-
Services
-
Pera Padala
Mura, mabilis, at walang kuskos-balungos! Palawan Express Pera Padala is a fast, easy, convenient, and simple domestic money remittance service brought to you by Palawan Pawnshop. Learn more about us here today!
-
Pawning
Always the Matatag, Maaasahan, and Mapagkakatiwalaan. With over 3,000 branches nationwide, Palawan Pawnshop accepts gold jewelry items with high appraisal and lowest interest rates at a fast and reliable service. Pawn now!
-
International Remittance
Fast, Reliable, Affordable, and Hassle-free International Money Transfer.
-
-
Partner With Us
-
International Partner
Palawan Express Pera Padala is continuously expanding its network through partnership with reputable remittance companies worldwide to deliver fast and secure remittance payout to millions of Filipino beneficiaries in the country.
-
Corporate Client
Palawan Express Pera Padala offers tailored partnerships to meet client’s strategic business objectives. We render corporate solutions to make sure client accounts are profitable and growing.
-
Domestic Partner
Palawan Express Pera Padala widens its network through accrediting reputable entities as Authorized Agents. This greatly helps our valued customers to quick and easy access to Palawan Express remittance services across the country.
-
- Press Room
- Promos
- Advocacy
- FAQs
- About Us
- Careers
9 Tips Paano Magsimula ng Negosyo Para Sa Dagdag Kita
April 16, 2021
Sabi sa isang commercial, great things start from small beginnings. Napatunayan na rin ‘yan ng big corporations with humble beginnings gaya ng Apple, Microsoft, Amazon, Jollibee, SM Supermalls, National Bookstore, at kung anu-ano pa.
Nagsisimula ‘yan sa isang ideya, isang problema, at tamang motibasyon. Halimbawa ang Facebook na nabuo dahil sa ideya na i-connect ang mga estudyante sa isang University. From there, founder Mark Zuckerberg built his empire from the ground up. Kaya kung meron kang business idea, huwag mong unahan ng takot at duda. Tignan mo kung paano mo ito pwedeng i-execute. Posible ba? May puhunan ba o market? Kaya mo ba skill-wise and emotional-wise?
For potential new business owners who are brave enough to take the first step, congratulations! Lahat naman d’yan nagsisimula. Pero gaya ng lahat ng nagsisimula, kailangan mo ng katuwang.
Paano Magsimula ng Negosyo:
- Klase ng negosyo
- Solo o grupo
- Huwag pahilo sa dokumento
- Saan huhugot ng pondo?
- Keep it simple
- Market > Product
- Hands on sa budget
- Assess the business
- Iba pa rin ang may karamay
Game ka na ba?
Bago ang lahat, tiyakin mo muna sa sarili mo na handa ka. Mas mahalaga ang dedikasyon at commitment kaysa ano pa mang aspeto ng pagnenegosyo.
Gaano man kaliit o kalaki ang negosyo, may kaakibat yan na sakripisyo. Asahan mo na mag-iiba ang day-to-day na buhay mo. At habang lumalaki ang negosyo, tumitindi rin ang mga pangangailangan nito. Posibleng tumaas ang levels ng stress at anxiety, pwedeng mabawasan ang oras ng tulog, at kapag hindi na-manage o balance nang maayos, posibleng makompromiso ang personal relationships. Bukod sa pinansyal, handa ka na ba mag-invest emotionally?
1. Klase ng negosyo
May naisip ka na bang negosyo? Ang pagdedesisyon sa klase ng negosyo na itatayo ay naka-depende sa maraming bagay. Una, hilig mo ba? Pangalawa, laki o liit ng capital. Pangatlo, demand sa produkto o serbisyo. Pang-apat, may market ba? Panghuli, potential for growth or expansion. Marami pang in between pero yan ang ilan sa pinakamahalaga.
Mahalaga sa isang new business owner na gusto mo ang gagawin mo. Bukod kasi sa kapital, ang magdadala sa’yo ay ang passion mo.
2. Solo o grupo
Sa Pilipinas, may tatlong uri ng negosyo: sole proprietorship, partnership, at corporations. Kung bago lang at maliit lang ang negosyo, pinakamadali ang sole proprietorship. Ibig sabihin nito, sa iyo lang ipapangalan. Ang negosyo mo ay parang extension mo dahil ang assets at liabilities nito, magiging sa’yo rin. Hindi ka required kumuha ng empleyado at kahit ikaw lang, okay na. Ito ang pinaka-basic na negosyo, madali i-set up, simple ang requirements, at madali mag-register.
3. Huwag pahilo sa dokumento
The steps in starting a small business can be intimidating. Ang iba, pakitaan pa lang ng requirements, umaayaw na. Kaya nga, importante ang dedication at commitment.
Bawat permit, may bayad. Bawat permit, kakain ng oras at madalas, pasensya. Pero kung desidido ka, huwag kang papatalo sa mga hassle na ‘yan. Malay mo, maging madali lang ito para sa’yo.
Para sa sole proprietorship, kailangan mag-register ng business name sa DTI. Ang kagandahan nito, kahit sa mall, pwede mo ‘yan gawin. Susunod ang barangay registration. Kapag meron ka na nito, i-rehistro na ang negosyo sa munisipyo kung saan mo itatayo ang negosyo.
Susunod diyan syempre ang BIR. Kung may dati ka nang Tax Identification Number, alamin kung dapat pa itong ipa-transfer. Kung wala naman, mas madali dahil sigurado na wala kang delinquencies na dapat ayusin. Kailangan mo rin ipa-print ang resibo.
Bakit ba importante ang mga permit na ito? Nasa batas ‘yan at mas maganda na sumunod sa batas habang maaga kaysa mapurnada. Patunay rin ang mga ito na lehitimo ang iyong negosyo.
4. Saan huhugot ng pondo?
Magpakatotoo tayo mga mars at beshies! May puhunan ka ba? Kasya ba? Sa pagsisimula ng negosyo, mas maganda na i-overestimate ang cost kaysa naman mabitin ka.
Kung dati ka nang may savings mula sa sweldo mo, very good. Malaking bagay na ‘di ka magsisimula sa utang. Ang iba, maswerte na may kaibigan o kamag-anak na sasagot o magpapahiram ng kapital. Ang iba naman, kinakailangan mag-loan sa bangko. Personal loan ang pinakamadali dito.
5. Keep it simple
Ika nga, simplicity is beauty. Totoo ‘yan kahit sa pagne-negosyo. Kung meron kang small business idea para solusyunan ang isang pang-araw-araw na problema, huwag mo na kumplikahin. Halimabawa, gusto mo lang magtayo ng pwesto sa garahe ninyo para magbenta ng mga pang-meryenda dahil kailangan pa mag-tricycle ng mga kapitbahay mo para lang dito. Ayos na ‘yun. Kapag bigla mo sinamahan pa yan ng sari-sari store, bigasan, o free delivery na service, ginagawa mo lang komplikado ang lahat.
Always simplify. Habang nagiging komplikado at elaborate kasi ang isang ideya, humihirap itong gawing realidad. Bukod pa sa tumataas din ang cost at mas mahirap i-market. Remember to start small and narrow your focus.
6. Market > Product
Sabihin na natin na naka-imbento ka ng isang revolutionary na produkto. May market ka naman ba? One of the most important business tips for small business owners is identifying your market and knowing them well. Mula dito, malalaman mo kung anong produkto o serbisyo ang papatok. Mas logical ito kaysa gumawa ng produkto tapos maghahanap ng market.
Narinig mo na ba ang salitang niche? Ito ‘yung market na maliit lang pero focused at mas sureball. Mas maigi na ito kaysa mag-invest sa malaking market na hindi naman talaga nag-e-exist.
7. Hands on sa budget
Gaano man kalaki o kaliit ang negosyo, isa pa rin iyang major financial investment. Hindi mo naman kailangan ng business degree para dito pero dapat hands on ka.
An effective guide to starting a business would always include being on top of finances because it is what fuels the business. Dapat marunong kang mag-budget, maayos ang record ng expenses at lahat ng libro, iwasan ang utang, at matuto kang magprioritize. Magpatulong sa mga eksperto kung kinakailangan.
Makakatulong din ang paghahanap ng paraan on how you can track remittances from your customers para alam mo kung kailan at kung magkano ang pera na kinikita mo. Kadalasan, kung online or mobile banking ang payment option na pipiliin ng customers mo, pwedeng pwede ka humingi ng ‘proof of deposit’ – iklaro lamang kung saan nila ito pwede i-send sa’yo. Kung through money remittance naman ang payment option, nagbibigay ng frequent updates si Palawan Express gamit ng texts! Dahil narereceive mo ang updates diretso sa phone mo, mapapadali lalo ang pag-track ng budget at income mo, Suki!
8. Assess the business
Hindi porke nakasimula ka na at kumita ka na, yun na yun. Make sure to always assess the business. Alamin mo kung ano ang strengths at weaknesses nito. Kilalanin mo ang kompetisyon. Tignan mo kung saan pa may opportunity to improve and expand. In the next five years, okay ka pa kaya? Dapat maaga pa lang, nakikita mo na ‘yan.
9. Iba pa rin ang may karamay
Wala namang negosyo na totoong mag-isa lang tinataguyod. Kahit pa sole proprietorship ka sa papel, sa totoong buhay dapat marami kang karamay. Sa bawat stage ng pagne-negosyo — simula, unang kita, pag-ngat, pagbagsak, pagbangon — dapat may solid support system ka. Maaaring pamilya, kaibigan, o mga katrabaho. Hindi mo sila kailangan maging business partner, pero sila yung pwede mong takbuhan pag may problema o may gusto kang i-celebrate. Importante ‘yan dahil hindi biro ang pagne-negosyo. At kahit anong tagumpay mo pa sa negosyo, huwag na huwag mong puputulin ang personal relationships mo dahil iyan pa rin ang bubuo sa’yo.
Totoong hindi biro ang pumasok sa negosyo. Pero hindi rin naman ibig sabihin na imposible kang magtagumpay dito. Kung meron kang drive at passion para isulong ang isang business idea, huwag kang susuko. Kayang-kaya mo ‘yan.
Related Article
-
Palawan Pawnshop Pet Insurance Para ProtekTODO si Bantay
Blog05 / 29 / 2024
-
Palawan Pawnshop: Your One-Stop Shop for Bills Payment Needs
Blog05 / 29 / 2024