Mga ‘di Mahal na Valentine’s Gift Ideas para kay Mahal

Blog

February 11, 2021

jan-valentines-gift-ideas-ft-img-1

Valentine’s day is just around the corner mga Suki at ngayong taon kailangan maging creative dahil sa nagpapatuloy na pandemic.

Mahirap gawin ang mga nakasanayan noon lalo na’t may kumakalat na bagong variant ng COVID-19. Bukod dito ay patuloy din ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin kaya kailangan maging wais sa Valentine’s gifts ideas para sa’yong boyfriend o girlfriend. Kaya challenge talaga this 2021 para sa marami kung paano maghanap ng tipid but memorable Valentines date gifts.

Sa pagiging COVID-positive ka lang talaga hindi mapapasigaw ng SANA ALL. Kaya this Valentine’s day, say “I love you” to our medical frontliners sa pamamagitan ng pag timpi na lang sa bahay para maiwasan ang pag contribute sa pag dami ng mga kaso sa bansa. Nakaligtas ka na nga, nakatipid ka pa sa gastos!

Tingnan ang mga no gastos regalo ideas para sa’yong love one this Valentine’s sa article na ito:

Para Sa Mga Magkalayo

1. E-numan kasama ang barkada

jan-valentines-gift-ideas-15Photo courtesy of Chris Montogomery via Unplash

Sa halip na lumabas at magkalat ng virus, bakit hindi na lang magkita-kits gamit ang mga iba’t ibang video conferencing tools gaya ng Zoom o kaya naman Facebook messenger? Mag celebrate ng Valentine’s day with your girlfriend or boyfriend kasama ang inyong mga kaigbigan sa pamamagitan ng Zoom party o ika nga ng mga bagets, E-numan.

Okay lang naman na kayong dalawa lang ng iyong partner pero mas maganda kung mas marami. Tulong ‘nyo na rin sa mga friends ‘nyong single ang imbitasyon dahil ayon na nga sa The New York Time’s, hindi man sila umaamin pero napakahirap harapin ng pandemya lalo na kung single ka.

Kaya suki ngayon Valentine’s day ay gawing Sana ALL to Sana OL (OL=online), Gets ba? Sige tawa ka na lang.

2. Manood ng online concerts

jan-valentines-gift-ideas-2aPhoto courtesy of Sam Moqadam via Unsplash

Kung hindi niyo feel manuod ng mga films sa bahay, pwede rin na manuod ng mga libreng online concerts na kadalasang makikita sa Youtube.

Para i-level up ang listening and viewing experience, pwede kayong gumawa ng instagrammable na pillow fort o bahay-bahayan. Idecorate ito gamit ang iyong mga stuffed toys o mga Christmas at fairylights na ginamit noong nakaraang pasko.

‘Di ba ang sarap mag chill sa ganito kasama si partner habang umiinom ng wine at nakikinig sa music?

3. Mag-date sa mga online gaming platforms

jan-valentines-gift-ideas-3aPhoto courtesy of Amrothman via Pixabay

Napakaraming paraan kung paano maaaring makipagkita sa iyong partner o iyong nililigawan ngayong Valentine’s day nang di lumalabas lalo na kung malayo kayo sa isa’t isa.

Kung pareho kayo ng interests at passion sa onlline gaming halimbawa, puwede kayong mag set ng date gamit ang mga platforms na ito.

Halimbawa na nga nito ang ilang mga taong gumagawa ng romantic dates gamit ang Animal Crossing: New Horizons. Gumawa ng design sa iyong island na pwede mong puntahan kasama ang iyong partner. Just make sure na bayad ang iyong utang na bells kay Tom Nook para hindi ka niya pag-initan.

Kung wala ka naman ng mga bonggang console gaya nang switch, eh napakarami pang puwedeng pagpiliian na mobile games. Ilan sa mga ito ang Genshin Impact at Mobile Legends. Pwede kayong tumapos ng mga quests na magkasama at magpalit ng mga rare items at design skins!

Para sa mga live-in o homebodies

4. Movie or K-drama night

jan-valentines-gift-ideas-4aPhoto courtesy of Cottonbro via Pexels

Sarado ang lahat ng mga sinehan dahil hindi naman ito kasama sa mga essential services. Mahal din naman na pumunta sa mga cinema drive through tulad ng mga ginagawa sa mga ilang malls.

Sa halip na lumabas at mag take ng risk, manuod na lang kasama si Mahal ng mga pelikula mula sa mga streaming services tulad ng Netflix at Disney+.

Marami ring libreng original Filipino films na makikita sa Youtube na in-upload ng TBA studios sa channel nila. Ilan sa mga hindi dapat palagpasin ay ang ‘I’m Drunk I Love You’ (2017) at ‘Tayo sa Huling Buwan ng Taon’ (2019).

Wala ka na ngang ginastos para sa Valentine’s day gift kay girlfriend o boyfriend, nasuportahan mo pa ang Philippine film industry.

5. Magluto kasama si partner sa bahay

jan-valentines-gift-ideas-5aPhoto courtesy of Cottonbro via Pexels

Imbis na magbihis at gumastos ng marami sa labas, bakit hindi na lang magluto kasama si partner sa inyong condo o apartment?

Iwasan na muna ang pag-order ng mamahaling putahe sa mga online restaurants dahil malaking gastos pa ito.

Subukan sa halip ang mga bagong recipes na pwede niyong pagsaluhan para sa inyong dinner date. Napakaraming romantic home-cooked meals na maaari niyong lutuin nang magkasama. Nabusog na kayo ni boyfie, nakapag bonding pa kayo sa loob ng bahay.

6. Gumawa ng Tiktok Videos

jan-valentines-gift-ideas-6aPhoto courtesy of Travelsourced via Pixabay

Ituloy ang tawanan sa bahay sa pamamagitan ng paggawa ng mga TikTok videos na puwede niyong i-share sa mga kabigan at kakilala.

Magandang Valentine’s day opportunity na gumawa ng nakakatawa and at the same time important reminder sa mga tao na kailangan pa rin talagang mag-ingat sa kumakalat na sakit. Makakatulong din ito to remind people na hindi naman kailangan gumastos ng malaki para mag-enjoy kasama ang iyong loved one.

7. Mag workout together at home

jan-valentines-gift-ideas-7Photo courtesy of Ivan Samkov via Pexels

Lubus-lubusin na ang pag-lose ng holiday weight noong January by working at home together with your partner.

Marami kayong puwedeng i-try na workout ni pangga gaya ng cardio activities such as zumba and yoga, o kaya mga HIIT (high intensity interval training) workouts na sure na makakapagpapawis!

Iwasan na muna ang pagbili ng mga matatamis na cake at chocolates para na rin makatipid. Help each other grow and achieve body goals this Valentine’s day by staying at home with your partner.

8. Spa day sa bahay

jan-valentines-gift-ideas-8Photo courtesy of Andreas160578 via Pixabay

Bakit ka pa gagastos ng malaki sa labas kung pwede naman kayong mag set ng spa day sa loob ng bahay?

Prepare a series of relaxing activities kasama si Mahal ngayong Valentine’s day. Pwede kayong mag-foot bath habang nanunuod ng TV tapos mag take ng turns na i-masahe ang isa’t isa with mathing scented candles and music sa background.

May mga guide din kung paano mag-conduct ng Ventosa massage sa bahay para matanggal ang mga lamig sa inyong katawan. Just be sure na sundin nang tama ang procedure para di mapaso ang iyong partner!

9. Backyard camping

jan-valentines-gift-ideas-9Photo courtesy of Khamkéo Vilaysing via Unsplash

Missing the outdoors, Suki? Magplano para sa backyard camping kung may space sa inyong bahay to reconnect with nature!

Tama na muna ang paglabas at pagpunta kung saan-saan. Kung may sufficient kayo sa bakuran, subukan na mag-backyard camping sa gabi para makapag cudde kayo ni pangga while star gazing under the night sky!

I-level up pa ang inyong camping moment by cooking barbeques and sharing wine. Isama ang inyong cute pet sa makeshift tent! At pwede rin dalhin ang laptop para manuod ng mga comedy series tulad ng The Good Place at Friends!

Siyempre suki kailangan lang din ng kaunting ingat para sa fire prevention. Siguraduhin na itataboy at ilalayo ang mga flammeable na bagay tulad ng dried leaves at mga tupperware.

Para sa mga gustong makatipid nang bonggang bongga

10. Gumawa ng collage at compilation ng mga photos

jan-valentines-gift-ideas-10Photo courtesy of Barma Kovács via Unsplash

Hindi ibig-sabihin na di mo makikita in person si Mahal ngayong Araw ng mga Puso ay di ka na makakalikha ng mga bagong memories.

Ngayong kumakalat ang pandemic ay mas mabuting magbalik-tanaw sa lahat ng mga pinagdaanan niyo nang magkasama. Subukan gumawa ng collage o compilation sa isang maikling video ng mga photos kung saan kayo magkasama.

Maraming ready-to-download apps na matatagpuan sa Google Play Store at Apple Store na magagamit sa paglikha ng iyong cute at artsy na collage kahit na hindi ka creative.

11. Gumawa ng vision board

jan-valentines-gift-ideas-11Photo courtesy of Mick Haupt via Unsplash

Lahat ng tao ay nag-aabang na matapos na ang pandemya. Mahirap man na isipin ang future ay dapat hindi mawalan ng pag-asa.

Ngayon Valentine’s day, gumawa ng vision board gamit ang pictures online sa tulong ng mga websites tulad ng Google Jamboard. Ipapakita sa Vision board na ito ang mga plans mo na gawin once na safe nang lumabas kasama ang iyong partner. Pwede mong ilagay rito ang mga restaurants na kakainan niyo o mga local at international destinations na pupuntahan niyo pag safe na mag travel.

12. Gumawa ng music playlist para kay mahal

jan-valentines-gift-ideas-12Photo courtesy of Stocksnap via Pixabay

Hirap ka bang humanap ng mga salita para ma-express nang tama sa iyong partner na mahal mo siya? Bakit hindi mo ito gawin gamit ang mga kantang nagpapakita kung gaano siyang kahalaga.

Isantabi na muna ang mga mamahaling Valentine’s regalo tulad ng chocolates at flowers. Libre lang naman ang paggawa ng playlist gamit ang apps tulad ng Spotify.

Gusto mo bang sabihin na kahit nasaan man siya ay naroroon ka rin? Subukan ang Home ng bandang Edward Sharpe and the Magnetic Zeros. Mahilig ba siya sa mga classic na OPM? Bakit hindi balikan ang mga kanta ng Parokya ni Edgar at Silent Sanctuary.

Kung trip mo rin, puwede din namang Spaghetti Song ng Sex Bomb Girls. Sabihin mo na lang sumasakit ang puso, beywang at tuhod mo kapag di siya kasama.

Para sa mga couples who want to share the love

13. Mag-share ng feelings sa podcast

jan-valentines-gift-ideas-13Photo courtesy of Kate Oseen via Unsplash

Share the love sa mga tao by talking about your relationship sa isang podcast. Napakaraming topic na puwede niyo pag-usapan bilang partners na maaaring makatulong sa iba especially sa mga first time mag LDR o long distance relationship.

Take the opportunity to share sa inyong mga listeners na hindi naman kailangan talagang gumastos ng malaki para sa iyong Valentine’s gift kay boyfriend o girlfriend. Ang mahalaga ay may kasama ka na humarap sa napakahirap na unos na pinagdadaanan ng bansa. ‘Di ba, parang ‘Weathering with You’ lang ang peg?

14. Donate money to the needy

jan-valentines-gift-ideas-14Photo courtesy of RODNAE Productions via Pexels

Sa halip na gumastos ng mga mamahaling Valentine’s gifts for your boyfriend or girlfriend, why not save the money and donate it to charity lalo na sa mga nangangailangan?

Puwedeng charities sa Pilipinas na nangangailangan ng iyong tulong lalo na sa organizations na involved sa health at disaster risk recovery. Napakaraming taong nangangailan ng tulong at nahihirapan sa pandemya ngayon kaya it’s important to spread the love this Valentine’s day.

Keep the Valentine’s day safe and special gamit ang mga suggestions na ito, Suki! Hindi panahon ngayon para gumastos lalo na’t nagmamahal ang mga bilihin. Sa kapanahunan na mas may budget na tayo para sa mga magarbong regalo tulad ng mga alahas, eh maaari naman ding mag-shopping for gold sa Palawan Panwshop Bili-Sangla. Para naman sa mga single, don’t be pressured dahil marami ka ring pwedeng gawin to self love sa Araw ng Pag-ibig.

Kaya patunayan na kaya magmahal nang hindi bumibili nang mahal this Febuary 14 by staying at home and staying safe using this guide. Check out more tipid guides para sa lahat ng events this 2021 sa Palawan Express blogs. Dahil sa pagdating sa convenience at love para sa customers, wala nang tatalo pa sa Palawan.

Share: