-
Services
-
Pera Padala
Mura, mabilis, at walang kuskos-balungos! Palawan Express Pera Padala is a fast, easy, convenient, and simple domestic money remittance service brought to you by Palawan Pawnshop. Learn more about us here today!
-
Pawning
Always the Matatag, Maaasahan, and Mapagkakatiwalaan. With over 3,000 branches nationwide, Palawan Pawnshop accepts gold jewelry items with high appraisal and lowest interest rates at a fast and reliable service. Pawn now!
-
International Remittance
Fast, Reliable, Affordable, and Hassle-free International Money Transfer.
-
-
Partner With Us
-
International Partner
Palawan Express Pera Padala is continuously expanding its network through partnership with reputable remittance companies worldwide to deliver fast and secure remittance payout to millions of Filipino beneficiaries in the country.
-
Corporate Client
Palawan Express Pera Padala offers tailored partnerships to meet client’s strategic business objectives. We render corporate solutions to make sure client accounts are profitable and growing.
-
Domestic Partner
Palawan Express Pera Padala widens its network through accrediting reputable entities as Authorized Agents. This greatly helps our valued customers to quick and easy access to Palawan Express remittance services across the country.
-
- Press Room
- Promos
- Advocacy
- FAQs
- About Us
- Careers
Couple Ipon Challenge: 9 Sulit Ipon Tips Para Sa Mga Ikakasal
March 19, 2021
Panahon na naman ng pag-ibig at kasalan, mga suki!
Itinala na wedding month ang June dahil perfect daw ang panahon na ito para magplano at magpakasal. Alam niyo kung bakit? Naging popular na tradisyon ang mga June wedding o ‘June Bride’ dahil ang Roman goddess na si Juno, kung saan ipinangalan ang buwan, ay ang tagapagtanggol ng mga kababaihan lalo na pagdating sa pagpapakasal at pagbubuntis o panganganak.
Sakto nga ang June para sa mga kasal, pero sakto rin ba ito para sa budget mo? Alam naman nating lahat na hindi madali ang magpakasal, lalo na ang mag-plano at mag-ayos ng budget sa kasal ngayong panahon. Kung gusto niyo ma-achieve at mangyari ang dream wedding niyo, handog namin ang cheap wedding hacks kung paano mag-ipon at magtipid para sa kasal ninyo ng mahal mo sa buhay.
1. Mag-set up ng joint bank account
Photo courtesy of Tima Miroshnichenko via Pexels
Para makapag-ipon ng tamang budget sa kasal, simulan mo at ng iyong magiging asawa ang pagbukas ng hiwalay na bank account para paglaanan niyo ng mga gamit at gastusin para sa dream wedding ninyo.
Gawin niyong couple ipon challenge ang paghuhulog ng ipon sa iyong bank account. Kada sweldo o kada end of the month ay dapat maghulog kayong dalawa ng ilang porsyento ng sweldo sa joint bank account na ito. Para maging seryoso sa pag-iipon, kung hindi nagawa on time, ay may penalty o dagdag na bayad.
Para hindi mahuli sa bayaran, pwede naman kayo mag-padala to bank account sa Palawan Pawnshop! Dahil may nationwide stores at branches sila sa Pilipinas, kahit saan ay pwede ka magpadala ng pera sa mga piling partner banks. Nakabayad ka on-time, hindi ka pa pumila ng mahaba sa banko. Sulit ‘di ba, suki?
2. Gamitin ang 50-20-30 Rule ng pag-iipon
Photo courtesy of Public Domain Pictures via Pexels
Para naman hindi mahirapang magtabi ng pera para sa mga gamit sa kasal, gawin at sanayin ang paggamit ng 50-20-10 Rule of Budgeting mula sa income o sweldo mo kada buwan. Ang ipon tip na ito ay sakto para sa mga may planong magpakasal, o kahit sa mga gusto lang matuto kung paano mag-ipon ng mabuti para sa kinabukasan.
Ganito ang paggamit ng 50-20-30 Rule: Kada kuha ng sweldo,ilaan at ihiwalay na ang sweldo sa 50% para sa mga kailangan at araw-araw na gastusin; 20% para sa pansariling savings mo; at 30% para sa kung saan mo gusto, sa case ng mga engaged couples, ito ay ilaan para sa magiging kasal ninyo.
Para ma-motivate kayong dalawa, subukan itong gawing couple ipon challenge para ma-achieve ang bonggang-bonggang dream wedding ninyong dalawa.
3. Gumawa ng record sa lahat ng gastusin
Photo courtesy of Pixabay via Pexels
Kung strict talaga ang budget sa kasal, gumawa at i-track ang lahat ng ginagawang transaksyon at gastusin ninyo para sa kasal na ito. Magaling man sa math o hindi, kailangan makita kung saan na napupunta ang pera na naipon ninyong dalawa. Magkano na ang inilaan para sa pagkain? Bakit ang laki ng nagastos sa bulaklak? Lahat ng mga tanong tungkol sa mga gamit sa kasal ay masasagot ng record na ito.
Hindi niyo lang magagamit itong ipon tip na ito sa kasal ninyo, dahil pagkatapos ng wedding day ninyo ay maaari pa itong gamitin sa future niyo bilang mag-asawa. Pwede ito maging practice para pag-ipon ng savings sa magiging anak ninyo. From wedding savings to school savings real quick! Magiging sulit talaga ang pagbukas ng bank account para patuloy kayo na ma-inspire na makapag-ipon para sa future niyo bilang magasawa.
4. Limitahan ang guest list
Photo courtesy of Tirachard Kumtanom via Pexels
Kung gusto mo talaga na limitahan ang gastos sa kasal,piliin ng mabuti ang mga gusto mong dumalo na bisita sa iyong kasal. Kailangan ba talaga imbitahin ang buong barangay? O baka pwede naman na pili at close na mga kapitbahay na lang ang pumunta?
Isang wedding hack na iyong gawin ay ilista niyo munang dalawa ang lahat ng mga gusto niyong imbitahin sa iyong kasal. Iwanan at balikan niyo ulit ang listahan pagkatapos ng ilang araw at suriin ang mga pangalan na unang nilagay. Tanungin ang sarili at pag-usapan niyong mabuti sa magiging asawa ang mga magiging bisita at kung ilan ang gusto at ang kaya ng planong budget sa kasal. Ito ay para ma-finalize niyo na kung magkano at paano kayo mag-iipon at magtitipid para dream wedding.
5. Pumili ng magandang date
Photo courtesy of cottonbro via Pexels
Kung gusto niyo makuha nang mas mura ang event place na gusto niyo, ito ay isang cheap wedding hack para sa inyo: i-schedule ang kasal at reception sa weekday imbis na sa weekend. Subukan niyo ang tipid tip na ito, suki! Malay niyo makuha niyo ang dream wedding venue niyo sa mas murang presyo kaysa sa weekend o holiday.
Isang paalala lang para sa wedding hack na ito: isipin mo rin ang kapakanan ng iyong mga magiging bisita, lalo na ang iyong pamilya. Tanungin sa kanila kung okay lang sila mag-leave o mag-absent sa araw na iyon para sa kasal mo. Kung karamihan ng malalapit sa’yo at mga gusto mo talagang pumunta sa kasal ay pwede, ituloy mo na ‘yan suki!
6. Gamitin ang sariling network
Photo courtesy of fauxels via Pexels
May mga kaibigan ba kayo na pwedeng tumulong sainyo para sa mga gamit sa kasal? Kung meron kayong kakilala na designer, make-up artist, photographer, caterer, o supplier ay lapitan mo na sila! Tanungin sila kung pwede sila sa araw ng iyong kasal at kung pwede ka ba nila tulungan para maging reality ang dream wedding mo.
Kung may kaibigan kang make-up artist, tanungin kung pwede ba siya sa big day mo. Kung ang nanay at mga tita mo ay magaling magluto, bakit hindi sila tanungin kung pwede sila na lang ba ang mag-cater sa kasal? Extra effort ito sa parte ng mga kaibigan at pamilya mo, pero lahat naman ay gusto ka maging masaya sa araw ng iyong kasal.
7. Mag-DIY ng sariling decoration o giveaways
Kung ang napiling mong peg at wedding inspiration ay simple at madali, bakit hindi mo subukan gawing DIY project ang ibang mga gamit sa kasal? Kung magaling ka o meron na marunong mag-design sa pamilya niyo ay kausapin na sila para tulungan ka sa pag-ayos ng wedding invitations at decorations. Sigurado ay tutulungan ka nila para ma-achieve mo ang dream wedding mo dahil minsan lang naman ito!
8. ‘Wag magpaluho sa mga ‘di kailangan na bagay
Isang paraan kung paano mag ipon ay ang hindi paggastos sa mga bagay na hindi naman talaga kailangan. Isantabi muna ang panonood sa mga sinehan, at pag-shopping ng mga mamahaling damit. Tiis-tiis muna sa pagtambay sa bahay at pagkain ng mga lutong bahay sa mga ilang buwan o taon para maka-ipon ng budget sa kasal. Mahirap ito lalo na sa umpisa, pero isipin niyo na lang na lahat ng ito ay para sa bonggang dream wedding ninyong mag-asawa.
9. Pag-isipan muna bago bilhin
Photo courtesy of Pixabay via Pexels
Kung may gusto talaga kayo bilhin na bagay o gamit pero naka-ipon mode kayo para sa kasal, gamitin ang 24-hour Rule o ang delayed gratification para maiwasan ang mga pagkakataon ng impulse buying.
Para matulungan sa pag-weigh-in kung bibilhin mo ba o hindi, isipin mo kung magkano ang magagastos sa kasal at ang mga kailangan mong bayaran kumpara sa gusto mong bagay. Uso pa naman ang online shopping kung saan sobrang dali na mag-Add to Cart at Purchase Now. Palipasin mo muna ng 24 oras bago mo bilhin ang bagay na ito. Kung pagkatapos ng isang araw gusto mo pa rin ito at tingin mo ay kailangan mo talaga, doon mo pa lang bilhin.
Hindi madali ang mag-ipon para sa mga gamit sa kasal. Pero sundin mo lang ang mga praktikal ipon tips na handog ng Palawan Pawnshop para achieve na achieve mo ang bonggang wedding na pinapangarap mo! Kung ikaw ay may balak na magpakasal o nagpaplano na ng iyong kasal, gamitin ang mga cheap wedding hacks na ito. Congratulations, at happy planning, mga suki!
Related Article
-
Palawan Pawnshop Pet Insurance Para ProtekTODO si Bantay
Blog05 / 29 / 2024
-
Palawan Pawnshop: Your One-Stop Shop for Bills Payment Needs
Blog05 / 29 / 2024