-
Services
-
Pera Padala
Mura, mabilis, at walang kuskos-balungos! Palawan Express Pera Padala is a fast, easy, convenient, and simple domestic money remittance service brought to you by Palawan Pawnshop. Learn more about us here today!
-
Pawning
Always the Matatag, Maaasahan, and Mapagkakatiwalaan. With over 3,000 branches nationwide, Palawan Pawnshop accepts gold jewelry items with high appraisal and lowest interest rates at a fast and reliable service. Pawn now!
-
International Remittance
Fast, Reliable, Affordable, and Hassle-free International Money Transfer.
-
-
Partner With Us
-
International Partner
Palawan Express Pera Padala is continuously expanding its network through partnership with reputable remittance companies worldwide to deliver fast and secure remittance payout to millions of Filipino beneficiaries in the country.
-
Corporate Client
Palawan Express Pera Padala offers tailored partnerships to meet client’s strategic business objectives. We render corporate solutions to make sure client accounts are profitable and growing.
-
Domestic Partner
Palawan Express Pera Padala widens its network through accrediting reputable entities as Authorized Agents. This greatly helps our valued customers to quick and easy access to Palawan Express remittance services across the country.
-
- Press Room
- Promos
- Advocacy
- FAQs
- About Us
- Careers
8 Home Remedies Para Healthy Ngayong Tag-Ulan
March 19, 2021
Ngayong panahon ng tag-ulan, uso na naman ang mga sakit, suki. Mahirap talagang magkasakit dahil bukod sa sakit ng katawan, sasakit pa ang bulsa mo sa pagpapagamot. Kadalasan, magagamit mo pa ang impok na nakalaan sa ibang bagay gaya ng pambayad ng tuition ng mga bata o kaya naman sa isang lingguuhan na grocery. Staying healthy is key in staying financially stable ngayong panahon, suki!
Pero minsan, hindi talaga maiwasan ang magkasakit dahil sa diyahe ng pag-commute o kaya nama’y sa pabago-bago ng panahon. Ang wet or rainy season illness ay pwedeng common flu lang o kaya’y kasing-seryoso ng coronavirus.
Kaya para iwas sakit, narito ang ilang wais home remedies para iwas-gastos ka, Suki!
Ang tag-ulan sa Pilipinas ay nagsisimula sa June at nagtatapos sa November. May mga pagkakataon rin na napapaaga ito o inaabot hanggang December. Sa mga buwan na ito, madalas halos sunod-sunod ang mga bagyo na nagdudulot ng mas malamig na temperatura at pagbaha. Narito ang mga common illnesses in the Philippines during this season:
- Sipon (Colds)
- Ubo (Coughs)
- Pamamaga ng lalamunan (Sore Throat)
- Influenza
- Diarrhea
- Typhoid fever
- Cholera
- Hepatitis A
- Dengue
- Leptospirosis
Ang mga sakit tulad ng hepatitis A, dengue, at typhoid fever ay seryoso at kailangang isangguni sa ospital sa lalong madaling panahon. Posibleng lumalala ang iyong kalagayan kapag hindi naagapan ang mga sakit na ito.
Ngunit para sa sipon, ubo, seasonal colds, flu at iba pang karaniwang sakit, narito ang mga natural remedies.
1. Gumawa ng tsaa gamit ang ginger o luya
Photo Courtesy of Angele J via Pexels
Ilang daang tao nang ginagamit ang luya bilang pangagamot sa mga karamdaman gaya ng pagkahilo, ubo, sore throat at sakit ng tiyan. Epektibo rin ito laban sa pananakit ng ulo.
Matagal nang ginagamit ang luya sa traditional o herbal medicine dahil sa mga natural healing properties na taglay nito. Maaari siyang gamitin na fresh, pinatuyo o dried, powdered, o kaya bilang oil o juice.
Para iwas sakit, gumawa ng ginger tea para sa iyong ubo o sore throat. Balatan ang luya at hiwain ito ng maliliit na piraso. Pakuluan sa malinis na tubig. Inumin habang maligamgam pa.
2. Uminom ng honey
Photo Courtesy of Valeria Boltneva via Pexels
Napakaraming health benefits ng honey. Ang 1 kutsara ng honey ay nagtataglay ng 64 calories at 17 grams ng asukal. Wala itong fiber, fat, o protein. May antioxidants din ang honey na nakakatulong sa pag-iwas sa sakit sa puso, stroke at cancer.
Kapag sinisipon, inuubo o nilalagnat, uminom ng inumin na may halong honey. Magpakulo lang ng 1 tasang tubig. Lagyan ito ng lemon juice o kalamansi juice at 2 kutsarang honey. Pwede ring ihalo ang honey sa mainit na tea.
3. Kumain ng garlic o bawang
Photo Courtesy of Engin Akyurt via Pexels
Epektibong gamot sa sakit sa puso, high blood pressure at stroke ang bawang. Ayon sa pag-aaral, ang pagkain ng 4 na ulo ng bawang bawat araw ay nakakapagpababa ng blood pressure. Itong paboritong sangkap sa pagkain ay nagtataglay ng sulfur compounds, vitamin C, vitamin B6 at manganese. Pwede mo ring gamiting home remedy laban sa common colds o flu.
Para gamitin ang bawang laban sa sakit, maaari itong nguyain ng hilaw, damihan kung isasahog ito sa pagkain, o kaya’y i-prito na parang chips or chichirya.
4. Uminom ng Chamomile tea
Photo Courtesy of Mareefe via Pexels
Sa panahon ng tag-ulan, madalas makaranas ang mga tao ng pananakit ng sikmura at diarrhea. Ang mga bagyo at pagbabaha ay maaring magdulot ng mga sakit mula sa maruming tubig. Ilan sa mga sintomas ng diarrhea ay pananakit ng tiyan, lagnat, madalas na pagdudumi, pagsusuka at panghihina. Kadalasan, maaring malunasan ang diarrhea sa bahay gamit ang mga nasa iyong kusina.
Bukod sa diarrhea, epektibo rin ang pag-inom ng chamomile tea para mabawasan ang sintomas ng dysmenorrhea, infection at inflammation o pamamaga.
5. Gumawa ng sariling ginseng tea
Photo Courtesy of euta via Pixabay
Ang ginseng ay traditional Chinese medicine na siksik sa antioxidants at anti-inflamatory properties. Nakatutulong ito sa pagpapatalas ng isip at pagbabalanse ng mood lalo na sa mga pasyente ng Alzheimer's disease.
Ayon sa isang pag-aaral, epektibo ang ginseng sa pag-iwas at paggamot ng seasonal influenza o flu. Ang flu ay isang seryosong sakit sa baga na kumikitil ng libu-libong buhay taun-taon. Laganap isa panahon ng tag-ulan at sa malalamig na buwan ng Disyembre hanggang Pebrero.
Maaring kainin ang ginseng root nang hilaw o matapos pakuluan. Pwede mo rin itong gawing tea:
- Balatan ang ginseng root at hiwain ito ng maninipis na piraso.
- Pahiran ng honey ang ginseng slices at ilagay sa tasa.
- Matapos ang 15 minuto, buhusan ng kumukulong tubig ang tasa na may ginseng slices.
- Maghintay ng 5 – 10 minuto bago hanguin ang ginseng.
- Inumin ang maligamgam na ginseng tea.
6. Kumain ng maraming oranges, dalandan at avocado
Photo Courtesy of Pixabay via Pexels
Importante ang vitamin C sa pagpapalakas ng immune system at paggaling sa sipon, ubo at lagnat. It is advisable that you take vitamin C supplements daily. Ayon sa isang pag-aaral sa Harvard University, ang pag-inom ng vitamin C supplements (at least 200 mg) araw-araw ay makakatulong upang maiwasan ang pagkakaroon ng common colds.
Maaari ka ring makakuha ng vitamin C sa mga citrus fruits tulad ng oranges, dalandan, kalamansi, avocado, green vegetables, at kamatis.
7. Idagdag ang turmeric sa diet
Photo Courtesy of Marta Branco via Pexels
Marami ang naniniwala na ang pag-iba ng barometric pressure, o bigat ng hangit, ay nakaka-apekto sa joint pain. May mga nakakaramdam ng pananakit ng kasu-kasuan sa panahon ng tag-ulan at taglamig.
Matagal nang ginagamit ang turmeric o luyang dilaw na pambigay lunas laban sa pananakit dulot ng inflammation o pamamaga. Mainam ito na pampabawas ng sintomas ng arthritis at osteoarthritis. Ugaliing uminom ng turmeric tea araw-araw para sa long-term benefits. Makakabili ka ng turmeric tea o powder na maaring ihalo sa mainit na tubig.
8. Lavender
Photo Courtesy of Mareefe via Pexels
Ang madalas na pag-ulan at banta ng mapaminsalang bagyo ay nakakapagdulot ng stress at anxiety. Maraming sakit ang pwede mong makuha sa stress at anxiety tulad ng sakit sa puso, high blood pressure, colds at viruses, at infections.
Kapag nakakaramdam ka na ng sintomas ng stress o anxiety, uminom ng lavender tea. Pwede langhapin ang lavender essential oil mula sa diffuser or humidifier para ma-relax ang iyong pag-iisip at katawan.
Kung sakaling – pero ‘wag naman sana – madapuan ng sakit at kulangin ng budget para magpagamot Suki, handang tumulong ang Palawan Pawnshop. Bilang marami tayong branches nationwide, madali lang magpadala ng pera sa mga mahal sa buhay, o kaya naman kung umaasa ka pa rin sa magulang, ay makatanggap din ng pera sa Palawan Pawnshop. Aralin lamang how to send money, and how to receive money gamit ang mga artikulo natin sa website. Kung sakaling may tanong ka pa, maaari ring tawagan ang branch – maaaring malaman ang contact number of the branch na malapit sa’yo suki gamit ang ating branch finder.
Napakahirap magkasakit. Bukod sa panghihina ng iyong pangangatawan, maaari rin nitong maapektuhan ang iyong wais financial goals ngayong 2020. Kadalasan, ang pera na inimpok sa bangko ay nagagastos na pambayad sa ospital at pambili ng gamot. May mga pagkakataon rin na naibebenta ang mga ari-arian para matugunan ang pangangailangang medikal.
Kaya't importante na you always stay healthy lalo na sa panahon ng tag-ulan kung kailan laganap ang mga sakit. Sundin ang mga rainy season health tips tulad ng pagkain ng masusustansyang pagkain, regular na pag-e-ehersisyo at pagtulog nang sapat na oras.
Palaging tandaan, Suki: “health is wealth”. Ingat palagi!
Related Article
-
Palawan Pawnshop Pet Insurance Para ProtekTODO si Bantay
Blog05 / 29 / 2024
-
Palawan Pawnshop: Your One-Stop Shop for Bills Payment Needs
Blog05 / 29 / 2024