Mga Wais Na Paraan Para COVID-free ang Family

Blog

March 19, 2021

wais-na-paraan

Health is wealth, Suki! Kaya naman, mahalagang maproteksyonan ang kalusugan lalo na at laganap ang mga sakit tulad ng COVID-19. Hindi lang karamdaman ang dala ng pagkakasakit. Maaapektuhan din nito ang iyong finances at abilidad na kumita. Ika nga, mahal magkasakit. Sa kaso ng isang global pandemic, ang ekonomiya ng mga bansa ang apektado. Limitado ang pagkilos ng mga tao at ang resources ng bawat pamahalaan at nakatuon sa pagpigil ng pagkalat ng infection.

Nararapat na alamin ang mga iwas COVID-19 tips upang makaiwas ang buong pamilya dito at sa iba pang mga sakit. Know what is Coronovirus and how to to avoid it with this helpful guide:

Ano ang COVID-19?

coronavirus-news-on-screenPhoto courtesy of Markus Spiske via Pexels

Ang COVID-19 ay isang infectious disease o nakakahawang sakit na dala ng novel coronavirus. Sa ngayon, wala pa ring vaccine at lunas ang sakit na ito. Inaalam pa rin ang tunay na causes at pinagmulan ng sakit na ito.

Ano ang mga sintomas ng COVID-19?

Ayon sa World Health Organization (WHO), ang mga common Coronavirus symptoms ay

  • Lagnat
  • Pagkapagod or tiredness
  • Tuyong ubo o dry cough

Maaari ring makaranas ng:

  • Pananakit ng katawan,
  • Sipon,
  • Sore throat 
  • Diarrhea.

Maaaring makaramdam ng matinding sintomas ang mga nakakatanda o mga senior citizens at ang mga may sakit tulad ng high blood pressure, heart disease o diabetes. Kasama rin sa mga high-risk ang mga buntis at mga nagpapasusong mga nanay.

Subalit may mga infected na hindi nagpapakita ng sintomas. Sila ang tinatawag na mga asymptomatic. Dagdag pa ng WHO, about 80% ng mga gumaling sa COVID-19 ay hindi nangailangan ng special medical treatment.

Paano kumakalat ang COVID-19?

woman-lying-on-bed-while-blowing-her-nosePhoto courtesy of Andrea Piacquadio via Pexels

Maaari mong makuha ang virus mula sa isang infected person, may sintomas man siya o wala. Kumakalat ang COVID-19 sa pamamagitan ng paghanghap ng droplets mula sa ilong o bibig ng isang infected person matapos itong umubo o bumahing. Maaari ring makuha ang sakit sa paghawak sa mga bagay at surfaces na may COVID-19 droplets. Kaya importante ang pagpapanatili ng 1 meter (3 feet) na distansya sa ibang tao o ang tinatawag na social distancing.

Paano mo mapoprotektahan ang iyong sarili at ang iyong pamilya laban sa COVID-19?

Lumagpas na sa milyon ang COVID-19 positive cases sa buong mundo. Marami na ring bansa ang nagpapatupad ng lockdown para mapigilan ang pagkalat ng novel coronavirus disease. Importante na updated ka sa mga bagong balita at development ukol sa public health issue na ito.

Protect your family from COVID-19 at ibang sakit with these tips:

1. Kantahin ang Happy Birthday Song nang dalawang beses habang hinuhugasan ang kamay.

cooking-hands-handwashing-healthPhoto courtesy of Burst via Pexels

Ang malimit na paghuhugas ng kamay ay makakatulong sa pag-iwas sa COVID-19 at iba pang sakit na dala ng bacteria o virus. Importante rin ito sa pag-iwas sa common colds, flu, at infections. But remember to do it properly. Wash your hands for 20 seconds o equivalent sa pagkanta ng Happy Birthday Song nang 2 beses. Gumamit ng sabon at malinis na tubig at patuyuin ang iyong mga kamay gamit ang malinis na towel o tissue paper.

2. Disinfect ang kamay gamit ng alcohol, lalo na kapag aalis ng bahay.

Kapag nasa bahay ka lang naman, maaaring maghugas na lang ng kamay with soap and water. Subalit kung lalabas ka ng bahay para bumili ng pagkain o gamot, gumamit ng alcohol or alcohol-based hand sanitizer. Disinfect your hands after touching money and surfaces in public places.

3. Iwasan hawakan ang mata, ilong, at bibig gamit nang madumi na kamay.

Madaling maikalat ang virus gamit ang mga kamay. Maililipat ang virus sa iyong katawan sa pamamagitan ng paghawak sa mga mata, ilong, at bibig. Bago hawakan ang iyong mukha, ugaliing maghugas ng mga kamay o mag-disinfect with alcohol or hand sanitizer.

4. Gumamit ng face masks.

woman-in-white-face-maskPhoto courtesy of Polina Tankilevitch via Pexels

Many cities and provinces are already requiring the use of face masks when going out. Ang face mask ay proteksyon sa nagsusuot nito at sa mga tao sa paligid laban sa paglanghap ng droplets na maaaring may Coronavirus. Kung hindi na makabili ng surgical masks, maaring gumamit ng washable masks. Pwede ring gumawa ang iyong pamilya ng DIY masks.

5. Observe social distancing.

crowd-reflection-color-toyPhoto courtesy of Markus Spiske via Pexels

Ayon sa mga eksperto, importante na may at least 1 meter (3 feet) na distansya sa ibang tao lalo na sa mga umuubo o bumabahing. Maaring malanghap ang droplets na may virus mula sa isang infected person.

6. Manatili sa loob ng bahay, lalo na kapag may sakit.

person-holding-thermometerPhoto courtesy of Polina Tankilevitch via Pexels

Hangga't maaari, manatili lamang sa iyong bahay. Lumabas lamang upang bumili ng mga essential needs tulad ng pagkain at gamot. Huwag nang lumabas kung may lagnat, ubo o sipon, o masama ang pakiramdam. Makisuyo na lamang sa kakilala o magpa-deliver sa iyong bahay.

7. Maglinis and mag-disinfect ng bahay madalas.

Panatilihing malinis ang iyong tirahan upang makaiwas sa COVID-19 at iba pang sakit. Huwag ipasok sa loob ng bahay ang mga sapatos at tsinelas na ginamit sa labas. Mainam rin na maglagay ka ng foot bath sa mga pintuan. Maglagay ng basahan na ibinabad sa bleach at tubig sa isang plastic or aluminum tray. Step on it for a while before entering your home.

8. Kumain ng masustansyang pagkain.

Assorted-VegetablesPhoto courtesy of Vo Thuy Tien via Pexels

Ang matibay na resistensya ang pinaka-epektibong panlaban sa sakit. Iwasan ang mga junk food at maalat na processed meat. Magluto ng vegetables, meat, chicken, and fish. Para sa meryenda, pwede kang magprito ng saging na saba o maglaga ng kamote.

9. Mag-exercise everyday.

color-colour-fitness-healthPhoto courtesy of Pixabay via Pexels

You don't need to go to the gym or mag-jogging sa labas para makapag-ehersisyo. Maaari kang mag-stretching, strength exercise, o mag-zumba sa loob ng iyong bahay. Aspire for at least 30 minutes of exercise per day.

10. Matulog ng maaga at mabuti.

photo-of-person-holding-alarm-clockPhoto courtesy of Acharaporn Kamornboonyarush via Pexels

Ang pagpupuyat ay nagpapahina ng resistensya ng katawan. Importante na makapagpahinga ang iyong katawan at isipan ng 7-9 hours each day. Huwag ring matulog nang sobra-sobra. Maging aktibo sa umaga. 

Top priority dapat ang kalusugan, may pandemic man o wala. Kapag may sakit ka o ang miyembro ng iyong pamilya, apektado ang maraming bagay. Mababawasan ang iyong ipon, hindi ka makapagtrabaho, at stressed ang pamilya. Taking care of your health, kasama na ang pag-iwas sa mga bisyo, is among the essential money savings hacks you should know by heart.

Bukod sa pag-iwas sa pagkakasakit, stay informed about important matters. Get COVID-19 updates and medical information from reliable sources only. Hindi makakatulong ang pagbabasa at pagkakalat ng mga haka-haka. Umiwas sa mga fake news, Suki!

Share: