-
Services
-
Pera Padala
Mura, mabilis, at walang kuskos-balungos! Palawan Express Pera Padala is a fast, easy, convenient, and simple domestic money remittance service brought to you by Palawan Pawnshop. Learn more about us here today!
-
Pawning
Always the Matatag, Maaasahan, and Mapagkakatiwalaan. With over 3,000 branches nationwide, Palawan Pawnshop accepts gold jewelry items with high appraisal and lowest interest rates at a fast and reliable service. Pawn now!
-
International Remittance
Fast, Reliable, Affordable, and Hassle-free International Money Transfer.
-
-
Partner With Us
-
International Partner
Palawan Express Pera Padala is continuously expanding its network through partnership with reputable remittance companies worldwide to deliver fast and secure remittance payout to millions of Filipino beneficiaries in the country.
-
Corporate Client
Palawan Express Pera Padala offers tailored partnerships to meet client’s strategic business objectives. We render corporate solutions to make sure client accounts are profitable and growing.
-
Domestic Partner
Palawan Express Pera Padala widens its network through accrediting reputable entities as Authorized Agents. This greatly helps our valued customers to quick and easy access to Palawan Express remittance services across the country.
-
- Press Room
- Promos
- Advocacy
- FAQs
- About Us
- Careers
7 Memorable Celebration Ideas Ngayong Valentine’s Day
February 08, 2021
Maraming pagbabago ang nangyari dulot ng COVID-19 pandemic. Naging mahirap ang pag-adjust sa nakararami ngunit ang iba naman ay sinulit ang panahon upang makasama ang kanilang mga mahal sa buhay. Kailangan pa din sumunod sa safety guidelines lalo’t mayroon nang naitalang kaso na nagpositibo para sa UK variant COVID-19 sa Pilipinas.
Isa sa mga bagay na dapat i-expect sa new normal ay ang pagbabago ng paraan ng pagcecelebrate ng iba’t ibang okasyon gaya ng birthday, kasal, christmas, pati na rin ang nalalapit na Valentine’s day. Ngunit hindi ito nangangahulugan na wala nang paraan upang hindi magcelebrate kasama ang iyong mga mahal sa buhay. Hindi man kagaya nang dati ang mga celebration, maaari pa rin itong gawin kahit sa simpleng paraan.
Ngayong nalalapit na ang Valentine’s Day, challenge ito sa mga couples na gustong mag-celebrate ng kanilang pag-iibigan na walang risk na madapuan ng virus. Maaari din itong sulitin para sa tipid but memorable Valentine’s Day celebration. Narito ang iba’t ibang Valentine’s Day Celebration Ideas na pampakilig kahit ngayong pandemic.
1. Magluto ng home-cooked meals.
Photo courtesy of Malidate Van via Pexels
Hindi kailangan ng magarbong celebration o gumastos ng mahal upang maipadama sa iyong partner ang iyong pagmamahal. Maaari itong gawin kahit sa simpleng paraan kagaya ng pagluluto. Sabi nga ng mga nakatatanda, “a way to a man’s heart is through his stomach”. Siguradong sa pagluto ng masarap na meal ay mapapasaya mo ang iyong mahal sa buhay.
Magsearch sa internet ng masasarap na dishes kagaya ng no-bake Filipino style Lasagna na madali lamang i-prepare. Maaari din na lutuin ang inyong first meal sa inyong first date. Mapapadama mo sa iyong partner ang iyong sincere na pagmamahal at maaari pa kayong magreminisce kung ano ang inyong naramdaman nung una kayong nagkakilala.
2. Staycation.
Photo courtesy of Engin Akyurt via Pexels
Kung gusto ‘nyo namang mag-relax at chill sa ibang lugar ay maaari kayong magspend ng Valentine’s Day sa pag-staycation. Maiiwasan ang maraming tao at makakapagpahinga kayo kasama ang isa’t isa. Magbook ng hotel na may magandang view para sa mas magandang ambience. Siguraduhin lamang na safe at malinis ang inyong hotel at ito ay DOT-accredited.
Magsearch ng malapit na restaurant sa inyong hotel para sa romantic dinner o di naman kaya ay magpadeliver ng pagkain. Ang mahalaga ay magkasama kayo ng iyong partner at malayo sa stress. Iwasan ang pagsagot ng calls regaring work o pag-scroll sa iyong phone upang magkaroon ng quality time.
3. Mag-bake ng magkasama.
Photo courtesy of Elly Fairytale via Pexels
Hindi lamang pagtravel o pagkain na masarap na dinner ang paraan upang icelebrate ang araw ng mga puso. Maaari din kayo mag-bake nang magkasama na magagawa ninyo kahit sa loob lamang ng bahay at hindi na kailangan pa gumastos ng malaking halaga. Sa ganitong paraan ay makakagawa kayo ng sarili n’yong Valentine’s Day cake o iba pang pastries at maeenjoy nyo pa ang exprience together.
Kung hindi masyadong confident sa inyong baking skills, huwag kang mag-alala, suki! Maraming baking tutorial vlogs ang mayroon sa youtube na napakadaling sundan at maaari nyong maging gabay sa pagba-bake. Manood ng food vlogs kagaya ng Food Network, Tasty, at Yummy kung saan matututo kayo kung paano gumawa ng simple recipes nang walang bayad.
4. Movie marathon.
Photo courtesy of cottonbro via Pexels
Dahil hindi pa bukas ang mga cinema ngayong panahon ng pandemic ay maaari kayo mag-movie marathon at makapag-enjoy nang hindi lumalabas ng bahay. Sulitin ang araw na ito upang panuorin ang mga movies na matagal nyo nang gusto mapanood ngunit walang time o pagkakataon na panuorin ng sabay.
Mag-cuddle habang nanunuod ng inyong favorite movie or series. Maaari din kayo magprepare ng popcorn o magpadeliver ng pizza upang mas ma-enjoy ang inyong simple celebration ngayong Valentine’s Day. Hindi kailangan gumastos ng mahal dahil ang presensya ng isa’t isa ang pinakamagandang regalo ngayong araw ng mga puso.
5. Magsulat ng love letter.
Photo courtesy of cottonbro via Pexels
Sa panahon ng technology at mobile phones ay madali mo nang makakausap ang iyong mga mahal sa buhay. Mayroon ding video call upang lagi silang makita sa tuwing namimiss niyo ang isa’t isa. Ngunit iba pa rin ang kilig na dulot ng handwritten love letters dahil sa effort at sincerity ng pagsusulat upang maipayahag ang iyong tunay na pagmamahal.
Ilagay sa sulat ang kanyang magagandang katangian na bumighani sa’yo at ang iba pang mga bagay na hindi mo nasasabi sa chat o text massage. Ang maganda sa love letter ay maaari niya itong itago at balikan pagdating ng panahon. Tunay nga na nakakakilig ang kwento ng ating mga lolo’t lola nung panahon na wala pang internet at sa pagsusulat lamang nila naipapayahag ang kanilang pagmamahal sa isa’t isa.
6. Gumawa ng scrapbook.
Photo courtesy of Lisa Fotios via Pexels
Ang araw ng mga puso ay ang pag-alala sa mga mahal mo sa buhay at okay lang na maging cheesy kahit paminsan minsan! Alalahanin ang inyong pagsasama sa paggawa ng scrapbook kung saan maaari ka maglagay ng inyong mga selfies at lugar na napuntahan nyo nang magkasama. Huwag din kalimutan ilagay ang mga important dates at events sa inyong buhay upang maparamdam mo sa iyong partner na lagi mo syang naaalala.
Hindi kailangang gumastos ng malaki upang makagawa ng magandang scrapbook. Magprint lamang ng inyong mga pictures at lagyan ng konting palamuti. Mas maganda rin kung lalagyan ito ng short messages upang pakiligin ang iyong partner habang binabasa ito. Tumingin sa iba’t ibang websites kagaya ng Pinterest upang makakuha ng ideas sa paggawa ng magandang scrapbook.
7. Mag-bike ride.
Photo courtesy of Samson Katt via Pexels
Kung parehas kayong adventurous at health conscious, maaari kayong mag-bike ride nang magkasama. Hindi man ito ang kadalasang ginagawa ng mga couples tuwing Valentine’s day ay marami naman itong health benefits. Siguradong maeenjoy ninyo ito habang tumatanaw sa magagandang view at makakapag-exercise pa na magkasama.
Piliin ang hindi matataong lugar para mag-bike at siguraduhin na i-maintain ang social distancing. Ang Valentine’s Day celebration ay pag-spend ng oras kasama ang iyong partner habang ginagawa ang mga bagay na parehas kayong mag-eenjoy. Maging healthy nang magkasama sa araw ng mga puso.
Maraming bagay ang nagbago ngayong panahon ng pandemic kagaya ng paraan ng celebration ngunit isang bagay ang hindi dapat nag-iba - ang pagmamahalan ninyo sa isa’t isa. Panatilihin ang mga bagay na nakakapagpakilig sa inyo kahit sa simpleng paraan. Ang Valentine’s Day celebration ay isang araw upang maipadama sa iyong mahal sa buhay kung gaano sila ka-importante sa iyo. Ngunit mas mahalaga pa rin ang araw-araw na pagmamahal at effort upang maipakita ang inyong pagmamahal.
Related Article
-
Palawan Pawnshop Pet Insurance Para ProtekTODO si Bantay
Blog05 / 29 / 2024
-
Palawan Pawnshop: Your One-Stop Shop for Bills Payment Needs
Blog05 / 29 / 2024