Travel Abroad Checklist: Mga Kailangan Bago Umalis ng Bansa

Blog

May 12, 2021

travel-business-trip

Anong plano niyo ngayong bakasyon, mga suki? Ang daming pwedeng gawin sa bakasyon kasama ang barkada o pamilya kaya naman sulitin na ang panahon para gumala at mag-enjoy. Isang siguradong paraan para masulit ang bakasyon ay ang bumiyahe sa ibang bansa! Kung may ekstrang pera na naipon at pagkakataon, why not ‘di ba mga suki? Kung naka-book na kayo o kaya ay nagpa-plano pa lang mag-travel abroad, handog ng Palawan Pawnshop itong traveling abroad checklist para maayos at hassle-free ang biyahe niyo abroad.

Mag-research at magplano ang travel itinerary

Mag-research at magplano ang travel itinerary

Photo courtesy of Porapak Apichodilok via Pexels

Kung pupunta ka sa isang bansa na bago at hindi mo kabisado, kailangan talaga ng research. Pwede naman na iisipin mo lang ang gagawin mo sa mismong araw na ‘yon, pero isang international travel tip para sa wais na travel ay alam ang alamin muna ang pinakamaganda at pinakasulit na destinasyon sa lugar na pupuntahan.

Mag-search at magbasa ng mga Top 10 Places to Visit o kaya mga Must-See Destination na articles online para matulungan ka makapili ng mga trip mo puntahan at bisitahin habang naroroon ka. Kung hindi ka naman mahilig sa mga sikat na tourist spots, i-search mo din ang mga hidden destinations sa bansa na iyon para sulit ang biyahe.

Bumili ng tickets in advance sa lugar na gustong puntahan

Bumili ng tickets in advance sa lugar na gustong puntahan

Photo courtesy of Torsten Dettlaff via Pexels

May mga tourist spots tulad ng mga parks at museums na kailangan nang advanced booking bago maka-pasok. Kasama sa mga things to do before traveling abroad ay ang pagtingin kung ano ba ang mga guidelines ng mga lugar at destinasyon na pupuntahan mo abroad.

Kailangan ba ng advanced booking o pwede ang walk-in? Pwede ba pumasok kahit anong oras o may schedule? ‘Yan ang ang mga kailangan alamin upang hindi magulat at magulo ang mga plano mo sa araw na iyon.

Alamin ang currency ng bansa na pupuntahan

A-Close-Up-Shot-of-Philippines-Peso-Coins

Photo courtesy of Angie Reyes via Pexels

Hindi sa lahat ng bansa tinatanggap at pamilyar ang Philippine Peso (Php). Mabuti nang alamin ang currency exchange ng Pilipinas at ng bansa na pupuntahan mo. Ito ay para maka-ipon ng sapat (o kaya sobra) na pera para sa pagkain, pamasahe, pasalubong, at iba pang mga pangangailangan. 

Buti na lang at hindi mahirap makahanap ng money changer. Pumunta lang sa pinakamalapit na Palawan Pawnshop branch para papalitan ang iyong pera. Ngayon, tumatanggap na ang Palawan Pawnshop ng 21 foreign currencies tulad ng US, Australian, Canadian, and Brunei Dollar, Japanese Yen, Euro, at marami pang iba. Punta lang sa pinakamalapit na Palawan Pawnshop branch para magtanong o kaya ay i-check ang kanilang website para sa kanilang currency at money changer process. 

Magpaalam sa bank at card provider na aalis ng bansa

Magpaalam sa bank at card provider na aalis ng bansa

Photo courtesy of Pixabay via Pexels

Kahit na may baon na sapat na pera panggastos, isang wais international travel tip ang ipaalam sa iyong bank at credit card provider na ikaw ay aalis ng bansa. Ito ay para siguraduhin na hindi mamarkahan as ‘suspicious activity’ ang mga gastos na iyong gagawin sa labas ng Pilipinas. 

‘Wag mag-alala, ito ay isang safety prevention lamang para maiwasan ang identity theft o abnormal activity sa iyong bank account. Mas mabuti nang safe at sigurado ang iyong transactions, mga suki!

Siguraduhin valid ang passport o VISA na gagamitin

Round-Black-Chronograph-Watch

Photo courtesy of Omar Markhieh via Pexels

Suki, one thing to do before traveling abroad, bago ka pa mag-book o kaya’y maghanap ng destinasyon ay tignan kung valid pa ba ang passport mo. Siguraduhin mo muna na pwede pa gamitin ang passport na gagamitin mo para umalis at bumiyahe ng ibang bansa. Kung may mga gusto kayo malaman, may FAQ page ang Consular Affairs para iyong mga katanungan. Kung wala diyan ang mga tanong, pwede naman sila tawagan para mas klaro.

Para malaman kung valid o pwede pa gamitin ang iyong passport, hanapin ang Expiration Date ng iyong passport. Kasama ng iyong pangalan at mga importanteng detalye tulad ng address at birthday ay nakalagay ang din validity period ng iyong passport. Check mo muna kung pasok sa validity ang mga araw ng iyong biyahe, suki! May mga nadadale sa biyahe dahil sa mga simpleng pagkakamali na ganito.

Magdala ng extra copies ng passport at mga dokumento

Magdala ng extra copies ng passport at mga dokumento

Photo courtesy of Nicole Harrington via Unsplash

Kung handa na ang lahat ng dokumento para sa iyong trip abroad, gumawa at magdala na ng ekstrang kopya bago ka umalis ng bansa. Ipa-photocopy mo na ang iyong passport, VISA, IDs, airplane tickets, hotel bookings, at kahit anong mga mga advanced booking na ginawa mo bago umalis ng bansa.

Kung ikaw lang ang pupunta abroad, dapat palagi mong dala ang mga dokumento na ito in case na mawala ka sa ibang bansa. Kung isang grupo naman kayo, dapat lahat ay handa at may kopya ng papeles na ito. Para lang sigurado, mag-iwan ng mga dokumento at papeles sa bahay at iiwan sa pamilya o katiwala sa pamilya kung sakaling kakailanganin.

Magbaon ng sariling gamot

Magbaon ng sariling gamot

Photo courtesy of Pixabay via Pexels

Kahit saang dako man ng mundo ay may drugstore. Pero mas mabuti nang handa sa mga posibleng mangyari, suki! Magbaon na ng lahat ng klase na gamot pang-travel tulad ng paracetamol para sa sakit ng ulo, ibuprofen para sa sakit ng katawan, loperamide para sa sakit ng tiyan, at anti-histamine para sa mga biglaang allergy.

Kung mayroon ka mang mga prescription drugs o kaya ay emergency medicine na sa tingin mo ay kakailanganin habang ika’y nasa ibang bansa, mag-set ng appointment sa iyong doktor para ma-secure ang mga gamot na iyong kakailanganin.

Magdala ng universal travel adapter

Magdala ng universal travel adapter

Photo courtesy of rawpixel.com via Pexels

Iba’t ibang bansa, iba’t ibang power plug at voltage. Siguraduhin na macha-charge mo ang phone, powerbank, at camera mo kahit saan mang bansa ka na mapunta. May mga hotel o accommodation na magpapahiram ng kanilang adapter, pero magdala na rin ng sariling adapter para handa ka sa kahit anong mangyari.

Isama mo na ang travel charger adapter sa iyong traveling abroad checklist, suki! May mga mahahanap ka na ganito sa mga online shops o kaya ay sa mga hardware o department store sa mga mall. 

Magbaon ng snacks sa biyahe

Magbaon ng snacks sa biyahe

Photo courtesy of Pixabay via Pexels

Hindi kumpleto ang biyaheng Pinoy kung walang pagkain. Kahit sa ibang bansa ka man pupunta, magbaon pa rin ng mga snacks sa hand carry luggage mo. Ito ay isang international travel tip para hindi ka magutom pagkababa mo ng eroplano at naghahanap pa kayo ng kakainan o kaya ay naghihintay ng check-in time sa hotel.

Siguraduhin mo lang na pwede sa airport ang pagkain na iyong dadalhin. Dapat hindi madaling mapanis, mangamoy, o mahulog sa bag ang mga dadalhin na pagkain. Simpleng mga biskwit, tinapay, at tubig ay sapat na para kainin mo habang naghihintay. 

Magdala ng extra na damit sa hand carry

Magdala ng extra na damit sa hand carry

Photo courtesy of Lum3n.com via Pexels

Para sa mga mahaba ang biyahe o kaya mga connecting flight, magdala na ng ekstra na damit sa hand carry mo suki. Ito ay para hindi ka na magbababa at magaayos ng bagahe sa gitna ng flight. Ang international travel tip na ito ay para rin sa mga pagkakataon na nawawala ang check-in lugggage, atleast may baon kang damit na pamalit.

Kapag biya-biyahe abroad, magsuot ng simple at komportable na damit. Kahit gaano katagal o kabilis ang biyahe mo sa ibang bansa, kailangan nakakagalaw ka ng mabuti sa suot na damit. Iwasan muna ang bonggahan na airport OOTD, isuot mo na lang ‘yan ‘pag rarampa na sa ibang bansa.

At iyan ang traveling abroad checklist na iyong kailangan. Hangad namin na maging responsableng traveler ka at ng iyong mga kasama ngayong bakasyon. Sundin lang ang mga international travel tips na aming binigay at sure na safe at enjoy ka sa iyong international travel. Ingat sa biyahe, mga suki!

Share: