-
Services
-
Pera Padala
Mura, mabilis, at walang kuskos-balungos! Palawan Express Pera Padala is a fast, easy, convenient, and simple domestic money remittance service brought to you by Palawan Pawnshop. Learn more about us here today!
-
Pawning
Always the Matatag, Maaasahan, and Mapagkakatiwalaan. With over 3,000 branches nationwide, Palawan Pawnshop accepts gold jewelry items with high appraisal and lowest interest rates at a fast and reliable service. Pawn now!
-
International Remittance
Fast, Reliable, Affordable, and Hassle-free International Money Transfer.
-
-
Partner With Us
-
International Partner
Palawan Express Pera Padala is continuously expanding its network through partnership with reputable remittance companies worldwide to deliver fast and secure remittance payout to millions of Filipino beneficiaries in the country.
-
Corporate Client
Palawan Express Pera Padala offers tailored partnerships to meet client’s strategic business objectives. We render corporate solutions to make sure client accounts are profitable and growing.
-
Domestic Partner
Palawan Express Pera Padala widens its network through accrediting reputable entities as Authorized Agents. This greatly helps our valued customers to quick and easy access to Palawan Express remittance services across the country.
-
- Press Room
- Promos
- Advocacy
- FAQs
- About Us
- Careers
Bakasyon sa Pinas? 8 Wais Traveler Tips You Should Know
March 19, 2021
Mga suking OFW! Magba-bakasyon na ba kayo sa Pinas ngayong summer? Kung oo, malaking tulong sa inyo ang mga wais OFW traveler tips na handog ng Palawan Pawnshop!
Alam ng Palawan Pawnshop kung gaano ka-importante para sa pamilyang Pilipino ang magsama-sama. At sa mga panahong madalang makakauwi ang mga mahal natin sa buhay na nakikipagsapalaran sa ibang bansa, dapat lang ay magkaroon ng pagkakataon na mag-travel at mag-enjoy ang buong pamilya.
Para masigurong magiging #TravelGoals ang inyong trip, ang mga sumusunod ay ilan sa mga wais OFW traveler tips na siguradong makakatulong sa inyo:
Mag-plano muna ng pupuntahan
Photo courtesy of Natalie B. via Pexels
Maraming magsasabi na mas natutuloy ang mga lakad na hindi planado. Maaaring totoo ‘to sa iba, pero naniniwala ang Palawan Pawnshop na mas wais pa ring i-plano ang lakad lalo na para sa ating mga kababayang magba-bakasyon.
Madalas umuwi ang mga kababayan nating OFW tuwing Summer o Christmas season kaya karaniwang punuan ang mga hotel at resort ng mga kilalang travel destinations at tourist spots ng ganitong mga panahon. Kaya naman habang maaga pa, dapat ay planuhin na kung kailan at saan pupunta, i-book na ang transportation papunta at pauwi pati ang accommodation o ang tutuluyan sa lugar na napiling puntahan.
Kung ang inyong destinasyon ay nangangailangan ng air travel ay makakamura din kapag maagang mag-book ng flights. Kaya naman napaka-importante na maaga pa lamang ay maplano at mapagdesisyunan na ang inyong travel.
Gaya ng sabi namin palagi, “It’s more fun in the Philippines”! Kaya naman sa pagpili ng inyong pupuntahan ay mas maganda kung isa sa ating mga local tourist destinations ang tignan kagaya ng Palawan.
Araling maigi ang napiling destinasyon
Photo courtesy of DariuszSankowski via Pixabay.
Isa sa mga dapat pag-isipan nang maigi ay ang inyong travel destination. Ilan sa mga dapat isipin ay kung ano ang klima sa inyong gustong puntahan sa panahon ng inyong pagpunta. Dapat alamin kung maulan, maaraw, mainit, o malamig sa inyong pupuntahan upang masiguradong handa kayo sa sa inyong pagpunta.
Maganda rin kung malalaman ninyo agad ang mga tourist spots sa inyong pupuntahan para naman masulit ang inyong pagpunta at hindi lang kayo maglalagi sa hotel o resort na inyong paglalagian.
Wais ding malaman ang mga kainan at bilihan para naman malaman kung saan mas makakatipid, at kung saan din ang mga magandang pagbilhan ng mga makakain at pasalubong.
Maghanap ng mga promo at deals
Photo courtesy of Rawpixel via Pixabay.
Ang mga wais na traveler ay marunong tuminin at bumusisi sa mga deals at promo na makakatulong maging sulit ang inyong lakad. Maraming mga sites at apps na nagbibigay ng mga sulit na deals kagaya ng discounts at mga freebies sa mga activities, pati na rin sa transportation at accommodation. Ugaling mag-check kung may sulit na travel promo bago mag-confirm sa inyong naunang travel booking.
Marami ding mga travel agencies na nagbibigay ng sulit na mga travel package na makakatulong din mapadali sa inyong pagpaplano. Maghanap ng mga accredited na travel agencies para makasiguradong mapagkakatiwalaan ang inyong ka-transaksyong travel agency.
Gumawa ng checklist bago umalis
Photo courtesy of Suzy Hazelwood via Pexels
Para makasiguradong walang makakalimutan sa inyong lakad ay mas mabuting gumawa ng checklist ng mga dapat gawin. Ilang sa mahahalagang dapat nasa checklist ay kung ano ang mga dapat bayaran bago ang petsa ng pagpunta, at kung ano ang mga babayaran sa pagdating. Nakalista din dapat ang mga dapat bilhin kagaya ng mga dadalhin na kagamitan at kasuotan.
Pack Wisely
Photo courtesy of Nappy via Pexels
Pagdating sa mga dalahin, maraming nagsasabi na pack light. Para sa Palawan Pawnshop, ang tamang gawin ay pack wisely.
Dapat siguraduhin na sapat ang mga dalang damit, pati na ring ang mga kagamitang personal. Kung ibig sabihin nito ay kailangan ng baggage allowance, ay dapat itong mabili agad para hindi na magkaroon ng excess baggage.
Kung sasakay ng eroplano ay dapat siguraduhing sumusunod sa mga patakaran lalo na sa mga liquids at sa mga bagay na pwede at hindi pwede dalhin sa handcarry.
Siguraduhin ding dala ang mga kinakailangan mga papeles at dokumento kagaya ng passport (kung international travel man), mga resibo ng mga paunang bayad, mga pruweba ng reservation, at mga voucher.
Magdala ng extra cash at i-ready ang mga card
Photo courtesy of Stevepb via Pixabay
Inaasahan na ang gastos kapag nagta-travel. Ilan dito ay ang pagkain, mga pasalubong, mga libangan, at pati na rin ang ilang mga biglaang gastos o emergency. Kung kaya naman ay pinapayuhan na laging magdala ng extra na pera upang makasigurong handa sa kung ano mang pangangailangan.
Makakatulong din kung may dalang debit o credit card na mapagkukuhanan ng panggastos kapag wala nang cash. Ugaliing itawag agad sa bangko kung ikaw ay aalis para hindi ma-block ang inyong card matapos mag-transact sa lugar na kung saan ikaw ay pupunta.
Kung kailangan magpapalit ng pera ay may maasahan ang Palawan Pawnshop at Palawan Express Pera Padala na magbibigay ng sulit na exchange rates sa inyo. Makikita naman sa online money changer kung anong mga pera ang maipapapalit. Kung hindi ka naman sigurado kung saan mahahanap ang mga branch, maaari ring alamin what is the contact number of the branch closest to your location gamit ang branch finder sa website.
Huwag panghinayangan ang travel insurance
Photo courtesy of Rawpixel via Pixabay
Kapag ikaw ay bumabiyahel, maririnig mo ang travel insurance. Minsan ito ay optional, ay minsan naman ay kasama na sa inyong babayaran. Kung ito may ay optional, wag mo itong panghinayangan.
Kasama dapat sa paghahanda ng inyong travel ang paghahanda sa kung ano mang mangyayari habang ikaw ay bumabiyahe, local man o international. Ang insurance ay makakatulong na maproteksyunan ka sa aksidente.
Mas maigi kung hindi kakailanganin na gamitin ang benepisyo ng iyong travel insurance, ngunit kapag may hindi inaasahang magaganap, malaking tulong ang insurance.
I-secure ang bahay bago umalis
Photo courtesy of PhotoMix Ltd. via Pexels
Ang panghuling wais travel tip ng Palawan Pawnshop sa inyong mga suking OFW ay siguruhing secured ang inyong bahay kung kayo ay aalis, lalo na kung walang maiiwan sa inyo.
Mas maigi kung maihahabilin sa kamag-anak ang inyong bahay, o kaya naman ay sa pinagkakatiwalaang kapitbahay.
Kung walang tatao sa inyong bahay, mabuting patayin ang main switch ng kuryente upang masigurong hindi magkakaroon ng sunog na sanhi ng kuryente.
I-lock din lahat ng pinto at gate, at siguruhing nakasara ang mga bintana.
Hangad namin na maging responsableng traveler kayo ngayong bakasyon! Nais ng Palawan Pawnshop at Palawan Express Pera Padala na matagumpay ang bakasyon ng ating mga suking OFW. Kaya naman ang mga tips na nabanggit sa taas ay para lang sa inyo. Ingat sa biyahe, mga suki!
Related Article
-
Palawan Pawnshop Pet Insurance Para ProtekTODO si Bantay
Blog05 / 29 / 2024
-
Palawan Pawnshop: Your One-Stop Shop for Bills Payment Needs
Blog05 / 29 / 2024