-
Services
-
Pera Padala
Mura, mabilis, at walang kuskos-balungos! Palawan Express Pera Padala is a fast, easy, convenient, and simple domestic money remittance service brought to you by Palawan Pawnshop. Learn more about us here today!
-
Pawning
Always the Matatag, Maaasahan, and Mapagkakatiwalaan. With over 3,000 branches nationwide, Palawan Pawnshop accepts gold jewelry items with high appraisal and lowest interest rates at a fast and reliable service. Pawn now!
-
International Remittance
Fast, Reliable, Affordable, and Hassle-free International Money Transfer.
-
-
Partner With Us
-
International Partner
Palawan Express Pera Padala is continuously expanding its network through partnership with reputable remittance companies worldwide to deliver fast and secure remittance payout to millions of Filipino beneficiaries in the country.
-
Corporate Client
Palawan Express Pera Padala offers tailored partnerships to meet client’s strategic business objectives. We render corporate solutions to make sure client accounts are profitable and growing.
-
Domestic Partner
Palawan Express Pera Padala widens its network through accrediting reputable entities as Authorized Agents. This greatly helps our valued customers to quick and easy access to Palawan Express remittance services across the country.
-
- Press Room
- Promos
- Advocacy
- FAQs
- About Us
- Careers
11 Fun and Safe Summer Activities para sa Pamilya!
April 14, 2021
Summer na naman, Suki! Mainit ang hangin at mataas araw. Bakasyon na rin para sa mga estudyante at, syempre, gusto nila itong lubusin at mag-enjoy ng mga activities para makapagpahinga mula sa homework, project, at mga exam.
Ngunit sa panahon ngayon, dahil sa pandemya, hindi na natin matutugunan ang mga kinagawian nating pagpunta sa mga beach o pagpunta sa mga mall para magpalamig. Dahil sa patuloy na tumataas ng cases, limitado na ang paglabas ng bahay at, higit pa, mayroon ring takot na matamaan ng COVID-19 ang mga mahal natin sa buhay.
Pero ‘wag mag-alala, Suki! Marami pang pwedeng gawin para ma-enjoy niyo ng buong pamilya upang malubos at ma-enjoy nila ang bakasyon. Etong listahan nito ay puno ng mga ideya para sa mga activities na pwedeng pwedeng ma-enjoy sa loob lang ng bahay. O, ‘di ba? Ligtas na, tipid pa!
1. Punuin na ang inflatable pool! Or pwede rin namang palanggana
Photo courtesy of Juan Salamanca via Pexels
Siyempre naman hindi pwedeng mawala ang swimming tuwing summer, Suki.
Ngunit habang sarado pa ang mga resort at limitado pa ang pagdayo sa mga probinsya, pwedeng-pwede pa ring mag swimming sa bahay! Paano? Aba eh ‘di i-labas na ang inflatable pool na makulay! Kung mayroon kayong inflatable pool, maaari kayong magtampisaw kahit sa tapat ng bahay.
Paano kamo kung wala? Maglabas ng malapad na palanggana at punuin ito ng tubig! Maliit na bagay man, pero tiyak ma-eenjoy ng mga chikiting.
2. Indoor picnic o boodle fight!
Photo courtesy of SJ. via Unsplash
Sino bang may ayaw ng boodle fight, hindi ba? Talagang mayroon lang natatanging saya na taglay ang pagsasalo sa pagkaing nakalatag sa dahon ng saging habang nagkakamay – pero dapat ay nakapaghugas nang kamay, siyempre!
Simpleng simple lang; maghahanda ka lang ng kanin, iilang ulam na masarap kamayin, konting sabaw at samalamig, solb na! Tiyak ma-eenjoy ‘yan ng mga bata ngayong summer vacation. Para mas masaya, sabayan ng mga kwento para rin makapag-bonding with the family at kumustahin na rin ang mga bata sa kanilang pag-aaral.
Sa loob man o tapat ng bahay kasabayan ng inflatable o palanggana pool ‘nyo, mapapasaya ito nang pagsasama at bonding ‘nyo ng mga mahal mo sa buhay.
3. Movie marathon all summer long!
Photo courtesy of Georgia Vagim via Unsplash
Buti na lang talaga at mayroon nang mga online streaming services para sa mga paborito mong mga movie ngayon ‘no, Suki? Lalo pa’t sarado ang mga cinehan.
Kung mahilig ang iyong mga anak sa movies, abot-kaya pa rin ang panonood ng paborito ninyong movies! Kung mayroon kayong subscription sa mga streaming services gaya ng Iflix, maari kayong magschedule ng Family Movie Night or Movie Marathon kasama ang buong pamilya!
Isa ‘tong magandang paraan upang mas lalo ninyong makilala ang inyong mga anak at mas lalong lumalim ang inyong samahan bilang isang pamilya. At mas mura ito kaysa pumunta sa mall at bumili ng tig-iisang ticket para manood ng movie. Mas safe pa ito dahil pwede ka lamang mag pa-load ng Iflix sa Palawan Pawnshop.
4. Mag-aral ng Origami.
Photo courtesy of Katrin Hauf via Unsplash
Gusto mo bang ma-enhance ang creativity ng iyong anak? Ilabas na ang mga nakatabing scratch paper at mag-play ng mga YouTube tutorials ng origami techniques!
Ayon sa research, malaki ang naitutulong ng origami sa pag-iigi ng behavioural skills ng isang bata. Maaari din itong makatulong sa math skills nila. O, ‘di ba? Natuwa na sila, napatalas pa ang utak. Kumuha ng makukulay na papel, glue, at gunting – ingat lang sa paggamit, Suki. Siguradong matutuwa ang mga bata kapag nalaman nila na marami silang pwedeng gawin sa isang pirasong papel.
5. Palarong Pambata – Gawaing Bahay Edition
Photo courtesy of RODNAE Productions via Pexels
Kung gusto mo naman lubusin ang summer vacation upang turuan ang kids na tumulong sa gawaing bahay sa paraang matutuwa sila, pwede mo itong gawin in the form of a game.
Gawin mong palarong pambata complete with prizes ang mga gawaing bahay! Paunahan magtupi ng damit. Paramihan ng pinggan na mahuhugasan. O kaya naman, pagalingan magluto a la Master Chef Kids!
Ang mapipiling panalo ay maaring manalo ng kendi. O kung may extra budget ka naman, pwede ring pandagdag na allowance para maipon nila. Sa ideyang ito, bawas na ang gawaing bahay ni daddy, hindi pa bored ang mga kids!
6. Lutuin ang kanilang favorite snacks
Photo courtesy of Oleg Magni via Pexels
Kung iniiwasan ng pamilya ninyo ang magpadeliver ng fast food sa bahay pero nagcre-crave ang mga bata (o kahit ang magulang) ng milk tea o iba pang paboritong pagkain, pwedeng lutuin ninyo na lang ito!
Ang proseso ng pagluluto ay pwedeng gawing bonding moment at pagkakataon na maturuan ang mga bata ng simple cooking skills. Ito rin ay ang mas healthy na option para sa buong pamilya dahil hindi ito processed food at alam ninyong malinis ang pagkain dahil gawa ninyo ito.
7. Subukan ang board games
Photo courtesy of Joshua Hoehne via Unsplash
Karamihan sa mga kabataan ngayon ay nakatutok sa kanilang mga cellphone at kung anu-anong gadget. Habang wala namang masama doon, baka pwede lang din balansehin sa mga offline activities na pwede rin naman nilang ma-enjoy gaya ng board games.
Maaari kayong magsimula sa simpleng snakes and ladders, Monopoly, o kaya naman Uno. Pwede ring sungka para matuto din silang laruin ang isa sa mga traditional nating mga laro.
8. Gawing Morning Routine ang Family Exercise
Photo courtesy of Elena Kloppenburg via Unsplash
Habang inuudyok na rin ng mga health experts ang pagpapanatili ng kalusugan, ayain mo na rin ang buong pamilya na mag-exercise ngayong summer!
I-encourage ninyo ang buong pamilya na magdevelop ng morning exercise routine upang maigalaw ang mga muscles at joints kahit nasa bahay lang. Pwedeng magsimula lamang sa mga home exercises for beginners.
Tipid, masaya, at malaking tulong ito sa pagprotekta ng sarili at ng buong pamilya mula sa sakit!
9. Gumawa ng homemade sorbetes o samalamig
Photo courtesy of American Heritage Chocolate via Unsplash
Mainit ang summer sa Pilipinas kaya hahanap at hahanap kayo ng way upang magpalamig. Kung tinipid ninyo ang kuryente dahil sa aircon, may iba pang paraan upang magpalamig!
Isang paraan dito ay ang pagkain ng ice cream o mga samalamig. Upang gawin itong extra bonding experience with the family, ayain mo silang mag-aral at gumaya ng mga homemade ice cream recipes.
What a way para magpalamig ng katawan pero painitin ang puso ng mga mahal natin sa buhay. Ayiiieee. Pasok ba sa banga, Suki?
10. Mag-alaga ng halaman
Photo courtesy of kaufmann Mercantile via Unsplash
Dahil karamihan sa parents ngayon ay work from home na, marami na silang time ngayon na mag-alaga ng mga halaman sa bahay. Dito nagbunga ang mga plantito at plantita. Maaari mong isama ang iyong anak sa pag-aalaga ng halaman. Malaking tulong ito para sa kanilang science class at mas lalo nilang maintindihan ang nature at environment.
11. Gumawa ng family book club
Photo courtesy of Annie Spratt via Unsplash
Isa pang paraan upang ma-divert ang atensyon ng mga bata mula sa smartphones at ibang gadgets ay bigyan sila ng reading activities.
Gumawa kayo ng posibleng reading list at maghanap ng mga pre-loved book shops na bibilhan – marami ‘nyan sa Lazada at Shopee, mga Suki. O kaya naman ang mga libro ninyo rin na dati ‘nyo nang binabasa, pwedeng-pwede ibigay sa mga bata para basahin. Bigyan sila ng period para tapusin, mga dalawang linggo, kunwari na lang. At pagkatapos, ayain ang pamilya magtipon para mapagkwentuhan ang istorya nito.
Ang pagbabasa ay malaking tulong para ma-enhance ang imagination at reading comprehension ng mga bata. Magandang activity rin ito upang panatiliing matalas ang isipan ng mga bata kahit summer season.
Malaki man ang pagbabago na dinala ng COVID-19 sa pamilyang Pilipino, marami paring paraan upang maging masaya, ligtas, at matipid ang summer. Hindi ninyo kailangan gumastos ng malaki para panatilihing entertained ang mga chikiting. Kailangan lang maging madiskarte upang maging masaya at maunlad ang buhay.
Related Article
-
Palawan Pawnshop Pet Insurance Para ProtekTODO si Bantay
Blog05 / 29 / 2024
-
Palawan Pawnshop: Your One-Stop Shop for Bills Payment Needs
Blog05 / 29 / 2024