Self-Love Is the Best Love: 8 Things You Can Do Before February Ends

Blog

May 12, 2021

bath-beauty-mask-cucumber-feature

Malapit na malapit na ang Valentine’s day , ang tanong: ready ka na ba, suki?

Of course hindi namin sinasabi na dapat in a relationship ka or may special someone ka para mag-enjoy this February, pwedeng-pwede naman ang single night out! Siyempre, 2019 ang year of self-love at ang mga Valentine’s day activities for singles ay patok na patok!

Kung nag-iisip ka ng mga pwedeng gawin sa darating na Araw ng mga Puso, ‘wag ka magalala suki because we got you covered! Ang boyfriend o girlfriend ay may “end” pero ang pagmamahal sa sarili ay wala, it’s forever.

Narito ang ilang mga activities na pwede mong gawin ngayong Valentine’s day in the Philippines para feel na feel mo ang pagmamahal sa ihip ng hangin, kahit ikaw ay single.

#1: Go on a pamper night

Cucumber eye maskPhoto Courtesy of Breakingpic via Pexels

 

Haggard ka na ba sa trabaho pati sa pagkahaba-haba na commute araw-araw? Well this Valentine’s day, mag-relax at mag-unwind sa pamamagitan ng isang self-care day!

Skin care, manicure, at pedicure ang iyong aatupagin para sa isang araw ng pagpapaganda ngayong Araw ng mga Puso. Ang plus side pa dito ay ang pagka-budget friendly niya dahil pwede mong gawin lahat ito sa bahay! May mga online articles naman tungkol sa iba’t ibang skin care routines, at pwede ka namang magpatawag ng mani pedi home service para ang iyong Valentine’s day ay pak na pak!

Sa dami ng fun activities for singles, di talaga kailangan ng ibang tao para maging masaya.

 

#2: Roadtrip with yourself or with friend

Car dashboardPhoto Courtesy of SplitShire via Pexels

 

Minsan magulo ang buhay. Nagsasabay-sabay ang trabaho, pamilya, at mga pangarap natin kaya feeling natin natatangay tayo. Hindi pa nakakatulong kapag single is life, ‘di ba? Suki, kung isang big mood ito para sa’yo dapat pag-isipan mo ang mag-travel this Valentine’s day.

Hindi ka lang mag-tatravel para sa IG-worthy pictures o sa walwalan (siyempre, kasama na sa package yun). Ang pagta-travel ay nagbibigay ng oras, lugar, at panahon para huminga nang malalalim at mapayapa para makapag-muni-muni sa mga bagay at makapag-ipon ng energy para comeback mo sa buhay! Maraming malalapit na lugar na pwede mong puntahan para sa isang day trip na pwedeng-pwede mo gawin!

Sabi nga nila, umaalis ka hindi para hanapin ang sarili kundi maalala mo kung sino ka nga ba talaga. Isang point na naman para sa team self-love!

 

#3: Mag-shop till you drop

Assorted-color-Leather-Bag-Display-Inside-RoomPhoto Courtesy of shattha pilabut via Pexels

 

Okay let’s face it suki, kahit pa-minsan minsan dapat nagshoshopping din tayo para sa sarili. Dapat nag-uupdate mga damit natin—mula damit pangtaas hanggang sa sapatos— para ma-feel mo talaga ang empowerment. What better holiday para maging empowered kung hindi sa Valentine’s day, ‘di ba?

Hindi lang pagmamahal sa iba at pagmamahal sa sarili ang patok ngayong Pebrero, patok na patok din ang samu’t saring mga promos! Ang maganda pa ay hindi reserved ang mga promos na ito para sa mga in a relationship. Alam niyo na ‘yon: mas makakatipid ka sa iyong shopping spree!

Kaya kung ang tinatanong mo ay how to spend valentine’s day single, ang sagot namin ay isang kasabihan mula sa pelikulang White Chicks: we’re gonna go shopping!

 

#4: Send flowers and letters to someone…who is single too!

 

Bulaklak at isang love letter, mayroon pa bang mas magandang bagay ngayong Valentine’s day? Oo. Ikaw (yie!).

 

 

Tama na ang pangloloko, ang classic combo ng bulaklak at letter ay hindi required para lang sa mga special someone bago ka makapagpadala nito. Ngayong Pebrero, bakit hindi mo bigyan ng isang bouquet of flowers at heartfelt message ang mga mahal mo sa buhay? Pwede mo bigyan ang mga matalik mong kaibigan, magulang mo, o ‘di kaya mga kapati mo.

 

#5: Mag-habol sa tulog

Mag-habol sa tulogPhoto Courtesy of Acharaporn Kamornboonyarush via Pexels

 

Kung ikaw ay single at naghahanap ka ng pwedeng makasama at maka-date ngayong Valentine’s day, mayroon kaming suggestion: i-date mo ang kama mo. Kakilig ‘di ba?

Suki, maghabol ka sa tulog at bumawi na sa pahinga ngayong Araw ng mga Puso! Tutal ang theme ng mga single ngayong February ay self-love, ibig sabihin alagaan mo ang sarili mo at ang kalusugan para mas lalo mong mahalin mo ang sarili mo. Kaya naman importante na ikaw ay makapagpahinga at magrecharge ngayong Valentine’s.

 

#6: Mag-bonding kasama ang fambam

 

Minsan masyado tayong aligaga sa paghahanap kay “The One” na mamahalin tayo na nakakalimutan nating mayroon namang mga nagmamahal sa atin.

Ngayong February 14, iparamdam mo ang iyong pagmamahal at pagpapahalaga sa kanila sa mga simpleng paraan tulad nang samahan at makipag-bonding sakanila. Pwede kayong manood ng movie, kumain, o pumunta sa park nang magkakasama. Huwag kalimutan na hindi lang dugo ang basehan ng pamilya—pwede ka rin makahanap ng pamilya sa mga kaibigan. Kaya pwede ka ding lumabas kasama ang barkada ngayong Valentine’s day!

Ang araw na ito ay tungkol sa pagpapahalag sa pagmamahal. Mahalaga na ipakita mo na marami kang pagmamahal para sa mga tao sa paligid mo.

 

#7: Magluto ng masarap na hapunan para sa sarili

 

Tomato and basil pasta, red wine, at isang romantic playlist na tumutugtog sa background. Perfect na date, ‘no suki?

Pero sinong nagsabing ang lahat ng mga iyan ay dapat may ka-date at dapat nasa restaurant? Ngayong Valentine’s day, pwede ka naman magkaroon ng romantic dinner kahit wala kang special someone at kahit wala ka sa mamahaling restaurant o lugar. Lalo na’t ngayon, marami nang online recipes na pwede mong sundin at subukan para mapadali ang pagluluto!

Bilhin nang maaga ang mga sangkap na kailangan para hindi ka sumabay sa Valentine’s day rush para hassle-free ang iyong experience.

 

#8: Mag-volunteer!

Mag-bonding kasama ang fambamPhoto Courtesy of icon0.com via Pexels

 

Iba talaga ang nagagawa ng pagmamahal, at sigurado kami na nakita mo ang success sa Manila Bay Cleanup. Dahil diyan, bakit hindi mo subukan at mag-volunteer ngayong Valentine’s day?

Ang project “Save Manila Bay” ay payuloy na nagaganap kada Linggo kaya pwedeng-pwede ka sumali. Mayroon ding mga grupong maaari nakatutok sa iba’t ibang adbokasiya tulad ng climate change o kaya pagaalaga sa karapatan ng mga bata na maaari mong lapitan.

Maraming mga lugar sa Pilipinas ang tumatanggap ng mga volunteer kaya naman makakahanap ka ng mapaglalaanan ng iyong oras, effort, at pagmamahal ngayong Valentine’s day.

Hindi sukat ng pagmamahal ang pagkakaroon ng partner, importanteng bahagi din ng pagmamahal ang pagmamahal sa iyong sarili. Sa halip na magmukmok sa Araw ng mga Puso, maging masaya at ibahagi sa iba ang pagmamahal na mayroon ka.

 

Share: