Tipid Tips Para Makatipid sa Bilihin Everyday!

Blog

February 11, 2021

jan-tipid-tips-bilihin-ft-img

Nakakastress talaga ang pagtaas ng presyo ng bilihin ngayon ‘no, Suki? Parang hindi na gumagana ang usual tipid tips, tulad ng pagpili ng mga mas murang alternatibo kasi alin man ang piliin mo, nagmahal. Sana hindi na lang ol.

Real talk, Suki: Nagtataas talaga lahat - mula karne hanggang gulay - ng bilihin ngayon at sa katotohanan nga ay ang Department of Agriculture ay nagpropose na ng price freeze sa karne. Sa ngayon, lumalabas na ang isang kilo ng liempo ay nagkakahalaga na ng PhP380 to PhP420. Ang manok naman, nasa PhP160 to PhP200 kada kilo at ang baka naman, pumapalo mula PhP350 hanggang PhP450.

Kung sabi sa dating saving tips na mag-gulay na lang para makatipid, eh hindi na ‘yon epektib! Kasi mahal na rin ang gulay ngayon. Ayon sa Philippine Information Agency, ang presyo ng mga pangunahing gulay sa bansa tulad ng talong, repolyo, patatas, at kalabasa ay nagtaas na rin! Isipin mo, Suki: ang talong naghahalagang PhP180 to P220 na?! Nakakaloka.

Mapapakamot ka na lang talaga ng ulo at mapapatanong: “Bakit ba kasi ganito kataas ang presyo ng bilihin ngayon?” Ang laki kasing epekto sa ekonomiya ng maraming problema na dumating noong 2020. Isa na dito ang COVID-19 pandemic, na ngayon ay nagkaroon pa ng mas nakakahawang mutations tulad ng UK variant na na-detect na sa bansa

Dahil walang kasiguraduhan ang panahon ngayon, kailangan talaga matuto ang lahat na maging matipid. Kailangan na ring mag-upgrade ng usual saving tips na sinusunod mo. Sa panahon na karamihan ay nakadepende na sa online shopping, dapat lang mag-try ng mga bagong paraan para makatipid ngayong 2021. Kaya eto ang upgraded tipid tips para sayo, Suki!

1. Magbayad ng bills on-time sa hassle-free na payment center.

Ano namang kinalaman ng pagbabayad ng bills on-time sa tipid tips? Malaki ang kinalaman nito, Suki! Kapag hindi ka nagbayad ng bills on-time, magkakaroon ka ng overdue penalty fees. Yun sanang 2,000 lang na electric bill o 200 lang na water bill mo, mag-dodoble pa tuloy. Pwede ka pang maputulan ng kuryente o tubig dahil dyan.

Pero marami kasing reason bakit late tayo nagbabayad ng mga bills. Pwedeng sobrang busy sa work or gawaing-bahay at nandyan rin ang nakakainis na mahaba at matagal na pila sa mga bills payment centers. Kaya ang solusyon, dun ka na sa hassle-free bills payment sa Palawan Pawnshop. Marami ka na ngang option para magbayad, super friendly at mabait pa ang staff!

jan-tipid-tips-bilihin-1Photo courtesy of Customerbox via Unsplash

2. Magpalit ka na ng hobbies, bes.

Isa sa mga hindi mo aakalaing makakatulong pala sa tipid tips sa bahay ay yung hobbies mo. Kung ang hobby mo ay magastos tulad ng panunuod ng TV shows ng buong araw o pag-tratravel (na hindi mo rin naman magagawa ngayon dahil sa pandemic), eto na ang time para mag-try ka ng ibang hobbies, bes!

Ang pagkakaroon ng mga relaxing hobbies na hindi gumagamit ng gadgets tulad ng drawing, pagsusulat, at gardening ay isa sa mga tipid tips kung paano bumaba ang monthly bills. Isa pa, pwede mong pagkakitaan ang mga hobbies na ito. Pwede kang mag-freelance illustrator or writer, o kaya naman ay ibenta ang mga magaganda mong halaman, gulay, o prutas.

3. Tamang abangers lang sa mga sale.

Napakalaking bagay ng pag-aabang ng mga sales promo sa panahon na patuloy ang pagtaas ng bilihin. Malaki ang matitipid mo kung makukuha mo ang mga kailangan mo ng kalahati sa original price nito. Kaya tama lang yan, tamang abang ka lang sa mga 11.11 sales ng Lazada o Shopee, at yung mga end-of-month sales sa mga malls. Basta ba, ang bibilhin mo ay tunay na kailangan mo ha, hindi yung kung ano-ano lang.

‘Wag ring kakalimutan na maging smart sa pag-oonline shopping. ‘Wag basta-bastang mag-add to cart ng hindi binabasa ang reviews or ratings ng shop. Ugaliing bumili rin sa mga subok mo ng sellers or shops. At para sa additional tips para iwas-scam, basahin ang tips para sa safe na online shopping experience.

jan-tipid-tips-bilihin-2Photo courtesy of ja ma via Unsplash

4. Bumili ng wholesale o maramihan.

Ilan sa subok na saving tips ay ang pagbili ng wholesale or maramihan. Kadalasan kasi, mas mababa ang wholesale price kaysa dun sa bibili ka ng isa-isa lang. Isa pa, kung bibili ka ng maramihan, tipid ka sa pagod at effort kakabalik-balik sa grocery or tindahan. Bawas din ang exposure mo sa COVID kasi hindi ka na madalas lalabas.

Basta ba, kung bibili ng wholesale, gagamitin mo talaga or subok mo na ang lasa para hindi masayang. Kung sure ka na, pwede kang makabili ng wholesale or bulk na mga seasonings at iba pang pangangailangan sa Lazada or Shopee.

Pwede ka ring bumili ng mga wholesale or maramihan na prutas, gulay, at karne sa mga sumusunod na online stores:

Para sa prutas at gulay

Para sa iba’t ibang karne

5. I-ayon sa meal plan ang listahan ng bilihin.

Okay, nagsulat ka nga ng listahan ng bibilhin mo. Kasama na ito sa usual tipid tips sa bahay mo, at marahil lagi mo na itong ginagawa. Pero alam mo bang lalo kang mas makakatipid kung base sa weekly meal plan ang listahan mo? Makakatulong ito para hindi ka mag-overbuying o kaya magkulang sa ingredients.

Gumawa muna ng weekly meal plan. For example, menudo at chopsuey sa Monday, tapos sa Tuesday ay sarciadong tilapia at ginisang kangkong na may baboy, hanggang sa sumunod na mga araw. Pag tapos ka na sa weekly meal plan, ilista ang ingredients ng bawat ulam. Eto na ang magiging shopping list mo.

jan-tipid-tips-bilihin-3Photo courtesy of Petter Lagson via Unsplash

6. Pag-isipan ang Internet at mobile data promos.

Kung nag-iisip ka kung paano mas makakapagtipid ngayong patuloy ang pagtaas ng presyo ng bilihin, ang isa pang magandang pag-isipan ay ang mobile data or Internet promos na ginagamit mo. Mas makakatipid ka ba kung kukuha ng PhP999 na Internet subscription kada buwan o magpapaload ng PhP100 everyday? Alin ang mas okay kung may estudyante at empleyadong naka work-from-home setup sa inyo?

Alin man ang sagot mo, pag-isipan mabuti kung saan ka mas makakatipid base sa paggamit mo. Kung hindi naman kailangang everyday may Internet, mas makakatipid sa PhP 50 to 100 na load na pwedeng i-subscribe sa mga two-day or three-day mobile data promo. Kung kailangan ng mas maraming data tulad ng madalas na video calls sa trabaho o sa school, mas makakatipid kung magpapakabit ng Internet subscription.

7. Gamitin na yang vouchers or coupons.

Ang daming vouchers or coupons na makukuha kakabili mo sa mga online stores or even sa mga malls. Kung madalas ka lang rin naman bumibili sa mga shops na ito, gamitin mo na nga naman ang mga vouchers or coupons na natatanggap mo mula sa kanila.

Pero para sure na madagdag ang paggamit ng vouchers at coupons sa saving tips mo, basahin ng maayos ang mga vouchers or coupons bago bumili ng kahit ano. Karaniwan may mechanics or expiration date ang mga ito. Tulad na lang na kailangan ang bibilhin mo ay hindi baba ng PhP200 o kaya ay piling produkto lang ang covered ng coupons mo.

jan-tipid-tips-bilihin-4Photo courtesy of Myriam Zilles via Unsplash

8. Go for value or generic brands.

Naniniwala ka rin ba na pag sinabing generic brand, hindi high quality or peke? Hindi naman totoo ang paniniwalang ito, dahil ayon sa Department of Health, parehas lang naman ang branded at generic brands ng active ingredients o mga ingredients na gumagamot sa sakit. Naiba lang sa inactive ingredients or mga additives na wala namang effect sa kalusugan, sa shape, kulay, at packaging.

At hindi lang gamot ang may generic brands. Sa mga supermarket, meron ding tinatawag na value brands. Eto yung mga brands na tatak ng mga supermarkets at mas mura tulad ng SM Bonus or Robinsons Supermarket brands. Halos lahat ng basic necessities tulad ng mga pagkain, gamit sa pagluluto or paglilinis sa bahay ay meron ang mga brands na ito.

9. Kainin ang mga tirang pagkain.

Huwag gawin na tuwing Pasko o Bagong Taon lang nag-iinit ng mga pagkain. Gawin itong tipid tips everyday, kahit walang okasyon! Malaki laki rin ang matitipid kung magluluto ng maramihan para sa buong araw, at iinit na lang ito para sa tanghalian at hapunan. Tipid ka na nga sa pagkain, tipid ka pa sa oras, effort, at pagod kakaluto ng tatlong beses sa isang araw, lalo na kung nag-wowork from home ka.

Hindi naman kailangang ang ulam ay tipong mga ulam na pang-okasyon. Pwede namang simpleng araw-araw lang na ulam tulad ng sinigang, adobo, tinola, at kahit anong ginisang gulay na may konting karne.

jan-tipid-tips-bilihin-5Photo courtesy of Sam Hojati via Unsplash

10. Bumili ng canned, frozen, or dried form ng ingredients.

Maaari mo ring idagdag sa tipid tips sa bahay mo ang pagpili ng iba’t ibang form ng mga ingredients na karaniwang ginagamit mo. For example, maaaring bumili ng canned, frozen, or dried form ng gulay o prutas. Ayon sa Web MD, healthy rin naman ang mga alternatives na ito dahil nasa “peak of freshness” bago ito preserved, kung saan mas nare-retain ang mga nutrients.

Paalala lamang ng mga eksperto sa Web MD para sa mga canned na prutas or gulay: ugaliing hugasan muna ang mga ito para mabawasan ng tamis or alat. Karaniwan kasing preserved ang mga ito sa syrup or salty water.

Tumaas man o bumaba ang bilihin, mabuti pa rin ang may kaalaman at gumagamit ng tipid tips. Kung tumaas ang bilihin, hindi ka mastrestress kakaisip kung paano magtitipid. Kung bumaba naman, patuloy ka pa ring makakapagtipid at mailalaan sa ibang gastusin ang matitipid mong pera.

Kaya Suki, kung nais mo pang malaman ang iba’t ibang paraan para makapagtipid, ugaliing basahin ang mga easy at tunay na makakatulong na savings tips dito sa Palawan Pawnshop.

Share: