9 Patok na Tourist Spots sa Palawan for Your #TravelGoals

Blog

May 23, 2022

reason-go-coron-palawan

Maswerte tayong mga Pinoy dahil nasa bansa natin ang ilan sa pinakamagandang isla sa mundo. #Blessed, ika nga. Kung isa sa mga #travelgoals mo ngayong taon ay libutin ang Pilipinas, unahin sa listahan ang Palawan!

Sino ang hindi maiin-love sa kagandahan ng Palawan? Dito matatagpuan ang mga sikat at mala-paraisong beach ng Pinas. Kaya hindi nakapagtataka na nanguna ito sa listahan ng "World's Best Islands for 2017" ng isang kilalang travel magazine. Kakaibang food trip din ang mae-experience mo rito dahil dito mo lang matitikman ang exotic na tamilok at crocodile sisig.

Dito rin nagsimula ang Palawan Pawnshop. Sa Puerto Princesa binuksan ang first Palawan branch noong 1985. Ngayon, lumago ito sa mahigit 2,000 branches nationwide.

Kaya huwag mag-alala kapag na-short ka sa cash habang nagbabakasyon sa Palawan at walang mahanap na ATM. May Palawan Pawnshop branches kung saan makakapag-withdraw ka gamit ang cash card/ATM withdrawal service: El Nido, Coron, Busuanga, Narra, Quezon, Roxas, Taytay, San Vicente, at marami pang iba.

Nagpa-plano ka ba ng bakasyon sa Palawan kasama ang iyong pamilya o barkada? Eto ang mga patok na lugar na dapat bisitahin.

1. Puerto Princesa Underground River

Puerto Princesa, Palawan

Photo courtesy of paweesit via Flickr, Creative Commons

First time mo ba sa Palawan? Huwag palampasin ang pagkakataong mabisita ang pinakasikat nitong tourist spot.

Isa sa mga Pinoy pride ang Underground River sa Puerto Princesa na isang UNESCO World Heritage Site at kabilang sa prestihiyosong New 7 Wonders of Nature.

Mapapa-nganga ka sa pagkamangha dahil sa sobrang ganda ng tanawin at kakaibang mineral formations. Pero keep your mouth closed 'pag nasa loob ka ng kweba kung ayaw mong mananghalian ng dumi ng paniki.

Kung gusto mong makatipid, pwede kang mag-D.I.Y tour ng Underground River. Pero kung ayaw mong ma-hassle sa pagpila para sa permit, mag-book ka ng tour package bago ka pumunta sa Palawan. 

2. El Nido

El Nido Palawan

Photo courtesy of Avid Explorer via Pixabay

Sulit na sulit ang limang oras na biyahe papuntang El Nido (mula sa Puerto Princesa) dahil sa amazing beauty nito. Naglalakihang limestone cliffs at magagandang beach ang sasalubong sa 'yo.

Patok ang island hopping sa mga turista sa El Nido. Enjoy mag-snorkeling at kayaking! Kung hindi keri ang nakakapagod na activities, nakaka-relax pagmasdan ang kagandahan ng kalikasan. Picture-picture din para hindi sayang ang #OOTD!

Da best ang mga lagoon at beach sa El Nido, lalo na ang Big Lagoon, Small Lagoon, Secret Lagoon, Matinloc Shrine, Talisay Beach, Shimizu Island, Helicopter Island, at marami pang iba!

Kung sunset view ang trip mo, sumakay ka lang ng tricycle sa bayan papunta sa Corong-Corong Beach o sa Maramegmeg Beach.

At sa gabi, maraming bukas na bars at restaurants sa El Nido para tumambay, kumain, at mag-chill matapos ang buong araw na island hopping.

3. Coron

Coron, Palawan

Photo courtesy of Ray in Manila via Flickr, Creative Commons

Tulad ng El Nido, kilala ang Coron dahil sa mga napakagagandang isla at limestone rock formation. Ang kaibahan lang ay mas payapa sa Coron, lalo na sa gabi.

Exciting na adventures sa ilalim ng dagat ba ang hanap mo sa Palawan? Sa Coron mo 'yan matatagpuan! Sikat ang Coron sa makukulay na corals at ibang marine life dito. Kapag nag-diving o snorkeling ka, pwedeng may makasabay kang pawikan o may makikita kang nakalubog na lumang barko mula sa World War II. Cool, ‘di ba?

When in Coron, siguraduhing puntahan ang mga lugar na ito: Malcapuya Island, Banana Island, Barracuda Lake, at Kayangan Lake. Try mo ring mag-hiking sa Mt. Tapyas kung saan maganda ang sunrise at sunset view. 

4. Port Barton

Para sa mga turistang ayaw sa matao at maingay na lugar, perfect ang tahimik na bayan ng Port Barton. Malayo at hirap bumiyahe papunta rito, kaya kaunti lang ang bumibisita. 

Kumpara sa El Nido at Coron, mas chill at relaxing ang vibe ng Port Barton. Pero magugustuhan din ito ng mga taong mahilig sa adventure dahil may island hopping tours at trekking sa Pamuayan Falls.

5. Honda Bay

Kung ilang araw lang ang stay mo sa Puerto Princesa, sulitin ang bakasyon at bisitahin ang Honda Bay. Kalahating oras lang ang biyahe papunta rito mula sa siyudad. Maraming white-sand beach dito kung saan enjoy mag-swimming at snorkeling: Cowrie Island, Luli Island, Pandan Island, Starfish Island, at iba pa.

6. San Vicente Long Beach

Long_Beach_in_San_Vicente

Photo courtesy of Jimaggro via Wikimedia Commons

Bukod sa mga magagandang beach, nasa Palawan din ang pinakamahabang white-sand beach sa Pilipinas. Nasa 14 kilometro ang San Vicente Long Beach—tatlong beses na mas mahaba kaysa sa White Beach sa Boracay. Kaunting turista lang ang bumibisita rito, kaya posibleng masolo mo ang beach sa Palawan trip mo.

7. Tabon Caves

Tabon-Cave

Photo courtesy of Jimaggro via Wikimedia Commons

Hindi kasing popular ng ibang Palawan tourist spots ang Tabon Caves. Pero isa itong importanteng lugar sa bansa dahil sa taglay nitong kasaysayan. Dito nahukay ang mga pinakalumang ebidensya ng sinaunang tao sa Pilipinas. Mala-field trip ang experience dito. Maganda ring i-explore ang limestone formations sa loob ng kweba.

8. Narra

Mahigit 60 ang waterfalls sa maliit na bayan ng Narra. Pinakamadaling puntahan ang Estrella Falls—isa sa mga pinakamalinis na anyong-tubig sa bansa. Fresh at malamig ang tubig, kaya mag-eenjoy ang buong pamilya na mag-swimming at mag-bonding rito. Mura lang ang entrance fee rito kaya isama na ang iyong loved ones!

Maraming ibang activities na pwedeng gawin sa Narra, gaya ng pagre-relax sa San Isidro Hot Spring, island hopping, at pagtikim ng iba't-ibang kakanin.

9. Taytay

Fort_Sta

Photo courtesy of Jimaggro via Wikimedia Commons

Sa mga magbabakasyon sa El Nido, madadaanan ng biyahe ang kalapit na bayan ng Taytay. Katulad ng ibang isla sa Palawan, may magagandang snorkeling at diving spots rito. Pero ang binibisita rito ng maraming turista ay ang Fort Sta. Isabel na itinayo mahigit 300 taon ang nakalipas. Alam mo bang gawa lamang ito sa corals at puti ng itlog? Literal na astig!

Medyo may kamahalan nga lang ang pag-iisland hopping around Palawan Suki, kaya mag-ingat at bantayang maigi ang budget at baka kapusin! Kung kapusin man, maaasahan mo ang Palawan Pawnshop na matulungan kang maresolba ang problemang ito! Paano kamo? Aba, siyempre with Palawan Pawnshop Express Pera Padala! Bilang marami tayong branches sa buong bansa, at madaling madali lang din ang proseso ng how to send money, makakapag-pabilin ka ng padala sa mababang rate at tanggapin ito sa mga branches natin sa Palawan.

Paboritong destinasyon ng nature lovers ang Palawan dahil sa taglay nitong natural beauty. Kaya masarap itong balik-balikan. Alin sa mga lugar na ito ang pinaka-bet mong puntahan? 

Share: