga tasks mo efficiently and effectively.
To be extra cool this summer, subukan ang ilang infused water ideas tulad ng paglalagay ng lemon at cucumber sa tubig mo para hindi ka magsawang uminom ng tubig at di ka ma-tempt na uminom ng maraming softdrinks.
Tuwing summer, bukas na bukas din ang pores mo. Para ma-achieve ang glass skin sa panahon ng tag-init, kumuha ng yelo sa ref at ihaplos ito sa katawan sa gabi pagkatapos maligo o maghilamos bago matulog para magsara ang pores mo.
5. Samalamig kayo d’yan!
Photo courtesy of Artem Beliaikin via Pexels
Kung may mga chikiting sa pamilya, for sure, ang isa sa mga hindi mawawala sa ref ng pamilya ay samalamig at ice candy. Sa halip na bumili sa labas o sa mga di kakilala, mas maganda Suki kung kayo mismo ang gagawa ng samalamig at ice candy para matiyak na malinis ito. Ang perks pa nito, pwede itong maging isa sa extra income ngayong summer. Naibsan na ang init na nararamdaman mo, kumita ka pa ng extra!
6. Short hair muna
Photo courtesy of Engin Akyurt via Pexels
Ngayong summer season, bakit hindi ka mag-sport ng new look sa murang paraan, Suki? Punta na sa pinagkakatiwalaan mong salon o barber shop at magpagupit at ipakita ang bagong kagandahan o kagwapuhan mo. Gagaan ang feeling mo ‘pag nabawasan ang long hair mo at makakatipid ka pa sa shampoo at conditioner.
Kung meron kayong alagang mga aso o pusa na makakapal ang balahibo, huwag ding kalimutang dalhin sila sa groomer para i-trim ng kanilang fur. Makakatulong ang mga summer cuts sa kanila para maging cool this summer.
7. Huwag kalimutang maligo
Photo courtesy of Pixabay via Pexels
Para maibsan ang mainit na singaw ng katawan dahil sa mainit na panahon, ligo is the key, Suki! Isa pa, no need to use the heater na. Para maging cool this summer, ipaligo ang malamig na tubig galing sa gripo o shower! Kung gusto mo namang maging presko ang feeling bago matulog, bakit hindi ka mag half bath bago matulog? Sa tulong nito, maiibsan ang init ng katawan mo at hindi ka matutulog sa pawis mo.
8. Pipino, I choose you!
Photo courtesy of Monika Schröder via Pixabay
Ang pipino ay isa sa mga prutas na hindi dapat mawala sa bahay mo tuwing tag-init dahil marami itong maitutulong sa'yo to beat the heat this summer. Ito ay nagpo-produce ng alkaline sa katawan at kapag inihalo mo ito sa tubig na iniinom mo, hindi ka lang mare-refresh, lalakas pa ang immune system mo.
Isa pa, isa rin itong natural cosmetic sa balat at matutulungan ka nitong malabanan ang negatibong epekto ng sikat ng araw sa iyong balat tulad ng dark circles sa mata. Kung may natira ka mang pipino sa bahay at nagugutom ka, don’t worry kasi kahit ilang pipino pa ang papakin mo, mabubusog ka pero hindi ka tataba!
9. Gumawa ng DIY aircon
Photo courtesy of Galvão Menacho via Pexels
Of course, hindi lahat kayang ipa-aircon ang kanilang mga bahay. Nakalulungkot dahil minsan, kahit number 3 na ang electric fan, hindi pa rin sapat para labanan ang mainit na panahon. Ang wais na solusyon? Gumawa ng DIY air conditioner. Maraming online DIY air conditioner options na mapagpipilian. Kadalasan na, ang mahalaga ay meron kang electric fan, yelo, at ice box o kahit nga bote lang ng softdrinks.
Ang isa sa mga tip ay butasan ang takip ng ice box na kasing laki ng electric fan mo sa bahay. Butasan din ang taas na bahagi harap ng ice box. Lagyan ng yelo ang loob ng icebox, itapat ang electric fan sa butas sa takip ng ice box at i-on ito. There you have it, Suki, ang iyong DIY aircon!
Maraming wais na paraan to beat the summer heat, Suki nang hindi nahihirapan ang wallet mo. Ngayong matindi pa rin ang init ng panahon, you can stay cool, healthy, and happy kung susundin mo ang 10 beat the heat tips na ito!
Related Article
-
Palawan Pawnshop Pet Insurance Para ProtekTODO si Bantay
Blog05 / 29 / 2024
-
Palawan Pawnshop: Your One-Stop Shop for Bills Payment Needs
Blog05 / 29 / 2024