Money Changing Tips Bago Pumunta sa Money Changer

Blog

May 12, 2021

MC-TIPS

Isa ka bang OFW o balikbayan na kauuwi lang sa Pinas? Malamang, may dala kang pera na nasa foreign currency at kailangan mong papalitan para matugunan ang emergency sa pamilya. Kapag pera ang pinag-uusapan, dapat wais ka lagi para hindi ka magkaproblema tuwing kailangan mo ng foreign currency exchange to pesos.

Nakakadismaya kapag nagpapalit ka to peso, tatanggihan ang dollar o ibang foreign currency mo, 'di ba? Sayang ang oras at pagod mo.

Kaya importanteng sa isang maaasahang money changer ka lang magtiwala. Bukod diyan, may mga bagay na kailangan mong gawin bago ka magpapalit ng foreign currency para masigurong hindi ka maha-hassle sa iyong mga transaksyon.

Authorized-MC

Money changing tips para sa foreign currency exchange

  1. Siguraduhin hindi peke ang foreign currency bills na papapalitan mo
  2. Ingatang hindi mapunit o madumihan ang iyong foreign currency bills
  3. Bilanging maigi ang iyong bills bago at pagkatapos mong magpapalit
  4. Magpapalit ng barya? 'Wag mo nang i-push ‘yan, teh!
  5. Makipag-transaksyon lamang sa ligtas at awtorisadong money changer

1. Siguraduhin hindi peke ang foreign currency bills na papapalitan mo

person-holding-100-euro-billPhoto courtesy of Omid Armin via Unsplash

Sa kahit anong financial transaction saan man sa mundo, bawal ang peke. Masakit sa puso na umaasa kang mapapalitan agad ang dollar mo to peso para sa emergency, 'yun pala tatanggihan ang pera mo dahil peke. Kahit maglumpasay at magwala ka na parang kontrabida sa teleserye, walang money changer sa Pinas ang tatanggap ng pekeng pera.

Paano mo malalaman kung tunay o peke ang hawak mong pera? Madali lang malaman kung peke ang bills dahil kakaiba ang itsura nito sa isang tunay na dolyar.

Kung hindi mo naman gamay ang pag-check ng pera kung tunay o peke ito, narito ang ilang tips para masigurong tunay ang iyong U.S. dollars:

  • Kapain ang kada bill. Medyo makapal at magaspang ang tunay na bill.
  • Itapat sa ilaw ang pera at i-check kung may watermark o dobleng imprenta ng mukha. Halimbawa, sa isang $100 bill, dapat ay dalawang mukha ni Benjamin Franklin ang makikita mo.
  • Kung halagang $5 at mahigit ang pera mo, naka-print ang halaga sa bandang kanan sa ibaba. Kapag tinagilid mo ito, magbabago ang kulay ng numero.

Kung hindi naman dolyar ang ipapalit mo, subukan parin ang mga verifcation tips sa taas para malaman kung totoo ang pera o hindi.

2. Ingatan na hindi mapunit o madumihan ang iyong foreign currency bills

Naranasan mo na bang magbayad ng punit na bente sa isang jeepney driver tapos ibabalik lang niya ang pera mo at sasabihing, "Boss, hindi ako tumatanggap ng may punit." Maiinis ka at iisipin mo: "Ang arte naman ni manong driver! Pera pa rin naman ito."

Pero kahit saan ka naman pumunta, walang tatanggap sa punit, lukot, at maruming pera. Ikaw ba matutuwa kapag binigyan ka ng ganoong klaseng pera na hindi mo naman magagamit?

Ganun din kapag nagpapalit ka ng pera sa kahit anong money changer in the Philippines. Perang malinis at walang punit o lukot lamang ang tinatanggap para masiguradong hindi peke ang pera ayon sa pinatutupad na batas sa bansa.

Kaya itago at ingatan mo ang iyong foreign currency bago mo ito papalitan. Kung hindi, mauunahan ka ng aso o ng baby mo na punitin at paglaruan ang perang pinaghirapan mo sa abroad.

Suki Tip

Tumatanggap ang mga money changer ng punit na pera?

Hindi tumatanggap ang Palawan Express-Palawan Pawnshop, o kahit anong tanggapan o palitan ng pera, ng punit na o maduming bills mapa-local o foreign currency dahil walang kasiguraduhan kung valid ang magiging exchange.

3. Bilanging maigi ang iyong bills bago at pagkatapos mong magpapalit

Huwag mong kalimutang bilangin ang pera mo bago umalis ng bahay papunta sa isang money changer. Kung ayaw mong maholdap at umuwing luhaan, huwag na huwag magbibilang ng salapi sa isang pampublikong lugar.

Siyempre, habang bumabyahe, ingatan at laging bantayan ang bag mo. Mainam kung magsasama ka ng kaibigan o kamag-anak para safe ang pera mo bago at matapos ang iyong money changing transaction.

Makakatulong kung isulat mo sa isang papel o i-save sa cellphone mo ang halagang papalitan mo (pati serial number kung napa-praning ka) para maiwasan ang kaba at stress na baka mali ang halagang pinapalit mo.

Bilangin ding mabuti ang bills na inabot ng money changer sa'yo bago ka umalis. Nakakahiya at hassle na babalik ka sa currency exchange shop para magreklamo dahil kulang ang halagang inabot sa'yo. 'Yun naman pala, tama ang perang binigay sa'yo at hindi mo lang matandaan ang halaga.

Isa sa mga rason bakit maasahan ang Palawan Express money changer ay siguardo ang bilang, tama ang exchange rate, at mababa ang transaction fee.

4. Magpapalit ng barya? 'Wag mo nang i-push 'yan, teh!

fifty-and-twenty-centavo-coinsPhoto courtesy of Alexas_Fotos via Pixabay

Maaaring hindi tanggapin ng kahit anong bangko o money changer in the Philippines ang mga barya na nasa foreign currency. Para mas mabilis ang iyong money changing transaction, mga paper bills lang ang dalhin.

Eh paano na ang foreign coins mo? Kung babalik ka pa abroad, syempre magagamit mo pa uli ‘yan kaya itago mo na lang. Pero kung hindi ka na aalis ng Pinas, gawin mo nang souvenir ‘yan! Ipa-frame at i-display sa bahay. Oh ‘di ba, instant coin collector ka na. Soshal!

5. Makipag-transaksyon lamang sa ligtas at awtorisadong money changer

Para hindi ka ma-scam, iwasang magpapalit ng foreign currency sa mga tinatawag na black market exchanger. Ito ang mga illegal shops na may offer na napakababang exchange rate pero kapag nakuha na nila ang pera mo, itatakbo nila ito at maglalahong parang bula. Madalas, mga foreigner ang target nila pero para makasigurado, iwasan mo ring makipagtransaksyon sa kanila.

Paano mo malalaman kung safe at secure ang transactions sa isang money changer? Dapat ay isang lehitimong business ito in the Philippines na rehistrado at awtorisado ng Bangko Sentral ng Pilipinas. Dapat ay nasa isang ligtas na lugar ito para hindi ka aatakihin sa puso sa takot na baka manakawan ka. Pilliin ang best money changer in the Philippines—Palawan Pawnshop.

Bukod sa sangla at pera padala, makakaasa kang secure ang lahat ng money changing transactions dito. Kaya hindi ka mag-aalangang magpapalit ng kahit malaking halaga ng Dollar, Yen, o Riyal.

Sa lahat ng Palawan Pawnshop branches may reliable security guard para masiguro ang safety ng lahat ng customers. Honest din ang staff ng Palawan. Makasisiguro kang tama ang bilang ng pera mo. Kahit i-triple-check mo pa bago ka umalis!

Buti pa ang Palawan Pawnshop, laging mapagkakatiwalaan, hindi gaya ng ex mong salawahan. Sundin lang ang aming money changing tips at magtiwala lang sa pawnshop at money changer na pinagkakatiwalaan ng mga Pinoy for over 30 years!

Share: