-
Services
-
Pera Padala
Mura, mabilis, at walang kuskos-balungos! Palawan Express Pera Padala is a fast, easy, convenient, and simple domestic money remittance service brought to you by Palawan Pawnshop. Learn more about us here today!
-
Pawning
Always the Matatag, Maaasahan, and Mapagkakatiwalaan. With over 3,000 branches nationwide, Palawan Pawnshop accepts gold jewelry items with high appraisal and lowest interest rates at a fast and reliable service. Pawn now!
-
International Remittance
Fast, Reliable, Affordable, and Hassle-free International Money Transfer.
-
-
Partner With Us
-
International Partner
Palawan Express Pera Padala is continuously expanding its network through partnership with reputable remittance companies worldwide to deliver fast and secure remittance payout to millions of Filipino beneficiaries in the country.
-
Corporate Client
Palawan Express Pera Padala offers tailored partnerships to meet client’s strategic business objectives. We render corporate solutions to make sure client accounts are profitable and growing.
-
Domestic Partner
Palawan Express Pera Padala widens its network through accrediting reputable entities as Authorized Agents. This greatly helps our valued customers to quick and easy access to Palawan Express remittance services across the country.
-
- Press Room
- Promos
- Advocacy
- FAQs
- About Us
- Careers
Paano Mag-Ipon Ng Pera ang Inyong mga Chikiting
April 16, 2021
Walang hindi gagawin ang magulang para sa kanyang anak. Kayod to the highest level ang mga magulang ngayon para maging maganda ang kinabukasan ng kanilang mga chikiting. Pero kung gusto mo talagang ihanda sa future ang isang bata, dapat maagang magsimula. At isa sa mga dapat mong ituro sa kanila ay kung paano mag-ipon. Hindi iyan biro dahil pati nga mga nakatatanda, aminadong hirap pagdating sa savings.
Maraming important money lessons ang maaaring ituro sa mga bata. Huwag n’yo silang ismolin dahil sa murang edad nila dahil baka magulat ka at mas financially literate pa pala sila kaysa sa’yo. Ang importante lang is to start them young, para mabuo na ang habit hanggang sa kanilang pagtanda. Ika nga ng kasabihan sa Pilipino tungkol sa pagtitipid, kung may tinanim, may aanihin. Kaya bata pa lang, dapat nag-iipon na.
Paano Mag-Ipon Ng Pera For Kids
- Next time na lang: Make them wait
- Turuan ng Needs vs Wants
- May gusto kang bilhin? Earn it.
- Bigyan ng account ‘yan!
- Set a savings goal
- Teach them to make wise decisions
- Saving vs. Spending: Ano ang panalo?
- Money talk is not for “grown-ups” only
- Utos mo, gawa mo
- Suporta all the way
Next time na lang: Make them wait
Ang mga bata, natural na mahilig mag-turo at kapag hindi napagbigyan, paminsan nagwawala o nagta-tantrums. Kaya bata pa lang, sanayin sila na hindi lahat ng gusto ay nakukuha nila agad-agad.
Bago pumunta sa mall o sa isang toy store, dapat ipaliwanag sa kanila na hindi lahat ng gustuhin nila ay bibilhin. Kung pupunta doon para bumili ng regalo para sa ibang bata, klaruhin din agad ito. Dapat hindi nila laging i-relate ang mall sa gastos.
Sabi nga nila, good things come to those who wait. Ganyan din sa pag-iipon. Turuan sila mag-antay para hindi kayo dinadaan sa tantrums. Kapag may gusto silang bilhin, sabihin n’yo na “sa susunod na lang” o “sa birthday mo na lang.” O kaya, sabihin na kailangan niya itong pag-ipunan galing sa mga baon o regalo. Maaga pa lang, dapat alam na nilang hindi bottomless ang wallet mo.
Turuan ng Needs vs Wants
Isa ito sa inner struggle ng mga adults. Kailangan ko ba itong bag na ito? Kailangan ko ba talaga ng bagong rubber shoes?
Dito na papasok ang walang kamatayang diskusyon tungkol sa needs versus wants. Pagkain o laruan? Kuryente o usong lunchbox? Pwede mo nga rin gawing exam ‘yan sa bahay. At para magkaroon sila ng mas klarong ideya, isama sila sa paggawa ng budget. Kapag naging pamilyar sila sa budgeting tips, makikita nila kung paano mag-set ng priorities at paano malaman kung ito ay need o want.
May gusto kang bilhin? Earn it.
Lahat ng bagay dapat pinaghihirapan. Sa simula pa lang, dapat maintindihan na ‘yan ng mga bata. Kung gusto nila bumili ng isang laruan, hayaan n’yong pag-ipunan at pag-trabahuhan nila ito. Mula sa kanilang allowance, turuan sila ng ilang money-saving tips.
Kapag weekends, patulungin sila sa mga gawaing-bahay at bigyan sila ng mga age-appropriate tasks kapalit ng konting “sweldo.” Pero maging maingat din dito dahil dapat din matutunan ng mga bata na mag-kusa at ang katotohanan na hindi lahat ng bagay ay may katapat na kabayaran.
Bigyan ng account ‘yan!
Mas madali mag-ipon kung mayroon kang paglalagyan nito. Kapag nasa tamang gulang na, magbukas kayo ng bank account para sa kanila. Isama n’yo sila sa pagbubukas ng account para magka-ideya sila kung ano ba ang bangko, paano mag-deposito, etc. Iba rin kasi ‘yung nakikita nila kung magkano na ang naiipon nila para mas lalo silang ma-inspire.
Mas hassle-free na rin ngayon ang pagdedeposito. Kung walang bangko na malapit sa inyo, pwede subukan ang serbisyo na Palawan Pawnshop’s Padala to bank account. Mas maikli ang pila at mas mabilis ang transaksyon. Ngayong Pasko, himukin n’yo sila ipunin ang matatanggap na regalo at Aguinaldo na siyang pwedeng gamitin para magbukas ng account o kaya ay idagdag na pang-deposito sa mga Palawan Express bank partners.
Set a savings goal
Hindi lang para sa adults ang mga goals-goals na ‘yan. Dapat pati bagets, meron niyan. Tulungan n’yo sila na mag-set ng savings goal para maging mas motivated sila. Sa pag-set ng goal, dapat may purpose. Kung ang purpose nila ay isang laruan o ticket sa isang theme park, tulungan n’yo sila na mag-set ng target. Halimbawa, Php20.00 ang baon nila. Magkano ang kailangan nilang i-save para mabili ang gusto nila at gaano nila ito katagal mabubuo.
Teach them to make wise decisions
Kapag nag-grocery, subukan n’yo na bigyan sila ng budget. Halimbawa ay bigyan mo sila ng P100 para bilhin ang sa tingin nila ay kailangan at pasok pa rin sa budget. Sa simpleng exercise na ito, matuturuan mo ang mga chikiting ng important money lessons na pakikinabangan nila hanggang sa pagtanda. Dito mas maiintindihan nila ang konsepto ng needs vs. wants, halaga ng pagsunod sa budget, at importansya ng pagkakaroon ng priorities.
Saving vs. Spending: Ano ang panalo?
Kung gusto mong gawing mas masaya ang pagtuturo ng money-saving tips sa mga bagets, gawin mo itong laro. Gumawa ng dalawang jar o alkanysa na may nakalagay na savings o spending. Sa tuwing may matitira sa baon ang mga anak mo o ‘di kaya’y makatanggap sila ng regalo, hayaan n’yo silang mag-decide kung ilalagay ito sa saving o spending. Pwede ring magdagdag ng third jar for “sharing.” Makakatulong ito para madevelop ang kanyang decision-making skills pati na pagiging compassionate at giving.
Money talk is not for “grown-ups” only
Importante na maging bukas o open sa pag-uusap tungkol sa pera. Halimbawa, pinag-uusapan ninyong mag-asawa ang mga bayarin, pakikipag-negotiate ng salary increase, o pagba-budget. Huwag niyong palayuin ang mga bata dahil pang-grown-ups lang ang usapan. Halimbawa, biglang taas ang bill n’yo sa kuryente. Isali ang mga bata para makapag-contribute din sila ng suggestions kung paano ito pababain sa susunod. Maigi nang maintindihan nila na ang paghawak ng pera ay may kaakibat na responsibilidad at kailangan itong seryosohin.
Utos mo, gawa mo
Sa madaling sabi, practice what you preach. Of all the saving tips to teach your kids, leading by example is one of the most important. Kayo kasi ang role model para sa mga anak n’yo at natural sa kanila na gayahin ang ginagawa n’yo. Kung panay ang turo mo ng pagtitipid at pag-iipon pero nakikita naman nila kung paano ka gumastos sa mga branded na bag, sapatos, at kung anu-anong luho, what’s the point, ‘di ba?
Suporta all the way
Siyempre, ang pinakamahalaga ay yung hindi ka bumitaw sa pag-motivate at pag-suporta sa anak mo. Hindi madali kahit kanino ang pag-iipon. May kasama itong disiplina at pagpupursige. Sa tuwing maghuhulog siya sa kanyang alkansya o magdedeposit sa kanyang account, re-assure him that he is doing a good job. Kapag medyo natutukso na bumili ng isang bagay na hindi naman afford ng ipon niya, turuan siyang mag-antay at ituro sa kanya na ang mas masarap ang mga bagay na pinaghihirapan.
Hindi madaling magturo ng money-saving tips sa mga bata lalo na dahil natural sa mga magulang ang kagustuhan na ibigay ang lahat ng gusto at pangangailangan ng mga anak nila. Pero ang habit ng pag-iipon, bitbit nila hanggang pagtanda. Sandalan nila ito sa paggawa ng mga financial decisions sa hinaharap.
Related Article
-
Palawan Pawnshop Pet Insurance Para ProtekTODO si Bantay
Blog05 / 29 / 2024
-
Palawan Pawnshop: Your One-Stop Shop for Bills Payment Needs
Blog05 / 29 / 2024