10 Suki-Approved Wais Investments Para Sa Lahat

Blog

April 16, 2021

wais-investment

May natipid ka bang pera mula sa budget mo sa noche buena, Suki? Maraming pwedeng paggamitan ng mga ipon at mga natipid mo noong 2019, kaya huwag lang ito basta gastahin. Pwede mong gamitin iyan para sa investment. 

Ang investment o pag-iinvest ay ang pagbili ng isang bagay na inaasahan mong lalaki ang value sa hinaharap o maibebenta mo sa mas mataas na halaga. Ang mga investments ay mga pag-aari na tutulong sa iyo na kumita ng pera sa pagdaan ng mga panahon. Kapag nag-invest ka, hinahayaan mong magtrabaho ang pera mo para sa’yo.

Baka idahilan mo na may sapat ka naman nang pera, kaya no need na para mag-invest ka pa. Why is investment important, suki? Dahil ito ang susi sa iyong financial security. Ang ipon, nauubos lalo na kapag nagkaroon ng emergency o bigla kang mawalan ng trabaho. Kung may investment ka, hindi natutulog sa bank account mo kundi kumikita pa ito. Kaya naman, meron kang mapaghuhugutan ng pera dahil sa investment return—o kinita mo sa investment mo.

Magandang mag-invest kung may pera kang extra bukod pa sa emergency fund mo. May mga investment options na kahit Php1,500 hanggang Php5,000 ka lang masisimulan mo na ang investment mo. Kapag magsisimulang mag-invest, sundin ang isang money management guide para may pangdagdag ka sa iyong investment funds.

Ano ba ang mga wais investment opportunities ang swak para sa’yo Suki? Sa article na ito, malalaman mo kung anong klaseng investment ang the best para sa’yo at sa budget mo.

Financial Investments

Close-up-Photo-of-MonitorPhoto courtesy of energepic.com via Pexels

1. Mutual Fund & Unit Investment Trust Fund (UITF)

Ang mutual funds at UITFs ay uri ng pooled funds kung saan pinagsasama at mina-manage ng isang professional investing company (para sa mutual fund) o ng bangko (para sa UITF) ang pera ng iba’t-ibang investors para ito ay lumago.

Swak na swak ang investment na ito lalo na sa mga newbies dahil may professional na tutulong na mapalago nila ang pera nila. Kung meron kang at least PhP 5,000 ay pwede ka na agad makapag simula at kung magdadagdag ka ng pa isa-isang libo kada buwan sa investment fund mo, matutulungan ka nito na makaipon ng mas malaki para sa iyong long term investment goals.

2. Stocks at Bonds

Kung adventurous ka naman Suki at mas gusto mong ikaw ang mag-manage ng pera mo, okay na mag-invest ka sa stocks. Busisiin maigi ang isang kumpaniya bago ka bumili ng stocks nila at maging shareholder nito. Pag nakapag-invest ka na dito, maging laging updated sa performance nila para malaman kung worth it pa bang ipagpatuloy ang pag-iinvest dito o sa ibang kumpaniya na.

Maraming tao ang gustong mag-invest sa stocks kasi kahit mataas ang risk dito, malaki naman ang potential return of investment basta madiskarte ka lang. Kung hindi ka naman risk taker Suki, ang isang option pa ay ang bonds.

Ang bonds ay isang uri ng debt investment na ino-offer ng mga bangko kung saan ang humiram ng pera ay magbabayad sa nagpautang ng specific amount sa fixed maturity plans na napagkasunduan nila. Ang maganda sa investment na ito ay tiyak na babalik sa’yo on time ang pera mo at may tubo pa. 

3. Crowdfunding

a-person-holding-a-white-and-gray-smartphone-2433164Photo courtesy of Artem Beliaikin via Pexels

Kung Php1,500 lang ang meron ka sa iyong investment fund Suki, okay lang ‘yan! Makakapag-invest ka pa rin sa crowdfunding tulad ng FarmOn.ph. Based sa mga itatanim o aalagaan na livestock ng mga farmers per cycle, pipili ka ng gusto mo at ilalaan mo ang pera para magkaroon sila ng budget para dito. Kapag umani na ang mga farmers, tig-50% kayo sa buong kita. Kung minsan, 40% hanggang 200% ang investment return dito.

Magandang option ito kung limited ang budget mo pero gusto mong kumita nang hindi masyadong maraming iniintindi o iniisip; kumbaga para ka lang naglalaro ng Farm Ville sa totoong buhay. Higit sa lahat, nakatulong ka pa sa ating mga masisipag na magsasaka.

4. Real Estate

Kung malaki-laki naman ang naipon mo last year, maganda kung makabili ka ng condominium unit o bahay at lupa na may strategic location bilang investment. Pwede mo itong parentahan monthly o ibenta sa mas mataas na presyo kapag tumaas ang price value nito.

Magandang investment ang real estate lalo na kung regular na may magre-rent dito dahil ibig sabihin, regular din ang magiging kita ng pera mo at di kalaunan ay mababawi mo na rin ang pera na pinambili mo dito. 

5. Maliit na negosyo

two-women-looking-and-pointing-at-macbook-laptop-1569076Photo courtesy of mentatdgt via Pexels

Ang pagtatayo ng business ang isa sa pinaka basic na investment option na pwede mong simulan. Sa maliit na capital, pwede kang makapag simula ng isang simpleng samalamig business at mapaunlad ito. Maraming pagpipiliang produkto at serbisyo sa pagtatayo ng business, ang mahalaga lang malaman mo kung ano ba ang tatangkilikin ng mga tao. 

Kapag business ang napili mong investment, ikaw ang sarili mong boss kaya ikaw ang masusunod. Matutulungan ka rin nito na matuto ng iba’t-ibang diskarte sa negosyo para mapaikot mo ang perang kinikita mo at mas mapalago mo ba ang business mo.

6. Ginto at Alahas

Silver-colored-Ring-With-Clear-Gemstone-1Photo courtesy of Marta Branco via Pexels

Ang ginto ay isa sa mga magagandang investment dahil hindi ito naluluma. Isa pa, pwede mo itong gamitin kapag may mahahalagang okasyon at pwede mo rin itong pagkakitaan sa sa pagbenta ng  kung sakaling malagay ka sa alanganin. Depende sa kalagayan mo, pwede mong isangla ang mga gintong alahas mo kung emergency lang naman ang pagkakagastusan o ibenta ito kung talagang kailangan mo ng pera.

Kung naghahanap ka ng mapagkakatiwalaang pawnshop para sa iyong ginto, dito ka na sa Palawan Pawnshop. Swak na swak sa budget mo ang interest rates dito at kung meron ka namang extra budget at gusto mong dagdagan ang alahas mo, makakapag shopping ka dito ng mga quality jewelries.

Gawin lamang na magtanong ng mga detalye patungkol dito sa ating mga branch associate. Maaaring malaman what is the contact number of the branch closest you gamit ang ating branch finder na makikita sa website.

Pangkalusugan

blue-and-silver-stetoscope-40568Photo courtesy of Pixabay via Pexels

7. Medical Insurance

Maraming uri ng insurance ang available ngayon, Suki. Isa sa mga magandang insurance investment at ang medical insurance. Aminin man natin o hindi, mahal magkasakit sa Pilipinas. Nagkasakit ka na, gumastos ka na, baka mawalan ka pa ng trabaho dahil sa tagal ng absent mo. Kung meron kang medical insurance, hindi mo na dapat problemahin kung saan kukuha ng panghospital kung sakaling magkasakit ka nang malubha o maaksidente. Tiyak na hindi mo magagalaw ang pera na naipon mo sa bangko.

8. Death Insurance

Tulad ng pagkakasakit, ang pagkamatay ng isang mahal sa buhay ay pwedeng biglaang mangyari kanino man. Para maging handa sa ganitong mga di-maiiwasang pangyayari, mahalagang mag-invest ka Suki sa isang memorial plan na sagayon ay hindi kayo matataranta kapag namatayan kayo ng isang mahal sa buhay dahil hindi niyo alam kung paano siya mabuburol at maipapalibing dahil magastos din ang mamatayan. 

Ang maganda isa ibang memorial plan ay kung hindi mo ito magagamit, pwedeng maibalik sa’yo ang perang na-invest mo sa insurance para magamit mo pa sa ibang bagay o ma-invest pa sa ibang investment options.

Pansarili

photography-of-people-graduating-1205651Photo courtesy of Emily Ranquist via Pexels

9. Edukasyon

Syempre Suki, hindi lahat ng investment ay tungkol sa pera. Dapat na mag-invest ka rin para sa overall well-being mo. Kung may time ka at mahilig kang mag-aral, pwede kang mag-take up ng short courses na interesting para sa’yo o related sa work mo para mas ma-improve mo pa ang sarili mo kasama na dito ang talents mo at mga kaalaman mo.

10. Travel

jet-cloud-landing-aircraft-46148Photo courtesy of Pixabay via Pexels

Ang pag ta-travel ay isang paraan para makilala mo ang sarili mo at ang mundong ginagalawan mo. Hindi mababayaran ng pera ang mga karanasan mo sa iyong mga travels at magandang uri ng self-investment ito para sa’yo. Matutulungan ka nito na magkaroon ng malawak na pag-kaunawa at pagpapahalaga sa buhay.

Totoo, ang pag-iinvest ay mahalaga dahil tintulungan ka nito na maging handa sa ano mang mga problema na pwedeng ibato sa’yo ng buhay. Kung wais mong ma-iinvest ang pera, panahon, at lakas mo, hindi ka lang magiging financially stable, Suki, magiging isang matatag kang indibiduwal na natagpuan ang kaligayahan sa buhay.

Share: